“Doctora, how’s my son?”“Don’t worry, Gavin. He will be fine. He has a fever but eventually it will fade after he drinks his medicines. I already gave your wife his prescription. Kindly make sure that your son will take the antibiotics within seven days. If the pain is already unbearable, he can take some pain reliever. Oo nga pala, when the bleeding continues, painumin niyo siya ng Hemostan para maampat ang pagdurugo but don’t let him take it more than what I recommended. Your son also needs to rest at home since too much movements will trigger the bleeding. Baka mamaga rin ang gums niya kung maglililikot siya,” the dentist replied.“Maraming salamat po,” sambit ni Gavin. Hinawakan ng dentista ang balikat niya at nginitian siya. Napalingon siya sa entrance ng clinic ng dentistang kausap niya nang tawagin siya ni Avva.“Gavin!” Matalim na tiningnan ni Avva ang kamay ng dentistang nakahawak sa balikat nito.Tumikhim ang dentista at agad na inalis ang kaniyang kamay sa balikat ni Gavin
“Mommy, where are we going? It’s too early!” Nagtalukbong ng kumot si April pero agad din iyong inalis ng kaniyang ina.“Bumangon ka na at mag-ayos! Libing ngayon ng anak ni Maya. We need to go there,” ani Angelita.Napilitang bumangon si April pero papikit-pikit pa rin ang kaniyang mga mata. “Mommy, naman! Ayokong makita ang pagmumukha ng bruhang ‘yon. Ikaw na lang ang pumunta. Matutulog na lang ako rito maghapon.”“Sige. Sabi mo eh. Oo nga pala. May nakapagsabi sa akin na kanina pang umalis ang asawa mo at base sa gps tracker ko, malapit lang siya sa chapel kung saan nakaburol ang anak ni Maya. Aalis na ako. Bahala ka na rito sa bah—”“Wait, mommy! Hintayin mo ako. Sasama na ako sa'yo,” ani April sabay takbo patungo sa kinaroroonan ng shower room.Umupo si Angelita sa malambot na kama ng kaniyang anak. “Basta pagdating kay Warren, mabilis pa sa alas kuwatro kumilos itong si April. Hay. Pag-ibig nga naman, nakakab0b0 at nakakabulag. Habang naghihintay siya sa kaniyang anak ay napatin
“Brandon, nasaan ka?” tanong ni Gavin habang panay ang tingin niya sa kaniyang relo.[“Narito po sa villa. Bakit po?”]“I will send you my location. Use my big bike and come here as fast as you can. I need to go somewhere,” Gavin replied.[“Sige po, Sir Gavin. Magbibihis lang po a—”]“Mamaya ka na magbihis pagbalik niyo riyan sa villa. I'm running out of time.” Mula sa rearview mirror ay tiningnan niya ang kaniyang dalawang anak. Parehong mahimbing na natutulog ang mga ito. Marahil ay napagod ang mga ito o ‘di kaya naman ay dahil sa maaga ang mga itong nagising kanina. Dali-dali niyang ipinadala ang kaniyang lokasyon kay Brandon sa pamamagitan ng messengerr.[“Natanggap ko na po ang lokasyon niyo, Sir Gavin. Papunta na po ako ngayon.”]“Sige. Salamat. Mag-iingat ka,” ani Gavin sabay patay ng tawag. Huminga siya nang malalim. “Manang Elvira, kayo na muna po ang bahala sa mga anak ko. Kung may mapansin man kayong mali sa ginagawa nila, pakisuway na lang po. Kayo po ang nagpalaki sa akin
“Avva, kilala mo ba si Maya?” kunot-noong tanong ni Gavin.Umiling si Avva. “H-Hindi. Ano kasi. Na-Narinig ko lang kay Brandon. Ano pala kayo ni Maya? Magkaibigan ba kayo or former classmates or magpinsan?”Hindi agad nakasagot si Gavin.Tumaas ang dalawang kilay ni Avva. Hinihintay pa rin niya ang tugon ni Gavin.“We're strangers,” Gavin replied with honesty.“Talaga ba? Mukhang masyado naman yata kayong close kung strangers lang kayo,” pasaring ni Avva.“She's a single mom and one of his twins died in a fire accident. Magkasama kami nang mangyari ang insidente.” Inaabangan na ni Gavin ang pagdating ni Brandon. Maya’t-maya na rin ang pagsulyap niya sa kaniyang relo.“Ah. Gano'n pala. Bakit kayo magkasama? Paano pala kayo nagkakilala?” Pinipigilan ni Avva na lumabas ang pagkainis niya sa kaniyang mukha.“She's working as a waitress in a restaurant. I'm a regular customer there. I met her because of her pretty daughter. She was selling some weird stuff that time,” Gavin narrated. “Teka
“Siya ba ang ama nina Hope at Matthan?” tanong ni Gavin habang nakatingin sa naglalarong sina Hope at Garret. Hindi masabi ni Maya na hindi niya talaga kilala kung sino ang ama ng mga anak niya. Pinili na lang niyang panindigan kung ano ang sinabi niya noon dito. “He’s not. Their father is staying and working abroad. Nakwento ko na ‘yon sa’yo, hindi ba? Isa pa, we’re not in good terms,” tugon niya. “Then, who is he? Tito ba siya ni Hope? Kapatid mo?” sunod na tanong ni Gavin. “Ang totoo, hindi ko rin siya kilala. Basta na lang siya dumating dito. Garret Lawson ang pangalan niya," sagot ni Maya. Napalingon si Gavin kay Maya. “He’s a Lawson?” Tinitigan niya nang mabuti ang mukha ni Garret. Tama nga ang sinabi ni Maya! Isa nga itong Lawson! Tumango si Maya. “Kilala mo ba siya?” tanong niya. “Their family is one of our business partners. Paano ka pala niya nakilala at ano raw ang pakay niya at pumunta siya rito? Mukhang nag-eenjoy siyang makipag-usap at makipaglaro kay Hope ah.
Parehong nakatingin sa cell phone ni Angelita ang mag-ina habang binabaybay nila ang daan patungo sa kinaroroonan ng sasakyan ni Warren. Malapit na sila sa chapel nang mamataan ni April ang isang pamilyar na sasakyan.“Sinasabi ko na nga ba eh. Naku, April! Bantayan mo ‘yang asawa mo at baka mamaya eh makaramdam ‘yan ng kati tapos sa iba ipakamot,” naiiling na sambit ni Angelita. “Mommy, kailan mo pa mino-monitor ang lokasyon ng asawa ko?”“Noong nakaraang linggo lang. Nagkwento ka kasi sa akin na nakita niyo si Maya, ‘di ba? Alam ko namang never natikman ng asawa mo ang babaeng ‘yon kahit na matagal na silang magkasintahan noon kaya naisipan kong baka mamaya eh iputan ka sa ulo niyang si Warren. Ayon, pinalagyan ko ng gps tracker ang sasakyan niya,” salaysay ni Angelita.“Thank you so much, mommy ha. Hindi ko talaga lubos isipin na hahanapin niya ang bruhang si Maya. Okay na okay naman kaming mag-asawa eh. Sobrang lambing niya sa akin at sobrang consistent din ng actions niya. Tuna
Bumili naman sa pinakamalapit na mall ng puting round neck t-shirts sina Garret at Gavin dahil masyadong pormal ang kanilang mga suot.Walang patid ang pag-iyak nina Maya at Hope habang binubuhat palabas ng chapel ang kabaong ni Matthan. Nakasuot sila ng puting dress gano’n din si Nirvana. Hindi mapapansin ang pugtong mga mata ng mag-ina dahil nagsuot din sila ng itim na shades. Sasakay na sana sila sa sasakyan nang biglang dumating ang pamilya nila.Agad na huminto ang mga luha ni Maya nang makita niyang nakasuot ng pulang dress ang kaniyang kapatid na si April. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong niya.“Makikiramay? Makikipaglibing? Why asked the obvious?” mataray na sagot ni April.Pinasadahan ng tingin ni Maya ang kaniyang kapatid mula ulo hanggang paa. “I’m asking because you don’t look like someone who’s showing sympathy and empathy to the bereaved family. Para kang p0kp0k na kalalabas lang ng bar.”Kapwa nagpigil ng tawa sina Gavin at Garret na ngayon ay nasa likuran ni Maya. Na
Sa simbahan, walang pigil ang emosyon ni Maya. Kahit anong pigil niya sa sarili na huwag maiyak at tatagan ang sarili ay wala pa ring humpay ang agos ng mga luha niya. Nakaupo siya sa unahang silya katabi ang anak na si Hope. Tanaw niya ang puting kabaong ni Matthan sa gitna. Habang nagsasalita ang pari, wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Ang alam niya lang ay sobrang bigat ng pakiramdam niya na tila ba paulit-ulit siyang sinasaksak ng matalim na punyal sa kaniyang dibdib.“Mommy,” nakalabing wika ni Hope.Pinahid ni Maya ang luha niya. “B-bakit, anak?”Namumula ang tungki ng ilong ni Hope. “Hindi po ba pwedeng hindi na lang natin ilibing si Matthan? Can we just let him stay in our home, mommy?”Napatakip si Maya sa labi niya. Pinipigilan niya ang sariling mahikbi. Kung nasasaktan siya ngayon, mas nasasaktan si Hope. Alam niyang sa murang isipan nito ay sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng isa pa niyang anak. “I am sorry, anak. But we can’t do that. Kailangan nating ilaga