Kumukunot ang noo ko habang pinakikinggan ang pag-i-inhale exhale ni Winston sa mouthpiece. Hetong katabi ko rin naman hindi mapalagay sa isang pwesto ang kamay, padapo-dapo ng haplos sa likod, braso, tagiliran ko kaya hindi ako maiwasang hindi mapaigtad-igtad sa kiliti. “Shh!” saway ko kay Seiji nang medyo malambing din naman, inipon ko ang mga kamay nya at iniyakap ko nang mahigpit sa bewang ko. Kita ko ang pumupungay ang kanyang mga mata habang hinahalik-halikan ako sa balikat. Libøg na libøg na siguro ‘tong ugok na ‘to, pero hindi—hindi ‘yon mangyayari ngayon. “Busy ka ba ngayon? Pasensya na sa istorbo,” sabi ni Winston, akala nya sya ang sinasaway ko. “Hi-hindi ah! May daga kasi rito, tinabog ko lang,” natawa nang mahina si Seiji sa sinabi kong ‘yon tapos isinandal nya ang likod sa upuan. Tumingin sya sa kisame na pangisi-ngisi na akala mo ay nananaginip nang gising. “Bakit nga? Nag-away ba kayo?” baling ko kay Winston. “Uh, hindi pa kasi sya umuuwi eh.” “Baka may din
“Hmm… Seiji… Ayokong umuwi… Dito ako matutulog sa ‘yo,” nakapikit at latang-latang anas ni Miss Isabel nang gisingin namin sya ni Seiji. “Huh?” Sulyap sa akin ni Seiji. Kinibit ko lang ang balikat ko. “Uhm, wala kang ekstrang damit. Wala rin akong maipapahiram sa ‘yo eh. Wala namang damit pambabae rito sa bahay.” Pilit nyang iniuupo si Miss Isabel pero parang napakabigat ng katawan nya, na hindi man lang sya magawang magalaw ni Seiji sa pagkakahiga. Mukhang desidido syang dito na nga matulog. Gets ko na ‘yang mga ganyang datingan. Bet siguro nyang magpadale tonight. Natawa ako nang palihim. May tinatago rin palang kalandian ‘tong isa na ‘to. “Okay lang… Dito na lang ako matutulog, please?” Napaupo sya sa tabi ni Miss Isabel nang hatakin sya nito sa hita. Napapakamot sa ulo habang nya akong minasdan habang ginigising ko ang dalawa pa naming co-teachers at inaabutan ng maitim na kape na hinandog ng isang katulong para mahismasan sila kahit papaano. Hindi ako nag-re-react sa pagkab
Gusto ko pa sanang ma-enjoy itong gabing ito at magpunta doon sa bar na kinainan namin noong una naming date. Kaso iniisip ko na kanina pa si Ahya Knives, kapag sinundo nya ako sa school at wala ako do’n hindi ko alam kung anong idadahilan ko. Nakakapagtaka rin namang hindi na sya tumawag o maski nagtext. Huling palitan namin ng message ay noong dinner pa, Naisip kong baka may business meeting sya tungkol sa negosyo nya sa Manhattan o baka rin naman kausap ang kanyang asawa. Kadalasan kasi ay gabi hanggang madaling araw sya nagtatrabaho, kasabay ng oras sa States. Tapos sa araw naman ay ang focused naman sya business na pinag-uusapan nila nu’ng Instik na friend ni Atsi na Henson ang pangalan. Napakasipag kasi talaga ni Ahya. Du’n ako hangang-hanga sa kanya. Dedicated sya sa kanyang mga ginagawa. No doubt mayaman sya. “Uhm, okay sana kaso kailangan ko nang umuwi eh," kunwang frustrated din ako na napabuntung-hininga pa. “Ah gano’n ba... Sige, iuuwi na lang kita. Pero pwede rin naman
“Baka kasi magising si Miss Isabel tapos hanapin ka. Umuwi ka na lang muna, okay lang naman ako rito. Baka maya-maya rin nandito na ‘yung sundo ko.”“Naroon naman sina Mamancona, may mag-a-attend sa kanya in case meron syang kelangan. Baka kinabukasan na rin ‘yun magising sa kalasingan no’n. Hayaan mo na lang munang samahan kita habang naghihintay ka ng sundo mo. Eh kung tawagan mo na lang kaya sila na ihahatid na kita ngayon para hindi na sila mag-abala pa?”“Hindi kasi pwede eh, ano kasi, baka kagalitan ako. Baka ma-shock sila sa ‘kin ‘pag nakitang may lalake akong kasama.” Oo nga pala, bigla kong naalala kung gaano sya kakulit.“Kilala naman na ako ng ahya at atsi mo, ‘di ba? I don’t think magugulat pa sila kapag nakita nila ako. Baka matuwa pa nga si Atsi mo na sinamahan kitang maghintay dito eh,” sagot nya. Napapakamot ako sa ulo sa napagtantong napakahirap lumusot sa kanya. Kung hindi ko sya makuha sa pagdadahilan, siguro kailangan ko na syang diretsuhin.“Ano kasi eh, baka ma-mi
“Nasa’n ka na ba, Knives? Nanggigigil na ‘ko sa ‘yo, huh!” nasabi ko na lang sa sarili ko. Halos maiyak na ako sa sobrang inis. Ngayon lang nangyari itong hindi nya ako nasundo. Kung kailan naman ako ginabi na ng uwi saka naman ako hindi sinundo. Nag-umpisa na akong mag-abang ng jeep na masasakyan pauwi. Lumakad ako nang kaunti patungo sa gilid ng kalsada kung saan mababasa ko ang mga karatula ng mga jeep na pwede kong sakyan pauwi. May kalahating oras na rin akong nag-aabang ng masasakyan—pero hindi ako makasakay. Napakadalang na ng daan ng mga pampasaherong jeep. May ilan-ilan ngang dumaraan, pero hindi naman ‘yung papunta sa mansyon. Napatakbo ako pabalik sa waiting shed nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Lalo nang walang sasakyang dumaan, paano’y parang parang bumabagyo sa tindi ng biglaang buhos ng ulan. Kaya pala sobrang init kaninang tanghali, uulan pala ng gabi. Kahit may bubong naman itong waiting shed na sinisilungan ko, basa pa rin ako dahil kasabay ng mala-
Nakakatuwa naman si Seiji, hindi ko akalain na may lalakeng tatrato sa akin ng ganito kahit dalawang ulit ko na syang ni-reject at wala namang nangyayari sa amin. Ganito rin naman si Ahya ka-sweet at ka-caring, pero sa nangyari sa akin ngayon ay pakiramdam ko pinabayaan nya ako. Hindi talaga ako makapaniwalang nawaglit ako sa isip nya gayong alam kong deads na deads sya sa akin at halos ayaw nga nyang pakawalan. I'm sure may rason sya kung bakit hindi nya ako nasundo. Pero siguraduhin lang nyang makukumbinsi ako sa i-a-alibi nya kundi ligwak na sya sa akin agad-agad.+++++Nang bahagyang humupa ang ulan at luminaw ang tingin ko sa kalsada ay pinaandar na ng driver ang sasakyan at tinahak ang papunta sa mansyon. “Kapag bababa ka na, hindi ako bababa. Dito lang ako para walang makakita sa ‘kin. Promise ko ‘yan. Hihintayin lang kitang makapasok sa bahay ninyo. Sabihin mo na lang siguro na nagpahatid ka sa driver ni Rector,” nakangiti anas ni Seiji habang hinahaplos-haplos ang tuktok ng
[Seiji’s POV] “Binigyan ko ng isang libo, boss. Hindi na magsasalita ‘yun. Sinigurado ko na,” wika ng kaibigan ko pagkaupo nya sa driver’s seat. “Good,” sagot ko sa kanya habang nakatunghay kay Kataleia na naglalakad palayo. She’s so stubborn; I’ve realized that tonight. At binasted na naman nya ako. Pangalawang beses na akong ma-unggoy nya. But this time, I don’t feel any hurt. Slight disappointment, perhaps, pero hindi gano’n kasaklap sa pakiramdam hindi gaya noong una. Alam ko nang she’ll come to it soon. I just need to be more patient. We kissed. Yeah. Natutuwa talaga ako do’n. I wasn’t expecting it, pero ayun na nga, nangyari na. Pinigilan ko ang aking sarili na gumawa ng ibang bagay na maaaring makakapagpa-turn off sa kanya. Kung halik, halik lang. Kaya ‘yun lang talaga ang ginawa ko kahit gigil na gigil na ako sa kanya. Noong nag-insist sya na iwan ko na lang sya roon, hindi ako napalagay. Umalis nga ako pero pinasunod ko ang tao ko para bantayan sya at kung susunduin nga
Hindi nagtagal ang paghihintay ko, sinagot rin nya ako agad. “Let’s go home,” utos ko sa driver. Pahid-pahid ko ang aking labi para itago sa kanya ang sumisilay kong ngiti habang binabasa ang napakaiksing reply nya ngunit nakapagpuno ng nangungulila kong puso. +++++ “Ano’ng sabi mo kanina?” tanong ko kay Veronica pagpasok ko sa meeting room sa fourth floor ng aking bahay. Prenteng-prente syang nakaupo sa leather couch at nakikipagtawanan sa dalawang babaeng kasama nya kanina sa bar nang madatnan ko sya. Naroroon din ang ilan ko pang mga 'kaibigan' na nagtatagayan ng alak sa mini bar. Tumayo sila sa mga kinauupuan nila bilang respeto nang makita nila ako. Ngumiti si Veronica saka tumayo at lumapit sa akin. Actually, hindi ko talaga alam kung anong pangalan nya. She looks like a Veronica, kaya Veronica na lang ang ipinangalan ko sa kanya. Natunaw na rin nya yata pati ang utak nya sa pagkalulong nya sa bisyo noon kaya hanggang ngayon wala syang maalalang kahit na ano sa nakaraa