“Gavin oh! Ibinili kita ng gamot. Uminom ka na muna," turan ni Maya. Iniabot niya ang isang tabletang binili niya para matanggal ang lula ni Gavin kasabay ng panulak na isang malamig na bottled water. “P-pasensya ka na. Kung alam ko lang na may motion sickness ka rin pala, hindi ka na sana namin isinama ni Hope sa pagsakay sa merry go round.”Walang pag-aalinlangang kinuha ni Gavin ang gamot na binibigay ni Maya at agad itong ininom. “Ano ka ba naman, Maya, huwag mong sisihin ang sarili mo. Sa kagustuhan kong mapasaya si Hope, pinilit ko pa rin ang sarili ko kahit alam kong ganito ang posibleng mangyayari. Nakakahiya lang dahil sa harap mo pa ako nagkalat.”“Sorry talaga! Inasar-asar pa kita kanina. Kung alam ko lang na iba na pala ang pakiramdam mo noong mga oras na ‘yon, bumaba na sana agad tayo sa rides na 'yon.” Bakas sa mukha ni Maya ang pag-aalala kay Gavin. Ilang beses din siyang nag-tempt na punasan ang butil-butil na pawis nito kaya lamang ay pinangunahan siya ng hiya.Gaya n
Walang palya sa pagpahid ng kaniyang labi si Gavin habang nagmamaneho patungo sa kinaroroonan nina Maya at Hope. Diring-diri pa rin siya sa nangyari sa kanila ni Avva. Kinuha niya ang kaniyang earbuds at ikinonekta iyon sa kaniyang cell phone na ngayon ay naka bluetooth sa kaniyang sasakyan. Nagpatugtog siya para kahit papaano ay mapalitan ang mood niya.“Fúck!” Gavin wiped his lips again.Habang naka-focus si Gavin sa pagmamaneho ay may tumawag sa kaniyang cell phone. Nang makita niya ang pangalan ng caller ay agad niya iyong sinagot. “Is there any progress?”[“Sir Gavin, may ipinadala po ako sa email niyo. Nagawa ko na po ang ipinapagawa niyo sa akin.”]Gavin smiled. “Good. I'll check it later. Regarding your money, I will call my secretary to transfer it to you tomorrow morning. Let's keep in touch,” he said.[“Maraming salamat po, Sir Gavin.”]“Thank you rin sa'yo. Mag-iingat ka palagi. I'm driving. I'm going to end this call.”[“Ingat din po kayo palagi, Sir Gavin. Marami pong ma
Matapos ang awkward moment ay nag-excuse muna si Maya kay Gavin. Inihabilin niya muna rito si Hope at dali-dali niyang tinungo ang banyo. Sa hindi malamang dahilan, bigla na lamang tumaas ang temperatura ng kaniyang katawan kasabay ng pagbilis ng tibok ng kaniyang puso. Itinuon niya ang kaniyang mga kamay sa may lababo at tiningnan ang kaniyang sarili sa salamin.“Maya, huwag mong sabihing tuluyan ka nang nahulog sa lalaking ‘yon?” Tumungo siya at ipinikit ang kaniyang mga mata. “No. Hindi ito p'wedeng mangyari. Masasaktan lang ako kung magpapatuloy pa ang kahibangan kong ito. Gavin and I are from different worlds and we…we are not destined to each other.”“Girl, iba na ‘yan. Kinakausap mo na ang sarili mo. Kung ako sa'yo, kakausapin ko ‘yong lalaki at tatapatin ko na siya. Malay mo naman gusto ka rin pala niya.”“Oo nga girl. Love knows no limits and no status. May different worlds ka pang nalalaman diyan eh pare-pareho lang naman tayong nakatapak sa lupa at lumalanghap ng parehong h
“Gavin, ako na ang kakarga sa anak ko,” ani Maya habang natakbo palapit kina Gavin at Hope. Matapos maghapunan ay dumiretso sina Gavin, Maya at Hope sa supermalls. Naglaro silang tatlo sa may kidzoona section kaya naman wala ng lakas si Hope para maglakad pabalik sa kinaroroonan ng sasakyan. Pumupungay na rin ang mga mata nito dahil sa sobrang pagod.“Ako na Maya. Magaan lang naman si Hope,” nakangiting sambit ni Gavin habang patuloy sa paglalakad.Nanatili si Maya sa likuran ng dalawa. Biglang sumagi sa isip niya ang matandang babaeng nakausap niya sa may restroom ng restaurant kanina. “Ah Gavin…”Huminto si Gavin sa paglalakad at nilingon si Maya. “Ano ‘yon, Maya? May nakalimutan ka bang bilhin?”Umiling si Maya. Gusto niya sanang itanong kung ano ang pangalan ng lola ni Gavin pero naunahan siya ng hiya. “Ah…Ano…Kapag nabigatan ka kay Hope, ibigay mo lang siya sa akin ha.”‘She wants to ask something,’ Gavin thought while looking at Maya. He smiled. “What is it, Maya?”“Ha? Wala. W
“Mama! You finally arrived!” bati ni Ylonah matapos bumes0 kay Doña Conciana. Agad namang nagmano ang asawang niyang si Gerardo sa ina nito.“Where’s Gaia? Akala ko ba kumpleto kayong umuwi?” tanong ni Doña Conciana. Inalalayan siya ng kaniyang mga katulong papunta sa couch.“Nasa hotel po si Gaia, mama. Doon na po siya dumiretso,” tugon ni Ylonah.Tumaas ang isang kilay ni Doña Conciana. “Hindi man lang muna siya nagpakita sa amin ng lolo niya?”‘The way you treated her before, sa tingin niyo po ba ay gugustuhin ng batang makita kayo?’ piping sigaw ng isip ni Ylonah. Ngumiti siya sa matanda. “Nais niya muna pong makapagpahinga nang maa—”“You don’t have to defend her, Ylonah. Anyway, alam na ba ni Gavin na nakauwi na ang kaniyang ama?” tanong ni Doña Conciana.Tumaas ang dalawang kilay ni Ylonah. Mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin siya natatanggap ng matanda bilang manugang nito.“Mama…”“Oh bakit Gerardo? May masama ba sa sinabi ko?”“Ylonah is my wife. You shoul—”“She’s your
Bumaba ng sasakyan si Gavin nang makarating sila sa Thompson’s Hotel. Marahan niyang binuksan ang pinto ng backseat. Natigilan siya nang makita niya nang malapitan ang natutulog na si Maya. Nagmukha lalo itong inosente at mabait habang natutulog. Mula sa magandang mukha nito ay bumaba ang kaniyang mga mata sa kulay rosas nitong labi. Napalunok siya nang sunod-sunod. Tila mina-magnet siya ng labi nito palapit. Unti-unti niyang inilapit ang kaniyang mukha sa mukha nang natutulog na si Maya. Habang pa kaunti nang pa kaunti ang agwat nila sa isa’t-isa ay mas lalong nag-iinit ang katawan niya! ‘I want to kiss her.' “A-anong gi-ginagawa m-mo, G-Gavin?” naiilang na tanong ni Maya habang titig na titig siya sa nakapikit nitong mukha.Napakagat-labi si Gavin at saka nagmulat. Marahan siyang umagwat kay Maya. “I’m sorry, Maya. I…I thoug—”Pilit na ngumiti si Maya. Pinagmasdan niya ang paligid. “N-nasaan tayo?” Ayaw niyang marinig ang paliwanag ni Gavin kaya iniba na niya ang usapan. Isa pa, ha
“No, Mr. Lim. Tell kuya that I’m not gonna leave this...” Napalingos si Gaia sa kaniyang likuran nang marinig niya ang mga yabag na papalapit sa kaniya. “Place.” Kumunot ang kaniyang noo nang makita niyang may kargang bata ang kaniyang kapatid. “Gaia, it’s nice to see you around!" “Who’s that kid?” Gaia asked while pointing to Hope’s back. Nilingon ni Gavin si Mr. Lim. Agad itong yumuko sa kaniya. “Sir Gavin, I’m sorry po kung hindi ko pa napapaalis dito sa penthouse si Ma’a—” “Shut up, Mr. Lim,” Gaia interrupted. “Kuya, I’m asking you, who is that kid?” “Gavin, saan mo ba kami dadalhi—” Natigilan si Maya nang muli niyang makita ang babaeng nakalaro ni Hope sa opisina ni Don Gilberto. “You?” Gaia asked. Hindi makapaniwalang tiningnan niya ang kaniyang kuya. “Are you two dating?"Magsasalita na sana si Maya nang biglang inilagay ni Gavin ang hintuturo nito sa kaniyang labi.“I’m … I’m courting her,” mabilis na sagot ni Gavin.Ngumiti si Gaia. Una pa lamang niyang kita kina Hope
Halos malaglag sa sahig ang panga ni Maya nang makita niya kung gaano kalawak at kaganda sa loob ng penthouse. Buong akala niya ay sa mga movies at magazines niya lamang makikita ang ganoong kagarbong lugar. Halos malula siya sa ganda ng interior designs at mga kakaibang kagamitan sa loob. Ingat na ingat siya sa bawat kilos niya dahil ayaw niyang makabasag ng kahit isang gamit doon. Alam niyang hindi basta-basta ang presyo ng mga iyon. Siguro nga ay milyon-milyong piso ang halaga ng bawat gamit sa loob!Napangiti si Gavin nang makita niya ang reaksyon ni Maya. “You can have this place if you will allow me to have you, Maya,” mahinang bulong niya.Mabilis na nilingon ni Maya si Gavin. “May sinasabi ka ba?” Tinigilan na niya ang pangongo-po rito dahil binantaan siya nitong hahalikan siya nito kapag hindi siya tumigil sa pangongo-po at pagtawag ng sir rito. Alam niyang hindi ito nagbibiro ng mga sandaling iyon dahil seryosong-seryoso ang mukha nito nang sabihin nito ang bagay na 'yon sa