Mahigpit na ipinulupot ni Almirah ang kumot sa kaniyang hubad na katawan. Katatapos lang nilang gawin iyon kaya naman ngayon ay kailangan na niyang maghanda para makaalis na sa hotel kung saan siya dinala ni Lazarus.
"S-Sobra iyong binigay mo para ngayong gabi… dapat twenty thousand lang pero bakit fifty t-thousand 'to?"
"Sinobrahan ko dahil isang linggo akong mawawala. I have to travel for a business trip," anito habang mataman siyang tinititigan.
"Okay… magbibihis lang ako kung gan'on. Aalis na rin ako," si Mirah bago ito tumayo para isa-isang damputin ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig.
Nang nakuha na ang mga damit ay isa-isa na rin niyang isinuot ang mga. Lazarus is still watching her closely. Hindi na lang niya ito pinansin dahil halos sanay na rin naman siya. Hindi naman iyon ang unang beses na ginawa nila iyon.
Ang mahalaga para sa kaniya ngayon ay mayroon na siyang ipambabayad sa tatlong buwang upa ng kanilang bahay sa probinsiya at maibabalik na rin ang linya kuryenteng halos dalawang buwan ding hindi nabayaran kaya pinutol. Makakapagbayad ba rin siya sa apartment na tinutuluyan niya.
Alam ni Almirah na hindi katanggap-tanggap ang kaniyang trabaho pero nilulunok na lang niya ang pride at dignidad niya.
"Uhm… aalis na ako," paalam niya nang hindi tinitingnan sa mga mata si Lazarus.
"Nagpapaalam ka ba sa sahig?" Iritado nitong sambit kaya kaagad na napaangat ng tingin si Almirah.
"Aalis na ako," ulit nito na ngayon ay nakatingin na sa mga mata ng kaharap. Wala namang emosyong naaninag doon pero naging panatag na lamang si Mirah.
Kahit pa ang tingin sa kaniya ay bayaran lang, wala nang pakialam si Mirah dahil kailangang-kailangan niya lang talaga.
"Give me your Manager's number. I'll talk to her. You just can't have sex with any other men while we're doing it. Ayokong mahawaan ka at gan'on din ako. Mabuti na iyong sigurado."
"Hindi ba ay nasa'yo na? Kayo ang nag-uusap bago tayo, hindi ba?" Paalala niya kay Lazarus.
"I need it again. Nawala ko iyong number niya," he reasoned.
Hindi na nakipagtalo pa si Almirah. Gusto na rin niyang makaalis kaya ibinigay niya na lamang ang number ng manager niya rito.
"Kung okay na, puwede na ba akong umalis? May kailangan kasi akong puntahan," tanong ni Mirah kay Lazarus pagkatapos niyang mailagay ang Numero ng kaniyang boss sa cellphone nito.
"Sinong kikitain mo kung gan'on?"
"Hindi na kasama ito sa binabayaran mo. Personal na tanong na iyan at alam mong hindi puwedeng magtanong ng mga gan'ong tanong, hindi ba?" Paalala niya sa kausap.
"Magkano para sa sagot? At isa pa, Malay ko ba kung kikitain mo pa ang isang lalaki tapos makikipag-sex ka rin sa kaniya para mas marami kang kita? Hindi iyon puwede, Almirah. Nakasulat iyon sa kontratang pinirmahan mo," Lazarus uttered as he jaw clenched.
"Naka-kontrata naman pala bakit mo pa hiningi ang number ng manager ko para kausapin siya? Susunod naman ako sa pinagkasunduan. Kailangan ko ng pera pero hindi naman ako hanggang sa puntong hindi ako tutupad sa pinirmahan kong kasulatan para lang mas kumita."
Hindi ba napigilan ni Almirah ang sabihin iyon dahil sa tingin niya ay masyado nang bumababa ang tingin sa kaniya ng lalaki.
Napaka-arogante! Kung hindi lang talaga niya kailangan ng pera para makabayad sa mga utang at pag-aaral ng mga kapatid niya, hindi naman siya aabot sa ganito.
He provides her money kaya kahit nakakapagsabi ito ng masasakit na mga salita sa kaniya ay tinitiis na lang niya… para sa pera.
"Aalis na ako. Tawagan mo na lang ang manager ko kapag kailangan mo na ulit ako," anito at hindi na hinintay ang sasabihin ni Lazarus.
Mabilis ang lakas niyang umalis sa silid at nang tuluyang nakalabas na ay halos dumausdos siya paupo habang nakahilig sa pader.
Ipinaalala na lamang niya sa kaniyang sarili na kung hindi niya gagawin iyon ay mababaon sila sa utang at hindi nakakapag-aral ang kaniyang mga kapatid.
Ayaw niyang magaya ang mga ito sa kaniya kaya gagawin niya ang lahat para mabigyan ang mga ito ng maayos at magandang kinabukasan.
Tumayo siya at mabilis na hinanap ang elevator para makaalis na siya nang tuluyan sa hotel na iyon. Pinahid niya na lamang ang kaniyang luha.
"Hindi bale at isang linggo mo rin naman siyang hindi makikita," paalala niya sa kaniyang sarili para naman matigil na siya sa pag-iyak.
Dahil isang linggo rin itong wala, mas mahabang oras ang magugugol niya kasama ang kaniyang pamilya.
Bago siya umuwi sa apartment na kaniyang tinutuluyan ay dinalaw niya muna si Nana Melba— isa iyong matandang nag-iisa na lang sa kaniyang tinutuluyang bahay dahil siya ay iniwan ng kaniyang mga anak.
Gusto niya sana iyong patirahin sa apartment niya para mas maalagaan kaso lang ay istrikto at masungit iyong caretaker. Palagi niya na lang iyong binibisita para bigyan ng pagkain. Mahirap din kasi ang kalagayan nito dahil malabo na ang kaniyang mga mata at mabagal nang kumilos.
"La…" tawag niya rito habang nakaluhod. Nakahiga ang matanda sa kaniyang kama. "Nandito po ako. Nagdala po ako ng mga pagkain po natin," nakangiting balita ni Mirah sa matanda.
"Mirah, ikaw ba 'yan?"
"Opo, Lola…" mangiyak-iyak niyang sagot.
Dito na lamang kasi niya ibinubuhos ang pangungulila niya sa kaniyang pamilya na nasa malayong probinsiya.
Gumuhit ang isang matamis na ngiti sa labi ng matanda. Dahan-dahan nitong iniangat ang kaniyang kamay para haplusin ang mukha ng dalaga.
"Hay salamat at nandito na ang apo ko! Akala ko ay hindi mo ako dadalawin ngayong araw kaya nahiga na ako," anang matanda.
"Puwede ba naman 'yon, Lola? Alam mo namang dito na rin ang tambayan ko pagkatapos ng trabaho ko." Natatawa naman nito ngayong sinabi habang isa-isang inilalabas ang mga pagkain sa plastic kung saan nakalagay ang mga ito.
Sabay nilang pinagsaluhan ang mga pagkain sa gitna ng tahimik na gabi.
Nanatili siya roon nang ilang oras at kahit ayaw niya pa sanang iwan ang kaniyang Lola Melba ay alam niyang kailangan niya na ring magpahinga. Ipinangako niya sa sarili niyang mag-iipon siya para makalipat na siya ng apartment at maisama niya roon ang matanda lalo pa at ayaw din kasi nitong mapunta sa isang bahay alagaan.
Alas diez ba ng gabi nang tuluyan siyang nakauwi. Pagod na ang buong katawan niya ngunit alam niyang kailangan niya pa ring maglinis ng katawan kaya halos hilahin niya na ang kaniyang sarili para lang makapag-shower pa.
Hindi bale at hindi naman niya kailangang magising nang maaga bukas dahil wala si Lazarus.
Mahimbing siyang nakatulog kaya naman nang i-check niya ang kaniyang cellphone kinaumagahan ay nagulat siya nang nakita ang sunod-sunod na tawag mula kay Lazarus. Kaninang alas sais pa iyon nang umaga pero pasado alas otso na ng umaga.
Wala rin naman itong text kaya hinayaan niya na lang dahil baka nasa byahe na ito. Sa isip niya ay tatawag naman iyon kung importante talaga ang sasabihin nito.
Sa araw na iyon ay marami rin siyang gagawin katulad na lamang ng paglilinis ng kaniyang apartment, pagpapadala sa kaniyang mga magulang at bisitahin si Lola Melba.
Balak din sana niyang umuwi sa probinsiya kagaya ng nauna niyang plano kagabi pero naisip niyang magagamit niya pa ang pera sa mas mahalagang bagay.
Malaki nga ang ibinigay sa kaniya ni Lazarus pero hindi siya puwedeng magpakampante lang.
Ang una niyang ginawa ay bisitahin si Lola Melba. Hinatiran niya ito ng pagkain at sinamahang maligo. Nang maayos na ang lahat ay saka siya bumalik sa kaniyang apartment.
Bago niya naman simulan ang lahat ay nag-almusal na rin muna siya. She also turned the speaker on para naman mas magkaroon ng buhay ang kaniyang apartment.
While she was preparing breakfast, tumigil ang musika dahil sa pag-ring ng kaniyang cellphone. Mabilis niya iyong pinuntahan at bumungad sa kaniya ang pangalan ni Lazarus. Ilang sandali rin siyang napatitig lang doon bago niya sinagot ang tawag.
"What took you so long to pick up your phone?" Iyon kaagad ang bungad sa kaniya. Ni hindi man lang bumati bago siya pinagtaasan ng boses.
Humugot ng malalim na buntonghininga si Almirah bago ito nagsalita. "Nagluluto ako ng agahan ko. Pasensiya na kung natagalan dahil hindi ko rin naman alam na tatawag ka," ang huling pangungusap ay pasarkastiko na lamang.
"Kanina pa kita tinatawagan," Ani Lazarus sa kabilang linya.
"Ano ba kasi ang sasabihin mo? Masyadong maaga ang tawag mo kanina kaya hindi ko nasagot dahil tulog pa ako," pagpapaliwanag nito.
"I was just checking on you. Isang linggo rin akong mawawala kaya siguraduhin mong malinis ka pag-uwi ko or it'll be over for you," may pagbabanta nitong sambit sa kaniya.
Almirah couldn't help but grimace on what he said. "Bakit ba palagi mong inuulit sa akin na baka makipagtalik ako sa iba habang wala ka? Baka naman takot ka sa sarili mong multo kaya panay ang paalala mo sa akin?" Iritado niyang sinabi sa kausap. Umagang-umaga kasi ay sinisira nito ang kaniyang araw. "Oo at nagpapabayad ako sa'yo pero hindi naman ako katulad ng iniisip mo."
"I am not paying you to talk to me like that, Almirah," halos malasahan na ni Almirah ang rahas ng boses ni Lazarus mula sa kabilang linya pero hindi siya nagpatinag dito.
"Binabayaran mo rin ako hindi para insultihin lang. Kung gusto mo pala ng sunod-sunuran sa'yo, sana naghanap ka ng iba na puwede mong gawing parang tuta," nagpupuyos sa inis na sumbat ni Mirah kay Lazarus.
"Wait 'til I get back there. Let's see kung hanggang saan ka kayang dalhin ng tapang mo."
Siya na mismo ang pumatay sa tawag dahil alam niyang mas lalala lang kapag hindi niya pa iyon ibinaba. Kung hindi niya lang talaga kailangan ng madaling pera, hinding-hindi na siya ulit magpapakita pa sa lalaking iyon.
Hangga't kailangan niya pa ng pera ay titiisin niya rin ang ugali nitong pagiging marahas at arogante.
Ilang sandali siyang naupo lang sa maliit na sofa para pakalmahin ang kaniyang sarili dahil ayaw niyang magpatuloy sa araw niya nang may sama ng loob dahil sa mga nasabi sa kaniya ni Lazarus.
Buong araw niyang inabala ang kaniyang sarili sa lahat ng gawaing bahay at pagkausap sa kaniyang pamilya. She misses them so much pero tiniis niya iyon dahil alam niyang wala rin naman siyang kinabukasan kung mananatili lamang siya roon sa kanilang probinsiya.
"Alagaan mong mabuti ang sarili mo riyan, anak ha? Kahit gaano pa kahirap ang buhay, huwag na huwag mong maiisipang gumawa ng ikasasama ng iba lalo na ng sarili mo," paalala ng kaniyang ina.
Almirah pressed her lips together. Hindi siya nakapagsalita. Her parents do not know anything about what she was doing for the sake of money. Ang alam lang ng mga ito ay nagtatrabaho siya pero hindi niya kailanman sinabi kung ano ang kaniyang trabaho sa kanila.
"O-Opo, Inay…" mapait niyang sinabi.
Nang ibinaba niya ang telepono ay mahigpit niyang niyakap ang kaniyang sarili habang umiiyak. Awang-awa na rin siya sa sarili niya pero pilit niyang pinapaalala sa kaniyang sarili na hindi siya mapapakain ng kaniyang awa.
Nakatulog na lamang siya sa kaiiyak. Naalimpungatan lamang siya dahil sa tawag ni Lazarus. It was from an app that allows both users to see each other on the screen. She swiped the answer button and it immediately revealed Lazarus' stoic face.
"Ano na namang kailangan mo?" Siya na ang unang nagsalita dahil kahit tumatakbo ang call ay hindi naman nagsasalita ang kausap niya mula sa kabilang linya.
"I need your documents for processing your passport," ani Lazarus na humilig sa kaniyang inuupuang swivel chair.
"Ha? Passport? Para saan? Bakit ko kakailanganin ng passport?" Sunod-sunod na tanong ni Almirah.
"Dadalas ang pagkakaroon ko ng business trip which means I'll be travelling a lot. Gusto kong sumama ka sa akin so we can consumate what's written on the contract we both signed," diretsong sinabi ni Lazarus na siyang ikilaglag ng panga ni Almirah.
"A-Ano? Hindi puwede…" Bakas ang gulat sa mukha ng dalaga.
Lazarus' brow shot up. "What's wrong with it? Bakit hindi puwede? Ako naman ang gagastos sa lahat ng kailangan mo. All you need to do is to give me your documents para mas mabilis kong ma-proseso."
Naisip kaagad ni Mirah ang kaniyang Lola Melba. Kapag dumalas ang pag-alis niya, paano na lamang ito? Hindi naman sa hindi na nito kayang kumilos pero kailangan niya talaga ng kasama dahil mahihirapan siya kung wala. Pati ang pamilya niya sa probinsiya. Malayo na nga siya sa mga ito, ngayon ay mas lalayo pa.
"Kailangan mo ba talaga ako tuwing aalis ka sa Pilipinas? Hindi ba puwedeng bumawi na lang ako pag-uwi mo?"
Antipatikong natawa si Lazarus mula sa kabilang linya. He shifted on his seat so that he could be closer to his laptop's camera. "Hindi puwede. I'll have you whenever and wherever I want. When I want to fvck you, I'd fvck you immediately."
"Gan'on ka na ba kauhaw na kailangang palagi nating gawin?"
"I hired you so you could satisfy my needs in bed. Isa pa, ayaw mo ba n'on? The more I fvck you, the more money you'd earn from me. I'll pay you everytime we'd do it," anito na parang normal lang sa kaniya lahat ng sinasabi nito ngunit para kay Almirah ay para siyang sinasaksak ng milyun-milyong kutsilyo sa puso.
Ipinangako niya sa sarili niya na kapag nakapag-ipon na siya nang marami ay aalis na siya sa trabahong iyon.
She promised herself that when she's financially stable enough, she'll never have to deal with the ruthless, and arrogant Lazarus Montreal again. Never.
Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin maalis ni Almirah sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Lazarus. Sa bawat araw na daraan ay mas nangingibabaw ang takot at pangamba niya. Ayaw niyang mas malayo pa sa mga taong mahal niya pero kailangan niyang gawin ang gusto ni Lazarus para maisakatuparan niya ang kaniyang plano. Sa nagdaang mga araw ay hindi na rin gan'on kadalas kung tumawag ang lalaki. Inisip na lamang ni Mirah na baka naging abala na ito sa trabaho kaya madalang na lang kung tumawag. Mas gusto niya pa nga iyon dahil wala rin naman itong nasasabing maganda sa tuwing tinatawag ito sa kaniya. Puro sama ng loob lang din naman ang ibinibigay sa kaniya. Tapos na ang isang linggo kaya kung walang delay sa trabaho ay pauwi o nakauwi na rin ito mula sa ibang bansa. Ibig sabihin ay balik na naman si Almirah sa kaniyang trabaho. She's just now waiting for his call and it was as if the heavens heard her thoughts when her phone rang and it revealed Lazarus' name on the screen.
Ilang araw nang nakakulong lang sa bahay si Almirah pagkatapos ng umagang nasabi niya ang mga salitang iyon kay Lazarus. Lumalabas lang siya sa kaniyang apartment sa tuwing binibisita niya si Lola Melba sa bahay niyo para dalhan ng pagkain. Pagkatapos niya roon ay kaagad siyang bumabalik sa kaniyang apartment. Hindi niya rin alam kung magtataka ba siya o matutuwang wala rin siyang narinig mula kay Lazarus sa mga nakaraang araw na iyon the reason why her life has been quiet for almost a week now.She was paid a hundred and sixty thousand after that night kaya ngayon ay hindi niya pa problema ang pera pero alam niyang darating ang araw na mangangailangan ulit siya kaya para maiwasan iyon at malaking halaga ang itinabi niya para sa kaniyang ipon. Kaunting tiis pa para makaalis na siya sa buhay na mayroon siya ngayon. Wala rin namang kasiguraduhan kung hanggang kailan siya babayaran ni Lazarus kaya naisip niyang ngayon pa lang ay maghahanap na siya ng mas matinong trabahong puwede niyan
Sa tuwing tinatawagan siya ni Lazarus ay mayroong nangyayari sa kanila. Parte iyon ng kaniyang trabaho, actually… hindi lang pala iyon parte dahil iyon mismo ang trabaho niya. Pero sa araw na iyon, nag-usap lang sila na siyang ikinagulat ni Almirah kaya naman nang nakauwi siya ay magaan ang kaniyang kalooban.For once, she felt happy and respected. Ni hindi sumagi sa naging usapan nila ang tungkol sa trabahong ginagawa niya para kay Lazarus. She may be tired pero ayos lang sa kaniya iyong dahil alam niyang mahimbing siyang makakatulog nang gabing iyon. The next day, she woke up early to visit Lola Melba. Balak niya itong yayain lumabas para makapasyal man lang ito. Mabuti ba lang at mayroon namang wheelchair kaya hindi na rin ito mahihirapang maglakad. Sa malapit na parke lang din naman sila pupunta. Gising na rin naman ang matanda nang datnan niya ito sa bahay nito. Tuwang-tuwa ito nang ibalita sa kaniya ni Almrah na lalabas sila sa araw na iyon para mamasyal. Tinulungan na rin it
"Bakit hindi mo sinabi na iyon pala ang dahilan kung bakit uwing-uwi ka palagi?" He asked after a long stretch of silence between them. They're now inside his car parked just in front of her apartment. Doon sila dumiretso pagkatapos nilang ihatid si Lola Melba sa bahay nito. "Hindi mo naman kasi kailangang malaman lahat tungkol sa akin," she replied. "Ayoko na ring madamay pa ang Lola sa ginagawa ko," she added. "Dapat sinabi mo pa rin para alam ko." Mapait siyang napangiti. "Okay lang 'yon. Tapos na rin naman, e. At saka… pagpasensiyahan mo na rin kung maraming kwento ang Lola tungkol sa akin. Iniisip niya lang siguro na malaki ang utang na loob niya sa akin gayong kusa ko namang ginagawa ang pag-aalaga sa kaniya. Ako pa nga iyong may utang na loob sa kaniya dahil kung hindi sa kaniya ay mas mangungulila talaga ako sa pamilya ko." "Sa tingin ko nga ay kailangan ko pa siyang pasalamatan." Nagpakawala ang lalaki ng isang malalim na buntonghininga. "If it wasn't because of her, hin
Magpapahinga lang sana sa araw na iyon si Almirah ngunit nang imbitahin siya ni Lazarus sa kaarawan ng asawa ng kapatid nito ay pumayag na siya lalo pa at may bayad naman ito. Simpleng dinner lang naman daw iyon kaya hindi kailangang sobrang pormal na ang suotin. Ang mga magulang, kapatid at asawa lang nito naman ang naroon. Hindi na rin naman iyon ang unang pagkakataong makakasama siya sa gan'ong mga pagtitipon kaya hindi na siya gaanong kinakabahan. Alas sais ang dinner pero alas tres pa lang nang sunduin siya ni Lazarus sa kaniyang apartment. Bibili pa raw kasi sila ng regalo kaya kailangang maaga. Sa bahay na lang din ni Lazarus siya magbibihis para diretso na lang sila sa bahay ng kaniyang kapatid pagkatapos. Nagkausap na rin naman sila ni Marah— ang asawa ng kapatid ni Lazarus noon at nasabi nitong mahilig siyang magbasa ng mga libro kaya iyon ang napili niyang iregalo rito. Hindi nga lang niya alam kung ano ang paborito nitong genre at kung sino ang paborito nitong manunula
"Lazarus…" She was moaning his name as he slowly thrusted in and out of her. He was moving so gently and passionately that Almirah had to close her eyes tight to feel him some more. Mahigpit itong napakapit sa kaniyang braso nang bahagyang bumilis at lumalim ang pagdiin ni Lazarus sa kaniyang sarili habang ginagawa iyon. When they got home earlier, hindi na siya pinauwi ni Lazarus dahil masyado na ring gabi. He promised to take her home tomorrow morning para maasikaso nito ang kaniyang Lola Melba. "Open your eyes and look at me, Mirah," he demanded as he kissed her forehead. Almirah slowly opened her sleepy eyes. It was the first time they are doing it with lights on kaya ngayon ay malinaw nilang nakikita ang isa't isa. When their eyes met, Mirah can't help but to feel more aroused as she saw passion and lust combined through his eyes. As they stared at each other, he continues on thrusting in and out gentle and slow. It was already three in the morning pero mukhang wala na yatan
Mahirap ang mawalan ng mahal sa buhay, lalo na kung hindi mo naman inaasahan ang pagkawala nito. Hindi madaling kalimutan ang mga alaalang binubo ninyong magkasama at hindi rin madaling mag-adjust sa buhay na wala na sila. Ilang linggo na simula nang maiburol ang kaniyang Lola Melba pero ni minsan ay hindi magawang ngumiti ni Almirah. She just lost a very special and important person in her life kaya walang makapapawi sa sakit na nararamdaman niya sa oras ng pagluluksa. "Hey... ilang araw ka nang hindi maayos na nakakakain. You should at least eat," it was Lazarus. Ilang beses niya na itong kinumbinsing matulog at kumain nang maayos pero hindi niya iyon magawa dahil mabigat pa rin ang kaniyang loob sa pagkawala ng kaniyang Lola Melba. "Gusto ko munang mapag-isa, please?" Mahinang pakiusap ni Almirah saka nito pinunasan ang luhang nakatakas na naman sa kaniyang mga mata. She's been crying almost all the time, pero hindi pa rin nawawala ang sakit. Sa tuwing naiisip niya na wala na a
"Daddy!" Matinis ang boses na pagtawag sa kaniya ng kaniyang anak na babae dahilan para lingunin niya ito. Mas lumaki naman ang bawat hakbang niya para salubungin ito habang naka-ukit ang malapad na ngiti sa labi. He got off of work early today para masundo ang anak. Gan'on naman ang madalas niyang ginagawa nang nagsimula itong mag-aral pero nitong mga nakaraang araw kasi ay ang kapatid niyang si Lev lang muna ang sumusundo dahil sa pagkakaroon ng busy schedule. Dahil tapos na ang sunod-sunod na meetings ay mas may oras na ulit siya para makasama si Almiah. He crouched to reach for his daughter. Binuhat niya ito at kaagad naman siyang pinupog ng halik ng bata. "I'm back as your driver, princess. Are you happy to see me?" Lazarus asked his daughter as he kissed her cheek. The kid giggled as her smile grew wider. "I'm so happy po, Daddy! Akala ko po kasi si Tito Lev na palagi ang susundo sa akin," she replied. Ginulo naman ng ama ang kaniyang buhok saka ito muling nagtanong. "Bak