Share

Kabanata 43

“Siya ba ang ama nina Hope at Matthan?” tanong ni Gavin habang nakatingin sa naglalarong sina Hope at Garret.

Hindi masabi ni Maya na hindi niya talaga kilala kung sino ang ama ng mga anak niya. Pinili na lang niyang panindigan kung ano ang sinabi niya noon dito. “He’s not. Their father is staying and working abroad. Nakwento ko na ‘yon sa’yo, hindi ba? Isa pa, we’re not in good terms,” tugon niya.

“Then, who is he? Tito ba siya ni Hope? Kapatid mo?” sunod na tanong ni Gavin.

“Ang totoo, hindi ko rin siya kilala. Basta na lang siya dumating dito. Garret Lawson ang pangalan niya," sagot ni Maya.

Napalingon si Gavin kay Maya. “He’s a Lawson?” Tinitigan niya nang mabuti ang mukha ni Garret. Tama nga ang sinabi ni Maya! Isa nga itong Lawson!

Tumango si Maya. “Kilala mo ba siya?” tanong niya.

“Their family is one of our business partners. Paano ka pala niya nakilala at ano raw ang pakay niya at pumunta siya rito? Mukhang nag-eenjoy siyang makipag-usap at makipaglaro kay Hope ah.
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status