Labis na ikinagulat ni Maya ang sinabi ni Gavin kanina. Hindi niya akalaing ipagpapaalam siya nito para mag-half day! Napakamot siya sa kaniyang ulo bago tutulan ang sinabi nito. “Sir Gavin, huwag na po. Kaya naman pong maghintay ni Hope. Hindi ba, Hope?”Hindi sumagot si Hope. Para bang sang-ayon siya sa gusto ng Daddy Gavin niya na mag-half day muna ang kaniyang mommy.“Hope, alam mo namang kakaumpisa pa lang ni mommy sa work, hindi ba? Makapaghihintay naman si Matthan. Mamaya na lang natin siya puntahan, okay?"“Maya—” pagtawag ni Don Gilberto kaya agad siyang nilingon ng kaniyang sekretarya. “You may go. Mag-half day ka na lang muna.”“P-pero Don Gilberto…”“Wala rin naman akong masyadong ipapagawa sa'yo ngayon kaya sige na. Dalhin mo na si Hope sa kakambal niya," wika ng matanda."Narinig mo ‘yon, Hope? Pumayag na si lolo mo na pumunta ka kay Matthan. Ang mommy mo na lang ang hindi," bulong ni Gavin.“Mommy, sige na po. Sumama ka na sa amin ni daddy," pamimilit ni Hope.“Ano pa b
“Kumusta ang pakiramdam mo, Maya? Ayos ka na ba?” tanong ni Gavin. Kapwa sila nakatutok ni Hope sa kagigising lang na si Maya.“A-anong nangyari?” Sapo-sapo ni Maya ang kaniyang ulo habang tinatanong iyon. Hinihilot pa niya ang magkabila niyang sintido habang dahan-dahang ibinabangon ang sarili.“Nawalan ka po ng malay kanina, mommy," ani Hope.“Plano ko sanang dalhin ka na sa ospital, Maya. Ilang minuto ka na kasing walang malay. Buti na lang at gumising ka na.” Bakas ang pag-aalala sa boses ni Gavin.“P-paano ako napunta rito?”“Binuhat kita. Buti na lang at nagising na si Hope no’ng nahimatay ka kaya tinulungan niya ako," paliwanag ni Gavin. Patuloy pa rin niyang pinapaypayan si Maya mula sa labas. “Putlang-putla ka na kanina. Alalang-alala ako sa ‘yo.” “P-pasensya na po kayo.” Pinalapit ni Maya si Hope at nang makalapit ito ay binigyan niya ito nang mahigpit na yakap. “Maraming salamat po sa pag-aasikaso sa akin at kay Hope. Buti na lang po at kasama namin kayo dahil kung hindi,
Nang marinig ang boses ni Hope ay agad na bumangon si Maya. Inayos niya ang suot niyang damit at pinandilatan si Hope. “Ikaw talagang bata ka! Puro ka kalokohan. Halika nga rito. Kumain ka muna.” Halos gustuhin niyang magpalamon sa lupa dahil sa sobrang kahihiyan. Hindi siya makatingin nang diretso kay Gavin habang ang binata naman ay patawa-tawa lang.“Mommy, look oh! Tinatawanan ka ni daddy," dagdag pa ni Hope. Tumatawa na rin siya nang mapang-asar.“Tumigil na kayo ha! Naiinis na ako. Hindi na nakakatuwa," ani Maya. Inikot niya ang kaniyang mga mata kay Gavin saka niya ito sinamaan ng tingin. ‘Bakit gano’n? Kapag si Avva ang gumagawa no’n sa akin, inis na inis ako. Pero kapag si Maya, tuwang-tuwa pa ako. Hay nako! Tuluyan na nga yata akong nahulog sa isang 'to,' sigaw ng isip ni Gavin. Bumalik siya sa ulirat nang bigla siyang hampasin ni Maya sa balikat. Mahina lamang ang hampas nito pero ginising no’n ang nakatulalang diwa nito. “Dahan-dahan lang po sa pagtitig kay mommy, daddy!
“Brandon, kahapon pa hindi nagpapakita si Gavin dito sa villa. Talaga bang wala siyang balak puntahan kami ng mga anak niya?” tanong ni Avva. Kumunot ang noo niya nang hindi siya pinansin nito.Nasa labas noon si Brandon. Sinusubukan niyang contact-in si Gavin upang ipagbigay alam ang ginawa ni Avva sa buong maghapon. Muntik ng mahulog ang cell phone niya dahil sa gulat.“Ma’am Avva… kayo po pala!”“Nasaan ba ang boss mo? Nakalimutan ba niyang pamilyado na siya?” Nagngingitngit sa galit si Avva. Kanina pa siyang nanggigigil.“P-pasensya na po pero hindi ko po kasi alam kung nasaan si Sir Gavin ngayon. B-baka po nasa opisina pa siya," nauutal na sagot ni Brandon. Itinungo niya ang kaniyang ulo.“Imposible ‘yan. Tingnan mo nga ang oras! Pasado alas siyete na ng gabi. Sa tingin mo, office hours pa ba?” Itinaas ni Avva ang isa niyang kilay. “Tawagan mo nga ‘yang si Gavin. Ipaalala mo sa kaniya na mayroon siyang mga anak na naghihintay sa kaniya.”“Mga anak nga ba ang naghihintay o ang nag
Kararating lamang ni Gavin mula sa condo niya. Pababa pa lamang siya mula sa kaniyang big bike ng salubungin siya si Brandon. “Sir Gavin, mabuti naman po at umuwi na kayo. Si Miss Avva po—” "Anong meron kay Avva?” tanong ni Gavin habang hinuhubad ang helmet niya. “Pinapagalitan na naman po niya ang inyong mga anak. Kanina pa po namin naririnig na umiiyak sina Senyorita Bia at Senyorito Hivo," sumbong ni Brandon. "Ano na namang ginawa ng mga anak ko at pinagalitan na naman sila ni Avva?” Nagmadaling bumaba ng big bike si Gavin. “Eh, sir hindi lang naman po iyon ang ginawa ni Miss Avva. Usap-usapan po rito sa villa ang kamalditahan niya kay Manang Elvira. Kumalat dito na umiyak raw ‘yong matanda dahil sa kaniya," dagdag na ulat ni Brandon. Umiling si Gavin. Hinilot niya ang kaniyang sintido habang papasok siya sa loob ng villa. “Talagang problema ang ibinungad mo sa akin...” “Sabi niyo po, i-report kong lahat sa inyo.” “Hindi ba’t nagbilin ako? Kapag may ginawang kalokohan si Av
“Bwisit na Gavin ‘yon! I hate him to the bone. Hindi ba naman ako papasukin sa sarili kong kuwarto! Ughhh!” Ikinuyom ni Avva ang kaniyang kamao. “I hate you, Gavin! I hate you!"Inis na naglakad si Avva patungo sa kuwarto ni Bia. Itinulog na lamang niya ang galit na nararamdaman niya kay Gavin.Kinabukasan…Pinupog ng halik ni Bia ang natutulog na si Gavin. Naalimpungatan tuloy siya dahil sa ginawa ng anak. Pilit na iminulat ni Gavin ang kaniyang mga mata. Ngumiti siya. “Oh, sweet little kisses. Thank you, baby!”"No, daddy! Kami po dapat ni Hivo ang magpasalamat sa ‘yo." Nilingon ni Bia ang natutulog niyang kakambal.Naguluhan si Gavin. Nagsalubong ang magkabilang kilay niya. Umayos siya ng p'westo. He reclined his back, bago tanungin ang anak. “Teka… hindi ko maintindihan, anak. Bakit naman kayo magpapasalamat sa akin?”“Eh kasi daddy, sinamahan mo po kaming matulog dito ni Hivo. Tinabihan mo po kami sa pagtulog.”“Iyon lang ba? Maliit na bagay lang naman ‘yon, anak! Lahat ng bagay
“Sir Gavin, sigurado po ba kayong hindi niyo sasabihin kay Miss Avva na darating dito sa villa si senior?” tanong ni Brandon matapos niyang sundin ang utos ni Gavin na sabihin sa mga katulong na maglinis dahil darating ang lolo niya. "Hindi na. Malalaman niya na lang kapag nandito na si lolo. Isa pa, kapag sinabi ko sa kaniya, magpapanggap ‘yon na mabait. Taliwas ang gagawin niya sa nais kong mangyari," tugon ni Gavin. “Bakit, sir? Ano po ba ang gusto niyong mangyari?” nakataas ang mga kilay na tanong pa ni Brandon. "Gusto kong si lolo mismo ang makakita ng tunay na ugali ni Avva. Gusto kong siya mismo ang umayaw rito para si lolo mismo ang magpawalang bisa ng usapan namin.” “Usapan? Iyon po ba ‘yong binabanggit niyo kagabi bago maputol ang linya sa pagitan natin?” Tumango bilang tugon si Gavin. “Nagkaroon kasi kami ng deal ni lolo matapos niyang malaman na nagkaroon ako ng anak. He ordered me to stay here in the villa for at least a year. He wants me to be in the same roof with
“Sandali lang, tanda! Kinakausap pa kita, hindi ba?! Bakit mo ako tinatalikuran?” inis na wika ni Avva. Nilapitan niya si Don Gilberto at iniharap ito sa kaniya. “M-masyado ka namang bastos. Hindi mo ba ako kilala?”Nanahimik lang si Don Gilberto. Tinitigan niya si Avva at pinagmasdan ang hilatsa ng pagmumukha nito.“Pipi ka ba o bingi... o baka naman nagbibingi-bingihan ka lang.”“Pasensya na. Medyo mahina na kasi ang pandinig ko kaya hindi kita marinig nang maayos." Galit na si Don Gilberto pero nais niyang kilalanin ang babae sa harapan niya kaya sasakyan niya ang trip nito.“You’re old enough para maging cleaner dito. Tsaka parang ngayon lang kita nakita.” Nakataas ang isang kilay ni Avva habang nagsasalita.“Hindi lang talaga ako masyadong lumalabas pero isa ako sa mga tauhan dito. Ako ang nag-alaga kay Gavin noong bata pa siya," imbento ni Don Gilberto. He's now playing a game with the woman.“Gusto kong ipalinis sa'yo ang cr. Masyado na kasing marumi pero mukhang hindi na kakay
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s