“Sweet dance ‘yan, dai! Alam na!” kinikilig na tudyo ni Miss Nori nang marinig din nya ang tugtog. “Ganito lang kasi ‘yun, sir. Ilalagay mo ang mga kamay mo dito,” gagap ko sa dalawa nyang kamay para ihawak sa maliit kong bewang saka ko isinampay ang mga braso ko sa balikat nya. Actually, inikot ko pa nang bahagya kaya parang nakayakap na ako sa batok nya. Napapahagikhik ako sa itsura nyang ilang na ilang. Sa ibang bagay sa likod ko nagpapalipat-lipat ang tingin nya at hindi sa mukha ko habang sumasabay sa pagsa-side step ko. Nakita ko ang pagbubutil-butil ng pawis sa gilid ng kanyang noo at pagtataas-baba ng adam’s apple sa kanyang makinis at morenong leeg na lalo kong ikinabungisngis. Lalong lumalakas ang nguynguyan ng mga co-teachers ko sa nakakakilig na eksena namin kaya nilandian ko pa nang konti, tuwing tatawa ako ay lalo ko pang idinidikit ang aking sarili sa kanya. “Tumingin ka sa ‘kin para sweet. Kasi ‘sweet dance’ nga eh," biro ko pa sa kanya. Trip na trip ko talaga syan
“Late na rin pala,” sulyap ko sa relo kong suot. Kanya-kanya nang halukipkipan ang mga kasama rito sa tinatambayan namin kina Seiji. Boring. Whoof! Ihip ko sa maliliit na bangs na lumugay sa noo ko. Hindi naman ito party sa pagtataya ko, kasi ang alam kong party masaya at maingay. Itong birthday party ni Seiji parang sleepover ang kinatuluyan. Marami ngang alak, pero dahil sa hindi naman ganoon kalalakas uminom ang mga kaharap ko at pagod din sa maghapong duty namin sa eskwelahan, heto na sila ngayon, mga tulog na. Aside from Miss Nori na nakapikit at pabulol na kanta nang kanta nang mahina sa inuupuan nyang swing kipkip ang kanyang tiyan. “Miss Nori, h’wag ka kasing maupo d’yan. Gumagalaw ang swing eh,” sabi ko sa kanya pero hindi sya kumilos sa pagkakasandal nya sa lubid na swing. Pinakikiramdam ko syang maigi, kasi tatlong beses na syang sumuka, sa dami na ng sinuka nya parang pati inalmusal nya kaninang umaga bago sya pumasok ay inilabas na nya.“Dai, uwi na ‘ko,” mahinang sab
Nanginig ang buo kong katawan at halos mapatalon nang magulat nya ako. Napatakbo ako tuloy papunta sa kanya sa pagkabigla ko, agad nya naman akong sinalubong ng mainit na yakap. “Uy, hindi kita tinatakot, huh. Nagtanong lang ako,” ngisi nya habang yapos-yapos nya ako sa likod. “Seriously, ano ngang sinisilip mo do’n?” “Uhm, ‘yung ibaba lang,” na-realize ko ang pagka-conscious ko kaya medyo humihiwalay na ako sa kanya pero mahigpit na ang yakap nya sa akin na hindi ako makawala. Kung manlalaban ako magbibitaw naman siguro, pero syempre, hindi ako pipiglas. Wala lang. Wala naman akong rason para magpipiglas, magiging OA lang ang dating ko. “Uuwi na raw kami, mga tulog na sila,” kumapit ako nang bahagya sa likuran ng kanyang damit. “Masarap ka palang yakapin, parang nagugustuhan ko na,” bulong nya na hindi pa rin ako binibitawan, idinikit nya ang kanyang baba sa aking noo at malamyos na hinahaplos-haplos pa nya ang likod ko. Palihim na kinilig na naman ako sa itsura naming par
Kumukunot ang noo ko habang pinakikinggan ang pag-i-inhale exhale ni Winston sa mouthpiece. Hetong katabi ko rin naman hindi mapalagay sa isang pwesto ang kamay, padapo-dapo ng haplos sa likod, braso, tagiliran ko kaya hindi ako maiwasang hindi mapaigtad-igtad sa kiliti. “Shh!” saway ko kay Seiji nang medyo malambing din naman, inipon ko ang mga kamay nya at iniyakap ko nang mahigpit sa bewang ko. Kita ko ang pumupungay ang kanyang mga mata habang hinahalik-halikan ako sa balikat. Libøg na libøg na siguro ‘tong ugok na ‘to, pero hindi—hindi ‘yon mangyayari ngayon. “Busy ka ba ngayon? Pasensya na sa istorbo,” sabi ni Winston, akala nya sya ang sinasaway ko. “Hi-hindi ah! May daga kasi rito, tinabog ko lang,” natawa nang mahina si Seiji sa sinabi kong ‘yon tapos isinandal nya ang likod sa upuan. Tumingin sya sa kisame na pangisi-ngisi na akala mo ay nananaginip nang gising. “Bakit nga? Nag-away ba kayo?” baling ko kay Winston. “Uh, hindi pa kasi sya umuuwi eh.” “Baka may din
“Hmm… Seiji… Ayokong umuwi… Dito ako matutulog sa ‘yo,” nakapikit at latang-latang anas ni Miss Isabel nang gisingin namin sya ni Seiji. “Huh?” Sulyap sa akin ni Seiji. Kinibit ko lang ang balikat ko. “Uhm, wala kang ekstrang damit. Wala rin akong maipapahiram sa ‘yo eh. Wala namang damit pambabae rito sa bahay.” Pilit nyang iniuupo si Miss Isabel pero parang napakabigat ng katawan nya, na hindi man lang sya magawang magalaw ni Seiji sa pagkakahiga. Mukhang desidido syang dito na nga matulog. Gets ko na ‘yang mga ganyang datingan. Bet siguro nyang magpadale tonight. Natawa ako nang palihim. May tinatago rin palang kalandian ‘tong isa na ‘to. “Okay lang… Dito na lang ako matutulog, please?” Napaupo sya sa tabi ni Miss Isabel nang hatakin sya nito sa hita. Napapakamot sa ulo habang nya akong minasdan habang ginigising ko ang dalawa pa naming co-teachers at inaabutan ng maitim na kape na hinandog ng isang katulong para mahismasan sila kahit papaano. Hindi ako nag-re-react sa pagkab
Gusto ko pa sanang ma-enjoy itong gabing ito at magpunta doon sa bar na kinainan namin noong una naming date. Kaso iniisip ko na kanina pa si Ahya Knives, kapag sinundo nya ako sa school at wala ako do’n hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Nakakapagtaka rin namang hindi na sya tumawag o maski nagtext. Huling palitan namin ng message ay noong dinner pa, Naisip kong baka may business meeting sya tungkol sa negosyo nya sa Manhattan o baka rin naman kausap ang kanyang asawa. Kadalasan kasi ay gabi hanggang madaling araw sya nagtatrabaho, kasabay ng oras sa States. Tapos sa araw naman ay ang focused naman sya business na pinag-uusapan nila nu’ng Instik na friend ni Atsi na Henson ang pangalan. Napakasipag kasi talaga ni Ahya. Du’n ako hangang-hanga sa kanya. Dedicated sya sa kanyang mga ginagawa. No doubt mayaman sya. “Uhm, okay sana kaso kailangan ko nang umuwi eh," kunwang frustrated din ako na napabuntung-hininga pa. “Ah gano’n ba... Sige, iuuwi na lang kita. Pero pwede rin naman
“Baka kasi magising si Miss Isabel tapos hanapin ka. Umuwi ka na lang muna, okay lang naman ako rito. Baka maya-maya rin nandito na ‘yung sundo ko.”“Naroon naman sina Mamancona, may mag-a-attend sa kanya in case meron syang kelangan. Baka kinabukasan na rin ‘yun magising sa kalasingan no’n. Hayaan mo na lang munang samahan kita habang naghihintay ka ng sundo mo. Eh kung tawagan mo na lang kaya sila na ihahatid na kita ngayon para hindi na sila mag-abala pa?”“Hindi kasi pwede eh, ano kasi, baka kagalitan ako. Baka ma-shock sila sa ‘kin ‘pag nakitang may lalake akong kasama.” Oo nga pala, bigla kong naalala kung gaano sya kakulit.“Kilala naman na ako ng ahya at atsi mo, ‘di ba? I don’t think magugulat pa sila kapag nakita nila ako. Baka matuwa pa nga si Atsi mo na sinamahan kitang maghintay dito eh,” sagot nya. Napapakamot ako sa ulo sa napagtantong napakahirap lumusot sa kanya. Kung hindi ko sya makuha sa pagdadahilan, siguro kailangan ko na syang diretsuhin.“Ano kasi eh, baka ma-mi
“Nasa’n ka na ba, Knives? Nanggigigil na ‘ko sa ‘yo, huh!” nasabi ko na lang sa sarili ko. Halos maiyak na ako sa sobrang inis. Ngayon lang nangyari itong hindi nya ako nasundo. Kung kailan naman ako ginabi na ng uwi saka naman ako hindi sinundo. Nag-umpisa na akong mag-abang ng jeep na masasakyan pauwi. Lumakad ako nang kaunti patungo sa gilid ng kalsada kung saan mababasa ko ang mga karatula ng mga jeep na pwede kong sakyan pauwi. May kalahating oras na rin akong nag-aabang ng masasakyan—pero hindi ako makasakay. Napakadalang na ng daan ng mga pampasaherong jeep. May ilan-ilan ngang dumaraan, pero hindi naman ‘yung papunta sa mansyon. Napatakbo ako pabalik sa waiting shed nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Lalo nang walang sasakyang dumaan, paano’y parang parang bumabagyo sa tindi ng biglaang buhos ng ulan. Kaya pala sobrang init kaninang tanghali, uulan pala ng gabi. Kahit may bubong naman itong waiting shed na sinisilungan ko, basa pa rin ako dahil kasabay ng mala-