Share

PART 124 - KALMA!

“Ano raw?!”

Kumukunot ang noo ko habang pinipilit kong intindihin ang nagkahalo-halong mga letra sa text message ni Ahya.

“Bakit? May nangyari ba?” tanong sa akin ni Seiji nang mapansin ang pagsimangot ko. Inilapag nya sa harap ko ang kabubukas palang nyang bote ng beer.

“Si Ahya kasi nagtext, pero hindi ko naintindihan,” sagot ko sa kanya.

“Oh, bakit daw? Baka lasing,” naupo sya sa tabi ko.

Kinibit ko ang aking balikat. Kanina lang ay magka-text kami at ang sabi nya nasa meeting pa raw sya. Paanong nalasing na agad ang nasa meeting palang?

Naisip kong tawagan si Atsi, nag-excuse ako kay Seiji at lumakad palabas ng pergola patungo sa isang banda ng kanyang garden.

“Atsi? Nasa bahay po kayo?” tanong ko nang sagutin nya ang aking tawag.

“Ah, y-yes… Why, Shobe? S-some… thing w-wrong?” Napansin ko ang paghahabol nya ng kanyang hininga, naisip kong baka nasa treadmill sya ngayon kaya parang hingal na hingal ang kanyang boses.

“Wala naman po, itatanong ko lang po kung nakauwi na si Ahya.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status