Hindi na ako kumibo mula noon hanggang sa makatapos kaming kumain ng almusal. Lumapit sa amin si Atsi para magbeso at magpaalam na papasok na sya sa opisina. “Pupunta ka sa site mo sa Taguig tapos bibiyahe pa-Manila for Shobe’s Masteral class tapos babalik ka ng Taguig then susunduin mo sya ulit sa Manila at babalik sa Taguig. It’s too exhausting just thinking of it. Binigyan mo pa ng sariling kotse, hindi mo naman hinahayaang mag-drive para matuto mag-isa.” “Hey, I’m not complaining. And besides, Shobe’s class is only three days in a week,” natatawang sagot lang nya. May point si Atsi. Talagang nakakapagod ang ginagawa namin kapag may klase ako sa aking Masteral course. Minsan gusto ko na ring umangal kasi lagi akong puyat dahil simula nang mag-umpisa ang klase ko ay napadalas ang pag-uusap namin ni Seiji sa madaling araw. May pagkakataong gusto ko pa sanang habulin ang tulog ko sa umaga tutal tanghali pa naman ang pasok ko pero hindi ko magawa dahil maaga kami umaalis. Maaga kas
“I guess Atsi’s right. You’re old enough to drive,” ani Knives pagbalik namin sa pinagparadahan nya ng pulang kotse sa malawak na lupa ng construction site. “Huh?” kunwang nagitla ako sa sinabi nya. “Hahayaan kitang mag-solo ngayong araw na ‘to sa pagpasok mo sa klase mo. But just for today, okay? Titingnan ko lang kung gaano ka na kagaling magmaneho.” Inabot nya sa akin ang remote key ng kotse. “Sa ‘yo nga naman kasing kotse ‘yan, so dapat kaya mo nang i-drive nang wala kang kasama.” “O-okay,” medyo alanganin ko pang sagot. Pero sa totoo lang, lihim akong natutuwa, na-e-excite at kinakabahan at the same time. Matapos ang ilang linggong pagtuturo nya sa pagmamaneho ay sa wakas hahayaan na nya akong mag-isa. Nakaupo na ako sa driver’s seat nang ulitin nya ang lahat ng binibilin nya sa akin palagi. “Hindi mo kailangang bilisan, okay lang na mabagal ka. And the mirrors, fix your mirrors para ma-view mo lahat—kaliwa, kanan, at ‘yung likod. Teka,” ipinasok nya ang kalahati ng katawan
Nahihiwagaang kumunot ang noo ko. “Hindi po eh. Nandito po ako sa University. Uhm, bakit daw po kaya sya umuwi?” “I have no idea, Shobe. Hindi nga rin sa ‘kin nagsabi. Kay foreman ko lang nalaman na nagmamadali raw na umuwi. Try mo tawagan ulit, baka busy lang o ‘di kaya may emergency.” “Emergency?” Agad nagtahip ang dibdib ko sa sinabi ni Mr. Yee. Nagsasalubong ang kilay ko nang ipa-ring kong muli ang cellphone nya, pero gano’n pa rin—ring pa rin lang nang ring. Hindi uuwi ‘yun nang basta-basta dahil marami syang isinasaalang-alang sa pag-uumpisa ng pinapatayo nilang building. Iisa rin lang ang gamit naming kotse at dala ko pa ito ngayon. Malamang nag-taxi pa pauwi ‘yun kasi hindi naman sya marunong mag-commute, kaya baka nga mayroong emergency kaya napahangos si Knives na umuwi. Tinawagan ko si Atsi para tanungin kung may nangyari pero wala naman syang kaalam-alam. Hindi ko sya nakausap nang matagal dahil marami raw syang ginagawa sa office nya. +++++ “Oo, Ma’am Kat,
Matapos kong manghingi ng paumanhin sa gwardya ay tinulungan nya akong makalabas ng University premises nang matiwasay. Maingat kong ipinarada ang kotse sa tabi ng kalsada sa labas ng University. Tinawagan kong muli si Knives para alamin kung saang lupalop na sya naroroon at inabutan na ako rito ng gabi sa kahihintay sa kanya pero unattended na ito. Low battery na nga siguro ang cellphone nya. Naalala kong sinabi nya 'yon kanina noong nagkausap kami kanina. Napapasimangot ako habang blangkong nakatitig sa steering wheel. Ginagawa nya akong bata na hindi kayang umuwi nang mag-isa. Bahala sya sa buhay nya kung dumating sya rito na nakaalis na ako, isip-isip ko. Pero nag-text na rin ako sa kanya na bibiyahe na ako pauwi para hindi sya mamatay sa pag-aalala. Pinindot-pindot ko ang touchscreen display ng kotse at nag-search sa navigation system. Buti na lang mayroong built-in na ganito ang kotseng ito, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-focus sa pagmamaneho at sunding maigi ang b
Humahagulgol si Nanay Myrna at Pearl habang pinagmamasdan nila ang kaawa-awa kong sinapit habang nilalapatan ako ng paunang lunas ni David, ang hardinerong anak ni Manong driver. Walang kaimik-imik na nakatungo lang ako at nakatitig sa mga kagamitang panggamot nya na nasa lamesa. Dinadama ko ang sakit ng aking nagkabukol-bukol na ulo at sa hapdi ng banayad na pagpapahid ni David ng gamot sa mga sugat ko sa mukha. “Ma’am tiisin po n’yo para hindi maipeksyon ang mga sugat n'yo, tapos uminom kayo ng gamot para mabawasan ang kirot,” anas ni David na napapangiwi rin kada mapapapiksi ako sa sakit. “Heto na ang mga gamit n’yo, Ma’am. Durog na durog ang eyeglasses n’yo. Basag ang laptop pati ang cellphone. Tsk tsk!” napapalatak na inilapag ni Manong driver ang mga iyon pati na ang mga folder ko na animo’y mga basura na lang sa kitchen counter. Hinayang na hinayang na napakamot ako sa aking sintido habang tinitingnan ang mga gadgets kong tigmak ng dents at barag na barag ang mga screen
Nag-momol. Nag-momox. Jumerjer. Kumarat! Kaya hindi na naalalang may usapan kami. Putang ina! Galit na galit ako habang nagkakandatuwad ako sa paghuhubad ng masikip kong maong. Maliligo ako baka sakaling mabawasan ang pamamaga ng mukha ko sanhi sa pagkakabugbog sa akin. Lalo akong naiyak nang makita ang aking itsura sa salamin ng banyo: Putok ang nguso, punit ang kilay at cheekbones, at may mangilan-ngilan kalmot, galos at pasa sa iba’t ibang parte ng mukha ko, maging sa aking leeg. Hindi ko rin mahawakan ang ulo ko sa natamo kong mga bukol at sa tindi ng pagkakahila ng buhok ko ng abnormal na asawa ni Knives. Ni hindi ko man lang naipagtanggol ang sarili ko. Paano’y naunahan na ako ng kaba at gulat nang hindi ko nakilala agad kung sino ang bumubuntal sa akin. Oo, inawat nga nya ang asawa nya, nakita ko ‘yun. Nagalit sya tapos inilayo ito. Pero hindi gano'n ang inaasahan kong reaksyon nya. Hindi ko ramdam. Walang bigat. Walang dating sa akin. Parang wala kaming pinagsamahan sama
“Normal ang CT scan mo, Shobe. Thank God,” ani Atsi Olivia pagbalik nya sa loob ng private room matapos syang kausapin ang doktor na tumingin sa akin. “Buti moderate sprain lang ang nakuha mo. Aside sa mga galos mo sa face, you’re okay. Kinausap na ni Ahya mo ‘yung rider na nakabundol sa ‘yo, hindi na raw nya pinagbayad kasi wala rin naman daw pera. Si Ahya mo na lang daw ang bahala sa lahat.” Naupo sya sa tabi ko at awang-awang iginagala ang tingin sa aking balikat na pinaikutan ng elastic bandage at sa mukha kong may ilan-ilang wound tape na pinakat ng nurse na naglinis sa mga sugat ko.Nabundol. Nabundol pala ako ng motor. Iyon ang dinahilan ni Knives kay Atsi para pagtakpan ang asawa nya. Napakadakila rin pala talaga.“Hindi ka kasi nag-iingat, depota ka! Youtube ka siguro nang Youtube habang tumatawid,” singhal ni Orlie na napapabaliktad ang nguso. “H’wag mo nang pagalitan, naaksidente na nga eh,” inikutan ni Atsi ng mga mata nya si bakla pagkatapos ay inutusan nya nang pasingha
[Knives’ POV]Para akong hinahabol ng sampung demonyo sa pagmamadali kong makarating ng ospital. I told the helpers ako ang magdadala sa kanya, sinabi ko rin sa kanyang hintayin nya ako, but nobody listened to me. Pagbalik ko sa loob ng mansyon mula sa garahe pagkatapos kong palayin si Divine ay nakaalis na si Kataleia. Sino nga ba naman kasi ang tangang makikinig sa akin, kahit hindi nila sabihin ay alam kong ako ang sinisisi nila, dahil maski sarili ko ay sinisisi ko sa nangyari kay Kataleia.Minasdan ko ang mga kamay ko. Hindi ko sya sinaktan, hinding-hindi ko magagawang pagbuhatan sya ng kamay. Never have, never will. Pero bakit pakiramdam ko ay ang mga kamay kong ito mismo ang may kakagawan kung bakit sya naka-admit dito sa ospital ngayon.Divine has totally lost it. Puro kabaliwan lang lahat ginawa nya ngayong araw na ‘to. I never imagined she would go to such lengths, given her reputation and demeanor; yet she did it. Nanginig ang kalamnan ko nang marinig ko ang sigaw ni Nanay