‘Sana’y walang masamang mangyari sa apo ko dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.’ Don Gilberto was walking back and forth. Hindi siya mapakali dahil hindi niya maatim na umupo habang hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa kaniyang apo sa loob. “Don Gilberto, maupo na po muna kayo. Baka po kayo pa ang mapahamak n’yan," payo ni Leon. Kanina pa kasi niya pinagmamasdan ang matanda. “Hindi ako mapakali, Leon. Lubos akong nag-aalala sa apo ko,” turan ng matandang Thompson. “Magiging okay po si Senyorita Bia, senior. Marami po tayong nananalangin para sa kaniya," ani Leon. “Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. Kung alam ko lang na may fear of heights pala si Bia, hindi ko na sana hinayaang pilitin siya ni Hivo na sumakay sa ferris wheel.” Bumuntong hininga si Don Gilberto. Muli siyang tumingin sa pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang ginagamot si Hope. “Senior, ibibili ko po muna kayo ng tubig. B
“Paki-buhat mo itong binili nating mga prutas para kay Bia ha? Aakyat na ako ro’n," ani Gavin habang nagmamadali sa paglalakad.“Sige po, Sir Gavin! Ako na po ang bahala rito. Mag-iingat po kayo sa paghakbang at baka madapa po kayo sa sobrang pagmamadali!" paalala ni Brandon.Wala nang inaksayang panahon si Gavin. Nagtanong agad siya sa information desk kung nasaan ang kuwarto ni Bia at dumiretso na siya roon. Pag-akyat niya sa floor kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Bia ay mabilis siyang sinalubong ni Avva.“Gavin, buti naman at nandito ka na. Kani—”Tila hanging dinaanan ni Gavin ang ina ng mga anak niya. Umarte siyang hindi niya ito narinig at nakita.Nakita ni Don Gilberto ang ginawa ng kaniyang apo. Napailing na lamang siya dahil dito.Nang bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine si Bia, agad nang pumasok si Gavin sa loob. Hinabol siya ni Avva pero hindi ito tuluyang nakapasok dahil pinigilan ito ni Don Gilberto.‘Fvck!’ sambit ng isip ni Avva matapos niyang maramd
“Puno ang schedule ni Don Gilberto next week dahil sa mga pina-reschedule niyang meetings. Sana naman ay siputin na niya ang mga ito.” Nakapatong ang magkabilang kamay ni Maya sa keyboard ng laptop ng company at nagtitipa. Diretso ang tingin niya sa screen nang may mabasa siyang pangalang hindi pamilyar sa kaniya pero nakuha ang kaniyang atensyon. Nahinto si Maya sa pagtitipa. Napaisip siya. “Luke Larson… parang narinig ko na ang apelyidong iyon pero hindi ko lang mawari kung saan.” Napansin ni Hope na mukhang stress na ang kaniyang ina kaya binuksan niya ang mini-fridge sa loob ng opisina ni Don Gilberto at kumuha ng bottled water. Naglakad siya palapit sa kaniyang ina at kinalabit ang hita nito. Lumingon si Maya. Malaking ngiti ng kaniyang anak ang tumambad sa kanya. “Mommy, you look stress. Uminom ka po muna," ani Hope. Nakataas ang kamay niya’t pilit na inaabot sa ina ang tubig na hawak niya. "Thank you, anak." Kinuha ni Maya ang tubig na inaabot ni Hope at ipinatong ito sa la
‘Kanina pa ako salita nang salita rito pero parang wala namang nakakarinig sa akin. Mga bwísit! Makaalis na nga lang.’ Tumayo si Avva at padabog na isinarado ang pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang naka-confine si Bia. ‘Makapagpahangin nga muna sa labas.’Umuusok ang ilong ni Avva habang naglalakad papunta sa exit ng ospital. Mabigat ang mga yabag niya’t nakakuyom rin ang mga kamay dahil sa sobrang galit. “Bwísit talaga ‘yang mag-lolo na ‘yon! Ang hirap nilang basahin. Ang hirap nilang pakisamahan tapos dagdag pa sa isipin ko ang kambal na ‘yon. Talagang nagsumbong pa sila sa matandang ‘yon! Akala ba nila ay may magagawa ang pagsusumbong nila para pigilan ako? No way! Lalo lang nilang pinalala ang sitwasyon. Lalo lang nila akong binigyan ng rason para pahirapan sila, mga bwísit sila.”Dahil sa galit ni Avva, hindi niya napansin ang kasalubong niyang nurse. Nabangga niya ito at nanlaglag ang dala nitong mga gamot.“Ano ba? Tángá ka ba o bulag ka? Hindi mo ba ako nakita?" sigaw ni A
Mabilis na sinundan ni Avva si Maya nang pumasok ito sa entrance ng hospital. Marahan ang hakbang niya habang dahan-dahang sumusunod sa taong itinuturing siyang pinakamatalik na kaibigan. ‘Saan kaya pupunta ang babaeng ito? Sino namang dadalawin niya rito?’ Inis na inikot ni Avva ang kaniyang mga mata habang nagmamasid sa bandang likuran ni Maya. ‘Of all the hospitals in this city, talagang dito pa talaga?’ Naging mas mapagmasid si Avva. Sa tuwing humihinto sina Maya at Hope sa paglalakad ay humihinto rin siya at nagtatago. Nang malapit na sa hagdan sina Maya, huminto ito ng biglang mag-ring ang cellphone nito. [“Hello, Maya, nasaan ka na?"]Hindi naririnig ni Avva ang sinasabi ng kausap ni Maya sa phone dahil hindi naman ito naka-loud speaker pero tiyak niyang maririnig niya naman ang mga sasabihin nito dahil ilang pulgada lamang ang layo nito sa kaniya."Narito na po kami ni Hope sa hospital, Sir Gilberto. Paakyat na po kami r'yan sa room kung saan naka-confine ang apo n'yo. Dala
“Mauna na ako, Maya! Siguradong hinahanap na ako ng mga anak ko.” Tumayo na si Avva. “Kapag hindi na ako busy, tatawagan kita. Para naman makapag-bonding ulit sina Hope, Bia at Hivo."“Maganda ‘yan! Siguradong miss na miss na ni Hope ang mga anak mo kaya matutuwa siya kapag nagkalaro sila ulit," nakangiting turan ni Maya.Pumihit si Avva. Bahagya siyang tumungo para mailapit ang kaniyang mukha kay Hope. “Hope, aalis na si Tita Avva. Sa susunod, dadalhin ko sina Hivo at Bia para makapaglaro kayong tatlo ha?”Ngumiti nang pilit si Hope. Nanginginig siyang tiningnan nang diretso si Avva. “S-sige po, Tita Avva!”Niyakap ni Avva si Hope. Sa sobrang higpit ay halos masakal na ang bata. “Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa iyo, Hope! Lahat ng bilin ko—sundin mo. Sa oras na magsumbong ka, lagot ka sa akin," bulong niya.Nakangiti pa si Maya habang nakayakap si Avva sa kaniyang anak, ngunit nang makita niya ang mukha ni Hope na nakangiwi na, inawat na niya ito. “Teka lang, Avva! Masyad
“Sana si Gavin na lang ang tunay na ama ni Hope,” wala sa sariling bulong ni Maya habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang dalawa. Kasalukuyang nag-i-slide si Hope habang nakaabang naman si Gavin sa baba para siguraduhing hindi ito masasaktan. “Ano bang pinagsasasabi mo, Maya? Napakalayong mangyari ng bagay na iniisip mo,” kastigo niya sa kaniyang sarili. Nang biglang tumingin si Gavin sa direksyon niya agad siyang nag-iwas ng tingin.Lumabas ang malalim na dalawang dimples ni Gavin nang makita niya kung paano umiwas si Maya sa kaniya. ‘She’s so cute. I think, I really like her… a lot,’ he thought.“Daddy, I'm going down!” Hope yelled cheerfully as she slid down. Mabilis naman siyang sinalo ni Gavin pagkatapos.“Saan mo pa gustong maglaro, Hope?” nakangiting tanong ni Gavin.Pilyang ngumiti si Hope. May ibinulong siya kay Gavin.“Are you sure? Baka magalit siya sa atin,” wika ni Gavin.Umiling si Hope. “Ako po ang bahala sa'yo, daddy. Hindi naman po pikunin si mommy eh,” pagsisiguro
Mabilis na umagwat si Gavin kay Maya. “Malapit na tayo, Maya. Don't worry, aalalayan kita nang maayos. Hindi ka madadapa o matatapilok,” pag-iiba niya ng usapan. Namumula pa rin ang kaniyang mga tainga dahil sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga katawan ay gano’n na lamang ang reaksyon ng kaniyang pagkalalakí.“Daddy, we're almost there! Yehey!” tuwang-tuwa habang naglululuksong sabi ni Hope. Biglang napawi ang ngiti niya nang makita niyang sobrang dami ng tao. “Daddy…”Agad na na-gets ni Gavin kung ano ang kahulugan ng pagsimangot ni Hope. Ipinihit niya si Maya paharap sa kaniya at saka ito binulungan. “Don't open your eyes unless I say so or else, Hope will be disappointed. We're doing this for her. Okay?”“Fine,” maikling tugon ni Maya.“Aalisin ko na ang mga kamay ko sa mga mata mo. Huwag kang sisilip. Kapag sumilip ka, hahalíkan talaga kita,” pabirong turan ni Gavin.‘Tinatakot ba niya ako? Makasilip kaya…’ Agad na inalog ni Maya a