‘I have to think of a way to get rid of that fúcking CCTV footage. Hindi nila pwedeng malaman na ako ang may kagagawan kung bakit inatake sa puso ang matandang hukluban na ‘yon!’ piping turan ng isip ni Avva habang naglalakad siya’t pinaglalaruan ang ilang hibla ng kaniyang buhok. Dumiretso na siya sa kuwarto ni Bia. Pagpasok niya, naabutan niyang kumakain ang dalawang bata.“Mommy, kain po. Daddy came here and he brought us some food," ani Bia habang may laman pang pagkain ang kaniyang bibig.Aalukin rin sana ni Hivo ang kanilang ina ngunit napansin niyang tila balisa at hindi ito mapakali kaya isinantabi na niya ang kaniyang kinakain at naglakad patungo kay Avva. “Mommy, mukhang malalim po ang iniisip n'yo. Parang hindi po kayo mapakali. M-may problema po ba? M-may nangyari po ba sa labas?” sunod-sunod niyang tanong.Nagpanting ang magkabilang tainga ni Avva dahil sa katabilan ng dila ni Hivo. “Ano ba, Hivo! Napakarami mong tanong. Bumalik ka na nga sa upuan mo’t tapusin mo ang pagk
Binalot ng tensyon ang apat na sulok ng security room. Ang mga mata ng mga taong naroroon ay nakatuon lamang sa monitor. Halos hindi na nga sila kumukurap sa panonood ng video footage...bitbit ang pag-asang masisilayan nila ang tunay na nangyari.Sa halip na sa monitor tumingin si Ylonah ay nakatuon ang kaniyang atensyon sa kaniyang katabi. ‘You’re too obvious, Avva! Hindi ka magaling magtago,' isip-isip niya.‘ShíT! I’m not ready for this. Hindi pa ako handang mawala ang lahat-lahat sa akin!' Kinakagat ni Avva ang kaniyang mga daliri habang titig na titig sa monitor kung saan kasalukuyang pine-play ang video footage ng nasabing insidente.‘Malakas ang kutob kong hindi lang basta aksidente ang nangyari kay Lola Conciana. Hindi siya basta inatake lang. Alam kong may foul play na nangyari at ang cctv footage ang magpapatunay ng kutob kong ito.’ Nakatuon ang kamay ni Gavin sa desktable kung saan nakapatong ang mga computers at malalaking monitors. Tahimik lang siyang nanonood at halos hi
‘Magiging maayos rin ang lahat, Lola Conciana. Gagaling ka at mananagot naman ang sinumang walang puso na naging dahilan nang nangyari sa'yo.’ Nakakuyom ang mga kamay ni Gavin habang naglalakad pabalik sa room 777. Mabigat ang mga yabag niya habang nag-iisip kung paano niya malalaman ang totoo. Nang makarating siya sa kuwarto, hindi niya maiwasang sulyapan ang kan'yang lola mula sa labas. Hindi niya maiwasang maawa dahil sa dami ng aparato na nakakabit dito. “Naikuwento na sa akin ni Ylonah ang nangyari sa security room, Gavin! Nabanggit niya na sa akin na may mga missing clips sa CCTV footage," panimula ni Gerardo. Nakahawak pa siya sa balikat ng anak habang nagsasalita. “Someone’s manipulating the situation. Marahil ay sinadyang burahin iyon para hindi natin malaman ang totoo.” Nakakuyom pa rin ang mga kamay ni Gavin. “Ako ang bahala. Hahanapin ko ang missing clips na ‘yan at mananagot sa akin ang tunay na may sala kung mayroon man. Ipaparanas ko sa kaniya ang nararanasan ni Lola
“Nakuha mo na ba ang lahat ng mga damit mo sa cabinet, anak? Baka may naiwan ka pa ro’n?” Kasalukuyang isinasalansan ni Maya ang mga tiniklop niyang damit sa traveling bag na binili ni Gavin para sa kanilang mag-ina.“Opo, mommy. Nariyan na po lahat," sagot naman ni Hope. Tinutulungan niya ang kaniyang inang magtiklop upang hindi na ito gaanong mahirapan. “Kaunti lamang naman po ang mga gamit natin, mommy. Kaunti lamang po ang aayusin natin.”Habang pinapanood ni Gaia ang mag-ina, hindi niya maiwasang mapangiti. “Nakakatuwa talaga kayong mag-ina. Napakasarap n'yong panoorin kahit simpleng bagay lang ang ginagawa niyo.”“Naku! Ganito lang naman po ang bonding naming mag-ina. Saka itong si Hope, matulungin po talaga ito. Pareho silang magkapatid," proud na wika ni Maya. Napangiti siya nang mabanggit ang yumaong anak. “Kung nabubuhay pa sana si Matthan, siguradong siya mismo ang magpiprisinta na mag-ayos ng lahat ng gamit namin. Paniguradong sasabihin niyang siya na lamang ang gagawa da
“You know what, Maya, I’m happy that you’ve changed your mind. Buti na lang at naisip mong huwag na munang lumipat," nakangiting turan ni Gaia. “Naisip ko rin kasi si Hope. Alam kong masaya siya kapag kasama niya kayo. Masyado nang napalapit sa inyo ang anak ko at hindi ko naman din siya masisisi kasi mabubuti kayong tao." Ngumiti si Maya kay Gaia habang inaalis ang mga damit nila ni Hope sa bag. “Alam mo, Ate Maya… I’ll call you ate pala ha since ikaw naman ang mas matanda sa ating dalawa. Mas okay talaga kung dito na lang kayo mag-stay ni Hope. Makakaipon ka kapag dito kayo nakatira kasi hindi mo na kailangang magbayad ng tubig, kuryente, renta, at iba pa kasi libre na lahat." “Tama ka! Kaya malaking tulong talaga sa aming mag-ina ang pagpapatira sa amin ni Don Gilberto rito. Dahil sa kaniya, nagkaroon kami ng—” Biglang nahinto sa pagsasalita si Maya nang mag-ring ang cell phone ni Gaia. Nakapatong iyon sa table na nasa tabi ng kama. Sabay pa silang napalingon dito. “Wait, l
"Dàmn! Sinusundan pa rin tayo ng lalaking 'yon!" Gaia gritted her teeth. Mariin niyang hinawakan ang manibela habang panay ang sulyap niya sa side mirror ng kotse niya. Paano ba naman, kanina pa silang sinusundan ni Garret.“P-pasensya ka na kung nakita mo si Garret ngayon. Are you not on good terms? P-para kasing may tensyon sa pagitan n'yong dal’wa kanina eh.” Nakaupo si Maya sa backseat habang si Hope naman ay nakatulog na sa kandungan niya.“I’ll be honest with you, Ate Maya. Tama ka. We’re not on good terms. Sabihin na nating mayroon kaming hindi pagkakaunawaan noon.” Patuloy sa pagmamaneho si Gaia. Mahigpit ang kapit niya sa manibela habang patuloy pa rin ang sulyap niya sa side mirror. ‘What the héck! Nakasunod pa rin talaga ang gágóng iyon.’“H-hindi rin magkasundo sina Gavin at Garret. Mukhang may issue nga talaga sa ugali ng hamb0g na 'yon," bulong ni Maya.Nginitian ni Gaia si Maya. Tiningnan niya ito mula sa rearview mirror. “Ate Maya, Garret mentioned earlier that he's co
"Hope!" nakangiting turan ni Gavin. Kumunot ang kaniyang noo nang mapagtanto niyang kasama ng mag-ina ang kaniyang kapatid. 'Close na agad sila? Mukhang magkakasama silang tatlo kanina noong tumawag ako kay Gaia,' isip-isip niya."Daddy!" muling sigaw ni Hope. Tatakbo na sana siya palapit kay Gavin nang bigla siyang pinigilan ni Maya."Anak, we need to wear these gowns first." Ipinakita ni Maya kay Hope ang hawak niyang isolation gowns. “Saka anak, hindi ka dapat basta-basta na lamang pumapasok sa isang silid. Kailangan mong matutunang kumatok muna, okay?" paalala niya. Nakababa na ang kaniyang katawan sa lebel ni Hope dahil sinusuotan na niya ito ng isolation gown.“Sorry po, mommy! Namiss ko lang po talaga si daddy kaya hindi ko na po napigilan ang sarili ko. Huwag na po kayong magalit. Promise, hindi ko na po uulitin.” Niyakap ni Hope ang kaniyang ina.Hinaplos ni Maya ang buhok ni Hope. Hinawakan niya ang magkabilang balikat nito. Inilayo niya ito nang bahagya sa kaniya at saka it
Sandaling hindi nakagalaw si Maya nang bigla siyang yakapin ni Gavin. Hindi niya alam kung itutulak ba niya ito palayo o hahayaan na lamang ito sa gusto nito. Muli na naman niyang naalala ang gabing iyon sa penthouse ng Thompson's Hotel. Para na naman siyang ginapangàn ng kuryente sa kaniyang katawan. Ang biglang pagtaas ng kaniyang temperatura ay naramdaman niya na naman. “G-Gavin—” Hinawakan ni Maya ang magkabilang braso nito at tinapik-tapik. “M-may p-problema ba? B-bakit bigla ka na lang y-yumakap sa a-akin?" nauutal na sambit niya habang ang kaniyang puso ay nagsisimula na namang magwala. Hindi sumagot si Gavin. Nanatili siyang nakayakap kay Maya habang nakapikit. Hindi niya masukat kung gaano siya kasaya sa pagkakataong iyon. "G-Gavin, baka dumating sina Gaia at Hope. B-baka kung ano ang isipin ni-nila..." Unti-unting pinakawalan ni Gavin si Maya mula sa maskulado niyang mga bisig. "I'm sorry, Maya. M-may natanggap lang akong magandang balita kaya na-napayakap ako sa'yo. Pas
Matalim ang mga tingin ni Maya kay Hannah. Nasusuka siya sa pagmumukha nito dahil bigla itong nag transform bilang isang maamong tupa buhat sa pagiging tigre.“Anak, bakit gan'yan ang mga tingin mo sa Tita Hannah mo? May problema ba, anak?” nalilitong tanong ni Miguel kay Maya. Papalit-palit ang tingin niya kina Maya at Hannah. Palagay ang loob niya na magkasundo ang dalawa kaya nagtataka siya kung bakit iba ang tono ng anak niya, kung bakit taliwas ang kilos nito. Bumuntong hininga siya. “Mag-usap po tayong tatlo sa salas,” ani Maya. Mula sa kaniyang ama ay lumipat ang tingin niya kay Hannah. “I just need some of your time, papa. Mabilis lang po. Hindi ba, Hannah?” Gulat na napatingin si Hannah kay Maya at saka inosenteng ngumiti. “Sure, kung ‘yan ang gusto mo, Maya. Wala namang problema sa amin ng daddy mo. Ano ba ang dapat nating pag-usapan?”Pinigilan ni Maya ang sarili na mapairap sa inis. Hindi niya alam kung saan kumukuha ng kakapalan ng mukha si Hannah. Kung makaasta ito sa
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s