“Nasa’n ka na ba, Knives? Nanggigigil na ‘ko sa ‘yo, huh!” nasabi ko na lang sa sarili ko. Halos maiyak na ako sa sobrang inis. Ngayon lang nangyari itong hindi nya ako nasundo. Kung kailan naman ako ginabi na ng uwi saka naman ako hindi sinundo. Nag-umpisa na akong mag-abang ng jeep na masasakyan pauwi. Lumakad ako nang kaunti patungo sa gilid ng kalsada kung saan mababasa ko ang mga karatula ng mga jeep na pwede kong sakyan pauwi. May kalahating oras na rin akong nag-aabang ng masasakyan—pero hindi ako makasakay. Napakadalang na ng daan ng mga pampasaherong jeep. May ilan-ilan ngang dumaraan, pero hindi naman ‘yung papunta sa mansyon. Napatakbo ako pabalik sa waiting shed nang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan. Lalo nang walang sasakyang dumaan, paano’y parang parang bumabagyo sa tindi ng biglaang buhos ng ulan. Kaya pala sobrang init kaninang tanghali, uulan pala ng gabi. Kahit may bubong naman itong waiting shed na sinisilungan ko, basa pa rin ako dahil kasabay ng mala-
Nakakatuwa naman si Seiji, hindi ko akalain na may lalakeng tatrato sa akin ng ganito kahit dalawang ulit ko na syang ni-reject at wala namang nangyayari sa amin. Ganito rin naman si Ahya ka-sweet at ka-caring, pero sa nangyari sa akin ngayon ay pakiramdam ko pinabayaan nya ako. Hindi talaga ako makapaniwalang nawaglit ako sa isip nya gayong alam kong deads na deads sya sa akin at halos ayaw nga nyang pakawalan. I'm sure may rason sya kung bakit hindi nya ako nasundo. Pero siguraduhin lang nyang makukumbinsi ako sa i-a-alibi nya kundi ligwak na sya sa akin agad-agad.+++++Nang bahagyang humupa ang ulan at luminaw ang tingin ko sa kalsada ay pinaandar na ng driver ang sasakyan at tinahak ang papunta sa mansyon. “Kapag bababa ka na, hindi ako bababa. Dito lang ako para walang makakita sa ‘kin. Promise ko ‘yan. Hihintayin lang kitang makapasok sa bahay ninyo. Sabihin mo na lang siguro na nagpahatid ka sa driver ni Rector,” nakangiti anas ni Seiji habang hinahaplos-haplos ang tuktok ng
[Seiji’s POV] “Binigyan ko ng isang libo, boss. Hindi na magsasalita ‘yun. Sinigurado ko na,” wika ng kaibigan ko pagkaupo nya sa driver’s seat. “Good,” sagot ko sa kanya habang nakatunghay kay Kataleia na naglalakad palayo. She’s so stubborn; I’ve realized that tonight. At binasted na naman nya ako. Pangalawang beses na akong ma-unggoy nya. But this time, I don’t feel any hurt. Slight disappointment, perhaps, pero hindi gano’n kasaklap sa pakiramdam hindi gaya noong una. Alam ko nang she’ll come to it soon. I just need to be more patient. We kissed. Yeah. Natutuwa talaga ako do’n. I wasn’t expecting it, pero ayun na nga, nangyari na. Pinigilan ko ang aking sarili na gumawa ng ibang bagay na maaaring makakapagpa-turn off sa kanya. Kung halik, halik lang. Kaya ‘yun lang talaga ang ginawa ko kahit gigil na gigil na ako sa kanya. Noong nag-insist sya na iwan ko na lang sya roon, hindi ako napalagay. Umalis nga ako pero pinasunod ko ang tao ko para bantayan sya at kung susunduin nga
Hindi nagtagal ang paghihintay ko, sinagot rin nya ako agad. “Let’s go home,” utos ko sa driver. Pahid-pahid ko ang aking labi para itago sa kanya ang sumisilay kong ngiti habang binabasa ang napakaiksing reply nya ngunit nakapagpuno ng nangungulila kong puso. +++++ “Ano’ng sabi mo kanina?” tanong ko kay Veronica pagpasok ko sa meeting room sa fourth floor ng aking bahay. Prenteng-prente syang nakaupo sa leather couch at nakikipagtawanan sa dalawang babaeng kasama nya kanina sa bar nang madatnan ko sya. Naroroon din ang ilan ko pang mga 'kaibigan' na nagtatagayan ng alak sa mini bar. Tumayo sila sa mga kinauupuan nila bilang respeto nang makita nila ako. Ngumiti si Veronica saka tumayo at lumapit sa akin. Actually, hindi ko talaga alam kung anong pangalan nya. She looks like a Veronica, kaya Veronica na lang ang ipinangalan ko sa kanya. Natunaw na rin nya yata pati ang utak nya sa pagkalulong nya sa bisyo noon kaya hanggang ngayon wala syang maalalang kahit na ano sa nakaraa
Dinukot ko sa aking bulsa ang medyo basang bra na napulot ko sa sasakyan. Inamoy-amoy ko ‘yun. Natuwa ako. Nag-levelup na ako. Hindi na painting lang ang pagnanasaan ko ngayon, mayroon na akong personal nyang gamit na dumikit mismo sa maselang bahagi ng kanyang katawan at ang nakakawala ng huwisyong intimacy namin kanina. Shit! This has been your lucky day, Seiji! “Punasan mo muna ‘yang labi mo, may dugo pa,” utos ko kay Veronica pagluhod nya sa harap ko. Hanggang ngayon ay nangingiyak-ngiyak pa rin sya sa nangyari sa kanya kanina. “Bakit umiiyak ka pa rin? Ayaw mo na sa ‘kin?” malambing na tudyo ko sa kanya habang nilalamas-lamas ang kanyang mga suso. “Hindi, boss. Gustung-gusto po kita, sorry… sorry talaga,” humihikbing yumakap sya sa hita ko. “Apology accepted. Tumahan ka na at baka matagalan ka d’yan kapag iyak ka pa rin nang iyak,” nakangising biro ko sa kanya. Pinunasan nya ng damit nya ang kanyang bibig at sinimulang i-unbutton ang aking pantalon. “Hm,” himas ko sa ul
[Knives’ POV]“Fuckin’ fuck!” anas ko habang hinihila ang aking sarili pabangon sa higaan. Ito na ang sumunod sa pinakamalalang hangover na naranasan ko sa buong buhay ko. Umiikot ang paligid at para pa rin akong maduduwal. Para akong binuhusan ng vomit sa buong katawan. Amoy suka ang damit ko. Pati ang buhok ko—napakatigas. “Fuck you, Yee!” bulalas ko nang mabasa ang ‘Good morning, how are you?’ message nya. “I changed my mind. I won’t sign in, fuck you!” inulit ko pa.Pasuray-suray akong pumasok sa bathroom at tumukod sa sink. Dinukot ko na ang lalamunan ko para lumabas ang kung anong nag-aaway-away sa tiyan ko na gustong kumawala. Hirap na hirap akong nagpapatuwad-tuwad sa lababo pero wala akong maisuka. Pakiramdam ko mamamatay na ako ngayon. Sana hindi na lang ako nagising kung ganito lang palang klaseng pahirap ang mangyayari sa akin sa pagbangon ko. Isusumpa ko na ngayon ang alak. Hinding-hindi na ako iinom kahit na kailan.Para akong nalason, isip-isip ko. I totally passed out
The Mass is already deep into the homily when I arrive. Unlike other Sundays na sumasasama ako kay Kataleia, maraming nagsisimba ngayon. Hanggang sa labas ng chapel ang mga tao. My heart is racing as I search for her among the crowd. There she is, ang aking magandang ibon, sitting between Atsi and Seiji. Seiji. That man could claim any seat in this chapel, yet he chooses to sit right beside her. A mix of annoyance and unease churns in my stomach. I make the sign of the cross and walk over to them. “Good morning, Mr. Tuazon,” ani Seiji pagkalapit ko sa kanila. “Dito ka na maupo,” tumayo sya at inalok sa akin ang kanyang upuan. “Good morning, thank you.” I smiled faintly and took the seat he was offering tapos bigla na lang syang nawala nang malingon ako ulit. “Hi,” bulong ko sa fresh na fresh na babaeng katabi ko ngayon sa upuan na seryosong nakatuon ang tingin sa harap. “Hi, Atsi,” Atsi smirks as I greet her, merely gesturing her hand to the priest giving his sermon. “Nakakuha ka
“Shoti… Smoke inside your car. Nasa loob tayo ng eskwelahan.” I frown nang sawayin na naman ako ni Atsi nang akma akong magbubukas ng sigarilyo, ibinalik ko na lang ito sa kaha at naupo sa driver’s seat. Umaga palang pero akala mong tanghali na sa tindi ng init. I put on my sunglasses and lean back against the leather seat. Hinihintay namin si Kataleia na dumating mula sa pakikipag-usap nya sa kanyang Master Teacher. Ayoko pa sanang umalis sa chapel dahil gusto kong pagmasdan kung paano silang mag-usap pero nag-aya na lumabas si Atsi na medyo iritable ngayong araw na ito sa akin kaya sumunod na lang ako. Hindi rin naman nagtagal I saw her striding toward the parking lot. May dala-dala syang paper bag. Medyo hinihingal na nga sa tingin ko, paano’y nasa dulo pa ng malawak na school grounds ang chapel kaya pinaandar ko na ang makina ng aking SUV para salubungin sya. Hingal na hingal sya na medyo namumutla pa pagsakay nya sa oto ko. Nilukot nya ang dala nyang paper bag at ipinaso