Share

Kabanata 46

Sa simbahan, walang pigil ang emosyon ni Maya. Kahit anong pigil niya sa sarili na huwag maiyak at tatagan ang sarili ay wala pa ring humpay ang agos ng mga luha niya. Nakaupo siya sa unahang silya katabi ang anak na si Hope. Tanaw niya ang puting kabaong ni Matthan sa gitna. Habang nagsasalita ang pari, wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Ang alam niya lang ay sobrang bigat ng pakiramdam niya na tila ba paulit-ulit siyang sinasaksak ng matalim na punyal sa kaniyang dibdib.

“Mommy,” nakalabing wika ni Hope.

Pinahid ni Maya ang luha niya. “B-bakit, anak?”

Namumula ang tungki ng ilong ni Hope. “Hindi po ba pwedeng hindi na lang natin ilibing si Matthan? Can we just let him stay in our home, mommy?”

Napatakip si Maya sa labi niya. Pinipigilan niya ang sariling mahikbi. Kung nasasaktan siya ngayon, mas nasasaktan si Hope. Alam niyang sa murang isipan nito ay sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng isa pa niyang anak. “I am sorry, anak. But we can’t do that. Kailangan nating ilaga
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Juliet Silva
thank you was really amazing very touching i just cry too......
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status