SLAP!Nanlaki ang mga mata ni Avva habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. Nais niya sanang sampalin pabalik si Maya pero ayaw niyang masira ang kaniyang mga plano. “Ang kapal ng mukha mo para magpakita sa ‘kin matapos mong iwan sa apartment ang mga anak ko!” Bawat salitang lumalabas sa labi ni Maya ay puno ng pait at poot. “M-Maya… hindi ko alam ang nangyari. N-nito ko lang nalaman. I am sorry,” Avva started to cry like a lost cat.“K-kung sana tinawagan mo man lang ako ng araw na iyon, maililigtas ko sana si Matthan… Baka sakaling buhay pa ang anak ko!” nanginginig na wika ni Maya. Hindi siya bayolenteng tao. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan niya ang manakit ng kapwa ngunit sa pagkakataong ‘to, nagdidilim ang paningin niya. Gusto niyang paulit-ulit na saktan si Avva. “Hindi ko sinasadya, Maya. N-nawala na sa isipan kong tawag–”“Nawala sa isipan mo? HA!” hindi makapaniwalang sambit ni Maya.“Huwag mo namang isisi sa ‘kin ang lahat, Maya! Hindi ko kasalanan ang nangyari
“Co-confirmed na ba? Siya nga ang tunay na ama ng kambal mo? Kasama niyo na ba sa iisang bubong ang lalaking naka-one night stand mo noon?” sunod-sunod na tanong ni Maya kay Avva.Marahang tumango si Avva. “Oo at iyong araw lang ang mayroon ako para makita siya dahil palagi siyang okupado sa kaniyang negosyo kaya nagmamadali ako at hindi ko na naisama ang mga anak mo.” Humawak siya sa dibdib niya. Sa bawat iyak niya ay tila nauubusan siya ng hangin na siyang ikinataranta ni Maya kaya agad itong lumapit sa kaniya. Hindi maalis ni Maya ang mag-alala kay Avva. Hindi rin niya maitatangging mas itinuring pa siyang kapatid nito kaysa kay April.“Sana maintindihan mo ako, Maya. Isa ka ring ina na tulad ko, Maya. Sana huwag mo namang ipagkait sa ‘kin ang iyong malawak na pang-unawa. Please stop being selfish, Maya. In the first place, wala namang may gusto nang nangyari eh,” ani Avva.“I am not being selfish, Avva. Nawalan ako ng anak. Hindi isang bagay na maaaring palitan ang nawala sa ‘kin
Matapos manggaling sa sementeryo ay sinundo ni Avva sa villa ang kaniyang mga anak na sina Hivo at Bia para puntahan si Gavin sa condo unit nito. Nagpanting ang mga tainga niya nang malaman niya buhat kay Brandon na hindi pa nakakabalik ng villa si Gavin matapos nitong magpunta sa simbahan para dumalo sa huling misa na inalay para kay Matthan. Bago pa man sila umalis ng mga bata sa villa ay inorient na niya ang mga ito kung ano ang mga dapat at hindi dapat nilang gawin at sabihin pagdating nila sa condo unit ni Gavin. Palakas nang palakas ang bawat katok ni Avva sa pinto ng condo unit ni Gavin habang hawak niya sa kabilang kamay niya ang tig-isang kamay nina Hivo at Bia. Halos limang minuto na rin siyang nakatayo sa harap ng pintong iyon. Bakas na ang inis ang mukha niya at namumula na rin ang kaniyang mga daliri sa kakakatok sa pinto. “F*ck, Gavin. Open this damn door or else, I will use force to break this,” Avva murmured. “Mommy, why are you saying bad words? Hindi po ba masam
“G-Gavin…”Kinusot ni Gavin ang kaniyang mga mata at saka iyon iminulat. Nakatulog siya agad kanina pagkarating niya sa kaniyang condo unit. Naubos ang lakas niya nang makipagtalo siya sa kaniyang lolo dahil ayaw niyang sundin ang ipinag-uutos nito. Nawala ang natitirang antok niya sa katawan nang biglang nagtatakbo si Bia sa kaniya at niyakap siya.“D-daddy…”Natulala si Gavin pero hindi naman iyon nagtagal. Marahan niyang ikinulong sa braso niya ang batang babae. “Umiiyak ka ba?” malumanay na tanong niya.Sa takot sa sariling ina ay umiling si Bia.Nalipat ang atensyon ni Gavin kay Hivo. Nakayuko ito habang pinipigilan ang paghikbi. Nilalaro rin nito ang mga daliri. “Hivo, what's wrong?”Walang naisagot si Hivo sa kaniyang daddy kung hindi ang pag-iling. Sobrang sakit ng gums niya. Pakiramdam niya ay dumurugo na naman ang parte na pinagbunutan ng kaniyang ngipin. Mariin ang pagkakahawak sa kaniya kanina ng kaniyang Mommy Avva at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang ep
Nakarating sina Maya sa isang malaking gusali. Nang makapasok sila sa lobby ay bumungad sa kanila ang naglalakihang chandeliers at naggagandahang mga bulaklak. Nakasunod lang siya kay Don Gilberto. Naaasiwa siya sa mga titig na binibigay ng mga taong nadadaanan nila ngunit mas nangingibabaw sa kaniya ang mabigyan ng maayos na tahanan ang anak niyang si Hope. Tulog na tulog pa rin si Hope sa mga bisig niya. Napatingin siya sa suot na mumurahing bestida, kumpara sa mga suot ng mga staff at nakatira roon. Kung ikukumpara ay nagmumukha siyang basahan. “Hija?” tawag sa kaniya ni Don Gilberto na nagpabalik sa kaniya sa huwisyo.“Po?” malumanay niyang tanong.“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Don Gilberto.Tumango si Maya.Huminto si Don Gilberto sa harap ng elevator. “Let’s go, hija.”Nahihiyang ngumiti si Maya sa matanda. Masaya siyang itinuturing na apo ni Don Gilberto si Hope, lalo pa’t hindi naranasan ni Hope na magkaroon ng lolo at lola dahil hindi naman siya tanggap ng mga magul
Napaatras si Maya nang makita si Avva kasama ang mga anak nito at si Gavin. Hindi niya alam ngunit kusang kumilos ang mga paa niya at tumakbo siya papalayo. Nagtungo siya sa isang pasilyo. Nakita niya ang isang hagdan at doon nagtago. Malakas ang kabog ng dibdib niya. Napahawak siya roon. “B-bakit sila magkasama?” bulong ni Maya sa sarili. May naiisip na siyang rason ngunit pilit na ibinabaon ng utak niya iyon. Ayaw niyang mag-isip ng kung ano. Ayaw niyang paniwalaan ang nakita ng mga mata niya. Halos mabaliw na si Maya kakahintay na umalis ang mga ito. Halos ilang minuto rin ang inilagi niya sa hagdan. Nagpasya siyang bumalik roon at hindi na niya nakita sina Avva at Gavin. Nang makapasok siya loob ng unit niya ay balisa siya. “Mommy?” kunot-noong tawag ni Hope nang makita ang kaniyang mommy. Mabilis na ngumiti si Maya. “Yes, anak?” “Si lolo po?” Tumabi si Maya kay Hope at humingan nang malalim. “Nakauwi na. Magtatrabaho na si mommy bukas. Kakausapin ko si Don Gilberto kung ma
Nang bumukas ang pinto ng kaniyang opisina ay agad na ibinaba ni Luke ang telepono niya sa ibabaw ng kaniyang lamesa. Lumunok siya at binati ang kakapasok lang na si Garret Lawson—ang isa sa matalik niyang kaibigan. “What brings you here, Garret? Matagal-tagal na rin mula nang huli mo akong bisitahin ah!” bungad ni Luke. Kinuha niya ang bote ng whiskey at saka sinalinan ang kaniyang baso. “It’s too early to drink. M-may problema ba?” “Wala naman, pare! Gusto ko lang uminom ng kaunti. Alam mo na, pampa-relax. Tambak kasi ang workloads ko lately. T-teka, maiba ako. You seemed happy earlier no’ng pumasok ka. What’s the matter? May panibago ka na namang babae, ‘no?” Kinuha ni Luke ang baso niyang may lamang whiskey at inalog ito saka niya dahan-dahang ininom.Kumurba ang malaking ngiti sa magkabilang labi ni Garret. Hinila niya ang upuang nasa sulok ng opisina ni Luke at ipinuwesto ito sa harap ng kaibigan. “Actually, she’s not a new girl, pare. She’s from my past. Ilang taon ko na siy
April and Warren stood before Don Gilberto's office door. Their hearts pounded in their chests when they entered the room. “How’s my look, honey?” April asked. Gumuhit ang malapad na ngiti sa labi ni Warren. “What kind of question is that? Of course, you look beautiful and stunning, as always. Paniguradong hitsura mo pa lang ay mai-impress mo na si Senior Thompson!” Tinitigan niya ng malagkit ang asawa niya. He can’t take his eyes off her. Paano ba naman, lalong lumitaw ang ka-sexy-han at ang hubog ng katawan nito dahil sa hapit na hapit nitong dress na yumayakap sa kaniyang coca-cola body. Ang tela nito’y nagniningning lalo na kapag tinatamaan ng ilaw.. The design — The intricate beading and delicate lace embellishments added a touch of glamor and sophistication to her ensemble. Her hair was styled in a chic updo, and her accessories sparkled with understated elegance. Parang gusto niya itong angkinin sa loob mismo ng opisina ng matandang Thompson!Habang nakatitig si Warren sa asa