[Knives’ POV]“Fuckin’ fuck!” anas ko habang hinihila ang aking sarili pabangon sa higaan. Ito na ang sumunod sa pinakamalalang hangover na naranasan ko sa buong buhay ko. Umiikot ang paligid at para pa rin akong maduduwal. Para akong binuhusan ng vomit sa buong katawan. Amoy suka ang damit ko. Pati ang buhok ko—napakatigas. “Fuck you, Yee!” bulalas ko nang mabasa ang ‘Good morning, how are you?’ message nya. “I changed my mind. I won’t sign in, fuck you!” inulit ko pa.Pasuray-suray akong pumasok sa bathroom at tumukod sa sink. Dinukot ko na ang lalamunan ko para lumabas ang kung anong nag-aaway-away sa tiyan ko na gustong kumawala. Hirap na hirap akong nagpapatuwad-tuwad sa lababo pero wala akong maisuka. Pakiramdam ko mamamatay na ako ngayon. Sana hindi na lang ako nagising kung ganito lang palang klaseng pahirap ang mangyayari sa akin sa pagbangon ko. Isusumpa ko na ngayon ang alak. Hinding-hindi na ako iinom kahit na kailan.Para akong nalason, isip-isip ko. I totally passed out
The Mass is already deep into the homily when I arrive. Unlike other Sundays na sumasasama ako kay Kataleia, maraming nagsisimba ngayon. Hanggang sa labas ng chapel ang mga tao. My heart is racing as I search for her among the crowd. There she is, ang aking magandang ibon, sitting between Atsi and Seiji. Seiji. That man could claim any seat in this chapel, yet he chooses to sit right beside her. A mix of annoyance and unease churns in my stomach. I make the sign of the cross and walk over to them. “Good morning, Mr. Tuazon,” ani Seiji pagkalapit ko sa kanila. “Dito ka na maupo,” tumayo sya at inalok sa akin ang kanyang upuan. “Good morning, thank you.” I smiled faintly and took the seat he was offering tapos bigla na lang syang nawala nang malingon ako ulit. “Hi,” bulong ko sa fresh na fresh na babaeng katabi ko ngayon sa upuan na seryosong nakatuon ang tingin sa harap. “Hi, Atsi,” Atsi smirks as I greet her, merely gesturing her hand to the priest giving his sermon. “Nakakuha ka
“Shoti… Smoke inside your car. Nasa loob tayo ng eskwelahan.” I frown nang sawayin na naman ako ni Atsi nang akma akong magbubukas ng sigarilyo, ibinalik ko na lang ito sa kaha at naupo sa driver’s seat. Umaga palang pero akala mong tanghali na sa tindi ng init. I put on my sunglasses and lean back against the leather seat. Hinihintay namin si Kataleia na dumating mula sa pakikipag-usap nya sa kanyang Master Teacher. Ayoko pa sanang umalis sa chapel dahil gusto kong pagmasdan kung paano silang mag-usap pero nag-aya na lumabas si Atsi na medyo iritable ngayong araw na ito sa akin kaya sumunod na lang ako. Hindi rin naman nagtagal I saw her striding toward the parking lot. May dala-dala syang paper bag. Medyo hinihingal na nga sa tingin ko, paano’y nasa dulo pa ng malawak na school grounds ang chapel kaya pinaandar ko na ang makina ng aking SUV para salubungin sya. Hingal na hingal sya na medyo namumutla pa pagsakay nya sa oto ko. Nilukot nya ang dala nyang paper bag at ipinaso
“Ano? Gusto mo sakalin kita ngayon?” mataman nya akong tiningnan. Nag-focus na rin sya sa akin sa wakas kasi itinago na nya ang cellphone nya sa bag. “Oo, alam ko namang galit ka, ayaw mo lang sabihin. Nagso-sorry ako, hindi ko sadyang hindi kita napuntahan,” defending myself. “Oo nga, e kaso okay nga lang eh. ‘Di ba sabi ko, okay lang. Gusto mo sakalin pa kita? Sigurado ka d’yan?!” medyo lumakas ang boses nya na parang hindi sya makapaniwala. “Guilty ka, alam ko ‘yun. Bakit parang gusto mo awayin pa kita? Kalalabas lang natin sa simbahan! Syempre nakakainis ako, alangang matuwa ako sa ‘yo. Eh, ano pa bang gagawin natin eh and’yan na ‘yan. Ayan oh, ang laki! Pulang-pula pa!” sabay mariing dutdot nya sa leeg ko. “Pinanalangin ko na nga kanina na sana kahit sinasabi mong wala kang maalala sa nangyari sa ‘yo kagabi, nakaisip ka pa ring mag-condom. ‘Sus!” “What?” Dagli kong pinaling ang rearview mirror para tingnan kung anong sinasabi nya. “What is this?!” Nanlalaki ang mga mata ko
“Ow? Pa’no nya nakita? Sa video call?”I am stunned for a moment as I realize his wonder. Magkaiba kami ng ‘asawa’ na tinutukoy. “Yeah—no, I mean…” I shook my head. “My stepsister saw the marks. Regardless of who sees it, it doesn’t make it any less shameful, Yee!”“Come on, Tuazon! As long as it’s not your wife, that shouldn’t be such a deal! Lalake tayo, it’s normal to play a little from time to time. Lalo na sa part mo, you've been away from home for months now. Sa mga yapos mo sa babae mo kagabi, I could tell tigang na tigang ka na sa asawa mo, hahaha!”I grind my teeth, overwhelmed with anger and embarrassment as I cut the call. Tinuturan pa ako ni Yee kung paano mambabae. Anong yapos ang pinagsasabi nya, eh wala nga akong matandaan. Walang gano’ng nangyari. I clutch the steering wheel hard and lean on to it, trying to remember the incident last night. SHIT! Bakit gano’n?! Wala talaga akong maalala!“Ahya, tara na. Gutom na ‘ko talaga,” aya ni Kataleia nang balikan nya ako sa ko
Hinithit ko nang malalim ang sigarilyong hawak ko at sumilong sa ilalim ng nag-iisang puno sa gitna ng parking space ng pizza parlor bago ko sinagot ang pangatlong tawag ni Divine ngayong araw na ito. “Divine, kumusta?” “Ikaw ang kumusta?” ibinalik nya sa akin ang tanong. “I’m okay. I’m with Atsi and Shobe. We heard the Sunday Mass, we’re having brunch right now.” Nag-umpisa nang bumukal ang pawis sa aking katawan sa sumisilab na init dito sa labas, pero dahil ayokong may makarinig sa pagpapalitan namin ni Divine ng aming unique na ‘sweet nothings’ ay dito ko piniling makipag-usap sa kanya sa labas ng restaurant. “I saw your statements yesterday. You withdrew some money from your Swiss account, is this true?” napaka-professional at civilized ng pagkakatanong nya. “Yes, it is. I need the money." “For what?” “For my own reasons, since it is my money,” pabalagbag na sagot ko. “Maybe I have the right to hear a proper explanation, Knives, since it’s worth million dollars?
“Yeah. I thought of sharing my blessings; that’s what I learned from my Catholic priest friend. By the way, paki-send na lang ‘yung mga bidding contracts, mamimili na ako tonight para mapirmahan ko na. Pahinga ka na, tomorrow go out for a run and attend the Mass tomorrow morning at St. Patrick’s para marefresh ka. I know you’re stressed lately, andaming aberya ba naman ng construction natin sa Chinatown. I promise I’ll call you tonight, okay?” nilambingan ko na baka sakaling mauto ko na sya at hindi na humaba pang lalo ang diskusyon namin.“Yeah, lagi na nga lang masakit ang ulo ko. Siguro kailangan ko na rin ng bakasyon,” I hear her sigh. Natuwa ako nang madala ko rin sya sa pagiging malumanay ng boses ko. “Kapag nag-start na ang construction doon, maybe I could also take a week off to visit my friends in New Jersey.”“Oo naman, you can do that anytime, Divine. Nasa sa ‘yo lang ‘yun,” sagot ko naman. Pinagtiyagaan kong pakinggan ang mga tsismis na ibinabalita nya sa akin about sa mga
“Hay nako, si Ahya... Nakakainis naman!” Agad nyang binigay sa akin ang dala nyang party size na pizza box at paper bag sabay daluhong nya ng mahigpit na yakap sa mga plush toys. I stand behind her with a victorious grin on my face as she giggles and squeezes the two giant teddy bears with pure delight. Masuwerte pa rin ako. Mabuti pala na hindi ko pa sila tinanggal dito sa sasakyan. “Napakalantod!” pakli ni Orlie na napapasimangot. “Alam mo, bakla, nakakamatay ang inggit. Baka mamatay ka.” Tawa ako nang tawa sa palitan nila ng pangdudusta sa isa’t isa. Nawawala ang pagka-demure at mahinhin nya kapag kasama nya ang best friend nya. Nagiging totoo sya sa kanyang sarili. “So, ano, may pupuntahan pa ba? O uuwi na? Andami n’yong takeout,” komento ko habang inaayos sa aking kamay ang medyo napapatagilid nang pizza box sa pagkakatali. “Sa likod ko na lang ‘to ilalagay kasi masikip na rito.” “Ibigay mo ‘yan kay Orlie, babe," nagmamadaling bunot nya sa kanyang wallet sabay abot nito k