Share

Kabanata 78

Penulis: Docky
last update Terakhir Diperbarui: 2024-09-05 22:12:54

“Paki-buhat mo itong binili nating mga prutas para kay Bia ha? Aakyat na ako ro’n," ani Gavin habang nagmamadali sa paglalakad.

“Sige po, Sir Gavin! Ako na po ang bahala rito. Mag-iingat po kayo sa paghakbang at baka madapa po kayo sa sobrang pagmamadali!" paalala ni Brandon.

Wala nang inaksayang panahon si Gavin. Nagtanong agad siya sa information desk kung nasaan ang kuwarto ni Bia at dumiretso na siya roon. Pag-akyat niya sa floor kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Bia ay mabilis siyang sinalubong ni Avva.

“Gavin, buti naman at nandito ka na. Kani—”

Tila hanging dinaanan ni Gavin ang ina ng mga anak niya. Umarte siyang hindi niya ito narinig at nakita.

Nakita ni Don Gilberto ang ginawa ng kaniyang apo. Napailing na lamang siya dahil dito.

Nang bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine si Bia, agad nang pumasok si Gavin sa loob. Hinabol siya ni Avva pero hindi ito tuluyang nakapasok dahil pinigilan ito ni Don Gilberto.

‘Fvck!’ sambit ng isip ni Avva matapos niyang maramd
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (6)
goodnovel comment avatar
Claudia Rico
sino Kaya yun SI Warren O SI Garret?
goodnovel comment avatar
nagiePangani
sana mas marami ang maging kkampi n maya.
goodnovel comment avatar
Avelita Palomares Florendo
tatlo na ang mga witch sa buhay ni Maya huwag mo Naman sobrang pahirapan si Maya Author kawawa Naman sya
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terkait

  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 79

    “Puno ang schedule ni Don Gilberto next week dahil sa mga pina-reschedule niyang meetings. Sana naman ay siputin na niya ang mga ito.” Nakapatong ang magkabilang kamay ni Maya sa keyboard ng laptop ng company at nagtitipa. Diretso ang tingin niya sa screen nang may mabasa siyang pangalang hindi pamilyar sa kaniya pero nakuha ang kaniyang atensyon. Nahinto si Maya sa pagtitipa. Napaisip siya. “Luke Larson… parang narinig ko na ang apelyidong iyon pero hindi ko lang mawari kung saan.” Napansin ni Hope na mukhang stress na ang kaniyang ina kaya binuksan niya ang mini-fridge sa loob ng opisina ni Don Gilberto at kumuha ng bottled water. Naglakad siya palapit sa kaniyang ina at kinalabit ang hita nito. Lumingon si Maya. Malaking ngiti ng kaniyang anak ang tumambad sa kanya. “Mommy, you look stress. Uminom ka po muna," ani Hope. Nakataas ang kamay niya’t pilit na inaabot sa ina ang tubig na hawak niya. "Thank you, anak." Kinuha ni Maya ang tubig na inaabot ni Hope at ipinatong ito sa la

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-06
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 80

    ‘Kanina pa ako salita nang salita rito pero parang wala namang nakakarinig sa akin. Mga bwísit! Makaalis na nga lang.’ Tumayo si Avva at padabog na isinarado ang pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang naka-confine si Bia. ‘Makapagpahangin nga muna sa labas.’Umuusok ang ilong ni Avva habang naglalakad papunta sa exit ng ospital. Mabigat ang mga yabag niya’t nakakuyom rin ang mga kamay dahil sa sobrang galit. “Bwísit talaga ‘yang mag-lolo na ‘yon! Ang hirap nilang basahin. Ang hirap nilang pakisamahan tapos dagdag pa sa isipin ko ang kambal na ‘yon. Talagang nagsumbong pa sila sa matandang ‘yon! Akala ba nila ay may magagawa ang pagsusumbong nila para pigilan ako? No way! Lalo lang nilang pinalala ang sitwasyon. Lalo lang nila akong binigyan ng rason para pahirapan sila, mga bwísit sila.”Dahil sa galit ni Avva, hindi niya napansin ang kasalubong niyang nurse. Nabangga niya ito at nanlaglag ang dala nitong mga gamot.“Ano ba? Tángá ka ba o bulag ka? Hindi mo ba ako nakita?" sigaw ni A

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-06
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 81

    Mabilis na sinundan ni Avva si Maya nang pumasok ito sa entrance ng hospital. Marahan ang hakbang niya habang dahan-dahang sumusunod sa taong itinuturing siyang pinakamatalik na kaibigan. ‘Saan kaya pupunta ang babaeng ito? Sino namang dadalawin niya rito?’ Inis na inikot ni Avva ang kaniyang mga mata habang nagmamasid sa bandang likuran ni Maya. ‘Of all the hospitals in this city, talagang dito pa talaga?’ Naging mas mapagmasid si Avva. Sa tuwing humihinto sina Maya at Hope sa paglalakad ay humihinto rin siya at nagtatago. Nang malapit na sa hagdan sina Maya, huminto ito ng biglang mag-ring ang cellphone nito. [“Hello, Maya, nasaan ka na?"]Hindi naririnig ni Avva ang sinasabi ng kausap ni Maya sa phone dahil hindi naman ito naka-loud speaker pero tiyak niyang maririnig niya naman ang mga sasabihin nito dahil ilang pulgada lamang ang layo nito sa kaniya."Narito na po kami ni Hope sa hospital, Sir Gilberto. Paakyat na po kami r'yan sa room kung saan naka-confine ang apo n'yo. Dala

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-07
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 82

    “Mauna na ako, Maya! Siguradong hinahanap na ako ng mga anak ko.” Tumayo na si Avva. “Kapag hindi na ako busy, tatawagan kita. Para naman makapag-bonding ulit sina Hope, Bia at Hivo."“Maganda ‘yan! Siguradong miss na miss na ni Hope ang mga anak mo kaya matutuwa siya kapag nagkalaro sila ulit," nakangiting turan ni Maya.Pumihit si Avva. Bahagya siyang tumungo para mailapit ang kaniyang mukha kay Hope. “Hope, aalis na si Tita Avva. Sa susunod, dadalhin ko sina Hivo at Bia para makapaglaro kayong tatlo ha?”Ngumiti nang pilit si Hope. Nanginginig siyang tiningnan nang diretso si Avva. “S-sige po, Tita Avva!”Niyakap ni Avva si Hope. Sa sobrang higpit ay halos masakal na ang bata. “Huwag mong kakalimutan ang mga sinabi ko sa iyo, Hope! Lahat ng bilin ko—sundin mo. Sa oras na magsumbong ka, lagot ka sa akin," bulong niya.Nakangiti pa si Maya habang nakayakap si Avva sa kaniyang anak, ngunit nang makita niya ang mukha ni Hope na nakangiwi na, inawat na niya ito. “Teka lang, Avva! Masyad

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-08
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 83

    “Sana si Gavin na lang ang tunay na ama ni Hope,” wala sa sariling bulong ni Maya habang nakangiti niyang pinagmamasdan ang dalawa. Kasalukuyang nag-i-slide si Hope habang nakaabang naman si Gavin sa baba para siguraduhing hindi ito masasaktan. “Ano bang pinagsasasabi mo, Maya? Napakalayong mangyari ng bagay na iniisip mo,” kastigo niya sa kaniyang sarili. Nang biglang tumingin si Gavin sa direksyon niya agad siyang nag-iwas ng tingin.Lumabas ang malalim na dalawang dimples ni Gavin nang makita niya kung paano umiwas si Maya sa kaniya. ‘She’s so cute. I think, I really like her… a lot,’ he thought.“Daddy, I'm going down!” Hope yelled cheerfully as she slid down. Mabilis naman siyang sinalo ni Gavin pagkatapos.“Saan mo pa gustong maglaro, Hope?” nakangiting tanong ni Gavin.Pilyang ngumiti si Hope. May ibinulong siya kay Gavin.“Are you sure? Baka magalit siya sa atin,” wika ni Gavin.Umiling si Hope. “Ako po ang bahala sa'yo, daddy. Hindi naman po pikunin si mommy eh,” pagsisiguro

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-09
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 84

    Mabilis na umagwat si Gavin kay Maya. “Malapit na tayo, Maya. Don't worry, aalalayan kita nang maayos. Hindi ka madadapa o matatapilok,” pag-iiba niya ng usapan. Namumula pa rin ang kaniyang mga tainga dahil sa nangyari. Hindi niya maipaliwanag kung bakit sa simpleng pagdidikit ng kanilang mga katawan ay gano’n na lamang ang reaksyon ng kaniyang pagkalalakí.“Daddy, we're almost there! Yehey!” tuwang-tuwa habang naglululuksong sabi ni Hope. Biglang napawi ang ngiti niya nang makita niyang sobrang dami ng tao. “Daddy…”Agad na na-gets ni Gavin kung ano ang kahulugan ng pagsimangot ni Hope. Ipinihit niya si Maya paharap sa kaniya at saka ito binulungan. “Don't open your eyes unless I say so or else, Hope will be disappointed. We're doing this for her. Okay?”“Fine,” maikling tugon ni Maya.“Aalisin ko na ang mga kamay ko sa mga mata mo. Huwag kang sisilip. Kapag sumilip ka, hahalíkan talaga kita,” pabirong turan ni Gavin.‘Tinatakot ba niya ako? Makasilip kaya…’ Agad na inalog ni Maya a

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-09
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 85

    Walang pagsidlan ang tuwa nina Maya at Hope habang nakasakay sa merry go round. Malapad ang kanilang mga ngiti. Makikita rin sa kanilang mga mata ang kasiyahan.“Hope, kumapit ka nang mabuti ha,” paalala ni Maya.“Opo, mommy! Don't worry po, I'm a big girl na,” masayang sambit ni Hope.“Gavin, okay ka lang ba r’yan sa likod?” tanong ni Maya nang mapansin niyang hindi ito masyadong nagsasalita.“Uy, si mommy! Nag-aalala kay daddy!” pilyang pang-aasar ni Hope. Pinandilatan siya ng kaniyang ina.Napangiti si Gavin nang kumustahin siya ni Maya. “Ayos lang ako, Maya. Guwapo at macho pa rin naman kaya huwag mo na akong alalahanin at mag-enjoy ka na lang,” aniya.“Mommy, mag-enjoy ka raw po. Bakit po nakasimangot ka na?” usisa ni Hope.“Ah wala, anak. Parang lumakas kasi bigla ang hangin,” pasaring ni Maya. ‘Mataas din pala talaga ang tingin ng mga mayayaman sa kanilang mga sarili pero sabagay… totoo naman ang mga sinabi ni Gavin. Guwapo at macho naman ta…’ Napapikit siya nang mariin. ‘Ano b

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-10
  • The Billionaire's Destined Love   Kabanata 86

    “L-Lolo, nasaan po si G-Gavin?” nakayukong tanong ni Avva.Mula sa natutulog na si Bia ay nalipat ang tingin ni Don Gilberto sa kararating lang na si Avva. May mga dala itong prutas.“Hindi pa kayo kasal ng apo ko kaya huwag mo muna akong tawaging lolo mo,” masungit na sambit ni Don Gilberto.Umikot ang mga mata ni Avva. “Tinatawag na po kayo ng mga anak kong lolo at tinatawag na rin nilang daddy ang apo niyo KAHIT HINDI PA PO KAMI KASAL. Sa tingin ko ay wala naman po SIGURONG masama kung tatawagin ko rin kayong lolo.” Ngumiti siya nang peke.‘Aba’t namilosopo pa ang babaeng ito!’ Hindi na lamang nagsalita si Don Gilberto dahil ayaw niyang tumaas ang kaniyang presyon. Pumikit na lamang siya nang mariin at saka ngumiti nang peke.“Nasaan po si Gavin, lolo?” pag-uulit na tanong ni Avva.“Mukha ba akong hanapan ng mga nawawalang tao?” sarkastikong banat ni Don Gilberto habang nakakalokong nginingitian si Avva. ‘Akala mo ba ay ikaw lang ang maalam mamilosopo? Hindi na talaga ako nagtataka

    Terakhir Diperbarui : 2024-09-11

Bab terbaru

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 32

    Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 31

    Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 30

    Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 29

    Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 28

    Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 27

    “Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 26

    Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 25

    Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad

  • The Billionaire's Destined Love   The Billionaire's Obsessive Love - Chapter 24

    “Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s

Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status