Pinihit ko pakaliwa ang door knob pero matigas ito. Pinihit ko sa kanan, pero gano’n din, kaya napamura ulit ako. “Tangina, naka-lock pa yata!” naiinis na sambit ko. “Teka, ako nga. Naiinis ka agad eh,” pakli ni Miss Nori tapos sya naman ang nagpihit-pihit ng door knob, nakumbinsi sya kaagad nang hindi rin nya nagalaw ang seradura. “Oo nga, naka-lock. Baka hindi rito ang CR, teka.” Binunot nya ang kanyang cellphone sa dala nyang purse at binuksan ang flashlight nito pagkatapos ay inilawan ang mga katabing pinto na pare-pareho lang ang mga itsura. Wala sa loob kong pinipihit-pihit ang seradura ng pinto habang tinitingnan ko rin ang kanyang iniilawan nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. “Ay depotang kalabaw!” halos umangat ako sa sahig sa sobrang gulat. “Master! Ay, sir!” gulat rin na sambit ni Miss Nori. “Nasa’n ba kasi ang kalabaw na ‘yan?” natatawang tanong ni Seiji habang itinataas ang manggas ng suot nyang long-sleeve pakalahati sa kanyang braso. Marahil nagulat
“Hindi ba sabi mo may ipapakita ka pala sa ‘kin? Ano ba ‘yun? Pwede ko bang makita ngayon?” naglulumanding tudyo ko sa kanya. “Uhm, ma-mamaya na lang siguro kapag nakapag-dinner na tayo. Mahaba pa naman ang gabi,” natitilihan nyang sagot saka napatingin sa pagbukas ni Miss Nori ng pinto ng CR. “Okay, ikaw ang bahala,” sagot ko naman. “Iwan ninyo na ako para makapag-start na kayo ng dinner.” “Sure ka, dai, okay ka lang?” “Oo, okay lang ako. Bababa na lang ako pagkatapos ko,” pagkuwa’y pumasok na ako sa loob ng CR at pininid ang pinto. Naririnig ko pa silang dalawa sa labas na nag-aayaang bumaba, tapos ay bigla na lang tumahimik. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong bumaba na sila, ayoko pa naman ng may nagbabantay sa mismong labas ng pinto habang umiihi ako kasi nako-conscious ako. Matapos kong i-enjoy ang aking pag-ihi ay nag-umpisa na akong ire-touch ang aking sarili sa harap ng maliit na salamin ng maliit rin na lababo ng restroom. Inilugay ko ang mahaba kong buhok a
Nahulaan ko na agad sa mga itsura nila na kami ang tampok ng kanilang tsismisan at tawanan bago kami dumating. “Nag-CR lang, magka-holding hands na agad-agad?” komento ng isa naming ka-guro na si Sir Jonel na medyo may pagkasilahis pero tatlo na ang anak nang makaupo kami sa dining table. “Inalalayan ko lang sya sa hagdan,” natatawang dumipensa si Seiji. “How’s the wine? Masarap ba?” pag-iiba nya habang sinasalinan ng babaeng Kastilain ang kanyang wine glass. “Oo, Sir, masarap gaya ng tinginan ninyong dalawa. Matamis na matamis,” sagot ni Miss Nori na tipong kinikilig-kilig pa, umugong na naman ang tawanan nilang lahat. Nakitawa rin sya sa biro na iyon ng baliw kong kaibigan sabay napasulyap sa akin na ikinalakas lalo ng tawanan nila. Kunwang inalihan naman ako ng hiya, tumungo ako at inayos ang pagkakapakat ng salamin ko sa mata. “Simmer down, baka naiinis na si Miss Kataleia at si Mr. Mendoza sa biruan ninyo,” saway ni Rector na katapat ko lang sa mahabang lamesa, pigil-pigil a
[Knives’ POV] ‘Masarap ba dinner?’ ‘Ok lang babe. Kumusta ka?’ ‘I’m OK. I miss you.’ ‘Miss na rin kita babe. We’re not done with the meeting, lumipat lang kami ng venue.’ Para akong teenager na nangingiti nang mag-isa sa pagpapalitan namin ng sweet nothings ng aking bagong textmate. I glance at my phone’s clock; it’s 6:30. Maaga pa. Napagdesisyunan kong umalis na kapag malapit na syang umuwi, susunduin ko sya sa school so dapat before 11 pm naroroon na ako sa school gate para abangan ang aking magandang ibon. ‘Antagal ng meeting nyo babe. Success ba?’ ‘We're sealing the deal babe. Next week magpipirmahan na kami. Masakit na nga ang ulo ko.’ I unconsciously pouted my lips as if nakikita ako ng ka-text ko. ‘Talaga? Nice one babe! Mamasahiin ko lahat ng ulong meron ka mamaya. *three winking emojis* Ingat ka babe.’ Hindi ko naiwasang hindi ma-voice out ang aking tawa sa segway nyang iyon. Na-imagine ko agad ang masaheng sinasabi nya sa iba ko pang ulo. Napaisip ako b
Shit! Naninindig ang mga balahibo ko sa pagkanta ng isang babae na hiwalay na hiwalay naman sa tono ng kanta. Pakiwari ko ay may tumutusok na matalim sa loob ng aking tenga sa maganit at nakakatulig na matinis nitong boses. Nakita ko kung gaano na kahaba ang mga kantang naka-lineup sa screen ng TV—mukhang masusulit nila ang renta ni Henson sa VIP lounge na ito. Tumabi ako sa kanya at iniwang nagkukumpulan ang mga babaeng enjoy na enjoy sa pagkanta nang may halong pasayaw-sayaw na tila hindi na rin kami napapansin. “I didn’t know this is your idea of fun, Yee. I’m sorry but I really don’t appreciate it,” I utter with disgust. Hindi ako nahiyang ipakita sa kanya ang frustration ko. I’m worth 49 billion pesos pero sa ganito ka-cheap na bar nya ako dinala, kasama ang mga cheap rin na babaeng napulot nya kung saan. Napahalakhak sya sa aking sinabi. “I’m sorry, akala ko ito ang trip mong gawin since I heard from your sister na gabi-gabi ka raw sa isang bar noon para uminom. Please,
[Kateleia's POV]“Ano raw?!”Kumukunot ang noo ko habang pinipilit kong intindihin ang nagkahalo-halong mga letra sa text message ni Ahya. “Bakit? May nangyari ba?” tanong sa akin ni Seiji nang mapansin ang pagsimangot ko. Inilapag nya sa harap ko ang kabubukas palang nyang bote ng beer.“Si Ahya kasi nagtext, pero hindi ko naintindihan,” sagot ko sa kanya.“Oh, bakit daw? Baka lasing,” naupo sya sa tabi ko. Kinibit ko ang aking balikat. Kanina lang ay magka-text kami at ang sabi nya nasa meeting pa raw sya. Paanong nalasing na agad ang nasa meeting palang?Naisip kong tawagan si Atsi, nag-excuse ako kay Seiji at lumakad palabas ng pergola patungo sa isang banda ng kanyang garden.“Atsi? Nasa bahay po kayo?” tanong ko nang sagutin nya ang aking tawag. “Ah, y-yes… Why, Shobe? S-some… thing w-wrong?” Napansin ko ang paghahabol nya ng kanyang hininga, naisip kong baka nasa treadmill sya ngayon kaya parang hingal na hingal ang kanyang boses.“Wala naman po, itatanong ko lang po kung nak
“Uhm, kasi hindi ako sumasayaw— Oops! Ayos ka lang?” gulat ko sa kanya nang mapasubsob sya sa gilid ko sabay tawa nya nang malakas, buti na lang natukod nya agad ang kanyang kamay sa sandalan ng couch kundi nangudngod talaga sya rito.“Oo naman, Miss Kat, okay na okay lang ako… Baka ikaw ang hindi okay kasi ayaw mong maki-join sa ‘min. Puro pa-cute ka lang kay Master Seiji. Kanina pa nga kayo magkatabi. Mag-jowa na ba kayo?” walang anong tanong nya sa akin.“Hindi kami mag-jowa kasi may jowa na sya na sa malayo nakatira,” si Seiji ang sumagot sa tanong nya na tatawa-tawa sa kakulitan nya. Natawa ako sa pagkakabanggit nya ng word na ‘jowa’. Ang lalim kasi ng boses nya eh, lalakeng-lalake, gaya ng boses ni Ahya. Kaya parang nakakatawa ang pagbigkas nya ng salitang bakla na iyon para sa akin. Naalala ko nga palang iyon ang dinahilan ko sa kanya noong unang beses ko syang binasted.“Ows? Hindi ako naniniwala sa ‘yo, Miss Kat. Wala kang jowa!” nguso nya. “Kung may jowa ka na edi sana hind
“Sweet dance ‘yan, dai! Alam na!” kinikilig na tudyo ni Miss Nori nang marinig din nya ang tugtog. “Ganito lang kasi ‘yun, sir. Ilalagay mo ang mga kamay mo dito,” gagap ko sa dalawa nyang kamay para ihawak sa maliit kong bewang saka ko isinampay ang mga braso ko sa balikat nya. Actually, inikot ko pa nang bahagya kaya parang nakayakap na ako sa batok nya. Napapahagikhik ako sa itsura nyang ilang na ilang. Sa ibang bagay sa likod ko nagpapalipat-lipat ang tingin nya at hindi sa mukha ko habang sumasabay sa pagsa-side step ko. Nakita ko ang pagbubutil-butil ng pawis sa gilid ng kanyang noo at pagtataas-baba ng adam’s apple sa kanyang makinis at morenong leeg na lalo kong ikinabungisngis. Lalong lumalakas ang nguynguyan ng mga co-teachers ko sa nakakakilig na eksena namin kaya nilandian ko pa nang konti, tuwing tatawa ako ay lalo ko pang idinidikit ang aking sarili sa kanya. “Tumingin ka sa ‘kin para sweet. Kasi ‘sweet dance’ nga eh," biro ko pa sa kanya. Trip na trip ko talaga syan
“Yes po, Ahya?” “I want to give you this,” I pulled out the blue leather Tiffany box in my pocket and showed her what’s inside. "Happy, happy birthday, Shobe." “Wow! Ang ganda naman!” she exclaimed in delight as I hand her the necklace. Tuwang-tuwa sya habang inuusisa ito sa kanyang palad. Hinding-hindi talaga ako nagsisising ito ang pinili kong iregalo kahit halos kasinghalaga nito ang oto ko dahil sa pagniningning palang ng mga mata nya nasulit na ang binayad ko. “You wanna…?” muestra ko na isusuot ko sa kanya ang kwintas kung gusto nya. Kinikilig na tumalikod naman sya agad sa akin at ipinaling lahat ng buhok nya sa isa nyang balikat. “Pero, Ahya, baka magalit ka kapag hinubad ko ‘to mamaya ha, kasi baka mawala eh. Magsu-swimming kasi ako. Hindi ako marunong mag-swim-swim na kagaya ng ginagawa mo, pero magsu-swimming ako,” sabay bunghalit nya ng tawa. Natawa ako sa sinabi nya. Napaka-bubbly talaga ni Kataleia, that’s only one of the many things I love about her. “Of
[Knives’ POV]“What are you doing?” I ask Divine when I see her moving my things onto my Tourister.“Packing up,” she softly answers. “Ako na’ng gagawa n’yan. May tinatapos lang ako, pero gagawin ko ‘yan,” I retorted, gazing not at her but at my MacBook. I really don’t like anyone touching my stuff—not even her. Our flight’s a few days away. Divine already bought the tickets; kailangan ko nang makauwi at harapin ang aberyang nangyayari sa isang site namin sa downtown Manhattan. My secretary went MIA a few days back—for no reason whatsoever. Investors keep bugging me about the construction delay, so I need to be there as soon as I can. ‘As soon as I can,’ I tell myself. But honestly, I couldn’t. My mind keeps telling me I should leave; kaya na ni Yee itayo ang mall kahit wala ako. Nasa kanya na lahat ng plano at resources para matapos ang project; in-assure na rin naman nya ako na he’ll keep in touch. But my heart keeps telling me otherwise, because it feels really empty, longing f
“Hindi po, nasobrahan lang ako sa tulog. Masakit kasi ang ulo ko kagabi,” sagot ko na napapakamot sa gilid ng aking sintido. Naagaw ang pansin nya ng mga kalat sa kwarto ko. “Ang gulo ng kwarto mo, Kataleia! Tingnan mo, inaagiw ka na!” turo nya sa mga nagkalat na damit at sa mga burol ng papel na nakalatag sa lapag. OA rin talaga si Mama; makalat lang naman kasi hindi pa ako nakakapaglinis, pero wala namang agiw. “‘Eto ang mga pasalubong ko sa ‘yo, magaganda ‘yan, imported. Sana kasya sa ‘yo.”“Naku, salamat po, ‘Ma!” Nagpasalamat ako kahit bahagya akong napapangiwi sa nakita ko nang iangat ko ang mga napamili nyang gamit at sapatos para sa akin. Wala talagang ka-taste-taste si Mama sa pagpili ng mga damit. Akala nya siguro kasing-edad ko na sya kaya parang puro pangmatanda ang kulay at style ng mga napili nya. “Akala ko anak nagalit ka sa ‘kin kasi pinauwi ko si Seiji kagabi, sorry ha. Nahiya kasi ako kay Knives eh, baka hindi nya gustong may natutulog na ibang tao rito, lalo na’
“Atsi! Bakit gising ka pa? Hindi na ako nakapagpaalam kasi sumakit bigla ang ulo ko.” At iyon na ang magiging opisyal na dahilan ko kung sakaling may magtatanong sa akin kung bakit ako biglang nawala sa inuman kagabi. “Hindi ako makatulog, sabi ni bestie darating daw sya ng madaling araw eh. Hihintayin ko na lang,” kahit madilim ang kwarto ko ay kitang-kita ko ang mapuputi nyang ngipin sa kanyang pagngiti pati na ang nangingitim na paligid ng kanyang mga mata sa pagkakalat ng eyeliner nyang hindi pa nya natanggal. “Nakita kitang lumabas ng kwarto kaya naisip ko lang na silipin ka. Kaso, matagal kang bumalik.”“Nagkwentuhan pa kasi kami ni Nanay Myrna,” sagot ko naman habang pinupungas-pungas ang mabibigat kong mga mata. Inilapag ko ang dala kong pitsel at baso sa side drawer ng kama at naupo patalikod sa kanya, sinuot ko ang salamin ko at nagkunwaring may kinakalikot ako roon para hindi nya mapansin na nag-iiyak ako mula pa kagabi. “I’m pregnant, Shobe,” mahinang sambit nya. “Huh?
Hatinggabi na nang bumangon ako sa kama ko. Kinurap-kurap ko ang namamaga at pagod na mga mata at tinungo ang banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Binuksan ko ang pinto ko. Tahimik na ang buong mansyon. Wala na ang malakas na tugtog ni Atsi Olivia sa living room. Tapos na ang welcome home party nina Tito Miguel. Minasdan ko ang siwang sa ibaba ng nakapinid na pinto ng kwarto ni Knives, ngayong gabi lang madilim ang kwarto nya sa lahat ng mga gabi na naaaninag ang liwanag mula sa desk lamp nyang iniiwan lang nyang bukas magdamag. Nanariwang muli sa akin ng hapdi ng pagtatalo namin kanina at ang ginawa kong pakikipaghiwalay, nabasa na na naman ng luha ang paligid ng mga mata kong saglit lang na napreskuhan nang basain ko ang aking mukha. Bumaba ako sa hagdan, kanina pa tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya kukuha ako ng maiinom. Napaatras ako nang madatnan ko si Nanay Myrna sa comedor na nakaupo at nagkakape. Ngumiti ako pero iniwas ko ang aking tingin at dumiretso sa kusina. Na
Atubiling sumunod sila sa utos ni Knives. Nadama nila siguro ang tensyong namumuo sa amin kahit na ngiting-ngiti ako. Binilin ni Nanay Myrna ang karneng malapit nang maluto at lumakad palayo nang pasimpleng nagbubulungan. “Hindi ka na nahihiya talaga, ano?!” marahas ko syang tinulak nang tuluyan nang makapasok sina Pearl sa likurang pintuan kung saan kami nanggaling. Tumalikod ako sa kanya at akma na ring babalik sa loob pero pinigilan nya ako, pagalit na hinatak nya ako sa isang braso. “Don’t walk away from me! Mag-uusap tayo ngayon!” “Ano ba, Knives!” inis na pumiksi ako nang may ilang metro sa kanya. “Lasing ka, baka may makakita sa ‘tin, and’yan lang ang mama ko sa loob. Sa susunod na lang tayo mag-usap,” tumalikod ako ulit sa kanya sabay lakad ko nang mabilis palayo. “Mag-uusap lang naman tayo ah! Why do you always wanna get away from arguments, Kataleia, huh?! You’re not walking away from me again. We’ll talk. Now!” hinatak nya akong muli sa braso sabay yakap nya sa
Natigilan si Mama saglit, nangusap ang mga mata nyang tiningnan ako. Nagtataka sya siguro o nahiya sya bigla. Nang makahuma sya ay wari naman syang nabalisa na paalisin na agad si Seiji.“Ahh… Gawin mo na ‘yung fruits ni Ahya mo, ‘nak, ako na lang ang maghahatid kay Seiji sa labas. Naku! Gabing-gabi na pala, ano? Hindi ko na napansin ang oras! Si Miguel kasi parang ano, ang daldal! Dyusme, gusto ko na nga rin magpahinga eh. ‘Kamo may novena sa school n’yo bukas? Pwede ba ang outsider do’n? Kung pwede ang outsider, makikipag-novena ako. Para mapasyalan ko na rin ang pinagtuturuan ni Kataleia. Tara na, ihahatid na kita,” tuluy-tuloy na salita ni Mama. Nadidismayang tiningnan na lang ni Seiji ang hawak nyang baso na may laman pa sabay tungga. “Mag-magte-text ako kapag nakauwi na ‘ko,” Iyon na lang ang nasabi ni Seiji sa akin kasi hawak na ni Mama ang braso nya at iginigiya na sya palabas ng kusina at iniwan kami ni Knives.“Wow! Ang ganda ng suot mo. Bagay na bagay sa ‘yo. Sino’ng bumil
“Thank you for driving her home safe, Seiji. Pero sana nagpaalam kayo para hindi ako naghanap kay Kataleia, but anyways, thank you,” saad nya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalutan ako ng tensyon sa pasaring nyang iyon. Siguradong makakarinig na naman ako ng dramatic na litanya ni Knives once na makapag-solo kami.Inip na inip na ako sa paghuhuntahan nila sa dining table pero mukhang wala pang balak tapusin ni Tito Miguel ang gabing ito, ganyak na ganyak pa rin sya sa pagkukwento nya roon. Nakipag-shot pa sya ng isang whiskey sa mga lalake, kami namang mga babae, wine ang tinitira. Wala rin ni isa ang tumayo sa lamesa, nagpatuloy lang ang paghahain nina Nanay Myrna ng pika-pika at kung anu-ano pang pinapaluto ni Tito Miguel sa kanya.Parang hindi napagod si Tito Miguel sa biyahe nila. Samantalang ako, parang sinisilihan ang pwet ko sa pagkakaupo sa harap ng hapag. Nag-excuse na nga ako na pupunta na sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Mama kasi mayroon pang bisita. +++++“Kukuha l
“Welcome back, Mrs. Tuazon! So nice to finally meet you,” bati ni Seiji na ngiting-ngiti. Kinuha nya ang kanang kamay ni Mama at humalik sa likod ng palad nya. Pinagmamasdan ko ang blankong expression ng mukha ni Mama na nakatitig kay Seiji. Inaasahan kong babawiin nya ang kamay nya at magsusungit, pero hindi, hinayaan lang nyang madampian ito ni Seiji ng halik. “Uhm, ‘Ma? Si Seiji po, ka-work ko,” pakilala ko kay Seiji. “Ka-work?” blanko rin ang expression ni Mama pagsulyap nya sa akin tapos ibinalik nya ulit ang tingin kay Seiji. “‘Kala ko boyfriend mo na itong matangkad at poging lalakeng ‘to.” Napaismid ako. Kung hindi rin ako nagkakamali ng hula ay kasalukuyang name-mesmerize si Mama ng lalakeng nasa harapan nya ngayon. Sa edad kong ito ngayon ko lang nakitang namangha si Mama sa lalakeng pinakikilala ko. Literal na galit kasi sya sa lahat ng lalakeng dumadalaw sa bahay namin noon kaya nga nasanay na akong sa mga relasyong lihim lang sa kaalaman nya. “Kataleia, I missed yo