Share

Kabanata 4

Sa tuwing tinatawagan siya ni Lazarus ay mayroong nangyayari sa kanila. Parte iyon ng kaniyang trabaho, actually… hindi lang pala iyon parte dahil iyon mismo ang trabaho niya. Pero sa araw na iyon, nag-usap lang sila na siyang ikinagulat ni Almirah kaya naman nang nakauwi siya ay magaan ang kaniyang kalooban.

For once, she felt happy and respected. Ni hindi sumagi sa naging usapan nila ang tungkol sa trabahong ginagawa niya para kay Lazarus. 

She may be tired pero ayos lang sa kaniya iyong dahil alam niyang mahimbing siyang makakatulog nang gabing iyon. 

The next day, she woke up early to visit Lola Melba. Balak niya itong yayain lumabas para makapasyal man lang ito. Mabuti ba lang at mayroon namang wheelchair kaya hindi na rin ito mahihirapang maglakad. Sa malapit na parke lang din naman sila pupunta. 

Gising na rin naman ang matanda nang datnan niya ito sa bahay nito. Tuwang-tuwa ito nang ibalita sa kaniya ni Almrah na lalabas sila sa araw na iyon para mamasyal. Tinulungan na rin ito ng dalang makapagbihis at nang maayos na ang lahat ay umalis na rin. 

Maglalakad lamang sila pero nasa sampung minutong lakaran lang din naman iyon. Ayos na iyon kay Mirah dahil gusto niyang makita rin ng kaniyang Lola Melba ang mga tanawin sa paligid. 

"Maraming salamat talaga, apo… akala ko ay hindi ko na ulit masisilayan ang ganito kagandang paligid. Akala ko nga ay mamamatay na lang akong hindi na nakakalanghap ng sariwang hangin," natatawa nitong sinabi habang namamanghang palinga-linga sa paligid. 

"Ano ba naman kayo, Lola? Siyempre matagal pa bago 'yan mangyari. Marami pa tayong lugar na mabibisita. Aalagaan ko po kayong mabuti para matagal pa po tayong magsasama," sagot naman niya sa sinabi ng matanda. 

Iniba na lang din ni Almirah sa mas magaang usapan ang kanilang pag-uusap dahil ayaw niyang isipin na darating nga ang araw na iyon. Hindi naman maiiwasan kaya hangga't nandiyan pa, susulitin na ang mga oras na natitira. 

Nagikot-ikot ang dalawa sa parke. Labis na lamang ang tuwa ng matanda, lalo na kapag may nagmamano sa kaniyang mga bata na kahit hindi naman nito kakilala. 

Nang napagod ay naupo si Almirah sa isang bench habang nasa tabi nito ang kaniyang Lola Melba na nakaupo sa wheelchair nito. 

Pareho nilang pinanood ang mga batang naglalaro sa iba't ibang palaruan sa parke. 

Almirah can't help but to think about her childhood. Hindi niya naranasan ang ganoong buhay. Maaga siyang namulat dahil sa kahirapan. Sa batang edad, ang nasa isip na niya ay ang pagtatrabaho dahil kung hindi ay wala ring ipanggagastos sa mga pangangailangan. 

Gayunpaman, hindi niya naisip kailanman na isumbat iyon sa kaniyang mga magulang. Kung ano man, nagpapasalamat na lang siya dahil nagsakripisyo pa rin naman ang mga ito para sa kaniya. 

"Ang sarap sigurong maging bata ulit ano?" Almirah snapped back to reality when she heard Lola Melba's words. Napalingon siya rito. Nakatingin lamang ang matanda sa dumaraan habang malapad na nakangiti. 

Hindi na siya nagsalita at nakinig na lamang nang nagpatuloy ang kasama sa pagsasalita. 

"Wala pang gaanong iniisip na problema. Inosente pa at walang ideya sa naghihintay na kapalaran nila sa hinaharap…" 

Napabuntonghininga na lamang siya. Bilang isang bata, hindi niya man masabi sa matanda pero hindi naging madali ang kaniyang buhay kagaya ng sinasabi nito. Hindi niya man masabing hindi pare-pareho ang buhay ng mga tao, hinayaan na lamang niya itong magsalita dahil ayaw niyang masira ang momento nito. 

Tapos nang magkwento si Lola Melba nang nag-ring ang kaniyang cellphone pero dahil ayaw niya pang maantala ang oras nila ng kaniyang Lola ay hindi niya muna dapat ito sasagutin ngunit nagtanong ang matanda. 

"Hindi mo ba iyan sasagutin, apo?" 

"Mamaya na po, Lola…" anito saka ngumiti sa matanda. 

"Baka kasi importante," Lola Melba urged her, but when she finally decided to answer the call, doon naman ito tumigil sa pag-ring. 

"Oh, ayan. Wala ba tuloy," panunuya ng kaniyang Lola sa kaniya. 

"Tatawag po ulit iyong kung importante po talaga ang sasabihin," giit naman niya. Tumango na lang ang matanda bago niyo ibinalik ang kaniyang mga mata sa mga batang naglalaro sa slide. 

Her phone rang again. Parehong pangalan lang din ang nasa screen. Sa wakas ay kinuha niya iyon bago sinagot. 

"Hello?" Iyon ang una niyang tanong. Bahagya siyang lumayo tama lang para hindi marinig ng kaniyang Lola Melba ang usapan nila ni Lazarus. Patingin-tingin din siya sa kasama niya para bantayan ito. 

"Nasaan ka ngayon?" Kalmadong tanong ng nasa kabilang linya. 

Simula talaga noong maayos na silang nakapag-usap ay mas naging mabait at kalmado na ito. Hindi kagaya noon na kapag hindi nasagot kaagad ang tawag ay sigaw at galit na mga salita kaagad ang bubungad sa kaniyang tainga. 

"Wala ako sa bahay, nasa labas…" she informed him. "Bakit? Kailangan mo ba ako ngayon? Puwede naman pero baka matagalan," anito. Lumingon sa kaniya ang matanda saka ito ngumiti. 

Kung kailangan nga siya ni Lazarus, sayang iyon dahil mukhang nagsasaya pa ang kaniyang Lola Melba. 

"I'm outside your apartment. Susundin sana kita pero wala ka naman dito." 

"Sandali lang at uuwi na rin kami kung gan'on. Nasa park kasi ako ngayon," aniya sa kausap. Magpapaalam na rin sana siya para mas mabilis niyang maasikaso ang pag-alis nila ng matanda sa parker pero may ipinahabol pa si Lazarus. 

"Kami? Who are you with?" 

Napabuntonghininga na lamang si Almirah. Iyan na naman siya sa mga tanong niyang ganiyan. Sa tuwing nagtatanong kasi si Lazarus ng gan'on, halos hindi maiwasan na magkasagutan silang dalawa. 

Sasagot na sana siya pero nagsalita ulit ang binata. "Are you with your friends? Nakakaabala ba ako?" He asked. 

Bago sa pandinig ni Almirah na wala ang mga salitang "lalaki mo" sa mga sinabi ni Lazarus. Dati ay puro na lang ito paratang na may iba siyang lalaki pero ngayon ay wala. Sa isip ni Almirah, siguro kahit paano ay natauhan naman ito sa sinabi niya noong nakaraan. 

At siyempre, hindi niya naman puwedeng sabihin na nakakaabala ito dahil kasama naman iyon sa pinirmahan niya na sa tuwing kailangan siya nito ay darating siya. Kasama sa trabaho kaya hindi dapat magreklamo. 

"Kasama ko ang Lola Melba… pero pauwi na rin naman kami. Hintayin mo na lang kami riyan kung puwede?" 

"Oh, I thought you're with your friends. Sa pinakamalapit na park ba kayo? Ako na lang ang pupunta riyan," he offered. 

"Oo. Pero sigurado ka ba? Saan ba dapat pupunta kung sana bahay pala dapat ako?" Hindi niya naiwasang magtanong sa kausap. 

"Gusto ko lang bumawi. Yayayain sana kitang pumunta sa gusto mong pasyalan pero dalhin nasa park ka naman na. Ako na lang ang pupunta riyan," anito. 

"Sapat naman na sa akin na nag-sorry ka sa mga nasabi mo. Honestly, hindi ko pa nakalimutan yung mga sinabi mo pero gumaan naman kahit paano iyong pakiramdam ko noong humingi ka ng tawad. Kung iniisip mo na kailangan ko pa nang higit pa, ayos na sa akin iyong seryosong sorry. Sinasabi ko ito ngayon sa'yo kasi gusto ko ring mapanatag ka at na huwag mong maisip na hindi ako marunong magpatawad." 

The line went silent for a while before Lazarus insisted to go to the park. Wala rin naman daw kaso siyang ibang gagawin sa araw na iyon. Bilang hindi rin naman si Almirah ang may-ari ng parke, sino ba naman siya para ipagdamot iyon kay Lazarus? 

Ang mahalaga lang sa kaniya ay ang naipasyal niya ang kaniyang Lola Melba. 

Ilang minuto lang din naman ang lumipas nang dumating si Lazarus sa park. Dahil may sasakyan ito, halos hindi pa naglilimang minuto ay naroon na ito. After parking his car, mabilis na nahanap ni Lazarus ang kinaroroonan nina Almirah. 

"Hey…" ito ang bungad nito nang nakalapit sa kanila. 

"Hindi ka na dapat nag-abala, pero salamat pa rin sa pagpunta. Gusto pa kasi ni Lola na manatili pa rito kaya ayaw ko rin sanang umuwi. Dahil nandito ka na, mas tatagal pa kami rito." 

Tumango lamang si Lazarus saka ito bumaling sa kaniyang Lola Melba. Hindi ito nagsasalita pero nakatingin din ito na binata at paminsan-minsan ay nililingon din siya. 

Alam niyang may katanungan ito dahil nakikita niya ito sa pamamagitan ng mata ng matanda ngunit hindi na nito isinasaboses. 

"Uhm, Lola… si Lazarus po, boss ko…" pagpapakilala niyo kay Lazarus sa kaniyang Lola. Tipid ba ngumiti ang nauna saka tumingin may Almirah habang nakasalubong ang mga kilay nito. 

"Si Lola Melba rin, Lola ko," ipinakilala niya rin ang matanda kay Lazarus. 

"May trabaho ka pa rin pala, apo? Akala ko kasi ay wala kaya pumayag akong sumama sa'yo rito sa parke. Pasensiya na sa abala…" 

"Ay naku, Lola," kaagad niyang sinalungat ang huling sinabi sa kaniya. "Hindi po kayo nakakaabala. Emergency lang po talaga iyong ngayon kaya nandito po ang boss ko pero ayos lang naman po," dagdag pa nito para lang hindi sumama ang damdamin ni Lola Melba. 

"Wala po siyang pasok ngayon. Bumisita lang po ako dahil gusto ko sanang kumustahin," si Lazarus naman iyon dahilan para mapatango ang matanda. 

"Ay gan'on po ba? Akala ko kasi talaga ay nakakaabala ako sa trabaho nitong apo ko, e. Pero sinasabi ko sa inyo, Sir. Mabait at masipag 'yan kaya hindi kayo nagkamaling kunin siya bilang empleyado niyo. Kung hindi niyo nga po maitatanong ay hindi niya ako totoong Lola. Hindi naman kami magkadugo talaga pero daig pa niya ang mga tunay kong anak kung makapag-alaga sa akin," pagkuwento ng matanda kay Lazarus at habang nagsasalita ito ay hindi niya naiwasang mapatingin kay Mirah na hilaw na ngumingiti. 

Proud siya sa kaniyang sarili, but she can't help but feel awkward for an unknown reason at the same time. Hindi niya rin naman na kasi iyon sinasabi kay Lazarus kahit pa pinagbibintangan siya nitong may ibang lalaki kaya gusto niyang makauwi nang maaga. 

"Minsan pa nga kahit gabing-gabi na ay dumadaan pa iyan sa bahay para lang magdala ng pagkain sa akin. Gan'on din sa umaga kaya mabuti at hindi siya nahuhuli sa trabaho niya sa inyo, Sir, ano?" Pagpapatuloy nito na bahagyang natawa sa huling sinabi. 

"La…" Itinago ni Almirah ang kabang nararamdaman sa pamamagitan ng hilaw na pagtawa nang tawagin niya ang atensyon ng kaniyang Lola. "Tama na po," dagdag pa nito. 

"Proud lang kasi ako sa'yo, apo. Kaya ngayong may pagkakataon akong sabihin ang mga ito sa boss mo ay susulitin ko na dahil malay mo ang ma-promote ka pa, hindi ba? Basta, Sir…" anito sabay lingon naman kay Lazarus na bahagyang nakaawang ang mga labi habang nakatingin sa kaniya. 

Napapaiwas na lamang ng tingin si Almirah lalo na sa kaniyang Lola dahil sa hiya. Kung alam lang sana nito kung anong trabaho ang ginagawa niya para sa "boss" niya ay baka hindi na nito masabi lahat ng sinasabi niya ngayon kay Lazarus. 

"Sana ay magtagal po siya sa inyo dahil talagang maipagmamalaki ko po iyong apo kong 'to," pagpapatuloy pa nito na lalong nakapagpadurog sa puso ni Almirah. 

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status