“Sandali lang, tanda! Kinakausap pa kita, hindi ba?! Bakit mo ako tinatalikuran?” inis na wika ni Avva. Nilapitan niya si Don Gilberto at iniharap ito sa kaniya. “M-masyado ka namang bastos. Hindi mo ba ako kilala?”Nanahimik lang si Don Gilberto. Tinitigan niya si Avva at pinagmasdan ang hilatsa ng pagmumukha nito.“Pipi ka ba o bingi... o baka naman nagbibingi-bingihan ka lang.”“Pasensya na. Medyo mahina na kasi ang pandinig ko kaya hindi kita marinig nang maayos." Galit na si Don Gilberto pero nais niyang kilalanin ang babae sa harapan niya kaya sasakyan niya ang trip nito.“You’re old enough para maging cleaner dito. Tsaka parang ngayon lang kita nakita.” Nakataas ang isang kilay ni Avva habang nagsasalita.“Hindi lang talaga ako masyadong lumalabas pero isa ako sa mga tauhan dito. Ako ang nag-alaga kay Gavin noong bata pa siya," imbento ni Don Gilberto. He's now playing a game with the woman.“Gusto kong ipalinis sa'yo ang cr. Masyado na kasing marumi pero mukhang hindi na kakay
“Avva, buti naman at bumaba ka na!” bungad ni Gavin matapos makitang pumasok si Avva sa dining area kung saan sila naroroon.Inikot ni Avva ang kaniyang mga mata. “What do you need? Kulang pa ba na ayaw mo akong palapitin sa mga anak ko?”“I would like to formally introduced you to my grandfather—the one and only Mr. Gilberto Thompson. He was the president and the owner of the Thompson group of companies. He was the head of the family," Gavin said, proudly.Tila umurong ang dila ni Avva nang makita niya ang taong tinutukoy ni Gavin. “Avva… tatayo ka na lang ba r'yan? Hindi ka ba magma-mano man lang?” masungit na tanong ni Gavin.Tinapik ni Don Gilberto ang balikat ng kaniyang apo. Pupuntahan na sana nila ni Brandon kanina ang mga apo niya sa tuhod nang bigla silang pinigilan ni Gavin. Nais muna kasi nitong ipakilala si Avva sa kaniya bago ang kambal. “Gavin, stop it. Give some respect to this lady.”Nanginginig ang mga tuhod nang nilapitan ni Avva ang matanda. Kinuha niya ang kamay n
Matapos manawa sa paglalaro, nagpasya si Don Gilberto na hiramin ang mga bata at ipasyal ang mga ito sa amusement park. Hindi naman humadlang ai Gavin sa nais niya. "Malapit na po ba tayo sa pupuntahan natin, Lolo Gil?" masayang tanong ni Hivo. Halos gustuhin niyang magtatalon sa tuwa mula sa kaniyang kinauupuan. “Oo, apo. Malapit na tayo," nakangiting tugon ni Don Gilberto. Nakaupo siya sa front seat at nakalingon sa backseat kung saan naroon ang dalawa niyang apo. “Ang lalaki po ng mga bahay rito, Lolo Gil! Ang gaganda rin po. Mayayaman din po siguro ang may-ari ng mga ‘yan gaya n'yo ni daddy.” Nakatuon ang atensyon ni Bia sa mga gusaling natatanaw niya mula sa bintana. “Lolo Gil, pwede po ba tayong sumakay sa ferris wheel? Mataas po iyon pero gusto ko pong maranasan ang sumakay do’n.” Ngumisi si Don Gilberto. “S'yempre naman, Hivo. Pero siguraduhin mong kakayanin mo ang pagkahilo ha? Dapat matapang ka kapag gusto mong sumakay ro’n." Habang nag-uusap sina Don Gilberto at Hivo,
“Mommy, hindi ko pa po nakikita si lolo. Absent po ba siya today?” tanong ni Hope habang nakahalumbaba at nakatingin sa pinto ng opisina ni Don Gilberto.“Anak, hindi natin palaging makakasama rito si Don Gilberto dahil marami siyang negosyong dapat pagtuunan ng pansin. He's a busy man. Isa pa, may pribado rin siyang buhay sa labas ng apat na sulok ng opisinang ito,” tugon ni Maya. Abala siya sa pagtitipa sa computer. Gumagawa siya ng documentation ng mga nagdaang meetings habang nag-che-check din siya ng emails. Katatapos lang din niyang mag-inventory ng office supplies para mailista ang mga kailangang i-replenish na supplies.Ngumuso si Hope at humarap kay Maya.“Mommy, naiinip po ako. Wala akong ka-play. P'wede po bang maglaro muna tayo kahit five minutes lang?”Itinigil ni Maya ang kaniyang ginagawa. Tumayo siya at umikot sa mesa. Umupo siya sa tapat ni Hope at hinawakan ang dalawang kamay nito. “Anak, may usapan tayo hindi ba? Office hours ngayon kaya kailangan muna ni mommy na g
Nang makalabas ng opisina ni Don Gilberto si Maya ay agad siyang napaisip kung tama bang iniwan niya ang anak niya sa isang estranghera."Bakit ko nga pala iniwan ang anak ko sa loob kasama ng babaeng 'yon? Paano kung kidnapín niya si Hope? Paano kung masama pala siyang tao?" kastigo ni Maya sa kaniyang sarili. Pumihit siya pabalik sa may pintuan at dahan-dahan iyong binuksan. Nang makita niyang masayang naglalaro si Hope at ang bisita ng kaniyang boss ay marahan ulit niyang isinara ang pinto."Mukha namang mabait si ma'am." Napatingala si Maya sa may kisame. "Isa pa, puno naman ng CCTV sa building na ito. Safe naman siguro kung iiwan ko munang saglit si Hope. Bibilisan ko na lang para makabalik ako kaagad," aniya bago siya naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator.Pumasok na si Maya sa loob ng elevator nang bumukas na ito. Nakatingin siya sa reflection niya habang nakasakay siya rito. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang bigla itong kumulo.Makalipas ang ilang sandali, bumukas n
Hindi mapakali si Gaia. Kating-kati na siyang malaman kung totoo nga bang anak ng nakatatanda niyang kapatid ang batang kala-kalaro niya.“Hope, sandali lang ha? May tatawagan lang si Tita Gaia sandali. Mag-play ka lang dito ha?” paalam ni Gaia. Hinaplos pa niya ang buhok ni Hope habang nakatingin nang mata sa mata.“Sige po, Tita Gaia! No worries po. I’ll wait for you here.” Dahan-dahang lumuhod si Hope sa sahig ng opisina ni Don Gilberto habang ang kaniyang maliliit na braso ay nakapatong sa couch.Ngumiti si Gaia. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa pagkamangha sa angking katalinuhan ng batang si Hope. Agad niyang kinuha ang kaniyang cell phone mula sa bitbit niyang gucci na bag. Itinipa niya ang numero ng nakatatanda niyang kapatid at tinawagan ito.“Kuya—” panimula ni Gaia.[“Hey, lil’ sis? What’s up? Bakit napatawag ka? Namimiss mo na ang guwapo mong kuya, 'no?”]Umikot ang mga mata ni Gaia. “Yes! I do miss you, big bro... but that’s not the reason why I called you," she rep
“Brandon, umikot ka. Hindi na tayo pupunta sa opisina," mabilis na utos ni Gavin matapos niyang ibaba ang kaniyang cell phone.Nagtaka si Brandon. Bakit pina-iiba ni Gavin ang direksiyon nila eh samantalang nagmamadali nga sila dahil may urgent meeting ito. “Sir, bakit po? Hindi na po kayo pupunta sa meeting niyo?”“Ipapa-cancel ko na lang sa secretary ko ‘yong meeting," tugon ni Gavin.“P-po? Bakit naman po? H-hindi po ba urgent po ‘yong meeting na pupuntahan n'yo, Sir Gavin, hindi po ‘yon p'wedeng basta-basta niyo na lang i-cancel," komento ni Brandon.Gavin scratched his neck. He took a deep breath and spoke. “Listen up, Brandon! Dumating na sa bansa si papa kasama sina Tita Ylonah at Gaia. Gaia called me, and she told me na kasama niya ngayon si Hope.” “Siya po pala ‘yong kausap n'yo kanina no’ng mag-cr ako?" paglilinaw ni Brandon.Gavin nodded. “Ipihit mo na ‘tong sasakyan. Dumiretso ka na sa office ni lolo.”Tumango si Brandon. Ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho at saka lumiko
‘Sana’y walang masamang mangyari sa apo ko dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.’ Don Gilberto was walking back and forth. Hindi siya mapakali dahil hindi niya maatim na umupo habang hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa kaniyang apo sa loob. “Don Gilberto, maupo na po muna kayo. Baka po kayo pa ang mapahamak n’yan," payo ni Leon. Kanina pa kasi niya pinagmamasdan ang matanda. “Hindi ako mapakali, Leon. Lubos akong nag-aalala sa apo ko,” turan ng matandang Thompson. “Magiging okay po si Senyorita Bia, senior. Marami po tayong nananalangin para sa kaniya," ani Leon. “Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. Kung alam ko lang na may fear of heights pala si Bia, hindi ko na sana hinayaang pilitin siya ni Hivo na sumakay sa ferris wheel.” Bumuntong hininga si Don Gilberto. Muli siyang tumingin sa pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang ginagamot si Hope. “Senior, ibibili ko po muna kayo ng tubig. B
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s