Humahagulgol si Nanay Myrna at Pearl habang pinagmamasdan nila ang kaawa-awa kong sinapit habang nilalapatan ako ng paunang lunas ni David, ang hardinerong anak ni Manong driver. Walang kaimik-imik na nakatungo lang ako at nakatitig sa mga kagamitang panggamot nya na nasa lamesa. Dinadama ko ang sakit ng aking nagkabukol-bukol na ulo at sa hapdi ng banayad na pagpapahid ni David ng gamot sa mga sugat ko sa mukha. “Ma’am tiisin po n’yo para hindi maipeksyon ang mga sugat n'yo, tapos uminom kayo ng gamot para mabawasan ang kirot,” anas ni David na napapangiwi rin kada mapapapiksi ako sa sakit. “Heto na ang mga gamit n’yo, Ma’am. Durog na durog ang eyeglasses n’yo. Basag ang laptop pati ang cellphone. Tsk tsk!” napapalatak na inilapag ni Manong driver ang mga iyon pati na ang mga folder ko na animo’y mga basura na lang sa kitchen counter. Hinayang na hinayang na napakamot ako sa aking sintido habang tinitingnan ang mga gadgets kong tigmak ng dents at barag na barag ang mga screen
Nag-momol. Nag-momox. Jumerjer. Kumarat! Kaya hindi na naalalang may usapan kami. Putang ina! Galit na galit ako habang nagkakandatuwad ako sa paghuhubad ng masikip kong maong. Maliligo ako baka sakaling mabawasan ang pamamaga ng mukha ko sanhi sa pagkakabugbog sa akin. Lalo akong naiyak nang makita ang aking itsura sa salamin ng banyo: Putok ang nguso, punit ang kilay at cheekbones, at may mangilan-ngilan kalmot, galos at pasa sa iba’t ibang parte ng mukha ko, maging sa aking leeg. Hindi ko rin mahawakan ang ulo ko sa natamo kong mga bukol at sa tindi ng pagkakahila ng buhok ko ng abnormal na asawa ni Knives. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Paano’y naunahan na ako ng kaba at gulat nang hindi ko nakilala agad kung sino ang bumubuntal sa akin. Oo, inawat nga nya ang asawa nya, nakita ko ‘yun. Nagalit sya tapos inilayo ito. Pero hindi gano'n ang inaasahan kong reaksyon nya. Hindi ko ramdam. Walang bigat. Walang dating sa akin. Parang wala kaming pinagsamahan sama
“Normal ang CT scan mo, Shobe. Thank God,” ani Atsi Olivia pagbalik nya sa loob ng private room matapos syang kausapin ang doktor na tumingin sa akin. “Buti moderate sprain lang ang nakuha mo. Aside sa mga galos mo sa face, you’re okay. Kinausap na ni Ahya mo ‘yung rider na nakabundol sa ‘yo, hindi na raw nya pinagbayad kasi wala rin naman daw pera. Si Ahya mo na lang daw ang bahala sa lahat.” Naupo sya sa tabi ko at awang-awang iginagala ang tingin sa aking balikat na pinaikutan ng elastic bandage at sa mukha kong may ilan-ilang wound tape na pinakat ng nurse na naglinis sa mga sugat ko.Nabundol. Nabundol pala ako ng motor. Iyon ang dinahilan ni Knives kay Atsi para pagtakpan ang asawa nya. Napakadakila rin pala talaga.“Hindi ka kasi nag-iingat, depota ka! Youtube ka siguro nang Youtube habang tumatawid,” singhal ni Orlie na napapabaliktad ang nguso. “H’wag mo nang pagalitan, naaksidente na nga eh,” inikutan ni Atsi ng mga mata nya si bakla pagkatapos ay inutusan nya nang pasingha
[Knives’ POV] Para akong hinahabol ng sampung demonyo sa pagmamadali kong makarating ng ospital. I told the helpers ako ang magdadala sa kanya, sinabi ko rin sa kanyang hintayin nya ako, but nobody listened to me. Pagbalik ko sa loob ng mansyon mula sa garahe pagkatapos kong palayasin si Divine ay nakaalis na si Kataleia. Sino nga ba naman kasi ang tangang makikinig sa akin, kahit hindi nila sabihin ay alam kong ako ang sinisisi nila, dahil maski sarili ko ay sinisisi ko sa nangyari kay Kataleia. Minasdan ko ang mga kamay ko. Hindi ko sya sinaktan, hinding-hindi ko magagawang pagbuhatan sya ng kamay. Never have, never will. Pero bakit pakiramdam ko ay ang mga kamay kong ito mismo ang may kakagawan kung bakit sya naka-admit dito sa ospital ngayon. Divine has totally lost it. Puro kabaliwan lang lahat ng ginawa nya ngayong araw na ‘to. I never imagined she would go to such lengths, given her reputation and demeanor; yet she did it. Nanginig ang kalamnan ko nang marinig ko ang si
I couldn’t help but let out a sly smirk when I heard him call me by my first name. “Go ahead, kakatok na lang ako mamaya.” Minasdan ko si Seiji habang naglalakad sya patungo sa kwartong iyon. I want to follow him to her room so I can check on her and see for myself that she’s alright. But my mind keeps telling me otherwise. Baka hindi lang sya makapagpahinga nang maayos kapag nakita nya ako dahil sigurado akong upset na upset sya sa ginawa sa kanya ng aking baliw na asawa. “Uy, Knives, nakaupo ka lang d’yan. Bakit hindi ka pumasok du’n sa loob?” puna sa akin ni Orlie ng maiwan kami sa lobby, naupo sya sa tabi ko. “Anong ginagawa nya ngayon, Orlie?” mahinang tanong ko sa kanya. “Ayun, nakaupo. May shoulder sling at namamaga ang nguso. Tumubo na rin ang sungay nya sa ulo, at take note, hindi lang iisa, ha," he paused for a second and his gaze glued to my face. "Alam mo parang ang haggard mo today. Ang nega ng awra mo. Nabundol ka rin ng motor? Hahaha!” puna nya sa pananamlay ko, pab
“I see. Magbabantay ka ba kay Shobe tonight? You don’t have to; you can go home and take a rest. And’yan naman ang boyfriend nya to stay with her. Babalik na lang tayo tomorrow morning to pick her up.”“Hindi nya boyfriend si Seiji, Atsi,” pakli ko agad. “Oo. Hindi boyfriend. Suitor. Soon-to-be boyfriend,” nakakairitang marinig ang paghagikhik nya sa sinabi nyang iyon. “Well anyway, mauuna na kami sa ‘yo. I’m so tired.” She held onto Orlie's arm as they walked together toward the front door.Dalawa na lang sila ng Master Teacher nya sa kwartong iyon na lalong nakapagpabigat sa loob ko. But I won’t get mad. I shouldn’t be mad; wala ako sa tamang posisyon para magalit. I have no other choice but to stick to Atsi’s strong belief that Seiji is a decent guy. Laglag ang balikat na naupo ako ulit sa dati ko nang pwesto rito lobby na malapit sa room nya. I take a glance upon the closed door. I won’t go anywhere. I’ll just stay right here hanggang kung kailan sya pwede nang umuwi.+++++It’s
“Akala ko umuwi ka na?!” gitlang-gitlang dinampot ko agad ang unan sa likuran ko para sa ipantabon sa harap ko. “Akala mo umuwi na ako sa Manhattan? Of course not! It cost me almost four thousand dollars on a one-way ticket just to get here. Matagal ko nang pinagplanuhan ‘tong trip na ‘to kaya hindi ako uuwi nang gano’n na lang dahil sa inaaway mo ‘ko,” She pulls on that irritating laugh as she flips her hair she always does when she’s taunting me. “Kapag nalaman ni Atsi na nandito ka, she’ll kick you out. Baka ipadampot ka pa nya sa pulis!” “Nakausap ko na sya kanina, hindi naman sya galit or whatsoever; I don’t think she knows anything. Sabay pa nga kaming nag-almusal. She kept on talking about your stepsister's’ unfortunate accident. And I thought, you must’ve covered for me. Alam ko namang hindi mo pa rin matitiis ang asawa mo, ‘di ba? I just knew it,” ngiti pa nya habang pinupunas-punasan ang basa nyang buhok. “Wow, you really are insolent. Shrugging your shoulders as if na
It is really late in the evening when I pull myself of bed. I still feel a little groggy at mabigat ang katawan perhaps dahil sa fatigue. Itinapis ko ang kumot sa hubad ko pa ring katawan pagbangon ko. Pahakbang na ako papasok sa bathroom nang makarinig ako ng malalakas na boses sa labas ng kwarto ko na nagmumula sa katapat kong pinto. Bahagya kong binuksan ang pinto ko para marinig ko nang malinaw-linaw, nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto ng room ng aking ibon. My curiosity intensifies nang marinig ko ang paulit-ulit na pagbanggit ni Kataleia ng tawag nya sa akin. Nagising ang medyo tulog ko pang diwa ko nang boses naman ni Divine ang narinig ko na sumasabat habang nagsasalita sya. Kumalabog ang aking dibdib, nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto nya. “Shobe!” sambit ko agad pagpasok ko kipkip ang nakatapis sa aking kumot. Sa kanya agad nakatuon ang tingin ko. I quickly make a scan on her face, I feel relieved at the sight of her. Hindi naman pala sobrang l
Tumahimik ang paligid ng ilang segundo na tila napakatagal para sa akin, hanggang sa sinagot na rin nya ang tanong ni Kataleia. “Uhm, oo, nauntog. Nauntog ako. Hindi ko kasi nakita… Madilim dito,” napakahinang bulong ni Veronica na halos hindi bumuka ang mga namamaga nang labi. Para akong nabunutan nang malaking tinik sa lalamunan. “See? Nauntog. Nagulat na nga lang ako pag-akyat ko dito umiiyak na sya eh. Hay naku! Ipapalipat ko na nga 'yang pasong ‘yan, laging na lang may nadidisgrasya rito,” natatawa na naiiling ako. Daig ko pang nakapasa sa bar exams nang maibsan ang kaba ko. “Magpahinga ka na Veronica. Ipapasunod ko na lang sa kwarto mo ang first aid kit... ‘Lika na, love.” yakag ko sa kanya. “Gutom na ‘ko, baka hindi pa sila kumakain kakahintay sa ‘tin,” Hinawakan ko syang muli sa braso pero tinapik nya nang malakas ang aking braso. “Hindi pwede! Anong first aid kit?! Kelangan ‘tong matahi,” although may pagpa-panic, marahan nyang sinapo ng panyo ang tumulong dugo sa pisngi ni
“Hindi ba sinabi kong h’wag mong aalisin ang tingin mo sa kanya?!” gumaralgal ang boses ko sa lakas ng aking hiyaw. “Napakawala mong silbi!” “Pa-pasensya na, Boss. A-aalis na po ako nga-ngayon— hahanapin ko si Madame,” nagkakandautal sya sa takot sa nag-aapoy kong titig. Tumalikod sya sa akin at akmang lalayasan ako kaya hinablot ko ang maiksi nyang blonde na buhok, hinatak ko ‘yun at naglakad patungo sa bahay. Hanggang sa napahiga sya sa semento ay hindi ko binitawan ang buhok nya at nagpatuloy sa bilis ng paglalakad. Dumidilim ang utak ko sa nagpupuyos kong galit. Hindi ko na naririnig ang mga matitinis nyang tili sa sakit na dulot ng pagkakakaladkad ko sa kanya paakyat sa hagdan patungo sa ikatlong palapag. “Saan sya nagpunta??!” nanggagalaiting hiyaw ko pagbalibag ko sa maliit nyang katawan sa gilid ng sofa, nauntog pa sya sa matulis na gilid ng kwadradong paso ng halaman kaya dumugo ang malapit sa kanyang kilay . “Nasampal na kita kanina bago kayo umalis, ‘di ba? Hindi ka p
Ilegal ang mga laban sa aking flight club. Mga puganteng kriminal ang aking mga manlalaro—mga itinakwil ng batas at itinulak sa aking teritoryo. Walang anunsyo sa TV o radyo, walang media, walang permit. Isa lang ang batas dito: lumaban hanggang sa huling hininga. Ang gantimpala? Kalayaan para sa nag-iisang mabubuhay na higit pang mahalaga kesa sa pera. At tanging mga high-definition na kamerang nakakonekta sa bahay ni Yasou at ng ilan pang kasapi ng pamilya ang tahimik na nagmamasid sa bawat laban. Sa aming pamilya, death boxing is a sport— a tradition. A challenge of courage. The definition of honor. Isang tournament kung saan ang bawat igkas ay hindi lang pagsubok ng lakas, kundi pati na rin ng tapang at paninindigan. Dito, ang bawat manlalarong nasa loob ng ring ay hindi lumalaban para lang manalo, kundi para patunayan ang kanilang sarili at para sa kanilang kasarinlan. Sa ring na ito, hindi sapat ang bilis ng kamao o tigas ng katawan. Kailangan ng tibay ng loob, dahil ang bawa
[Seiji’s POV] “Aniki! Faito Kurabu o katte ni shimeru nante arienai! Koko de sore ga wakattara, watashitachi no pātonā ga dore dake okoru ka wakatteru no ka!? (Older brother! You can’t just close the fight club like that! Do you know how frustrated our family will get?!) “Kore wa watashi no bijinesu da. Shimeru ka dou ka wa watashi no jiyuu da. (This is my business. Whether I close it or not is my choice.)” mahinanong tugon ko sa kausap ko sa malaking monitor. Bumuntung-hininga ako at hinila ang aking buong bigat sa nakalaglag na lubid. I can feel my muscles flexing with each pull. “No, we cannot do that. The cards have already been laid out, and it is not possible to return their money so easily. That is not how things are done!” Gumusot pang lalo kulubot nyang mukha sa galit nya nang ibalita ko sa kanya na isasarado ko na ang club na matagal kong pinagyaman. Kanina pa nya ako sinisermunan. Paulit-ulit na ang pagpapaliwanag ko, mapa-English, Tagalog, o Nihongo, wala syang mai
Nang makahuma ako sa pagkagitla ay lumabas ako ng kotse. Lumakad pa ako ng may ilang metro para habulin ng tingin ang kumakaripas na motor. Napakabilis nyang nakalayo, gatuldok na lang sya sa aking paningin na nagpapasingit-singit sa trapik. Syet! Sya ba ‘yun??! Napakapit ako banda sa aking dibdib para pigilan ang pagwawala ng puso ko. Natutulala sa kawalang nakatayo lang ako sa gitna ng kalsada sa ilalim ng malakas na ulan. Maya-maya narinig kong sumigaw ang pasahero ko pagbaba nya ng bintana. “Hoy praning! Hindi mo ba nararamdamang umuulan?!” “Ang tanga mo naman! Ginitgit ka na nga, hinabol mo pa. Isusumbong talaga kita kay Boss. Kung nagasgasan lang 'tong kotse pati ako yari kay Boss! Hindi ka nag-iisip...” naiinis na turan nya pagbalik ko sa kotse na tila basang sisiw sa pagkakaligo ko sa ulan. Halos bumula ang kanyang bibig sa kung anu-anong pinagsasabi nyang hindi ko na inintindi. Tahimik at nangangaligkig sa lamig na ipinagpatuloy ko ang pagtahak ko sa daan habang na
“Kung dudang-duda ka, edi tawagan mo. Tawagan mo si Boss, tanungin mo. Ngayon na, hangga’t nandito pa tayo kasi baka nga naman mali ako.” Nagngingitngit ang loob kong dinampot ko ang aking cellphone. Tatanungin ko talaga si Seiji. Sasabihin ko na ring ihahatid ko na ang bruhang ito kung saan pa ito pwedeng tumira bukod sa bahay namin kesa maibusal ko sa matabil nyang bibig ang cellphone at kamao ko. “Ni isang beses hindi pa ako nagkamali sa utos sa ‘kin. Sinu-sure ko lahat ‘yun. Bawal akong magkamali. Kung nagkamali na ako noon edi sana matagal na sana akong patay! Bente-dos lang ako, wala akong pinag-aralan pero hindi naman ako gano’n katanga.” “May galit ka ba sa ‘kin?!” hindi ko na talaga natiis at kinompronta ko na sya. “Kung makapagsalita ka parang kilalang-kilala mo na ‘ko eh. Wala akong ginawang masama sa ‘yo para sagut-sagutin mo ‘ko ng ganyan!” “Wala ka ngang ginagawang masama, pero lalo lang bumigat ang buhay ko mula noong dumating ka!” malakas na singhal nya sabay du
“Ikaw ha, inano mo?” kagyat kong hinampas si Seiji sa braso bago sumakay sa bagong bili nyang kulay pulang sedan. Natatawang ikinibit nya ang kanyang balikat sa pagmamaang-maangan nya. “Wala akong ginawa, ano?” Bumunghalit sya ng tawa sa pagpapalatak ko na nagpapailing-iling. “Abnormal ka ba? Tawa ka nang tawa?!” dagli akong nainis sa OA nyang tawa. Nagi-guilty na nga ako sa pag-atungal ni Veronica, tinatawanan pa ako. “Hindi ako abnormal, love. Ang abnormal eh ‘yung paalis na lang, nagagalit pa… Hay nako! Teka nga pala,” dumukot sya sa kanyang bulsa ng kanyang shorts at iniabot sa akin ang kumpol ng pera na naka-rubber band. “Tapos bumili ka na rin ng gamit mo, love. Kumain na rin muna kayo ng gusto n'yo bago kayo umuwi.” “Oh, may pang-grocery na ako, ‘di ba? Baka wala ka nang pera d’yan?” “Meron akong tinabi dito panggasolina ko. Kung may matitira ka pa, ilagay mo sa ipon mo para sa baby natin... Lumakad na kayo, love. Maaabutan n’yo na ang trapik sa daan kapag hindi pa kayo u
“Sumama ka na. Wala ring magda-drive sa ‘yo papunta sa bangko dahil isasama ko si Ibiza, may pupuntahan kami,” ani Seiji. “Kaya ko namang pumunta ng bangko nang mag-isa eh, mamamasahe na lang ako. Bakit kaylangang sumama pa d’yan?! Marunong ba talagang mag-drive ‘yan?” naiinis na turan nya. Paalog-alog ang suso nyang walang panapo sa papadyak-padyak nya. Tumutulis ang nguso ko habang tinitingnan ko sya sa pagmamarakulyo nya, ‘kung matadyakan ko lang ‘tong maliit na babae na ‘to talaga…’ gigil na nasabi ko na lang sa aking sarili. “Hindi ka pwedeng mamasahe, Veronica. Please, gumayak ka na lang. Pagkatapos naming kumain magbibihis na si Kataleia… Pasensya ka na, love, nagkaro’n ng emergency sa bar eh,” nagi-guilting hinawakan nya ang aking pisngi. “Magkita na lang tayo rito mamaya para makapunta tayo sa mansyon. Nag-promise ako kay Mama na du’n tayo magdi-dinner at matutulog,” “Okay lang, love. Kaso parang ayaw nya kasi,” tinapunan ko ng tingin ang pabulung-bulong na mestizang pins
Lumabas ako sa kwarto at binuksan ang katapat naming kwarto at binuksan ang ilaw nito na nasa gilid ng pinto. Ito ang drawing room ni Seiji. Puno ang bawat dingding ng kanyang mga obra. Gustung-gusto kong tumatambay rito kasi ang tahimik tsaka natutuwa ako sa pagtingin-tingin sa mga larawang iginuhit nya halos puro pagmumukha ko—iba’t ibang anggulo at facial expressions. Napaka-passionate nya sa pagpipinta. Kung gagawa nga lang si Seiji ng art gallery mapupuno nya iyon ng mga display kaso naisip ko baka walang pumunta kasi puro ako rin lang naman ang maidi-display nya. Napasimangot ako nang makita ang canvas na huli nyang iginuhit na nakalagay na naman sa painting stand. “Sabi ko itago eh, nakakahiya! Pa’no kung may makakita. Dyusko!” nagigiba ang aking mukha habang ibinabalik ko ang larawan ng aking hubad na katawan sa likuran ng aparador kung saan ito nakalagay. “Did Veronica bother you again? Ay! I told you I’ll dust it off myself,” ani Mamancona pagsilip nya at nadatnan nya ako