“Mommy, hindi ko pa po nakikita si lolo. Absent po ba siya today?” tanong ni Hope habang nakahalumbaba at nakatingin sa pinto ng opisina ni Don Gilberto.“Anak, hindi natin palaging makakasama rito si Don Gilberto dahil marami siyang negosyong dapat pagtuunan ng pansin. He's a busy man. Isa pa, may pribado rin siyang buhay sa labas ng apat na sulok ng opisinang ito,” tugon ni Maya. Abala siya sa pagtitipa sa computer. Gumagawa siya ng documentation ng mga nagdaang meetings habang nag-che-check din siya ng emails. Katatapos lang din niyang mag-inventory ng office supplies para mailista ang mga kailangang i-replenish na supplies.Ngumuso si Hope at humarap kay Maya.“Mommy, naiinip po ako. Wala akong ka-play. P'wede po bang maglaro muna tayo kahit five minutes lang?”Itinigil ni Maya ang kaniyang ginagawa. Tumayo siya at umikot sa mesa. Umupo siya sa tapat ni Hope at hinawakan ang dalawang kamay nito. “Anak, may usapan tayo hindi ba? Office hours ngayon kaya kailangan muna ni mommy na g
Nang makalabas ng opisina ni Don Gilberto si Maya ay agad siyang napaisip kung tama bang iniwan niya ang anak niya sa isang estranghera."Bakit ko nga pala iniwan ang anak ko sa loob kasama ng babaeng 'yon? Paano kung kidnapín niya si Hope? Paano kung masama pala siyang tao?" kastigo ni Maya sa kaniyang sarili. Pumihit siya pabalik sa may pintuan at dahan-dahan iyong binuksan. Nang makita niyang masayang naglalaro si Hope at ang bisita ng kaniyang boss ay marahan ulit niyang isinara ang pinto."Mukha namang mabait si ma'am." Napatingala si Maya sa may kisame. "Isa pa, puno naman ng CCTV sa building na ito. Safe naman siguro kung iiwan ko munang saglit si Hope. Bibilisan ko na lang para makabalik ako kaagad," aniya bago siya naglakad patungo sa kinaroroonan ng elevator.Pumasok na si Maya sa loob ng elevator nang bumukas na ito. Nakatingin siya sa reflection niya habang nakasakay siya rito. Napahawak siya sa kaniyang tiyan nang bigla itong kumulo.Makalipas ang ilang sandali, bumukas n
Hindi mapakali si Gaia. Kating-kati na siyang malaman kung totoo nga bang anak ng nakatatanda niyang kapatid ang batang kala-kalaro niya.“Hope, sandali lang ha? May tatawagan lang si Tita Gaia sandali. Mag-play ka lang dito ha?” paalam ni Gaia. Hinaplos pa niya ang buhok ni Hope habang nakatingin nang mata sa mata.“Sige po, Tita Gaia! No worries po. I’ll wait for you here.” Dahan-dahang lumuhod si Hope sa sahig ng opisina ni Don Gilberto habang ang kaniyang maliliit na braso ay nakapatong sa couch.Ngumiti si Gaia. Hindi niya maiwasang mapangiti dahil sa pagkamangha sa angking katalinuhan ng batang si Hope. Agad niyang kinuha ang kaniyang cell phone mula sa bitbit niyang gucci na bag. Itinipa niya ang numero ng nakatatanda niyang kapatid at tinawagan ito.“Kuya—” panimula ni Gaia.[“Hey, lil’ sis? What’s up? Bakit napatawag ka? Namimiss mo na ang guwapo mong kuya, 'no?”]Umikot ang mga mata ni Gaia. “Yes! I do miss you, big bro... but that’s not the reason why I called you," she rep
“Brandon, umikot ka. Hindi na tayo pupunta sa opisina," mabilis na utos ni Gavin matapos niyang ibaba ang kaniyang cell phone.Nagtaka si Brandon. Bakit pina-iiba ni Gavin ang direksiyon nila eh samantalang nagmamadali nga sila dahil may urgent meeting ito. “Sir, bakit po? Hindi na po kayo pupunta sa meeting niyo?”“Ipapa-cancel ko na lang sa secretary ko ‘yong meeting," tugon ni Gavin.“P-po? Bakit naman po? H-hindi po ba urgent po ‘yong meeting na pupuntahan n'yo, Sir Gavin, hindi po ‘yon p'wedeng basta-basta niyo na lang i-cancel," komento ni Brandon.Gavin scratched his neck. He took a deep breath and spoke. “Listen up, Brandon! Dumating na sa bansa si papa kasama sina Tita Ylonah at Gaia. Gaia called me, and she told me na kasama niya ngayon si Hope.” “Siya po pala ‘yong kausap n'yo kanina no’ng mag-cr ako?" paglilinaw ni Brandon.Gavin nodded. “Ipihit mo na ‘tong sasakyan. Dumiretso ka na sa office ni lolo.”Tumango si Brandon. Ipinagpatuloy niya ang pagmamaneho at saka lumiko
‘Sana’y walang masamang mangyari sa apo ko dahil hindi ko talaga mapapatawad ang sarili ko kapag nagkataon.’ Don Gilberto was walking back and forth. Hindi siya mapakali dahil hindi niya maatim na umupo habang hindi niya alam kung ano nang nangyayari sa kaniyang apo sa loob. “Don Gilberto, maupo na po muna kayo. Baka po kayo pa ang mapahamak n’yan," payo ni Leon. Kanina pa kasi niya pinagmamasdan ang matanda. “Hindi ako mapakali, Leon. Lubos akong nag-aalala sa apo ko,” turan ng matandang Thompson. “Magiging okay po si Senyorita Bia, senior. Marami po tayong nananalangin para sa kaniya," ani Leon. “Sana nga, dahil hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kaniya. Kung alam ko lang na may fear of heights pala si Bia, hindi ko na sana hinayaang pilitin siya ni Hivo na sumakay sa ferris wheel.” Bumuntong hininga si Don Gilberto. Muli siyang tumingin sa pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang ginagamot si Hope. “Senior, ibibili ko po muna kayo ng tubig. B
“Paki-buhat mo itong binili nating mga prutas para kay Bia ha? Aakyat na ako ro’n," ani Gavin habang nagmamadali sa paglalakad.“Sige po, Sir Gavin! Ako na po ang bahala rito. Mag-iingat po kayo sa paghakbang at baka madapa po kayo sa sobrang pagmamadali!" paalala ni Brandon.Wala nang inaksayang panahon si Gavin. Nagtanong agad siya sa information desk kung nasaan ang kuwarto ni Bia at dumiretso na siya roon. Pag-akyat niya sa floor kung saan matatagpuan ang kuwarto ni Bia ay mabilis siyang sinalubong ni Avva.“Gavin, buti naman at nandito ka na. Kani—”Tila hanging dinaanan ni Gavin ang ina ng mga anak niya. Umarte siyang hindi niya ito narinig at nakita.Nakita ni Don Gilberto ang ginawa ng kaniyang apo. Napailing na lamang siya dahil dito.Nang bumukas ang pinto ng kuwarto kung saan naka-confine si Bia, agad nang pumasok si Gavin sa loob. Hinabol siya ni Avva pero hindi ito tuluyang nakapasok dahil pinigilan ito ni Don Gilberto.‘Fvck!’ sambit ng isip ni Avva matapos niyang maramd
“Puno ang schedule ni Don Gilberto next week dahil sa mga pina-reschedule niyang meetings. Sana naman ay siputin na niya ang mga ito.” Nakapatong ang magkabilang kamay ni Maya sa keyboard ng laptop ng company at nagtitipa. Diretso ang tingin niya sa screen nang may mabasa siyang pangalang hindi pamilyar sa kaniya pero nakuha ang kaniyang atensyon. Nahinto si Maya sa pagtitipa. Napaisip siya. “Luke Larson… parang narinig ko na ang apelyidong iyon pero hindi ko lang mawari kung saan.” Napansin ni Hope na mukhang stress na ang kaniyang ina kaya binuksan niya ang mini-fridge sa loob ng opisina ni Don Gilberto at kumuha ng bottled water. Naglakad siya palapit sa kaniyang ina at kinalabit ang hita nito. Lumingon si Maya. Malaking ngiti ng kaniyang anak ang tumambad sa kanya. “Mommy, you look stress. Uminom ka po muna," ani Hope. Nakataas ang kamay niya’t pilit na inaabot sa ina ang tubig na hawak niya. "Thank you, anak." Kinuha ni Maya ang tubig na inaabot ni Hope at ipinatong ito sa la
‘Kanina pa ako salita nang salita rito pero parang wala namang nakakarinig sa akin. Mga bwísit! Makaalis na nga lang.’ Tumayo si Avva at padabog na isinarado ang pinto ng kuwarto kung saan kasalukuyang naka-confine si Bia. ‘Makapagpahangin nga muna sa labas.’Umuusok ang ilong ni Avva habang naglalakad papunta sa exit ng ospital. Mabigat ang mga yabag niya’t nakakuyom rin ang mga kamay dahil sa sobrang galit. “Bwísit talaga ‘yang mag-lolo na ‘yon! Ang hirap nilang basahin. Ang hirap nilang pakisamahan tapos dagdag pa sa isipin ko ang kambal na ‘yon. Talagang nagsumbong pa sila sa matandang ‘yon! Akala ba nila ay may magagawa ang pagsusumbong nila para pigilan ako? No way! Lalo lang nilang pinalala ang sitwasyon. Lalo lang nila akong binigyan ng rason para pahirapan sila, mga bwísit sila.”Dahil sa galit ni Avva, hindi niya napansin ang kasalubong niyang nurse. Nabangga niya ito at nanlaglag ang dala nitong mga gamot.“Ano ba? Tángá ka ba o bulag ka? Hindi mo ba ako nakita?" sigaw ni A