“Hay nako, si Ahya... Nakakainis naman!” Agad nyang binigay sa akin ang dala nyang party size na pizza box at paper bag sabay daluhong nya ng mahigpit na yakap sa mga plush toys. I stand behind her with a victorious grin on my face as she giggles and squeezes the two giant teddy bears with pure delight. Masuwerte pa rin ako. Mabuti pala na hindi ko pa sila tinanggal dito sa sasakyan. “Napakalantod!” pakli ni Orlie na napapasimangot. “Alam mo, bakla, nakakamatay ang inggit. Baka mamatay ka.” Tawa ako nang tawa sa palitan nila ng pangdudusta sa isa’t isa. Nawawala ang pagka-demure at mahinhin nya kapag kasama nya ang best friend nya. Nagiging totoo sya sa kanyang sarili. “So, ano, may pupuntahan pa ba? O uuwi na? Andami n’yong takeout,” komento ko habang inaayos sa aking kamay ang medyo napapatagilid nang pizza box sa pagkakatali. “Sa likod ko na lang ‘to ilalagay kasi masikip na rito.” “Ibigay mo ‘yan kay Orlie, babe," nagmamadaling bunot nya sa kanyang wallet sabay abot nito k
[Kataleia's POV] ‘Magte-text ako ulit kapag malapit na ako. Tnx so much.’ Binura ko agad ang message ni Seiji pagkatapos kong basahin. Medyo naiiritang napakamot ako sa leeg sa pag-i-insist nya na ihatid dito ang mga gamit kong naiwan sa sasakyan nya kahapon kahit ilang beses ko nang sinabi sa kanya na sa school na lang nya dalhin. Sa tono nya kanina no'ng kinakausap nya ako pagkatapos ng simba ay mukhang pumayag man ako o hindi ay pupunta pa rin sya dito. Buti na lang mahimbing na ang tulog ng Chinito ko sa kwarto nya dahil sa hangover na hindi pa rin nawala sa kanya at pagkakasulit nya sa akin kanina sa SUV kaya hindi na nya makikita ang pagdating ng opisyal ko nang manliligaw ngayon. Hindi ko magawang magalit kay Knives nang matagal kahit unang kita ko palang ng mga chikinini nya sa chapel kaninang umaga ay umalsa na agad sa ulo ko ang lahat ng dugo ko. Naniniwala naman ako sa kanya na hindi nya kagustuhan iyon dahil wala nga syang maalala. Sa reaksyon nya kanina at sa pagkakakw
“Ang fresh naman ng teacher na ‘yan. Taray! Ang borta ng chipopo (boylet) mo, beklaaah. Mas pogi sa personal. At ang tangkad. Haveyyy... I’m guessing mas dakota harrizon plaza (malaki ang birdie) ‘to kesa kay Chinito. Parang bet kong mag-aral ulit sa elementary o mag-teacher na rin kaya ako,” pabulong na komento ni bakla nang bumaba si Seiji ng Lexus para ilabas sa compartment nito ang mga gamit ko at ilang mga regalong binigay sa akin ng mga estudyante noong recognition day. “Hi!” naiilang na yumuko sya at bumati kay Orlie. Paano naman kasi, tumatagos ang mga titig nya sa suot na itim na mid-sleeve shirt at maluwag na khaki na trousers ni Seiji. “Uh, sya ba yung best friend mo na nawawala?” “Oo, ako nga ‘yung nawawala nyang kapatid. Hi,” anas ni Orlie na tila name-mesmerize na sa kakisigan ni Seiji. Agad ko syang siniko sa tagiliran sa hiya ko sa mga mala-xray nyang mata. “Sabi ko sa ‘yo kasi sa school mo na lang ilapag ‘yan eh. Ang kulit mo lang kasi.” May pagka-half meant na
“Tatawag ako mamaya, kung okay lang,” anas ni Seiji nang iabot nya sa akin ang pint ng ice cream na dala nya. Special ako sa lahat ng co-teachers namin, nagpa-deliver sya ng merienda namin na pinagsaluhan naming lahat pagkatapos ng meeting pero ako lang ang bukod tanging may chocolate ice cream. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Miss Isabel na nakaupo sa isang upuan at tahimik kaming pinagmamasdan. May hangover pa siguro sya kaya kanina pa sya wala sa mood o sadyang hindi lang sya natutuwang makita kaming magkausap ni Seiji. Wala akong pakialam kung feeling man nya ay naaagawan ko sya. At least hindi ko kailangan magpapansin tulad ng ginawa nya kagabi dahil ako ang kusang nilalapitan at kinukulit ng crush nya. “Hindi, mas maganda kung ako na lang ang tatawag sa ‘yo. Busy kasi ako mamaya eh haharapin ko lang si Orlie. Kaso baka late na ako makatawag,” pagdadahilan ko.“Okay lang. Sasagutin ko kahit madaling araw ka pa tumawag, makausap lang kita. Kainin mo na ‘yang ice cream bago p
Nang matapos ang graduation rites ng mga bata, bigayan ng report cards at iba pang kailangang ipasa sa pagtatapos ng school year ay nakakuha rin ako ng pahinga kahit papaano. Nayakag ako ni Knives na mag-jogging tuwing umaga sa park na malapit sa mansyon. Tinuruan rin nya akong mag-drive sa kotseng binili nya para sa akin. Automatic transmission lang naman at malakas ang aking loob kaya hindi gaanong nagtagal ang pagtuturo nya, natuto ako agad magmaneho. Ang mina-master ko na lang ay ang tamang pagpa-park ng sasakyan at troubleshooting sa kalsada. Du’n kasi ako medyo kinakabahan sa takot kong magasgasan ang napakagandang kotseng binigay nya. Kapag wala akong seminar ay isinasama nya ako sa mga meetings nya with Mr. Yee o ‘di kaya naglo-long ride kami para makapag-unwind. Minsan overnight, minsan naman ay buong maghapon lang. Depende sa layo ng lugar at sa libreng oras na mayroon kami. Pasyal, food trip, picture-picture at ‘yung makapanindig-balahibong sex—hindi ‘yun nawawala. Hin
“‘Lika, Atsi, swimming po tayo. Nasa pool na po si Ahya,” yakag ko sa kanya nang makita ko syang umiinom ng kanyang tsaa at nagbabasa ng magazine sa living room. Tinanghali kasi ako ng gising kaya hindi na kami nakapag-jogging ni Knives, kaya swimming na lang daw para may exercise pa rin.Tiningnan nya ang suot kong brown na t-shirt at maong na shorts na may cycling shorts pa sa loob.“Magsu-swimming ka? Bakit ganyan ang suot mo, hindi mo isuot ‘yung mga binigay kong swimsuit sa ‘yo.” “Huh? Eh kasi po, ano,” hindi ko lang masabi pero ayaw ni Knives ng naka-bikini ako kapag dito lang sa bahay, lalo na kung naririto si Kuya Mike. Pero kapag nasa labas kaming dalawa ang gusto naman nya na pak na pak ako mag-bathing suit. “Shobe, ang tagal mo naman!” narinig ko ang malakas na tinig ni Knives mula sa pool area.“Sige na, Shobe, kayo na lang muna. May hinihintay kasi akong tawag. Enjoy kayo,” sagot nya tapos bumalik ang atensyon nya sa magazine na hawak kaya iniwan ko na sya at nagtungo na
Hindi na ako kumibo mula noon hanggang sa makatapos kaming kumain ng almusal. Lumapit sa amin si Atsi para magbeso at magpaalam na papasok na sya sa opisina. “Pupunta ka sa site mo sa Taguig tapos bibiyahe pa-Manila for Shobe’s Masteral class tapos babalik ka ng Taguig then susunduin mo sya ulit sa Manila at babalik sa Taguig. It’s too exhausting just thinking of it. Binigyan mo pa ng sariling kotse, hindi mo naman hinahayaang mag-drive para matuto mag-isa.” “Hey, I’m not complaining. And besides, Shobe’s class is only three days in a week,” natatawang sagot lang nya. May point si Atsi. Talagang nakakapagod ang ginagawa namin kapag may klase ako sa aking Masteral course. Minsan gusto ko na ring umangal kasi lagi akong puyat dahil simula nang mag-umpisa ang klase ko ay napadalas ang pag-uusap namin ni Seiji sa madaling araw. May pagkakataong gusto ko pa sanang habulin ang tulog ko sa umaga tutal tanghali pa naman ang pasok ko pero hindi ko magawa dahil maaga kami umaalis. Maaga kas
“I guess Atsi’s right. You’re old enough to drive,” ani Knives pagbalik namin sa pinagparadahan nya ng pulang kotse sa malawak na lupa ng construction site. “Huh?” kunwang nagitla ako sa sinabi nya. “Hahayaan kitang mag-solo ngayong araw na ‘to sa pagpasok mo sa klase mo. But just for today, okay? Titingnan ko lang kung gaano ka na kagaling magmaneho.” Inabot nya sa akin ang remote key ng kotse. “Sa ‘yo nga naman kasing kotse ‘yan, so dapat kaya mo nang i-drive nang wala kang kasama.” “O-okay,” medyo alanganin ko pang sagot. Pero sa totoo lang, lihim akong natutuwa, na-e-excite at kinakabahan at the same time. Matapos ang ilang linggong pagtuturo nya sa pagmamaneho ay sa wakas hahayaan na nya akong mag-isa. Nakaupo na ako sa driver’s seat nang ulitin nya ang lahat ng binibilin nya sa akin palagi. “Hindi mo kailangang bilisan, okay lang na mabagal ka. And the mirrors, fix your mirrors para ma-view mo lahat—kaliwa, kanan, at ‘yung likod. Teka,” ipinasok nya ang kalahati ng katawan