Share

PART 152 - SOLO RIDE

“I guess Atsi’s right. You’re old enough to drive,” ani Knives pagbalik namin sa pinagparadahan nya ng pulang kotse sa malawak na lupa ng construction site.

“Huh?” kunwang nagitla ako sa sinabi nya.

“Hahayaan kitang mag-solo ngayong araw na ‘to sa pagpasok mo sa klase mo. But just for today, okay? Titingnan ko lang kung gaano ka na kagaling magmaneho.” Inabot nya sa akin ang remote key ng kotse. “Sa ‘yo nga naman kasing kotse ‘yan, so dapat kaya mo nang i-drive nang wala kang kasama.”

“O-okay,” medyo alanganin ko pang sagot. Pero sa totoo lang, lihim akong natutuwa, na-e-excite at kinakabahan at the same time. Matapos ang ilang linggong pagtuturo nya sa pagmamaneho ay sa wakas hahayaan na nya akong mag-isa.

Nakaupo na ako sa driver’s seat nang ulitin nya ang lahat ng binibilin nya sa akin palagi. “Hindi mo kailangang bilisan, okay lang na mabagal ka. And the mirrors, fix your mirrors para ma-view mo lahat—kaliwa, kanan, at ‘yung likod. Teka,” ipinasok nya ang kalahati ng katawan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status