Napahawak si Maya sa kaniyang ulo nang magising siya sa alarm ng kaniyang cell phone. Kumikirot iyon at parang binibiyak na animo’y nakalaklak siya ng pinakamatapang na alcoh0l.“Aray. Ang sakit ng ulo ko. Ano bang nangyar—”Natigilan si Maya nang mapagtanto niyang wala siyang kasaplot-saplot sa katawan. Namilog ang kaniyang mga mata nang maalala niya ang nangyari kagabi. Dahan-dahan niyang nilingon kung sino ang kaniyang katabi sa kama.“G-Gavin…” Napasabunot si Maya sa kaniyang buhok nang mapagtantong may nangyari sa kanilang dalawa kagabi. Hindi naman sila mga lasing. Talagang nadala lang sila ng init ng kani-kanilang mga katawan. Nagpadala siya sa bugso ng kaniyang damdamin!Marahang bumangon si Maya at dahan-dahang naglakad para pulutin ang kaniyang mga damit sa sahig. Mabilis siyang nagbihis. Inayos niya ang kaniyang sarili. Bago tuluyang lumabas ng silid ay nilingon niya muna ang mahimbing na natutulog na si Gavin.‘Maling-mali ang ginawa ko. Hindi dapat kita pinatulan. May ana
“What’s wrong, Maya? Para kang nakakita ng multo,” natatawang sambit ni Gaia nang bigla siyang hilahin ni Maya papunta sa loob ng elevator. Kanina lang ay ayaw nitong paunlakan ang kaniyang imbitasyon na mag-umagahan sila ng sabay. Akala rin niya ay hindi ito papayag na bumuntot siya ngayong araw sa mga ito. Lubos siyang natuwa nang pumayag itong isama siya sa tirahan ng mga ito. Naka-schedule ang pagpunta niya ngayon sa mansyon ng kaniyang lola pero dahil ayaw niyang makita ang matanda, hindi niya susundin ang nais ng kaniyang ina.“Pasensya na po, Ma’am Gaia,” ani Maya.“Para saan naman?” tanong ni Gaia.“Nahila ko po kasi kayo bigla papasok dito sa loob kanina,” nakayukong tugon ni Maya.Tumawa nang mahina si Gaia. “Ano ka ba? That’s fine. Natutuwa nga ako at isasama mo ako sa mga lakad mo ngayon. I have no plans today kaya thank you for saving my day.”“Mommy…”“Good morning, Hope,” nakangiting bati ni Gaia.Agad na kuminang ang mga mata ni Hope nang makita niya ang kapatid ng kan
Nagising si Gavin dahil sa sunod-sunod na pag vibrate ng kaniyang cell phone. Kinusot-kusot niya ang kaniyang mga mata at agad na napabalikwas sa higaan nang makita niyang tumatawag ang kaniyang best friend na si Fitz Larson. Mabilis niyang sinagot ang tawag nito.[“What are you up to? Kanina pa akong tawag nang tawag sa’yo.”]“Kagigising ko lang. Nasaan ka na ba?” Pumunta si Gavin sa kaniyang walk-in closet at dali-daling nagpalit ng damit.[“Andito na ako sa hotel niyo. Nasa harap na ako ng pinto ng penthouse.”]“Sige. Papunta na ako.” Inayos ni Gavin ang kaniyang buhok at saka naglakad pabalik sa direksyon ng kama. Kinuha niya ang kwintas ni Maya at saka niya dalas-dalas na tinungo ang pinaka front door ng penthouse. Pagkabukas niya ng pinto ay agad siyang niyakap ng kaniyang best friend.“Long time no see, bro!” ani Fitz sabay gulo ng buhok ni Gavin.“Kung saan-saan ka kasi naglalagi.” Naglakad si Gavin patungo sa isa sa mga couch at naupo roon. Humiwalay sa kaniya si Fitz at naup
“Bwisit! Magkasama na naman siguro sina Maya at Gavin! Kailangan ko na talagang gumawa ng paraan para mabura sa landas ko ang babaeng ‘yon!” gigil na sambit ni Avva habang tinitingnan ang sarili niyang repleksyon sa salamin. Isang katok sa pinto ang mas lalong nagpainit ng dugo niya.“Mommy, nagugutom na raw po si Bia. Matagal ka po ba riyan?” tanong ni Hivo habang panay ang katok sa pinto ng banyo.Iniikot ni Avva ang kaniyang mga mata at saka dali-daling binuksan ang pinto. Napaupo sa sahig si Hivo dahil sa pagkakabukas niya noon. Sa halip na tulungan itong tumayo ay pinanlisikan pa niya ito ng mga mata. “Tat@nga-t@nga ka talagang bata ka! Pahara-hara ka riyan sa may pintuan! Ano? Huwag mong sasabihing iiyak ka na naman? Kalalaki mong tao, iyakin ka! Tumayo ka at huwag mo akong dramahan!” sigaw niya habang nanlalaki ang kaniyang mga mata.Nagsalubong ang mga kilay ni Hivo. Tinapunan na rin niya nang masamang tingin ang kaniyang mommy. Pinilit niyang tumayo kahit masakit ang kaniyang
“Nasaan na ba si Gaia? Kanina ko pa siyang tinatawagan pero hindi naman niya sinasagot ang tawag ko,” inis na sabi ni Ylonah habang naglalakad papasok ng hospital. “Hayaan mo na muna si Gaia. Alam mo namang hindi sila close ni mama. Huwag mo na siyang piliting sumama sa mga lakad natin. Malaki na ang anak mo. Hayaan mo naman siyang makahinga at maging malaya kahit dito lang sa Pilipinas. Teka, nasaan na pala si mama?” kunot-noong tanong ni Gerardo. Umikot ang mga mata ni Ylonah. “Hindi mo ba nakitang mas nauna siyang umalis sa atin kanina? Malamang malapit na ‘yon sa room ng apo niya sa tuhod. Masyadong excited makita ang mga anak ni Gavin eh kung tutuusin, bunga sila ng kasalanan ng anak mo. Children out of wedlock.” “Makapagsalita ka naman ng gan’yan sa mga apo at anak ko parang wala tayong nagawang kasalanan dati ah. Alalahanin mong anak ko sa labas si Gaia. Buhay pa si Vivian noong nakabuo tayong dalawa.” Nilampasan ni Gerardo si Ylonah at nagpatuloy sa paglalakad. Napapailin
Balisa si Avva habang naghihintay sa labas ng private room kung saan dinala si Donya Conciana. Kanina pa siyang palakad-lakad habang kagat-kagat ang kaniyang mga daliri. “Sigurado akong palalayasin ako ng mga Thompson kapag nalaman nilang ako ang dahilan kung bakit inatake sa puso ang matandang ‘yon. Anong gagawin ko? Hindi p’wedeng mawala sa akin ang lahat.” Tiningnan ni Avva ang kaniyang branded na damit, mga alahas at mamahaling sandals. Iniisip pa lamang niyang mawawala ang mga ito ay nanlulumo na siya. “I need to do something…” Habang nag-iisip si Avva kung paano niya lulusutan ang problemang kinakaharap niya ay bigla namang dumaan ang dalawang nurse na nakasaksi ng nangyari kanina. Mabilis niyang hinabol ang mga ito at hinawakan ang magkabilang kamay. “Miss, anong ginagawa mo? Saan mo kami dadalhin?” tanong ng isang nurse habang kinakaladkad sila ng kaniyang kaibigan ni Avva. “Sumunod na lang kayo sa akin kung ayaw niyong mawalan ng trabaho,” banta ni Avva. “Miss, ano b
“Mama…” Hinawakan ni Ylonah ang balikat ng kaniyang asawang si Gerardo. “Don’t stress yourself too much. Magiging maayos din ang lahat.” Mula sa mirror window ay sinilip niya ang kaniyang biyenan. ‘Huwag ka na sanang magising para wala nang aapi at aaway sa anak ko! Si Gavin lang naman ang kinikilala mong apo kaya nararapat lang sa’yo ang nangyari. Akalain mong tinatablan ka rin pala ng karmang matanda ka. HA! Kung sinuman ang may gawa niyan sa’yo, hulog siya ng langit sa amin ni Gaia at hinding-hindi ko sasayangin ang effort niya. Gagawin ko ang lahat para manatili kang bedridden at mahimbing na natutulog. Hindi muna kita tutuluyan tutal, wala ka rin namang magagawa sa kondisyon mo ngayon. Buti nga sa’yong matanda ka!’ isip-isip niya. “Hindi dapat natin hinayaang mauna si mama sa atin kanina. Kung sumabay lang sana tayo sa kaniya, hindi sana siya aatakihin sa puso. Hindi ko dapat siya pinabayaang mag-isa. Hindi natin siya dapat pinabayaan, Ylonah.” Itinakip ni Gerardo ang kaniyang
‘I have to think of a way to get rid of that fúcking CCTV footage. Hindi nila pwedeng malaman na ako ang may kagagawan kung bakit inatake sa puso ang matandang hukluban na ‘yon!’ piping turan ng isip ni Avva habang naglalakad siya’t pinaglalaruan ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Dumiretso na siya sa kuwarto ni Bia. Pagpasok niya, naabutan niyang kumakain ang dalawang bata.“Mommy, kain po. Daddy came here and he brought us some food," ani Bia habang may laman pang pagkain ang kaniyang bibig.Aalukin rin sana ni Hivo ang kanilang ina ngunit napansin niyang tila balisa at hindi ito mapakali kaya isinantabi na niya ang kaniyang kinakain at naglakad patungo kay Avva. “Mommy, mukhang malalim po ang iniisip n'yo. Parang hindi po kayo mapakali. M-may problema po ba? M-may nangyari po ba sa labas?” sunod-sunod niyang tanong.Nagpanting ang magkabilang tainga ni Avva dahil sa katabilan ng dila ni Hivo. “Ano ba, Hivo! Napakarami mong tanong. Bumalik ka na nga sa upuan mo’t tapusin mo ang pagk
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s