“Who are you? Bakit kilala mo kami?” mahinang tanong ni Maya habang nakatingala sa lalaking nasa harap niya. Nakakasilaw ang kaguwapuhan nito. Maging ang pabangong gamit nito ay nakakahalina at talaga namang nanunuot sa kaniyang ilong.Ngumiti ang lalaki. “Garret Lawson. Finally, we’re now talking…Miss Maya the great.” Inilahad niya ang kaniyang kamay rito.“Garret Lawson?” Maya whispered. Her eyebrows met. Iniisip niya kung may kaibigan o may kakilala ba siyang isang Garret Lawson.“Hindi mo ba ako kakamayan, Miss Maya?” Garret took a glimpse on his hand while waiting for her response.“I…I’m sorry. Nice to meet you? No need ko na namang ipakilala ang sarili ko kasi kilala mo na naman ako. May I ask, how did you know me?” naguguluhang tanong ni Maya.Garret couldn’t help but to smile whenever he remembered that day. He saw Maya wearing her wedding dress while wiping her tears after he eavesdropped from his condo unit. Siya ang lalaking nabunggo ni Maya, limang taon na ang nakalilipas
“Doctora, how’s my son?”“Don’t worry, Gavin. He will be fine. He has a fever but eventually it will fade after he drinks his medicines. I already gave your wife his prescription. Kindly make sure that your son will take the antibiotics within seven days. If the pain is already unbearable, he can take some pain reliever. Oo nga pala, when the bleeding continues, painumin niyo siya ng Hemostan para maampat ang pagdurugo but don’t let him take it more than what I recommended. Your son also needs to rest at home since too much movements will trigger the bleeding. Baka mamaga rin ang gums niya kung maglililikot siya,” the dentist replied.“Maraming salamat po,” sambit ni Gavin. Hinawakan ng dentista ang balikat niya at nginitian siya. Napalingon siya sa entrance ng clinic ng dentistang kausap niya nang tawagin siya ni Avva.“Gavin!” Matalim na tiningnan ni Avva ang kamay ng dentistang nakahawak sa balikat nito.Tumikhim ang dentista at agad na inalis ang kaniyang kamay sa balikat ni Gavin
“Mommy, where are we going? It’s too early!” Nagtalukbong ng kumot si April pero agad din iyong inalis ng kaniyang ina.“Bumangon ka na at mag-ayos! Libing ngayon ng anak ni Maya. We need to go there,” ani Angelita.Napilitang bumangon si April pero papikit-pikit pa rin ang kaniyang mga mata. “Mommy, naman! Ayokong makita ang pagmumukha ng bruhang ‘yon. Ikaw na lang ang pumunta. Matutulog na lang ako rito maghapon.”“Sige. Sabi mo eh. Oo nga pala. May nakapagsabi sa akin na kanina pang umalis ang asawa mo at base sa gps tracker ko, malapit lang siya sa chapel kung saan nakaburol ang anak ni Maya. Aalis na ako. Bahala ka na rito sa bah—”“Wait, mommy! Hintayin mo ako. Sasama na ako sa'yo,” ani April sabay takbo patungo sa kinaroroonan ng shower room.Umupo si Angelita sa malambot na kama ng kaniyang anak. “Basta pagdating kay Warren, mabilis pa sa alas kuwatro kumilos itong si April. Hay. Pag-ibig nga naman, nakakab0b0 at nakakabulag. Habang naghihintay siya sa kaniyang anak ay napatin
“Brandon, nasaan ka?” tanong ni Gavin habang panay ang tingin niya sa kaniyang relo.[“Narito po sa villa. Bakit po?”]“I will send you my location. Use my big bike and come here as fast as you can. I need to go somewhere,” Gavin replied.[“Sige po, Sir Gavin. Magbibihis lang po a—”]“Mamaya ka na magbihis pagbalik niyo riyan sa villa. I'm running out of time.” Mula sa rearview mirror ay tiningnan niya ang kaniyang dalawang anak. Parehong mahimbing na natutulog ang mga ito. Marahil ay napagod ang mga ito o ‘di kaya naman ay dahil sa maaga ang mga itong nagising kanina. Dali-dali niyang ipinadala ang kaniyang lokasyon kay Brandon sa pamamagitan ng messengerr.[“Natanggap ko na po ang lokasyon niyo, Sir Gavin. Papunta na po ako ngayon.”]“Sige. Salamat. Mag-iingat ka,” ani Gavin sabay patay ng tawag. Huminga siya nang malalim. “Manang Elvira, kayo na muna po ang bahala sa mga anak ko. Kung may mapansin man kayong mali sa ginagawa nila, pakisuway na lang po. Kayo po ang nagpalaki sa akin
“Avva, kilala mo ba si Maya?” kunot-noong tanong ni Gavin.Umiling si Avva. “H-Hindi. Ano kasi. Na-Narinig ko lang kay Brandon. Ano pala kayo ni Maya? Magkaibigan ba kayo or former classmates or magpinsan?”Hindi agad nakasagot si Gavin.Tumaas ang dalawang kilay ni Avva. Hinihintay pa rin niya ang tugon ni Gavin.“We're strangers,” Gavin replied with honesty.“Talaga ba? Mukhang masyado naman yata kayong close kung strangers lang kayo,” pasaring ni Avva.“She's a single mom and one of his twins died in a fire accident. Magkasama kami nang mangyari ang insidente.” Inaabangan na ni Gavin ang pagdating ni Brandon. Maya’t-maya na rin ang pagsulyap niya sa kaniyang relo.“Ah. Gano'n pala. Bakit kayo magkasama? Paano pala kayo nagkakilala?” Pinipigilan ni Avva na lumabas ang pagkainis niya sa kaniyang mukha.“She's working as a waitress in a restaurant. I'm a regular customer there. I met her because of her pretty daughter. She was selling some weird stuff that time,” Gavin narrated. “Teka
“Siya ba ang ama nina Hope at Matthan?” tanong ni Gavin habang nakatingin sa naglalarong sina Hope at Garret. Hindi masabi ni Maya na hindi niya talaga kilala kung sino ang ama ng mga anak niya. Pinili na lang niyang panindigan kung ano ang sinabi niya noon dito. “He’s not. Their father is staying and working abroad. Nakwento ko na ‘yon sa’yo, hindi ba? Isa pa, we’re not in good terms,” tugon niya. “Then, who is he? Tito ba siya ni Hope? Kapatid mo?” sunod na tanong ni Gavin. “Ang totoo, hindi ko rin siya kilala. Basta na lang siya dumating dito. Garret Lawson ang pangalan niya," sagot ni Maya. Napalingon si Gavin kay Maya. “He’s a Lawson?” Tinitigan niya nang mabuti ang mukha ni Garret. Tama nga ang sinabi ni Maya! Isa nga itong Lawson! Tumango si Maya. “Kilala mo ba siya?” tanong niya. “Their family is one of our business partners. Paano ka pala niya nakilala at ano raw ang pakay niya at pumunta siya rito? Mukhang nag-eenjoy siyang makipag-usap at makipaglaro kay Hope ah.
Parehong nakatingin sa cell phone ni Angelita ang mag-ina habang binabaybay nila ang daan patungo sa kinaroroonan ng sasakyan ni Warren. Malapit na sila sa chapel nang mamataan ni April ang isang pamilyar na sasakyan.“Sinasabi ko na nga ba eh. Naku, April! Bantayan mo ‘yang asawa mo at baka mamaya eh makaramdam ‘yan ng kati tapos sa iba ipakamot,” naiiling na sambit ni Angelita. “Mommy, kailan mo pa mino-monitor ang lokasyon ng asawa ko?”“Noong nakaraang linggo lang. Nagkwento ka kasi sa akin na nakita niyo si Maya, ‘di ba? Alam ko namang never natikman ng asawa mo ang babaeng ‘yon kahit na matagal na silang magkasintahan noon kaya naisipan kong baka mamaya eh iputan ka sa ulo niyang si Warren. Ayon, pinalagyan ko ng gps tracker ang sasakyan niya,” salaysay ni Angelita.“Thank you so much, mommy ha. Hindi ko talaga lubos isipin na hahanapin niya ang bruhang si Maya. Okay na okay naman kaming mag-asawa eh. Sobrang lambing niya sa akin at sobrang consistent din ng actions niya. Tuna
Bumili naman sa pinakamalapit na mall ng puting round neck t-shirts sina Garret at Gavin dahil masyadong pormal ang kanilang mga suot.Walang patid ang pag-iyak nina Maya at Hope habang binubuhat palabas ng chapel ang kabaong ni Matthan. Nakasuot sila ng puting dress gano’n din si Nirvana. Hindi mapapansin ang pugtong mga mata ng mag-ina dahil nagsuot din sila ng itim na shades. Sasakay na sana sila sa sasakyan nang biglang dumating ang pamilya nila.Agad na huminto ang mga luha ni Maya nang makita niyang nakasuot ng pulang dress ang kaniyang kapatid na si April. “Anong ginagawa niyo rito?” tanong niya.“Makikiramay? Makikipaglibing? Why asked the obvious?” mataray na sagot ni April.Pinasadahan ng tingin ni Maya ang kaniyang kapatid mula ulo hanggang paa. “I’m asking because you don’t look like someone who’s showing sympathy and empathy to the bereaved family. Para kang p0kp0k na kalalabas lang ng bar.”Kapwa nagpigil ng tawa sina Gavin at Garret na ngayon ay nasa likuran ni Maya. Na
Dumating sina Don Gilberto , Donya Conciana, at Miguel sa bahay. Ang unang bumungad sa kanila ay si Hannah. Nakaupo ito sa mahabang sofa. Mabilis na tumayo si Hannah at sumalubong sa mga matatanda. “Good evening po,” bati ni Hannah at nagmano kay Donya Conciana. Ngumiti ang matanda. “Magandang gabi rin, hija.”At sunod ay nagmano si Hannah kay Don Gilberto. Ngumiti lang ang matandang lalaki bilang tugon. Taliwas sa Hannah na animo’y dragon sa harap ni Maya at ng mga bata, ay para itong anghel na hindi makabasag ng pinggan ngayon sa harap ng kasintahan at ng dalawang matanda.Panghuling nilapitan ni Hannah si Miguel. Sinalubong niya ng yakap ang fiance. Hinalikan ni Miguel sa noo si Hannah. Naunang pumasok ang dalawang matanda at naiwan sina Miguel at Hannah sa pinto na magkayakap. “Kumusta ang lakad niyo, love?” malambing na tanong ni Hannah kay Miguel.“Okay lang naman. How are you, love?” malambing na wika rin ni Miguel. “Ayos lang naman. I stayed the whole day here. Naglinis, n
Napataas ng kilay si Hannah nang makita si Maya na nagpupuyos sa galit. She even crossed her arms as she looked at Maya with a wicked smile. “Can’t you see it? Iyang mga anak mo, nagkakalat dito sa kusina ko. Kung anu-ano ang pinaggagawa ng mga anak mo. Masyado ka kasing naging pabayang ina. Look at what they did to my kitchen. Ang dumi-dumi! Gosh, pinaka ayaw ko pa naman sa lahat ay iyong magulo at makalat!” litanya ni Hannah.Hindi pinansin ni Maya ang sinabing iyon ni Hannah. Nakatingin lang siya sa mga bata na niliguan ng cake mixture. Hindi siya bayolenteng tao pero pagdating sa mga anak niya, kaya niyang gawin ang lahat lalo na kung naagrabyado ang mga anak niya. Naglakad siya patungo sa mga bata. “Are you ignoring me?” inis na wika ni Hannah nang hindi siya sinagot ni Maya at paranf hangin lang siyang dinaanan nito. “Ayos lang ba kayo mga anak?” malumanay na tanong ni Maya at agad na sinuri isa-isa ang mga bata kung may sugat o pasa ba ang mga ito. “A-Ayos lang po kami, mo
Mabilis na tumalima ang tatlong bata sa sinabi ni Maya. Nang masigurong nakapasok na ng silid ang tatlo ay saka niya muling hinarap si Hannah.“Oh, ano’ng tinitingin-tingin mo?" masungit na sambit ni Hannah.“Alam mo, girlfriend ka pa lang ni papa pero kung mag-aasta ka rito sa pamamahay niya eh parang asawa ka na niya. Kung gusto mong irespeto kita, matuto ka ring magbigay ng respeto. Isa pa, huwag kang umastang reyna rito dahil wala ka pa namang korona.” Inis na inis si Maya kay Hannah. Natatakot rin siyang buksan ang cell phone niya dahil panay ang text at tawag ni Gavin kaya naisipan niyang patayin muna ang cell phone niya.“Abat at—” Hindi na naituloy ni Hannah ang sasabihin nang bigla siyang tinalikuran ni Maya. Nagpapadyak siya ng kaniyang mga paa. Pulang-pula ang mukha niya dahil sa sobrang inis.Maingat na binuksan ni Maya ang pinto ng silid kung saan naroroon ang mga anak niya. Lumakad siya palapit sa mga ito.“Mommy, are you sad?” tanong ni Bia. Mabilis na ngumiti si Maya
Napatulala si Maya. Tulog ang bunso niyang anak habang ang tatlong bata naman ay abala sa pagbabasa ng mga story books. Matapos ang nangyaring sagutan sa pagitan nilang dalawa ni Hannah ay nagbago na ang tingin niya sa katipan ng papa niya. Hindi niya lubos maisip na ganoon ang totoong ugali nito. Ayaw niyang patulan ito dahil ayaw niyang malungkot ang papa niya at higit sa lahat ay nais niyang pakisamahan ito dahil magiging parte ito ng pamilya nila…ngunit… nagbago na ang isip niya. “Pahiram naman ako niyan, Hivo!” nakangusong ungot ni Bia sa kapatid. “Eh, ‘di pa ako tapos. Maghanap ka ng ibang babasahin mo!” angil ni Hivo.Ngumuso si Bia. “Nabasa ko na ang iba eh. Ikaw lang ‘tong mabagal kung magbasa.” “Hindi ko kasalanan kung mabilis kang magbasa at mabagal ako. I am still reading. Mind your own,” giit ni Hivo. “‘Wag nga kayong mag-away. Ano ba kayo!” saway ni Hope. Parehong napabaling sina Hivo at Bia kay Hope. “Eh, siya kasi!” sambit nina Hivo at Bia ng sabay. Magkapanabay
“Let’s go,” anas ni Garret at bigla niyang hinila si Maya nang makaalis sina Betina at Nijiro. Tulala lang si Avva at hindi maalis ang mata sa paalis na pigura ni Nijiro hanggang sa nawala ito sa paningin niya. Ni hindi man lamang niya ito nakausap nang matagal. Ni hindi man lamang niya ito nahagkan!“Maya?” muling tawag ni Garret na pumukaw sa atensyon ni Maya.“Y-yes, G-Garret?” pakli ni Avva.“We need to go to the hospital. Kailangan nating patingnan sa doktor ang kalagayan mo,” saad ni Garret. Hindi maalis sa isipan ni Garret ang pangamba. Nakaalis na sina Betina at Nijiro ngunit kabado pa rin siya sa mga posibleng maging tanong ni Maya. “Okay,” tugon ni Avva na wala sa sarili. Nagpatianod siya sa hila ni Garret hanggang makarating sila sa sasakyan nito. Todo alalay ito sa kaniya ngunit ang utak niya ay nanatili kay Nijiro. Sa maikling panahon na nakita niya ang paslit ay nakabisado na niya agad ang hitsura nito. Malakas ang kutob niyang anak niya si Nijiro. At tuwang-tuwa siya
Umagang-umaga ay nagmamadali sina Donya Conciana, Don Gilberto at ang daddy ni Maya. Isa-isang humalik ang mga matatanda sa mga bata. Si Maya naman ay nakamasid lang sa kaniyang ama, lolo at lola habang karga-karga niya ang bunsong anak na si Nathan na kasalukuyang dumedede sa kaniya. “Maya, anak…” anas ni Miguel saka hinalikan si Maya sa noo. “Aalis muna kami nina Don Gilberto at Donya Conciana ha. Kapag may gusto kayong bilhin, just order it. I will leave my card.” Inabot niya ang isang itim ng atm card sa kaniyang anak. “Papa, sa'yo na po itong black card. May supreme at sariling black card naman po ako rito. Binigay po sa akin nina tito saka ni Gavin,” sambit ni Maya sabay abot pabalik ng black card kay Miguel. “Are you sure, hija?" paniniguro ni Miguel. Tumango lang si Maya habang nakangiti. “Sige. Oo nga pala, if ever gusto ng mga app kong umalis, magpunta sa park may ‘di kalayuan rito, p’wede silang magpasama kay Hannah. Right, love?” Nilingon ni Miguel si Hannah.
Nakarating si Garret sa ground floor karga-karga pa rin si Avva sa bisig niya. Akmang lalabas na siya nang makasalubong niya si Betina, hawak-hawak nito si Nijiro. ‘What the hell is she doing here? Kasama pa niya ang anak ko!’ Napakurap si Garret, nanigas ang buong katawan niya at hindi siya makagalaw. Napansin agad ni Betina ang pagkabalisa ng kaniyang kapatid. “Nigel, what happened? Bakit…” Hindi na niya naituloy ang kaniyang sasabihin nang makita niya si Maya sa bisig ni Garret. “W-What are you doing here, Betina?” halos pabulong ng sambit ni Garret. Papalit-palit ang tingin niya kay Betina at sa anak niyang si Nijiro. Wala sa plano niyang ipakita at ipakilala si Nijiro kay Maya dahil ayaw niyang malaman ng babaeng tinatangi niya ang tungkol sa anak niya. Nanlalamig na ang buong katawan niya sa kaba, lalo na ng humakbang si Nijiro palapit sa kaniya, mabuti na lang at mabilis itong nahila ni Betina.“Tita?” anas ng bata na nag-angat ng tingin sa tiyahin niyang magkasalubong agad
“Shit!” malutong na mura ni Jett habang mabilis na nagtitipa ng code sa kaniyang laptop. “Wala na bang ibibilis pa ‘yan? Garret’s almost there!” tarantang wika ni Fitz.“I am doing my best here, Fitz!” giit ni Jett, habang hindi magkamayaw sa pagtipa.“Jett, I believe in you. Ikaw ang great hacker at isa sa mga best CIA at FBI agent noon. Naniniwala ako sa kakayahan mo. Please, don't disappoint me," Gavin pleaded.Rinig na rinig nilang lahat ang usapan nina Garret at Avva. Ultimo pagbilig ng hininga ni Avva ay dining na dinig nila na mas dumadagdag sa kaba na nararamdaman nilang tatlo. Nakasalalay kay Jett ang lahat, kapag hindi agad nito nagawa ang pagpapalit ng footage ay katapusan na ng lahat ng mga plano nila. “Fuck!” mura ni Gavin nang marinig ang pagtunog ng elavator. Palabas na sina Avva at Garret sa elevator. “Jett, damn it! Ilabas mo na ang yabang mo ngayon. Bilisan mo! They are almost there!” “I know! Naririnig ko sila!” inis na wika ni Jett, habang nanatiling nagtitipa s
Bumukas ang pinto ng elevator. Nagulat si Garret nang makita niya si Maya na lumabas ng elavator kaya agad siyang lumapit dito para tanungin ito. “Sa’n ka pupunta, Maya?” gulat na tanong ni Garret at hinawakan ang braso ni Maya.Kumurap si Avva sa gulat. Hindi niya akalain na magkakasalubong sila ni Garret. Napalunok siya bago sumagot. “Ah… nagugutom na kasi ako. Bibili na lang sana ako ng makakain. Hindi ka pa kasi bumabalik, eh. Iniisip ko baka may g-ginagawa ka kaya bumaba na lang ako," nauutal na sabi ni Avva. Malakas ang kabog ng dibdib niya.. “Kumalma ka lang, Avva. H’wag kang magpapahalata." Rinig ni Avva ang boses ni Gavin mula sa earpiece niya. “G-Gutom na talaga kasi ako, Garret.”“I was on my way out para bilhan ka ng makakain. Kaso, nagkaroon ng aberya. May customer na nagrereklamo dahil nawala ang wallet niya. Kaya imbes dumiretso ako palabas. Kinailangan ko munang kausapin.” Pinagmasdang mabuti ni Garret ang mukha ni Maya. 'She looks tense. Did I scare her earlier?'