Pasimpleng nagbubungisngisan ang dalawa kong co-teachers habang nagpapahid-pahid ng kolorete sa mukha. Ina-anticipate na nila ang gaganaping party mamaya. Lalo na si Miss Isabel, na kahit hindi nya sabihin ay halata sa kanyang mga kilos ang pagkagusto nya kay Seiji. “Good morning, ladies,” nakangiting bati ni Seiji pagpasok nya ng faculty room. “Pagkatapos ng programme, konting meeting lang tayo then pwede na tayong umuwi. Ipasusundo ko kayo rito para sabay-sabay na kayo pupunta sa bahay.” Sinulyapan muna nya ako saglit sa pagre-retouch ko saka nagmamadaling dumiretso sa likod. Impit na tili ang pinakawalan ni Miss Nori sa kanyang pagka-excite bago sya nagsalita, "Sir, si Miss Kat kasi walang nadalang damit pampalit, kami meron. Kung ihatid mo muna kaya sya sa kanila para makapagpalit?" "Hindi po okay lang ako, ah, Sir," hilaw na ngisi ko sa hiya. Siraulo talaga 'tong si Miss Nori, nang-uudyok pa. E hangga't maaari nga ay ayoko nang makarating pang muli si Seiji sa bahay at baka sap
“I wasn’t able to announce it sooner, akala ko lang alam na ni Miss Kat. I guess hindi ninyo nasabi sa kanya, Miss Nori, ano? Para nakapagpaalam sana si Miss Kat sa pamilya nya nang maaga.” “Uhm, na-nawala sa isip ko, Rector, ah, busy po kasi. Pasensya na po,” nauutal na sagot ni Miss Nori pagkatapos ay yumuko biglang paghingi nya ng paumanhin.Nakakaloka, edi ibig sabihin may dalawang party palang magaganap ngayon. Bakit wala man lang man lang kahit na sinong nagbanggit sa akin tungkol dito? Nagtagpo ang nagtatanong na tingin namin ni Miss Isabel sa isa’t isa na wala ring kaalam-alam dahil pareho lang kaming ngayong taon lang na ito nag-umpisang magturo rito.“Don’t worry about your sister, Mr. Tuazon. Ipinapahatid ko lahat ng mga teachers sa school service, responsibilidad ko silang lahat kapag late ko na sila pauuwiin.”“I see,” tugon ni Ahya. “Pero hindi mo na sya kailangan ipahatid sa school service, Rector. I’ll fetch her as soon as matapos ang party ninyo.”“But I insist, Mr.
Kahit pawisan at nagkukumpul-kumpol ang ilang hibla ng nabasang buhok sa kanyang noo ay mukha pa rin syang fresh. At in fairness, mabango pa rin. “Siguro naman pinayagan ka ng kuya mo na magpunta sa party ko,” bulong nya kahit sa nagsasalitang emcee sya nakatingin. “Alam kong hindi ka papayagan noon eh, lalo na kapag ako ang nag-aaya.” Sa totoo lang ay medyo nagi-guilty ako, kaso wala na akong choice kundi ang diretsuhin na sya. Ayoko nang pahirapan ang sarili ko sa kakaisip ng dahilan kung paano ako makaka-attend sa party nya. Maiintindihan naman ako nina Miss Nori dahil hindi naman lingid sa kanilang lahat na strikto si Ahya. Buti na nga lang at nahiya sya kay Rector kanina, kaya pinayagan ako. Naalala kong tatawagan ko pa nga pala si Atsi. Tatawagan ko na rin sya. Oras-oras ko syang tatawagan para mapanatag sya. “Eh kasi, may party rin pala rito mamaya, End-of-School-Year Party kineme, sabi ni Rector. Ipinaalam nya ako kanina kay Ahya, kaya dito na lang muna ako dadalo. Hindi na
“Dito ka nakatira?!” In-adjust ko ang aking antipara nang maghinto kami sa kulay abong solidong bakal na gate sa gitna ng konkretong pader na mga tipong abot hanggang ikatlong palapag ang taas at may mga bakal na spike sa ibabaw. Dahan-dahan itong nagbukas pagbusina nya. “Oo. Bakit?”“Wala naman.” Hindi ko na sinabi pero sa unang tingin ko talaga sa labas ay akala ko pabrika ito o warehouse.Ibinaba nya ang bintana ng kotse nang may lumapit sa kanyang snappy ang tindig na lalakeng nakakulay itim na polo shirt at itim na slacks. “Boss,” bati nito sa kanya. Tinapunan ako ng tingin ng lalake at ngumiti kaya nginitian ko rin sya. Natanaw ko ang tatlong lalake na mga nakakulay itim rin na naglalakad pasalubong sa amin, sumaludo ang mga ito sa kanya.“Kasama ko ‘yung dalawang sasakyan sa likod. Papasukin ninyo sila.” Iyon lang at itinaas nyang muli ang bintana ng sasakyan at humarurot muli papasok sa malawak na espasyo sa loob. Napakaganda at napakalaki ng bahay ni Seiji! Moderno ang dis
Hindi ko naiwasang hindi mamanghang lalo nang makapasok kami sa loob ng bahay ni Seiji. Iginala ko ang paningin sa kabuuan ng malawak na living room—mga mamahaling furniture, marble floors, chandelier na napakaganda at mga art pieces na sa hula ko ay milyon ang halaga. Halos lahat ng dingding sa gilid at harapan ng bahay na nakaharap sa gate ay salamin na mayroon lang makakapal na kurtina na nakahawi sa magkabilaang gilid. Kaiba ito sa ganda ng mansyon ni Tito Miguel na may pagka-gothic ang style; itong kay Seiji ay sleek at modern ang dating. “Miss, my boss wants you to sit here—right beside his seating,” hila nya ng upuan sa pinakadulong kanan ng mahabang glass table nang makarating kami sa dining area na mayroon ding napakagandang chandelier sa itaas ng ceiling. Tumango ako bilang pasasalamat sa kanya at naupo sa hinila nyang upuan. “Please enjoy the appetizers and the wine while we wait for Mr. Mendoza to come down,” anunsyo ng babae nang makapag-ayos kaming lahat ng upo sa dinin
Pinihit ko pakaliwa ang door knob pero matigas ito. Pinihit ko sa kanan, pero gano’n din, kaya napamura ulit ako. “Tangina, naka-lock pa yata!” naiinis na sambit ko. “Teka, ako nga. Naiinis ka agad eh,” pakli ni Miss Nori tapos sya naman ang nagpihit-pihit ng door knob, nakumbinsi sya kaagad nang hindi rin nya nagalaw ang seradura. “Oo nga, naka-lock. Baka hindi rito ang CR, teka.” Binunot nya ang kanyang cellphone sa dala nyang purse at binuksan ang flashlight nito pagkatapos ay inilawan ang mga katabing pinto na pare-pareho lang ang mga itsura. Wala sa loob kong pinipihit-pihit ang seradura ng pinto habang tinitingnan ko rin ang kanyang iniilawan nang biglang bumukas ang pinto sa likuran ko. “Ay depotang kalabaw!” halos umangat ako sa sahig sa sobrang gulat. “Master! Ay, sir!” gulat rin na sambit ni Miss Nori. “Nasa’n ba kasi ang kalabaw na ‘yan?” natatawang tanong ni Seiji habang itinataas ang manggas ng suot nyang long-sleeve pakalahati sa kanyang braso. Marahil nagulat
“Hindi ba sabi mo may ipapakita ka pala sa ‘kin? Ano ba ‘yun? Pwede ko bang makita ngayon?” naglulumanding tudyo ko sa kanya. “Uhm, ma-mamaya na lang siguro kapag nakapag-dinner na tayo. Mahaba pa naman ang gabi,” natitilihan nyang sagot saka napatingin sa pagbukas ni Miss Nori ng pinto ng CR. “Okay, ikaw ang bahala,” sagot ko naman. “Iwan ninyo na ako para makapag-start na kayo ng dinner.” “Sure ka, dai, okay ka lang?” “Oo, okay lang ako. Bababa na lang ako pagkatapos ko,” pagkuwa’y pumasok na ako sa loob ng CR at pininid ang pinto. Naririnig ko pa silang dalawa sa labas na nag-aayaang bumaba, tapos ay bigla na lang tumahimik. Nakahinga ako nang maluwag nang mapagtantong bumaba na sila, ayoko pa naman ng may nagbabantay sa mismong labas ng pinto habang umiihi ako kasi nako-conscious ako. Matapos kong i-enjoy ang aking pag-ihi ay nag-umpisa na akong ire-touch ang aking sarili sa harap ng maliit na salamin ng maliit rin na lababo ng restroom. Inilugay ko ang mahaba kong buhok a
Nahulaan ko na agad sa mga itsura nila na kami ang tampok ng kanilang tsismisan at tawanan bago kami dumating. “Nag-CR lang, magka-holding hands na agad-agad?” komento ng isa naming ka-guro na si Sir Jonel na medyo may pagkasilahis pero tatlo na ang anak nang makaupo kami sa dining table. “Inalalayan ko lang sya sa hagdan,” natatawang dumipensa si Seiji. “How’s the wine? Masarap ba?” pag-iiba nya habang sinasalinan ng babaeng Kastilain ang kanyang wine glass. “Oo, Sir, masarap gaya ng tinginan ninyong dalawa. Matamis na matamis,” sagot ni Miss Nori na tipong kinikilig-kilig pa, umugong na naman ang tawanan nilang lahat. Nakitawa rin sya sa biro na iyon ng baliw kong kaibigan sabay napasulyap sa akin na ikinalakas lalo ng tawanan nila. Kunwang inalihan naman ako ng hiya, tumungo ako at inayos ang pagkakapakat ng salamin ko sa mata. “Simmer down, baka naiinis na si Miss Kataleia at si Mr. Mendoza sa biruan ninyo,” saway ni Rector na katapat ko lang sa mahabang lamesa, pigil-pigil a
“Yes po, Ahya?” “I want to give you this,” I pulled out the blue leather Tiffany box in my pocket and showed her what’s inside. "Happy, happy birthday, Shobe." “Wow! Ang ganda naman!” she exclaimed in delight as I hand her the necklace. Tuwang-tuwa sya habang inuusisa ito sa kanyang palad. Hinding-hindi talaga ako nagsisising ito ang pinili kong iregalo kahit halos kasinghalaga nito ang oto ko dahil sa pagniningning palang ng mga mata nya nasulit na ang binayad ko. “You wanna…?” muestra ko na isusuot ko sa kanya ang kwintas kung gusto nya. Kinikilig na tumalikod naman sya agad sa akin at ipinaling lahat ng buhok nya sa isa nyang balikat. “Pero, Ahya, baka magalit ka kapag hinubad ko ‘to mamaya ha, kasi baka mawala eh. Magsu-swimming kasi ako. Hindi ako marunong mag-swim-swim na kagaya ng ginagawa mo, pero magsu-swimming ako,” sabay bunghalit nya ng tawa. Natawa ako sa sinabi nya. Napaka-bubbly talaga ni Kataleia, that’s only one of the many things I love about her. “Of
[Knives’ POV]“What are you doing?” I ask Divine when I see her moving my things onto my Tourister.“Packing up,” she softly answers. “Ako na’ng gagawa n’yan. May tinatapos lang ako, pero gagawin ko ‘yan,” I retorted, gazing not at her but at my MacBook. I really don’t like anyone touching my stuff—not even her. Our flight’s a few days away. Divine already bought the tickets; kailangan ko nang makauwi at harapin ang aberyang nangyayari sa isang site namin sa downtown Manhattan. My secretary went MIA a few days back—for no reason whatsoever. Investors keep bugging me about the construction delay, so I need to be there as soon as I can. ‘As soon as I can,’ I tell myself. But honestly, I couldn’t. My mind keeps telling me I should leave; kaya na ni Yee itayo ang mall kahit wala ako. Nasa kanya na lahat ng plano at resources para matapos ang project; in-assure na rin naman nya ako na he’ll keep in touch. But my heart keeps telling me otherwise, because it feels really empty, longing f
“Hindi po, nasobrahan lang ako sa tulog. Masakit kasi ang ulo ko kagabi,” sagot ko na napapakamot sa gilid ng aking sintido. Naagaw ang pansin nya ng mga kalat sa kwarto ko. “Ang gulo ng kwarto mo, Kataleia! Tingnan mo, inaagiw ka na!” turo nya sa mga nagkalat na damit at sa mga burol ng papel na nakalatag sa lapag. OA rin talaga si Mama; makalat lang naman kasi hindi pa ako nakakapaglinis, pero wala namang agiw. “‘Eto ang mga pasalubong ko sa ‘yo, magaganda ‘yan, imported. Sana kasya sa ‘yo.”“Naku, salamat po, ‘Ma!” Nagpasalamat ako kahit bahagya akong napapangiwi sa nakita ko nang iangat ko ang mga napamili nyang gamit at sapatos para sa akin. Wala talagang ka-taste-taste si Mama sa pagpili ng mga damit. Akala nya siguro kasing-edad ko na sya kaya parang puro pangmatanda ang kulay at style ng mga napili nya. “Akala ko anak nagalit ka sa ‘kin kasi pinauwi ko si Seiji kagabi, sorry ha. Nahiya kasi ako kay Knives eh, baka hindi nya gustong may natutulog na ibang tao rito, lalo na’
“Atsi! Bakit gising ka pa? Hindi na ako nakapagpaalam kasi sumakit bigla ang ulo ko.” At iyon na ang magiging opisyal na dahilan ko kung sakaling may magtatanong sa akin kung bakit ako biglang nawala sa inuman kagabi. “Hindi ako makatulog, sabi ni bestie darating daw sya ng madaling araw eh. Hihintayin ko na lang,” kahit madilim ang kwarto ko ay kitang-kita ko ang mapuputi nyang ngipin sa kanyang pagngiti pati na ang nangingitim na paligid ng kanyang mga mata sa pagkakalat ng eyeliner nyang hindi pa nya natanggal. “Nakita kitang lumabas ng kwarto kaya naisip ko lang na silipin ka. Kaso, matagal kang bumalik.”“Nagkwentuhan pa kasi kami ni Nanay Myrna,” sagot ko naman habang pinupungas-pungas ang mabibigat kong mga mata. Inilapag ko ang dala kong pitsel at baso sa side drawer ng kama at naupo patalikod sa kanya, sinuot ko ang salamin ko at nagkunwaring may kinakalikot ako roon para hindi nya mapansin na nag-iiyak ako mula pa kagabi. “I’m pregnant, Shobe,” mahinang sambit nya. “Huh?
Hatinggabi na nang bumangon ako sa kama ko. Kinurap-kurap ko ang namamaga at pagod na mga mata at tinungo ang banyo para maghilamos at magpalit ng damit. Binuksan ko ang pinto ko. Tahimik na ang buong mansyon. Wala na ang malakas na tugtog ni Atsi Olivia sa living room. Tapos na ang welcome home party nina Tito Miguel. Minasdan ko ang siwang sa ibaba ng nakapinid na pinto ng kwarto ni Knives, ngayong gabi lang madilim ang kwarto nya sa lahat ng mga gabi na naaaninag ang liwanag mula sa desk lamp nyang iniiwan lang nyang bukas magdamag. Nanariwang muli sa akin ng hapdi ng pagtatalo namin kanina at ang ginawa kong pakikipaghiwalay, nabasa na na naman ng luha ang paligid ng mga mata kong saglit lang na napreskuhan nang basain ko ang aking mukha. Bumaba ako sa hagdan, kanina pa tuyot na tuyot ang lalamunan ko kaya kukuha ako ng maiinom. Napaatras ako nang madatnan ko si Nanay Myrna sa comedor na nakaupo at nagkakape. Ngumiti ako pero iniwas ko ang aking tingin at dumiretso sa kusina. Na
Atubiling sumunod sila sa utos ni Knives. Nadama nila siguro ang tensyong namumuo sa amin kahit na ngiting-ngiti ako. Binilin ni Nanay Myrna ang karneng malapit nang maluto at lumakad palayo nang pasimpleng nagbubulungan. “Hindi ka na nahihiya talaga, ano?!” marahas ko syang tinulak nang tuluyan nang makapasok sina Pearl sa likurang pintuan kung saan kami nanggaling. Tumalikod ako sa kanya at akma na ring babalik sa loob pero pinigilan nya ako, pagalit na hinatak nya ako sa isang braso. “Don’t walk away from me! Mag-uusap tayo ngayon!” “Ano ba, Knives!” inis na pumiksi ako nang may ilang metro sa kanya. “Lasing ka, baka may makakita sa ‘tin, and’yan lang ang mama ko sa loob. Sa susunod na lang tayo mag-usap,” tumalikod ako ulit sa kanya sabay lakad ko nang mabilis palayo. “Mag-uusap lang naman tayo ah! Why do you always wanna get away from arguments, Kataleia, huh?! You’re not walking away from me again. We’ll talk. Now!” hinatak nya akong muli sa braso sabay yakap nya sa
Natigilan si Mama saglit, nangusap ang mga mata nyang tiningnan ako. Nagtataka sya siguro o nahiya sya bigla. Nang makahuma sya ay wari naman syang nabalisa na paalisin na agad si Seiji.“Ahh… Gawin mo na ‘yung fruits ni Ahya mo, ‘nak, ako na lang ang maghahatid kay Seiji sa labas. Naku! Gabing-gabi na pala, ano? Hindi ko na napansin ang oras! Si Miguel kasi parang ano, ang daldal! Dyusme, gusto ko na nga rin magpahinga eh. ‘Kamo may novena sa school n’yo bukas? Pwede ba ang outsider do’n? Kung pwede ang outsider, makikipag-novena ako. Para mapasyalan ko na rin ang pinagtuturuan ni Kataleia. Tara na, ihahatid na kita,” tuluy-tuloy na salita ni Mama. Nadidismayang tiningnan na lang ni Seiji ang hawak nyang baso na may laman pa sabay tungga. “Mag-magte-text ako kapag nakauwi na ‘ko,” Iyon na lang ang nasabi ni Seiji sa akin kasi hawak na ni Mama ang braso nya at iginigiya na sya palabas ng kusina at iniwan kami ni Knives.“Wow! Ang ganda ng suot mo. Bagay na bagay sa ‘yo. Sino’ng bumil
“Thank you for driving her home safe, Seiji. Pero sana nagpaalam kayo para hindi ako naghanap kay Kataleia, but anyways, thank you,” saad nya saka ipinagpatuloy ang pagkain. Nabalutan ako ng tensyon sa pasaring nyang iyon. Siguradong makakarinig na naman ako ng dramatic na litanya ni Knives once na makapag-solo kami.Inip na inip na ako sa paghuhuntahan nila sa dining table pero mukhang wala pang balak tapusin ni Tito Miguel ang gabing ito, ganyak na ganyak pa rin sya sa pagkukwento nya roon. Nakipag-shot pa sya ng isang whiskey sa mga lalake, kami namang mga babae, wine ang tinitira. Wala rin ni isa ang tumayo sa lamesa, nagpatuloy lang ang paghahain nina Nanay Myrna ng pika-pika at kung anu-ano pang pinapaluto ni Tito Miguel sa kanya.Parang hindi napagod si Tito Miguel sa biyahe nila. Samantalang ako, parang sinisilihan ang pwet ko sa pagkakaupo sa harap ng hapag. Nag-excuse na nga ako na pupunta na sa kwarto ko pero pinigilan ako ni Mama kasi mayroon pang bisita. +++++“Kukuha l
“Welcome back, Mrs. Tuazon! So nice to finally meet you,” bati ni Seiji na ngiting-ngiti. Kinuha nya ang kanang kamay ni Mama at humalik sa likod ng palad nya. Pinagmamasdan ko ang blankong expression ng mukha ni Mama na nakatitig kay Seiji. Inaasahan kong babawiin nya ang kamay nya at magsusungit, pero hindi, hinayaan lang nyang madampian ito ni Seiji ng halik. “Uhm, ‘Ma? Si Seiji po, ka-work ko,” pakilala ko kay Seiji. “Ka-work?” blanko rin ang expression ni Mama pagsulyap nya sa akin tapos ibinalik nya ulit ang tingin kay Seiji. “‘Kala ko boyfriend mo na itong matangkad at poging lalakeng ‘to.” Napaismid ako. Kung hindi rin ako nagkakamali ng hula ay kasalukuyang name-mesmerize si Mama ng lalakeng nasa harapan nya ngayon. Sa edad kong ito ngayon ko lang nakitang namangha si Mama sa lalakeng pinakikilala ko. Literal na galit kasi sya sa lahat ng lalakeng dumadalaw sa bahay namin noon kaya nga nasanay na akong sa mga relasyong lihim lang sa kaalaman nya. “Kataleia, I missed yo