Matapos kong manghingi ng paumanhin sa gwardya ay tinulungan nya akong makalabas ng University premises nang matiwasay. Maingat kong ipinarada ang kotse sa tabi ng kalsada sa labas ng University. Tinawagan kong muli si Knives para alamin kung saang lupalop na sya naroroon at inabutan na ako rito ng gabi sa kahihintay sa kanya pero unattended na ito. Low battery na nga siguro ang cellphone nya. Naalala kong sinabi nya 'yon kanina noong nagkausap kami kanina. Napapasimangot ako habang blangkong nakatitig sa steering wheel. Ginagawa nya akong bata na hindi kayang umuwi nang mag-isa. Bahala sya sa buhay nya kung dumating sya rito na nakaalis na ako, isip-isip ko. Pero nag-text na rin ako sa kanya na bibiyahe na ako pauwi para hindi sya mamatay sa pag-aalala. Pinindot-pindot ko ang touchscreen display ng kotse at nag-search sa navigation system. Buti na lang mayroong built-in na ganito ang kotseng ito, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-focus sa pagmamaneho at sunding maigi ang b
Humahagulgol si Nanay Myrna at Pearl habang pinagmamasdan nila ang kaawa-awa kong sinapit habang nilalapatan ako ng paunang lunas ni David, ang hardinerong anak ni Manong driver. Walang kaimik-imik na nakatungo lang ako at nakatitig sa mga kagamitang panggamot nya na nasa lamesa. Dinadama ko ang sakit ng aking nagkabukol-bukol na ulo at sa hapdi ng banayad na pagpapahid ni David ng gamot sa mga sugat ko sa mukha. “Ma’am tiisin po n’yo para hindi maipeksyon ang mga sugat n'yo, tapos uminom kayo ng gamot para mabawasan ang kirot,” anas ni David na napapangiwi rin kada mapapapiksi ako sa sakit. “Heto na ang mga gamit n’yo, Ma’am. Durog na durog ang eyeglasses n’yo. Basag ang laptop pati ang cellphone. Tsk tsk!” napapalatak na inilapag ni Manong driver ang mga iyon pati na ang mga folder ko na animo’y mga basura na lang sa kitchen counter. Hinayang na hinayang na napakamot ako sa aking sintido habang tinitingnan ang mga gadgets kong tigmak ng dents at barag na barag ang mga screen
Nag-momol. Nag-momox. Jumerjer. Kumarat! Kaya hindi na naalalang may usapan kami. Putang ina! Galit na galit ako habang nagkakandatuwad ako sa paghuhubad ng masikip kong maong. Maliligo ako baka sakaling mabawasan ang pamamaga ng mukha ko sanhi sa pagkakabugbog sa akin. Lalo akong naiyak nang makita ang aking itsura sa salamin ng banyo: Putok ang nguso, punit ang kilay at cheekbones, at may mangilan-ngilan kalmot, galos at pasa sa iba’t ibang parte ng mukha ko, maging sa aking leeg. Hindi ko rin mahawakan ang ulo ko sa natamo kong mga bukol at sa tindi ng pagkakahila ng buhok ko ng abnormal na asawa ni Knives. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Paano’y naunahan na ako ng kaba at gulat nang hindi ko nakilala agad kung sino ang bumubuntal sa akin. Oo, inawat nga nya ang asawa nya, nakita ko ‘yun. Nagalit sya tapos inilayo ito. Pero hindi gano'n ang inaasahan kong reaksyon nya. Hindi ko ramdam. Walang bigat. Walang dating sa akin. Parang wala kaming pinagsamahan sama
“Normal ang CT scan mo, Shobe. Thank God,” ani Atsi Olivia pagbalik nya sa loob ng private room matapos syang kausapin ang doktor na tumingin sa akin. “Buti moderate sprain lang ang nakuha mo. Aside sa mga galos mo sa face, you’re okay. Kinausap na ni Ahya mo ‘yung rider na nakabundol sa ‘yo, hindi na raw nya pinagbayad kasi wala rin naman daw pera. Si Ahya mo na lang daw ang bahala sa lahat.” Naupo sya sa tabi ko at awang-awang iginagala ang tingin sa aking balikat na pinaikutan ng elastic bandage at sa mukha kong may ilan-ilang wound tape na pinakat ng nurse na naglinis sa mga sugat ko.Nabundol. Nabundol pala ako ng motor. Iyon ang dinahilan ni Knives kay Atsi para pagtakpan ang asawa nya. Napakadakila rin pala talaga.“Hindi ka kasi nag-iingat, depota ka! Youtube ka siguro nang Youtube habang tumatawid,” singhal ni Orlie na napapabaliktad ang nguso. “H’wag mo nang pagalitan, naaksidente na nga eh,” inikutan ni Atsi ng mga mata nya si bakla pagkatapos ay inutusan nya nang pasingha
[Knives’ POV]Para akong hinahabol ng sampung demonyo sa pagmamadali kong makarating ng ospital. I told the helpers ako ang magdadala sa kanya, sinabi ko rin sa kanyang hintayin nya ako, but nobody listened to me. Pagbalik ko sa loob ng mansyon mula sa garahe pagkatapos kong palayin si Divine ay nakaalis na si Kataleia. Sino nga ba naman kasi ang tangang makikinig sa akin, kahit hindi nila sabihin ay alam kong ako ang sinisisi nila, dahil maski sarili ko ay sinisisi ko sa nangyari kay Kataleia.Minasdan ko ang mga kamay ko. Hindi ko sya sinaktan, hinding-hindi ko magagawang pagbuhatan sya ng kamay. Never have, never will. Pero bakit pakiramdam ko ay ang mga kamay kong ito mismo ang may kakagawan kung bakit sya naka-admit dito sa ospital ngayon.Divine has totally lost it. Puro kabaliwan lang lahat ginawa nya ngayong araw na ‘to. I never imagined she would go to such lengths, given her reputation and demeanor; yet she did it. Nanginig ang kalamnan ko nang marinig ko ang sigaw ni Nanay
[Kristian Knives Yuchengco Tuazon POV] PUMIPITIK ang magkabilaan kong sintido. This, by far, is the worst hangover of my entire life. Hindi ko alam kung gaano karami ang nainom ko kagabi. Hinila ko lang ang sarili ko paupo sa kama nang ma-realize kong wala na sa tabi ko ang magandang babaeng kayakap ko kagabi bago ako nakatulog. Nakita ko sa ibabaw ng round table ang note na sinulat nya: ‘Hey K, I need to go. Sorry, hindi na kita ginising. Thanks a lot! xoxo K PS: I got you something for the hangover.’ She left me this one short note and an ibuprofen. Wow! Good guess, K. It was one hell of a night. I remember her. I remember her smell and what she tastes like. I remember her long brown hair and her soft tan skin. I remember how she looked when I first slid my cöck into her. I can still hear her soft moans inside my head. Naaalala ko kung paano ko sya paulit-ulit na inangkin kagabi. We first did it inside my car. Then in the bathroom, on the bed, and at the ro
[KATALEIA BRIONES POV] “WELL, I guess hindi na darating si Knives, isa’t kalahating oras na tayong naghihintay dito eh.” Napalingon ako kay Tito Miguel, sa wakas nainip na rin sya sa kahihintay nya sa anak nya. Nakahinga ako nang maluwag. Kanina pa ako fina-flood ni Orlie ng text, baka inuugat na lalo ‘yung baklang ‘yon sa kahihintay sa akin. At isa pa, kanina pa ako nagugutom. Nagugutom na rin siguro si Kuya Mike, ang asawa ni Ate Olivia na nakaupo sa harap ko. Pero parang ako yata ang gusto nyang kainin, kasi kanina ko pa napapansin ang mga pang-manyakis na mga sulyap nya sa akin. Welcome dinner sana ito para do’n sa Knives na kararating lang galing States, kaso, hindi nya sinipot. Plano sana ni Tito Miguel na magkakila-kilala kaming mga anak nila at pag-usapan ang nalalapit nilang kasal ni Mama. “Love, the night’s still young, baka mahintay pa natin sya nang konti pa?” Napaismid ako sa hirit ni Mama pero hindi ako nagpahalata. Napa-cross fingers na lang ako sa ilalim ng l
“Sorry talaga beks, natagalan ako,” naupo ako agad at umorder ng beer. Nauhaw ako sa kamamadaling makarating dito sa disco bar. “Enjoy naman ako kahit lagi kang late,” patutsada ni Orlie sa akin, pero ngiting-ngiti pa rin. Paano’y nakahanap na sya ng boylet kasi may kasama na sya agad sa lamesa. Kahit papa’no good mood si bakla.“Hinintay pa kasi namin ‘yung anak ni Tito Miguel, hindi rin naman pala dadating.”“Baka natakot sa ‘yo sa suot mo.”Napanguso ako kay bakla. “Ano namang nakakatakot kung naka-white long dress ako?”“Gabi na kasi, bakla! Mukha kang white lady! Ang haba-haba pa ng buhok mo para kang lumulutang sa ere,” napakasarap ng tawa nya. “De pota ka!” pakli ko naman sa komento nya. Nakukumpleto talaga ang araw ni Orlie kapag inaalipusta nya ako. “Si Winston nga pala, beks,” pinakilala nya na sa akin ang boylet nya. “Winston, si Chimini.”“Chimini? Anong Chimini?” natawa ako kay bakla. Hindi nya sasabihin sa boylet nya ang pangalan ko. Feeling naman ni bakla aagawin ko