“G-Gavin.” Agad na hinawakan ni Avva ang kaniyang noo nang makita niyang papalapit na ito sa kaniyang kinaroroonan.Napatakbo si Gavin nang makita niya ang nagkalat na mga bubog sa may swimming pool deck. May dala na siyang first aid kit. Ibinaba niya muna ang first aid kit sa pinakamalapit na table at saka nagtatakbo kung nasaan si Avva.“What happened here? Your hand…”“Ouch,” maarteng sambit ni Avva. “Kanina pa itong dumudugo, Gavin. Pupulutin ko sana ang mga bubog na ito nang bigla akong masugatan,” pagsisinungaling niya.Tiningnan nang masama ni Gavin si Avva. “Are you out of your mind? Why did you pick it up with your bare hands?” he said, irritably.“Pasensya na, Gavin. Hindi na kasi ako nakapag-isip nang maayos dahil inaantok na rin ako eh.” Palihim na ngumiti si Avva nang bigla siyang binuhat ni Gavin patungo sa isa sa mga sunlounge. Sinadya niyang ipinulupot ang kaniyang mga kamay sa batok nito habang kagat-kagat niya ang kaniyang labi.“Akala ko ba inaantok ka na? Bakit nak
“Daddy, good morning!” masiglang bati ni Bia habang naglalakad palapit sa dining area.Ngumiti si Gavin. “Good morning, Bia. Halika, saluhan mo si daddy.” Pinaupo niya si Bia sa kaniyang tabi.“Morning, daddy!” malungkot na bati ni Hivo.Nawala ang ngiti ni Gavin nang makita niyang matamlay ang kaniyang anak na lalaki. “Good morning? Bakit ka nakasimangot? Ang aga-aga gan’yan ang mukha mo. Sige ka mababawasan ang kaguwapuhan mo,” pabirong sabi niya.Umupo si Hivo sa tapat ni Gavin. Pinapaupo siya nito sa tabi nito pero hindi siya tumabi rito. Hindi pa rin maipinta ang mukha niya.“Hivo, bakit ka sad? Hindi ba dapat masaya ka ngayon kasi kasabay nating kakain ng breakfast si daddy?” tanong ni Bia. Ipinaghahanda na siya ng pagkain ng isa sa kanilang mga katulong.“It’s our first breakfast together, Hivo. Hindi ka ba masayang kasabay mo na si daddy sa pagkain?” nakangiting tanong ni Gavin.“He has a fever,” Avva said while walking down the stairs.Agad na kumunot ang noo ni Gavin nang ma
“Maya, gising. May naghahanap sa’yo.”Dahan-dahang iminulat ni Maya ang kaniyang mga mata habang kinukusot ito. Napahikab siya at napatingin sa orasan na nakadikit sa dingding. “Mrs. Nirvana, nandiyan na po pala kayo. Ang aga niyo pong pumunta rito,” aniya habang patuloy ang paghikab.“Mamaya pa nga sana akong 9 A.M. pupunta rito kaso may isang makulit na lalaking hindi ako tinantanan hangga’t hindi ko siya dinadala rito.” Pungay pa ang mga mata ni Nirvana. Halatang inaantok pa siya. Late na kasi siya nakatulog kagabi tapos binulabog na agad siya ng alas kuwatro ng madaling araw ng lalaking iyon! Five thirty na ng dumating siya sa chapel.Nilingon ni Maya si Hope. Mahimbing pa itong natutulog. Inayos niya ang kumot nito at nilagyan ng unan ang magkabila nitong side. “Sino naman pong walang magawa sa buhay ang nanggising sa inyo ng ganitong kaaga?” tanong niya.“Iyon na nga ang ikinakainis ko, Maya. Hindi niya sabihin kung ano ang pangalan niya.” Naghikab si Nirvana. “Bumaba ka na roon
“Masama ang manakit ng babae, pare.”Tumaas ang isang kilay ni Warren. Pinasadahan niya ng tingin mula ulo hanggang paa ang lalaking nasa harap niya. “At sino ka naman para makialam sa amin?” matapang niyang tanong.“A man who can hurt a woman physically has no right to know my name,” the man said in a low, deep voice.‘Sigurado akong ngayon ko lang siya nakita. Sino kaya siya? Ano kaya ang pakay niya at naparito siya?’ isip-isip ni Maya habang tinititigan ang mukha ng lalaki.Ngumiti ang lalaki. “Miss, baka naman matunaw ako sa mga titig mong ‘yan.”Nag-iwas ng tingin si Maya. “At sinong may sabi sa’yo na tinititigan kita?” mariin niyang tanggi.Marahas na inalis ni Warren ang pagkakahawak ng lalaki sa kaniya. Itinuro niya ang mukha nito habang bahagyang nanlalaki ang mga butas ng kanyang ilong. “Oras na malaman ko ang buong pangalan at pagkatao mo ipapa—”“What? Ipapapatay mo ako?” sarkastikong sabi ng lalaki sabay tawa nang malakas.“Maghinay-hinay ka sa pananalita mo. Kilalanin mo
“Who are you? Bakit kilala mo kami?” mahinang tanong ni Maya habang nakatingala sa lalaking nasa harap niya. Nakakasilaw ang kaguwapuhan nito. Maging ang pabangong gamit nito ay nakakahalina at talaga namang nanunuot sa kaniyang ilong.Ngumiti ang lalaki. “Garret Lawson. Finally, we’re now talking…Miss Maya the great.” Inilahad niya ang kaniyang kamay rito.“Garret Lawson?” Maya whispered. Her eyebrows met. Iniisip niya kung may kaibigan o may kakilala ba siyang isang Garret Lawson.“Hindi mo ba ako kakamayan, Miss Maya?” Garret took a glimpse on his hand while waiting for her response.“I…I’m sorry. Nice to meet you? No need ko na namang ipakilala ang sarili ko kasi kilala mo na naman ako. May I ask, how did you know me?” naguguluhang tanong ni Maya.Garret couldn’t help but to smile whenever he remembered that day. He saw Maya wearing her wedding dress while wiping her tears after he eavesdropped from his condo unit. Siya ang lalaking nabunggo ni Maya, limang taon na ang nakalilipas
“Doctora, how’s my son?”“Don’t worry, Gavin. He will be fine. He has a fever but eventually it will fade after he drinks his medicines. I already gave your wife his prescription. Kindly make sure that your son will take the antibiotics within seven days. If the pain is already unbearable, he can take some pain reliever. Oo nga pala, when the bleeding continues, painumin niyo siya ng Hemostan para maampat ang pagdurugo but don’t let him take it more than what I recommended. Your son also needs to rest at home since too much movements will trigger the bleeding. Baka mamaga rin ang gums niya kung maglililikot siya,” the dentist replied.“Maraming salamat po,” sambit ni Gavin. Hinawakan ng dentista ang balikat niya at nginitian siya. Napalingon siya sa entrance ng clinic ng dentistang kausap niya nang tawagin siya ni Avva.“Gavin!” Matalim na tiningnan ni Avva ang kamay ng dentistang nakahawak sa balikat nito.Tumikhim ang dentista at agad na inalis ang kaniyang kamay sa balikat ni Gavin
“Mommy, where are we going? It’s too early!” Nagtalukbong ng kumot si April pero agad din iyong inalis ng kaniyang ina.“Bumangon ka na at mag-ayos! Libing ngayon ng anak ni Maya. We need to go there,” ani Angelita.Napilitang bumangon si April pero papikit-pikit pa rin ang kaniyang mga mata. “Mommy, naman! Ayokong makita ang pagmumukha ng bruhang ‘yon. Ikaw na lang ang pumunta. Matutulog na lang ako rito maghapon.”“Sige. Sabi mo eh. Oo nga pala. May nakapagsabi sa akin na kanina pang umalis ang asawa mo at base sa gps tracker ko, malapit lang siya sa chapel kung saan nakaburol ang anak ni Maya. Aalis na ako. Bahala ka na rito sa bah—”“Wait, mommy! Hintayin mo ako. Sasama na ako sa'yo,” ani April sabay takbo patungo sa kinaroroonan ng shower room.Umupo si Angelita sa malambot na kama ng kaniyang anak. “Basta pagdating kay Warren, mabilis pa sa alas kuwatro kumilos itong si April. Hay. Pag-ibig nga naman, nakakab0b0 at nakakabulag. Habang naghihintay siya sa kaniyang anak ay napatin
“Brandon, nasaan ka?” tanong ni Gavin habang panay ang tingin niya sa kaniyang relo.[“Narito po sa villa. Bakit po?”]“I will send you my location. Use my big bike and come here as fast as you can. I need to go somewhere,” Gavin replied.[“Sige po, Sir Gavin. Magbibihis lang po a—”]“Mamaya ka na magbihis pagbalik niyo riyan sa villa. I'm running out of time.” Mula sa rearview mirror ay tiningnan niya ang kaniyang dalawang anak. Parehong mahimbing na natutulog ang mga ito. Marahil ay napagod ang mga ito o ‘di kaya naman ay dahil sa maaga ang mga itong nagising kanina. Dali-dali niyang ipinadala ang kaniyang lokasyon kay Brandon sa pamamagitan ng messengerr.[“Natanggap ko na po ang lokasyon niyo, Sir Gavin. Papunta na po ako ngayon.”]“Sige. Salamat. Mag-iingat ka,” ani Gavin sabay patay ng tawag. Huminga siya nang malalim. “Manang Elvira, kayo na muna po ang bahala sa mga anak ko. Kung may mapansin man kayong mali sa ginagawa nila, pakisuway na lang po. Kayo po ang nagpalaki sa akin