Bumili naman sa pinakamalapit na mall ng puting round neck t-shirts sina Garret at Gavin dahil masyadong pormal ang kanilang mga suot.Walang patid ang pag-iyak nina Maya at Hope habang binubuhat palabas ng chapel ang kabaong ni Matthan. Nakasuot sila ng puting dress gano’n din si Nirvana. Hindi mapapansin ang pugtong mga mata ng mag-ina dahil nagsuot din sila ng itim na shades. Sasakay na sana sila sa sasakyan nang biglang dumating ang pamilya nila.Agad na huminto ang mga luha ni Maya nang makita niyang nakasuot ng pulang dress ang kaniyang kapatid na si April. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong niya.“Makikiramay? Makikipaglibing? Why asked the obvious?” mataray na sagot ni April.Pinasadahan ng tingin ni Maya ang kaniyang kapatid mula ulo hanggang paa. “I’m asking because you don’t look like someone who’s showing sympathy and empathy to the bereaved family. Para kang p0kp0k na kalalabas lang ng bar.”Kapwa nagpigil ng tawa sina Gavin at Garret na ngayon ay nasa likuran ni Maya. Na
Sa simbahan, walang pigil ang emosyon ni Maya. Kahit anong pigil niya sa sarili na huwag maiyak at tatagan ang sarili ay wala pa ring humpay ang agos ng mga luha niya. Nakaupo siya sa unahang silya katabi ang anak na si Hope. Tanaw niya ang puting kabaong ni Matthan sa gitna. Habang nagsasalita ang pari, wala siyang maintindihan sa sinasabi nito. Ang alam niya lang ay sobrang bigat ng pakiramdam niya na tila ba paulit-ulit siyang sinasaksak ng matalim na punyal sa kaniyang dibdib.“Mommy,” nakalabing wika ni Hope.Pinahid ni Maya ang luha niya. “B-bakit, anak?”Namumula ang tungki ng ilong ni Hope. “Hindi po ba pwedeng hindi na lang natin ilibing si Matthan? Can we just let him stay in our home, mommy?”Napatakip si Maya sa labi niya. Pinipigilan niya ang sariling mahikbi. Kung nasasaktan siya ngayon, mas nasasaktan si Hope. Alam niyang sa murang isipan nito ay sinisisi nito ang sarili sa pagkamatay ng isa pa niyang anak. “I am sorry, anak. But we can’t do that. Kailangan nating ilaga
Kumurap si Gavin. Hindi niya alam pero nasasaktan siyang makitang umiiyak ang mag-ina. At sa hindi malamang kadahilanan ay nasasaktan rin siya sa tuwing dumadapo ang mata niya sa maliit na kabaong. Minsan sumasagi sa isipan ni Gavin kung maaga silang nakarating sa apartment ay maililigtas kaya nila ang lalaking anak ni Maya? Hindi siya mahilig sa bata maliban na lang sa mga anak niya at kay Hope. Kung buhay lang siguro ang bata ay kasing bibo rin siguro iyon ni Hope. Naglalakad si Maya habang karga-karga si Hope. Habang ang apat na katao ay karga ang kabaong ni Matthan, patuloy sa pagpatak ang mga luha niya at ng batang buhat niya.Sa bawat hakbang ni Maya ay ramdam ni Gavin ang emosyon nito. Nais niyang lapitan ang babae at aluin ito. Ngunit ayaw rin naman niyang magmukhang epal at basta na lamang pumapel at lumapit kay Maya.Nang ipasok na sa sasakyan si Matthan ay hindi na nag-atubiling kumilos pa si Gavin at nilapitan na niya si Maya. Aabutan na sana niya ito ng tubig ngunit bag
SLAP!Nanlaki ang mga mata ni Avva habang nakahawak sa namumula niyang pisngi. Nais niya sanang sampalin pabalik si Maya pero ayaw niyang masira ang kaniyang mga plano. “Ang kapal ng mukha mo para magpakita sa ‘kin matapos mong iwan sa apartment ang mga anak ko!” Bawat salitang lumalabas sa labi ni Maya ay puno ng pait at poot. “M-Maya… hindi ko alam ang nangyari. N-nito ko lang nalaman. I am sorry,” Avva started to cry like a lost cat.“K-kung sana tinawagan mo man lang ako ng araw na iyon, maililigtas ko sana si Matthan… Baka sakaling buhay pa ang anak ko!” nanginginig na wika ni Maya. Hindi siya bayolenteng tao. Kahit kailan ay hindi pumasok sa isipan niya ang manakit ng kapwa ngunit sa pagkakataong ‘to, nagdidilim ang paningin niya. Gusto niyang paulit-ulit na saktan si Avva. “Hindi ko sinasadya, Maya. N-nawala na sa isipan kong tawag–”“Nawala sa isipan mo? HA!” hindi makapaniwalang sambit ni Maya.“Huwag mo namang isisi sa ‘kin ang lahat, Maya! Hindi ko kasalanan ang nangyari
“Co-confirmed na ba? Siya nga ang tunay na ama ng kambal mo? Kasama niyo na ba sa iisang bubong ang lalaking naka-one night stand mo noon?” sunod-sunod na tanong ni Maya kay Avva.Marahang tumango si Avva. “Oo at iyong araw lang ang mayroon ako para makita siya dahil palagi siyang okupado sa kaniyang negosyo kaya nagmamadali ako at hindi ko na naisama ang mga anak mo.” Humawak siya sa dibdib niya. Sa bawat iyak niya ay tila nauubusan siya ng hangin na siyang ikinataranta ni Maya kaya agad itong lumapit sa kaniya. Hindi maalis ni Maya ang mag-alala kay Avva. Hindi rin niya maitatangging mas itinuring pa siyang kapatid nito kaysa kay April.“Sana maintindihan mo ako, Maya. Isa ka ring ina na tulad ko, Maya. Sana huwag mo namang ipagkait sa ‘kin ang iyong malawak na pang-unawa. Please stop being selfish, Maya. In the first place, wala namang may gusto nang nangyari eh,” ani Avva.“I am not being selfish, Avva. Nawalan ako ng anak. Hindi isang bagay na maaaring palitan ang nawala sa ‘kin
Matapos manggaling sa sementeryo ay sinundo ni Avva sa villa ang kaniyang mga anak na sina Hivo at Bia para puntahan si Gavin sa condo unit nito. Nagpanting ang mga tainga niya nang malaman niya buhat kay Brandon na hindi pa nakakabalik ng villa si Gavin matapos nitong magpunta sa simbahan para dumalo sa huling misa na inalay para kay Matthan. Bago pa man sila umalis ng mga bata sa villa ay inorient na niya ang mga ito kung ano ang mga dapat at hindi dapat nilang gawin at sabihin pagdating nila sa condo unit ni Gavin. Palakas nang palakas ang bawat katok ni Avva sa pinto ng condo unit ni Gavin habang hawak niya sa kabilang kamay niya ang tig-isang kamay nina Hivo at Bia. Halos limang minuto na rin siyang nakatayo sa harap ng pintong iyon. Bakas na ang inis ang mukha niya at namumula na rin ang kaniyang mga daliri sa kakakatok sa pinto. “F*ck, Gavin. Open this damn door or else, I will use force to break this,” Avva murmured. “Mommy, why are you saying bad words? Hindi po ba masam
“G-Gavin…”Kinusot ni Gavin ang kaniyang mga mata at saka iyon iminulat. Nakatulog siya agad kanina pagkarating niya sa kaniyang condo unit. Naubos ang lakas niya nang makipagtalo siya sa kaniyang lolo dahil ayaw niyang sundin ang ipinag-uutos nito. Nawala ang natitirang antok niya sa katawan nang biglang nagtatakbo si Bia sa kaniya at niyakap siya.“D-daddy…”Natulala si Gavin pero hindi naman iyon nagtagal. Marahan niyang ikinulong sa braso niya ang batang babae. “Umiiyak ka ba?” malumanay na tanong niya.Sa takot sa sariling ina ay umiling si Bia.Nalipat ang atensyon ni Gavin kay Hivo. Nakayuko ito habang pinipigilan ang paghikbi. Nilalaro rin nito ang mga daliri. “Hivo, what's wrong?”Walang naisagot si Hivo sa kaniyang daddy kung hindi ang pag-iling. Sobrang sakit ng gums niya. Pakiramdam niya ay dumurugo na naman ang parte na pinagbunutan ng kaniyang ngipin. Mariin ang pagkakahawak sa kaniya kanina ng kaniyang Mommy Avva at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam pa rin niya ang ep
Nakarating sina Maya sa isang malaking gusali. Nang makapasok sila sa lobby ay bumungad sa kanila ang naglalakihang chandeliers at naggagandahang mga bulaklak. Nakasunod lang siya kay Don Gilberto. Naaasiwa siya sa mga titig na binibigay ng mga taong nadadaanan nila ngunit mas nangingibabaw sa kaniya ang mabigyan ng maayos na tahanan ang anak niyang si Hope. Tulog na tulog pa rin si Hope sa mga bisig niya. Napatingin siya sa suot na mumurahing bestida, kumpara sa mga suot ng mga staff at nakatira roon. Kung ikukumpara ay nagmumukha siyang basahan. “Hija?” tawag sa kaniya ni Don Gilberto na nagpabalik sa kaniya sa huwisyo.“Po?” malumanay niyang tanong.“Ayos ka lang?” nag-aalalang tanong ni Don Gilberto.Tumango si Maya.Huminto si Don Gilberto sa harap ng elevator. “Let’s go, hija.”Nahihiyang ngumiti si Maya sa matanda. Masaya siyang itinuturing na apo ni Don Gilberto si Hope, lalo pa’t hindi naranasan ni Hope na magkaroon ng lolo at lola dahil hindi naman siya tanggap ng mga magul