“Tatawag ako mamaya, kung okay lang,” anas ni Seiji nang iabot nya sa akin ang pint ng ice cream na dala nya. Special ako sa lahat ng co-teachers namin, nagpa-deliver sya ng merienda namin na pinagsaluhan naming lahat pagkatapos ng meeting pero ako lang ang bukod tanging may chocolate ice cream. Nakita ko sa gilid ng mga mata ko si Miss Isabel na nakaupo sa isang upuan at tahimik kaming pinagmamasdan. May hangover pa siguro sya kaya kanina pa sya wala sa mood o sadyang hindi lang sya natutuwang makita kaming magkausap ni Seiji. Wala akong pakialam kung feeling man nya ay naaagawan ko sya. At least hindi ko kailangan magpapansin tulad ng ginawa nya kagabi dahil ako ang kusang nilalapitan at kinukulit ng crush nya. “Hindi, mas maganda kung ako na lang ang tatawag sa ‘yo. Busy kasi ako mamaya eh haharapin ko lang si Orlie. Kaso baka late na ako makatawag,” pagdadahilan ko.“Okay lang. Sasagutin ko kahit madaling araw ka pa tumawag, makausap lang kita. Kainin mo na ‘yang ice cream bago p
Nang matapos ang graduation rites ng mga bata, bigayan ng report cards at iba pang kailangang ipasa sa pagtatapos ng school year ay nakakuha rin ako ng pahinga kahit papaano. Nayakag ako ni Knives na mag-jogging tuwing umaga sa park na malapit sa mansyon. Tinuruan rin nya akong mag-drive sa kotseng binili nya para sa akin. Automatic transmission lang naman at malakas ang aking loob kaya hindi gaanong nagtagal ang pagtuturo nya, natuto ako agad magmaneho. Ang mina-master ko na lang ay ang tamang pagpa-park ng sasakyan at troubleshooting sa kalsada. Du’n kasi ako medyo kinakabahan sa takot kong magasgasan ang napakagandang kotseng binigay nya. Kapag wala akong seminar ay isinasama nya ako sa mga meetings nya with Mr. Yee o ‘di kaya naglo-long ride kami para makapag-unwind. Minsan overnight, minsan naman ay buong maghapon lang. Depende sa layo ng lugar at sa libreng oras na mayroon kami. Pasyal, food trip, picture-picture at ‘yung makapanindig-balahibong sex—hindi ‘yun nawawala. Hin
“‘Lika, Atsi, swimming po tayo. Nasa pool na po si Ahya,” yakag ko sa kanya nang makita ko syang umiinom ng kanyang tsaa at nagbabasa ng magazine sa living room. Tinanghali kasi ako ng gising kaya hindi na kami nakapag-jogging ni Knives, kaya swimming na lang daw para may exercise pa rin.Tiningnan nya ang suot kong brown na t-shirt at maong na shorts na may cycling shorts pa sa loob.“Magsu-swimming ka? Bakit ganyan ang suot mo, hindi mo isuot ‘yung mga binigay kong swimsuit sa ‘yo.” “Huh? Eh kasi po, ano,” hindi ko lang masabi pero ayaw ni Knives ng naka-bikini ako kapag dito lang sa bahay, lalo na kung naririto si Kuya Mike. Pero kapag nasa labas kaming dalawa ang gusto naman nya na pak na pak ako mag-bathing suit. “Shobe, ang tagal mo naman!” narinig ko ang malakas na tinig ni Knives mula sa pool area.“Sige na, Shobe, kayo na lang muna. May hinihintay kasi akong tawag. Enjoy kayo,” sagot nya tapos bumalik ang atensyon nya sa magazine na hawak kaya iniwan ko na sya at nagtungo na
Hindi na ako kumibo mula noon hanggang sa makatapos kaming kumain ng almusal. Lumapit sa amin si Atsi para magbeso at magpaalam na papasok na sya sa opisina. “Pupunta ka sa site mo sa Taguig tapos bibiyahe pa-Manila for Shobe’s Masteral class tapos babalik ka ng Taguig then susunduin mo sya ulit sa Manila at babalik sa Taguig. It’s too exhausting just thinking of it. Binigyan mo pa ng sariling kotse, hindi mo naman hinahayaang mag-drive para matuto mag-isa.” “Hey, I’m not complaining. And besides, Shobe’s class is only three days in a week,” natatawang sagot lang nya. May point si Atsi. Talagang nakakapagod ang ginagawa namin kapag may klase ako sa aking Masteral course. Minsan gusto ko na ring umangal kasi lagi akong puyat dahil simula nang mag-umpisa ang klase ko ay napadalas ang pag-uusap namin ni Seiji sa madaling araw. May pagkakataong gusto ko pa sanang habulin ang tulog ko sa umaga tutal tanghali pa naman ang pasok ko pero hindi ko magawa dahil maaga kami umaalis. Maaga kas
“I guess Atsi’s right. You’re old enough to drive,” ani Knives pagbalik namin sa pinagparadahan nya ng pulang kotse sa malawak na lupa ng construction site. “Huh?” kunwang nagitla ako sa sinabi nya. “Hahayaan kitang mag-solo ngayong araw na ‘to sa pagpasok mo sa klase mo. But just for today, okay? Titingnan ko lang kung gaano ka na kagaling magmaneho.” Inabot nya sa akin ang remote key ng kotse. “Sa ‘yo nga naman kasing kotse ‘yan, so dapat kaya mo nang i-drive nang wala kang kasama.” “O-okay,” medyo alanganin ko pang sagot. Pero sa totoo lang, lihim akong natutuwa, na-e-excite at kinakabahan at the same time. Matapos ang ilang linggong pagtuturo nya sa pagmamaneho ay sa wakas hahayaan na nya akong mag-isa. Nakaupo na ako sa driver’s seat nang ulitin nya ang lahat ng binibilin nya sa akin palagi. “Hindi mo kailangang bilisan, okay lang na mabagal ka. And the mirrors, fix your mirrors para ma-view mo lahat—kaliwa, kanan, at ‘yung likod. Teka,” ipinasok nya ang kalahati ng katawan
Nahihiwagaang kumunot ang noo ko. “Hindi po eh. Nandito po ako sa University. Uhm, bakit daw po kaya sya umuwi?” “I have no idea, Shobe. Hindi nga rin sa ‘kin nagsabi. Kay foreman ko lang nalaman na nagmamadali raw na umuwi. Try mo tawagan ulit, baka busy lang o ‘di kaya may emergency.” “Emergency?” Agad nagtahip ang dibdib ko sa sinabi ni Mr. Yee. Nagsasalubong ang kilay ko nang ipa-ring kong muli ang cellphone nya, pero gano’n pa rin—ring pa rin lang nang ring. Hindi uuwi ‘yun nang basta-basta dahil marami syang isinasaalang-alang sa pag-uumpisa ng pinapatayo nilang building. Iisa rin lang ang gamit naming kotse at dala ko pa ito ngayon. Malamang nag-taxi pa pauwi ‘yun kasi hindi naman sya marunong mag-commute, kaya baka nga mayroong emergency kaya napahangos si Knives na umuwi. Tinawagan ko si Atsi para tanungin kung may nangyari pero wala naman syang kaalam-alam. Hindi ko sya nakausap nang matagal dahil marami raw syang ginagawa sa office nya. +++++ “Oo, Ma’am Kat,
Matapos kong manghingi ng paumanhin sa gwardya ay tinulungan nya akong makalabas ng University premises nang matiwasay. Maingat kong ipinarada ang kotse sa tabi ng kalsada sa labas ng University. Tinawagan kong muli si Knives para alamin kung saang lupalop na sya naroroon at inabutan na ako rito ng gabi sa kahihintay sa kanya pero unattended na ito. Low battery na nga siguro ang cellphone nya. Naalala kong sinabi nya 'yon kanina noong nagkausap kami kanina. Napapasimangot ako habang blangkong nakatitig sa steering wheel. Ginagawa nya akong bata na hindi kayang umuwi nang mag-isa. Bahala sya sa buhay nya kung dumating sya rito na nakaalis na ako, isip-isip ko. Pero nag-text na rin ako sa kanya na bibiyahe na ako pauwi para hindi sya mamatay sa pag-aalala. Pinindot-pindot ko ang touchscreen display ng kotse at nag-search sa navigation system. Buti na lang mayroong built-in na ganito ang kotseng ito, ang kailangan ko na lang gawin ay mag-focus sa pagmamaneho at sunding maigi ang b
Humahagulgol si Nanay Myrna at Pearl habang pinagmamasdan nila ang kaawa-awa kong sinapit habang nilalapatan ako ng paunang lunas ni David, ang hardinerong anak ni Manong driver. Walang kaimik-imik na nakatungo lang ako at nakatitig sa mga kagamitang panggamot nya na nasa lamesa. Dinadama ko ang sakit ng aking nagkabukol-bukol na ulo at sa hapdi ng banayad na pagpapahid ni David ng gamot sa mga sugat ko sa mukha. “Ma’am tiisin po n’yo para hindi maipeksyon ang mga sugat n'yo, tapos uminom kayo ng gamot para mabawasan ang kirot,” anas ni David na napapangiwi rin kada mapapapiksi ako sa sakit. “Heto na ang mga gamit n’yo, Ma’am. Durog na durog ang eyeglasses n’yo. Basag ang laptop pati ang cellphone. Tsk tsk!” napapalatak na inilapag ni Manong driver ang mga iyon pati na ang mga folder ko na animo’y mga basura na lang sa kitchen counter. Hinayang na hinayang na napakamot ako sa aking sintido habang tinitingnan ang mga gadgets kong tigmak ng dents at barag na barag ang mga screen