“I see. Magbabantay ka ba kay Shobe tonight? You don’t have to; you can go home and take a rest. And’yan naman ang boyfriend nya to stay with her. Babalik na lang tayo tomorrow morning to pick her up.”“Hindi nya boyfriend si Seiji, Atsi,” pakli ko agad. “Oo. Hindi boyfriend. Suitor. Soon-to-be boyfriend,” nakakairitang marinig ang paghagikhik nya sa sinabi nyang iyon. “Well anyway, mauuna na kami sa ‘yo. I’m so tired.” She held onto Orlie's arm as they walked together toward the front door.Dalawa na lang sila ng Master Teacher nya sa kwartong iyon na lalong nakapagpabigat sa loob ko. But I won’t get mad. I shouldn’t be mad; wala ako sa tamang posisyon para magalit. I have no other choice but to stick to Atsi’s strong belief that Seiji is a decent guy. Laglag ang balikat na naupo ako ulit sa dati ko nang pwesto rito lobby na malapit sa room nya. I take a glance upon the closed door. I won’t go anywhere. I’ll just stay right here hanggang kung kailan sya pwede nang umuwi.+++++It’s
“Akala ko umuwi ka na?!” gitlang-gitlang dinampot ko agad ang unan sa likuran ko para sa ipantabon sa harap ko. “Akala mo umuwi na ako sa Manhattan? Of course not! It cost me almost four thousand dollars on a one-way ticket just to get here. Matagal ko nang pinagplanuhan ‘tong trip na ‘to kaya hindi ako uuwi nang gano’n na lang dahil sa inaaway mo ‘ko,” She pulls on that irritating laugh as she flips her hair she always does when she’s taunting me. “Kapag nalaman ni Atsi na nandito ka, she’ll kick you out. Baka ipadampot ka pa nya sa pulis!” “Nakausap ko na sya kanina, hindi naman sya galit or whatsoever; I don’t think she knows anything. Sabay pa nga kaming nag-almusal. She kept on talking about your stepsister's’ unfortunate accident. And I thought, you must’ve covered for me. Alam ko namang hindi mo pa rin matitiis ang asawa mo, ‘di ba? I just knew it,” ngiti pa nya habang pinupunas-punasan ang basa nyang buhok. “Wow, you really are insolent. Shrugging your shoulders as if na
It is really late in the evening when I pull myself of bed. I still feel a little groggy at mabigat ang katawan perhaps dahil sa fatigue. Itinapis ko ang kumot sa hubad ko pa ring katawan pagbangon ko. Pahakbang na ako papasok sa bathroom nang makarinig ako ng malalakas na boses sa labas ng kwarto ko na nagmumula sa katapat kong pinto. Bahagya kong binuksan ang pinto ko para marinig ko nang malinaw-linaw, nakita kong bahagyang nakabukas ang pinto ng room ng aking ibon. My curiosity intensifies nang marinig ko ang paulit-ulit na pagbanggit ni Kataleia ng tawag nya sa akin. Nagising ang medyo tulog ko pang diwa ko nang boses naman ni Divine ang narinig ko na sumasabat habang nagsasalita sya. Kumalabog ang aking dibdib, nagmadali akong lumabas ng kwarto at pumasok sa kwarto nya. “Shobe!” sambit ko agad pagpasok ko kipkip ang nakatapis sa aking kumot. Sa kanya agad nakatuon ang tingin ko. I quickly make a scan on her face, I feel relieved at the sight of her. Hindi naman pala sobrang l
“Ang weird no’n, Ahya, huh?” natatawang tinaasan ako ng kilay ni Orlie. “Ang alam ko d’yan kapag sobrang tagal na hindi nagkita ang mag-asawa parang mga manok na panabong ‘yan—talpakan to the max! Hahaha!”Lalong tumaginting ang tawanan sa loob ng kwarto ni Kataleia—except again for her. Although nakangiti sya ay sa cellphone pa rin nakatingin. I’m highly guessing hindi ang joke na iyon ang tinatawanan nya, kundi ang kung anong nakikita nya sa kanyang cellphone.“I was tired, Orlie,” I respond softly. “Magbibihis na nga ako, pinagtitripan mo na ‘ko eh.” Humakbang na ako palabas at pabalik sa kwarto ko. Hindi ko maiwasanag hindi mapikon sa biro ni Orlie na iyon, hindi lang ako nagpahalata. Naririnig sya ni Kataleia, pero hindi sya nangiming i-open ang aspirations nya sa sex life naming mag-asawa. Kahit gaano kami katagal na hindi nagkita, I still have no intention of having sex with her now or any time soon. Being passionately intimate with each other is not that mandatory in our marr
[Kataleia’s POV] Nasa-shock at ninenerbyos talaga ako sa mga pagpapaulan nya ng mga tanong sa akin. Lalo na sa huling tanong nya na kahit alam ko naman ang sagot ay napakahirap sagutin. Napakalapit pa ng mukha nya sa akin, hindi ako makaiwas kasi nakulong na ako sa mga braso nya na nakatukod sa pader, pati tuhod nya iniharang din nya kaya wala akong kawala. Bingo talaga kapag may nakakita. Idinaan ko na lang sa biro ang kaba ko. “Bakit parang mas lasing ka pa sa lasing, Ahya? Hindi ka naman amoy-alak,” natatawang sinamyo ko ang hininga nya. Wala naman akong naamoy na alak kundi ‘yung kendi lang na menthol na nakalagay sa flat na pabilog na lata na madalas nyang kainin kapag nagtatrabaho sya sa gabi. “Tinatawanan mo lang ako eh. I keep telling you how much I love you but I haven’t got any reply from you—not even once! I’m asking you now, I hope I get the answer I want to hear for the longest time. Do you love me? Mahal mo ba ako?” naaburidong kinokompronta na nya ako. “Babal
Hindi ko pinatagal ang pag-e-emote ko sa terazza, pagkatapos ng ilang malalalim na inhale-exhale at pagsinga para matanggal ang sipong namuo sa pag-iyak ko ay tumayo na ako at pumunta sa kusina. Kumuha ako ng Coke in can sa ref at pitsel ng tubig para kunwari ay ang mga ito ang ipinunta ko sa baba. Bahagyang nangingirot ang balikat ko sa pagkakayakap ko sa pitsel pero hindi ko iyon ininda dahil sa lalim ng iniisip ko. Paakyat na ako ng hagdan nang masalubong ko si Seiji. “Love, dapat inutusan mo na lang ako. Baka mamaga na naman ang balikat mo,” alalang anas nya pagkasalo nya ng mga dala-dala ko. Sabay na kaming naglakad pabalik ng kwarto habang nakakapit sya sa kanang bewang ko. “Ang kamay mo naman, Seiji. Lasing ka ba? Nangingiliti ka lang eh,” pabirong reklamo ko sa kanya kahit ang totoo ay medyo naiinis ako. May pagka-feelingero na rin kasi ‘tong ugok na ‘to porke botong-boto at kinikilig sila Atsi sa pag-aalala at sa mga simpleng ‘da moves’ nya sa akin. “Sorry naman, inaal
Naiilang na tumitig sa akin nang matagal si Seiji na tila binabasa ang reaksyon ko. “Uuwi ako, Atsi. Babalik na lang ako ng umaga. Baka hindi maging kumportable si Kataleia sa pagtulog nya kapag nandito ako,” ngiti nya sabay baling nya sa dalawa na kung mag-abresiete ay aakalain mong mag-jowa. Kagabi palang sa ospital ay napapansin ko na ang sweetness nila sa isa’t isa. Kanina nga noong naiwan kaming tatlo ay kumandong pa si Atsi sa kanya at nakayakap naman sya rito. Hindi ko lang pinupuna dahil sa hiya ko kay Atsi na parang gustung-gusto rin naman. Kung hindi ko lang kilalang bakla si Orlando, iisipin ko talagang lalake sya pagdating kay Atsi at mayroon silang relasyon. “Sige, ikaw ang bahala. Hindi ka ba nalasing?” alalang tanong ni Atsi sa kanya. “Okay lang ako. Pupunta na lang ako mamaya kapag gising na sya,” haplos nya sa balikat ko. Medyo nakahinga ako nang maluwag, hindi ko rin naman gusto na dito pa rin sya matulog, ‘no! Dalawang araw na yata kaming magkadikit. Dyusko.
Sinusuklay-suklay ko ang aking buhok na ginupitan ko ang dulo ng may kalahating dangkal din; paano’y nang masabunutan ako ay nagkaputul-putol at lalong nag-tangles ito. At para medyo trendy ang itsura ng dating blunt na straight na buhok ko ay naglagay din ako ng konting bangs—curtain bangs daw ang tawag dito na pwedeng suklayin nang pa-side. Natuwa nga ako sa kinalabasan habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin ng banyo, parang lalo akong bumata. Paglabas ko ng banyo ay sakto namang may kumatok sa pintuan ko. Tiningnan ko ang orasang nakapakat sa dingding sa taas ng TV. Naisip ko agad na si Seiji iyon. Sya lang naman ang kumakatok ng ganito kaaga. Mas nauuna pa nga syang dumating kesa sa almusal ko. “Ang bilis mo naman yata, parang kaka-text mo lang na papunta ka palang ng Taft,” wika ko pagbukas ko ng pinto ko na hindi tumitingin sa kumatok, lumakad ako agad papasok sa walk-in closet dahil nakatalukbong lang ako ng tuwalya. Narinig kong tumunog ang lock ng doorknob pati na
“Nasa ibang bansa raw eh, hindi nakarating kasi may problema. Pero tumawag naman daw tapos nagpadala ng regalo,” ngiti ko. Wala ni isang kamag-anak ni Seiji ang dumating sa kasal namin. Tanging ang sinasabi nyang kaibigan lang nya na minsan ay kasama nya kapag may bibitbiting mabibigat noong kasagsagan ng pagpe-prepara nya sa kasal ang naririto ngayon at tahimik lang na nakatayo sa gilid ng hardin na tila nagmamasid at pinakikiramdaman ang paligid. Natigil ang pagtsi-tsismisan namin nang lumapit ang pogi kong asawa mula sa lamesa kung nasaan sina Rector Mendez, Father Erin na Rector naman sa isang branch ng Catholic School kung saan ako dati nagtuturo, ilan pang mga pari at seminarista na kakilala namin. Napakaaliwalas ng babyface nyang mukha paghalik nya sa aking bibig. Hindi ko na mabilang kung may ilang beses nya akong hinalikan mula pa kanina. “Ikaw ha, Sir Seiji! Andami n’yong secret ni Kataleia sa ‘kin. Nagbakasyon lang naging mag-asawa na kayo,” tudyo ni Miss Nori. “Inunahan
Hindi kami nag-imikan ni Seiji habang nasa daan, mataman lang syang nagmamaneho at ako naman nakatingin lang sa gawing bintana ko. Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip nya, hindi ko rin sya tinatanong dahil abala ang isip ko sa ibang mga bagay. Nagsalita lang sya nang mag-stopover kami sa isang malaking bilihan ng pasalubong para tanungin kung mayroon akong gustong bilhin at kung ano ang gusto kong kainin. Hindi na ako bumaba ng sasakyan para samahan syang mamili, hinayaan ko na lang syang mag-isa nya. “May problema ba tayo?” tanong ko nang hindi na ako nakatiis pag-abot nya sa akin ng plastic ng pinamili nyang kung anu-anong minatamis at mineral water. “Wala, wala namang problema,” hinalikan nya ako sa noo nang napakagaan na halos wala akong naramdaman pagkatapos ay sumakay na syang muli sa kotse. Kinibit ko ang aking balikat. Kung anuman ang arte nya ngayon, wala na ‘ko do’n. Wala naman kasi akong alam na ginawa kong masama. Ganumpaman, hindi ko maiwasang hindi makaramdam n
Padabog akong naupo sa nakasaradong inidoro pagpasok ko sa isang cubicle. Nakakainis, mariing punas ko sa mukha ko ng tissue na nakuha ko sa tissue dispenser. Hindi naman ako iyakin dati, ngayon laging nag-uunahan ang luha ko sa konting kibot lang!Ang kumplikado na ng buhay ko. Noong magkasama pa kami ni Orlie sa paupahang bahay ay masaya na ako sa mga simpleng bagay. Gala o ‘di kaya tulog maghapon kapag walang pasok, kain kung anong magustuhan. Inom dito, disco doon—gano’n lang. Okay lang kahit minsan walang pera at tipid na tipid. Nagkakasya ako sa isang lata ng sardinas. Sinusulat-kamay ko lahat ng lesson plans ko. Ngayong tumira ako sa magandang bahay at nakasama ko na si Mama, pakiramdam ko napakahirap pag-isipan lahat ng kailangang pagdesisyunan at sa tuwing gagawa ako ng desisyon, lagi akong nagkakamali at sa huli ako ang nasasaktan.Nasa kalagitnaan ako ng walang kasense-sense na pag-iyak ko nang marinig kong may kumakatok sa pinto ng cubicle kung saan ako nagtatago. “Kat, a
“Oh, ano naman ang problema mo do’n, Kataleia?! Ganu’n din naman ‘yun eh, bakit patatagalin pa? May naipon naman siguro ‘tong si Seiji, kaya kang pakasalan kahit saang simbahan mo pa gusto,” komento ni Mama. “Ah hindi ‘Ma, sa huwes na lang muna kami. Tapos after two to three years sa simbahan na.” “Smart choice, Mr. Mendoza,” sabat ni Atsi Olivia na kadarating lang. “Good afternoon, Dad.” Hinalikan nya si Tito Miguel sa noo pati na rin kami ni Mama saka naupo sa harapan ko sa lamesa. Nakasunod sa kanya ang asawa nyang nakasuot pa ng shades na parang walang nangyari kagabi na lalong ikinagiba ng mukha ko na hindi ko na lang pinahalata. “Sukob ang kasal n’yo kung ngayong taon din na ‘to kayo ikakasal sa simbahan. Malas ’yun,” dagdag pa nya.“Pwede rin namang sa simbahan na. Hindi naman kailangan pang sumunod sa tradisyon na ‘yan. Malas ang taong naniniwala sa malas,” ani Tito Miguel.“Eh, Seiji,” nguso ko. Hindi ko naiwasang hindi magprotesta. “Hindi naman ganu’n ang sinabi ko eh.”“S
Tumayo sya sa kama at hinawakan ako sa magkabilang bewang. “Para kang Diyosa,” anas pa nya. Napahagikhik na lang ako bigla. “Oh, bakit ka natawa?” ngiti nya. Tila napakalambing naman ngayon ng tinig nya sa aking pandinig. “Kasi ‘kala ko sasabihin mo, ‘para kang multo.’” Hindi sya tumawa o ngumiti man lang. Ito ang pinakaunang pagkakataon na hindi nya sinakyan ang biro ko mula ng magkakilala kami. Naaninag ko ang kaseryosohan ng kanyang mukhang nakatitig sa akin. Binuhat nya ako papunta sa kama at marahang inihiga ako roon. Hindi nya inaalis ang tingin nya sa akin habang hinuhubad nya ang kanyang damit. Nakangiti ang kanyang mga matang kinulumpon ang mahaba at basa ko pang buhok pataas saka marahang dumapa sa ibabaw ko. At doon na nagkatotoo ang matagal na nyang hiling. Sinamba nya nang paulit-ulit ang buong katawan ko hanggang sa pumutok ang bukang-liwayway. +++++ Pinagmamasdan ko sya habang nakadapang natutulog sa tabi ko. Napakaganda ng mga tattoo nya sa likod na umaabot
“Damn, you’re so hot. Hindi ko sila masisisi kung bakit sila nababaliw sa ‘yo,” nakaririmarim ang init ng hininga nya sa tenga ko. Nagtayuan ang lahat ng balahibo ko sa katawan nang hawakan nya ako sa aking tadyang. Inilalapit nya nang husto ang mukha nya sa mukha ko kaya tinulak ko sya nang ubod ng lakas at nagmadaling dumiretso sa bahagyang nakabukas na pinto. “Shobe? Lalabas ka na?” mahinang usal ni Atsi na nakapikit ang mga mata habang inaayos ang kanyang kumot. Napalingon ako kay Kuya Mike na hindi pa rin umaalis sa kinatatayuan nya at pangisi-ngising nakatingin din sa akin. “Opo, Atsi. Nandito na si Kuya Mike, may kasama ka na,” matalim na tingin ko kay Kuya Mike. “Goodnight, Siobe. Thanks for taking care of Olivia,” ngiti nya na tila nang-aasar pa akma syang lalapit na naman kaya nagkumahog na akong lumabas ng pintuan. Mangiyak-ngiyak akong tinakbo ang papunta sa kwarto ni Orlie. Siguro naman nakauwi na ‘yun galing sa bar. Ano bang gagawin nya do’n nang mag-isa? Hind
Napakurap-kurap ako nang nakarinig ako ng mahinang lagitik. Maya-maya ay malinaw na nagsalita ang prompt ng network nya.‘The number you have dialed is not accepting calls at this time.’Laglag ang mga balikat na tin-ap kong muli ang re-dial. Baka naman napatay lang nya ang tawag o kung ano, isip-isip ko. Baka tulad ko, hindi rin nya alam kung ano ang sasabihin nya. Pero hindi naman ako ang alam nyang tumatawag, kundi si Atsi, dahil cellphone nya ito. Binigyan ko ang sarili ko ng pag-asa. Kaso sa kasamaang-palad, hindi na ito muling nag-ring pa. Isang mahaba at matining na tunog na lang aking narinig hudyat na hindi na maaari pang tawagan ang cellphone nya. Inis na inis ako. Kung cellphone ko lang ito naibalibag ko na sa bwisit ko. Hanggang ngayon sarili pa rin lang nya iniisip nya. Ultimo ang nakatatanda nyang kapatid, tinanggal na nya sa utak nya.‘Naka-move on na sya, Kat. Ganu’n talaga ‘yon, lalake eh. Para ka namang bago nang bago. Kapag umayaw ang lalake, ayaw na talaga. Kahit
“Uhm, antayin mo na lang ako sa kwarto, love. Susunod ako sa ‘yo, hihintayin ko lang si Kuya Mike na dumating para meron syang kasama rito. For sure, naglalakad-lakad lang ‘yun sa labas,” binigay ko sa kanya ang susi ng kwarto ko. “Gusto n’yo hanapin ko na lang sya?” naiilang na sinulyapan nya si Atsi. “Hindi mo makikita ang ayaw magpakita,” mahinang tugon ni Atsi habang nakatungo sa sahig. Nangingiwing iginiya ko na sya sa pintuan hanggang sa makalabas na sya na natitilihan pa, “susunod naman ako maya-maya lang. Masama ang pakiramdam kasi,” pagdadahilan ko sa kasungitan ni buntis. Pagkasarado ko ng pinto ni Atsi saka sya pumalahaw ng iyak, nataranta ako sa lakas ng atungal nya na parang napakasakit ng kalooban nya. “Atsi, h’wag kang umiyak. Makakasama ‘yan sa baby mo,” alalang-alalang niyakap ko sya. “Muntik na ‘kong dalhin ni Dad sa doktor kanina. What will I tell if he finds out?! This is out of wedlock, Kat,” hagulgol nya sa balikat ko. “I wanted to tell Knives about this.
“Seiji, anak, sige na, sa kanya ka na matutulog, ha. Baka mamaya biglang makaisip na maglakad-lakad ‘yan ng madaling-araw para sundan ‘yung bakla nyang kaibigan, at least and’yan ka para masamahan mo,” tamang parinig sa akin ni Mama pagbaling nya kay Seiji na napapakamot naman ng ulo. “Si-sige po, ‘Ma, kung gusto nya po, bakit naman hindi?” sabay tawa pa nya. “Swerte mo kasi maginoo ang mapapangasawa mo, Kataleia, kaya nga pinagtitiwalaan ko nang husto eh. Sige na magpahinga na kayo, magkita tayo bukas,” Nabaling ang atensyon namin nang dumuwal si Atsi nang malakas, nakasandal sa dingding na sapo-sapo ng isang kamay ang kanyang bibig at ang isa naman ay ang kanyang tiyan. Agad kaming lumapit ni Seiji para alalayan sya. “Nasa’n ba ang asawa mo, Olivia? Parang hindi ko nakita maghapon,” ani Tito Miguel na may iritasyon sa kanyang tinig. “Baka iba na ‘yan kung kanina ka pa nagsusuka. You need to be checked. My love, pumunta ka sa reception baka may doktor sila rito na pwedeng mag-