"Papa..." Kabadong sinambit ni Almirah ang iisang salitang iyon nang sagutin nito ang tawag ng kaniyang ama. Isang araw pa lang simula nang nakabalik siya mula sa kanilang bahay ay palagi na itong tumatawag sa kaniya. Alam niya naman ang dahilan pero mas pinili niyang bumawi muna sa kaniyang mga anak kaya ngayon niya lang mapapaunlakang kausapin. "How are you doing there, my love?" Tanong nito kahit pa alam niyang atat na atat na itong kausapin siya tungkol sa desisyon nito. Marahil ay nakarating na ito sa kaniyang ama dahil ipinarating na ito ng mga tauhan na pagmamay-ari ng organisasyon. "I'm fine, Papa..." aniya habang pinapanood ang kaniyang mga anak na nanonood ng pambatang palabas sa silid nilang mag-asawa. Her father let out a deep sigh before he continued on the reason why he called his daughter. "Are you really sure about the decision you made, hija? You know by doing that, you've gotten them involved in our world," anito kagaya lamang ng inaasahan niyang sasabihin nito
"You've got to be kidding me, Almirah. Isn't he the one who bought the artifact? The one that you're having transaction with?" Tanong ng kaniyang boss nang nakabawi ito mula sa mahabang katahimikan. "Yes, that's him," sagot niya, ngunit tipid lamang. "Then that means that you can give me that artifact sooner, right? Because he's your husband?" There was a glimpse of joy in his voice. "We haven't talked about that yet, but if you really want that artifact to be yours, please expect that my husband will have his conditions," she said as a matter of fact. When it comes to these things, Lazarus always comes with his own terms. "Whatever term that is, as long as that artifact will be mine soon," aniya dahilan para lalo siyang magtaka kung bakit gan'on na lamang nito kagusto na mapasakamay ang bagay na iyon. "What's with that artifact that you would do everything just so you could have it? Does it have magic or something?" Hindi na niya napigilan ang sarili sa pagtatanong. Sa halip n
"You're extra touchy today, huh? Siguro may nagawa kang kasalanan kaya ka ganiyan?" Nahihiwagaang paratang ni Almirah kay Lazarus habang nakayakap ito sa kaniya mula sa likuran. Kanina niya pa napapansin na sa tuwing nakakakuha ito ng pagkakataon para mahawakan siya ay wala itong pinalalampas. Hindi niya lang pinupuna dahil inoobserbahan niya pa, pero ngayong nakumpirma na ay saka lang isasaboses ang kanina pa niya napapansin sa asawa. "Bawal na ba akong maglambing ngayon?" anito bago mas isiniksik pa ang kaniyang sarili sa pagitan ng leeg at balikat ni Almirah. Nasa terasa sila ngayon ng kanilang silid, tanaw ang malawak na lupain sa harap ng mansion ni Lazarus, payapa ang paligid at tanging sariwang hangin lamang ang nanunuot sa kanilang pang-amoy. "That's not what I meant," si Almirah habang sinusubukang kalasin ang kamay ng kaniyang asawa sa kaniyang bewang, ngunit sa bawat kalas na ginagawa niya ay mas humihigpit lamang ang pagyakap nito sa kaniya. "Masyado lang kita na-miss
When Almirah thought she knew her husband very well, napatunayan niya lang sa mga oras na nakapasok siya sa sikretong silid na iyon sa ilalim ng mansion nito na hindi pa pala. Matapos niyang makita ang kabuuan ng isang malawak na silid na iyon ay wala na siyang ibang naging reaksyon kung hindi ang pagkagulat. "Why are there so many firearms here?" Tanong niya sa wakas nang nagkaroon siya ng lakas para magsalita pagkatapos ng matagal na katahimikan dahil sa pagmamasid sa buong silid. Ni hindi niya matapunan ng tingin ang kaniyang asawa dahil abala pa rin siya sa paninitig sa iba't ibang armas na nakikita roon. Habang naghihintay ng sagot mula kay Lazarus ay hindi niya maiwasang pasadahan ng hagod ang bawat armas na nakikita niya roon. All those firearms, the katanas, and any other tools for combat…"I have this room… because I'm just like you," ani Lazarus dahilan para makuha niya ang buong atensiyon ni Almirah. When she looked at her husband, bakas sa mukha nito na hindi niya maint
Almirah is married to a future mafia boss. Isang katotohanang hanggang ngayon ay hindi niya pa rin mapaniwalaan. Nang akalain niyang higit na nang nagpakasal siya sa isang mayaman, maimpluwensiya, at kilalang businessman, hindi pa pala dahil may mas hihigit pa roon. "At least we can relate to each other with that, right? Parehong may naghihintay na mabigat na responsibilidad," natatawang ani Almirah habang naglalakad palapit sa isang wall kung saan nakasabit ang iba't ibang klase ng baril at katana. "I won't mind having that big of a responsibility as long as I have you and the kids by my side," sagot naman ni Lazarus. "Gan'on din naman ako. Dahil hindi na rin naman natin ito matatakasan, mas mabuting gawin na lang natin ang lahat ng makakaya natin para protektahan ang mga mahal natin sa buhay," Almirah said as she extended her arm to reach for one of the pistols on the wall. "That's a pistol, Glock 19... that's what it's called," Lazarus explained to his wife. Nakatalikod ito sa
"Tapos ka na ba talaga sa kaniya o hanggang ngayon ay hinahanap mo pa rin siya dahil gusto mong bigyan ng kumpletong pamilya ang anak niyo?" Napabuntonghininga na lamang si Lazarus sa tanong na iyon ng kaniyang kapatid na si Leviticus habang sila ay nasa mini bar ng mansion nito. Hindi siya makapaniwalang hanggang ngayon ay pinag-uusapan pa rin nila ang tungkol sa babaeng matagal na siyang iniwan dahil mas pinili nitong sumama sa iba kesa ang maging Ina sa kanilang anak na si Almiah. "Hindi naman puwedeng magsinungaling ako habang-buhay sa anak ko," aniya. He drunk one glass of whisky again before he continues. "Habang lumalaki siya, mas nangungulila siya sa pagmamahal ng isang Ina," he sadly uttered. Nakaramdam siya ng awa para sa kaniyang anak. "So ano'ng plano mo ngayon?" Sumunod namang tanong ni Leviticus. "Hahanapin mo siya? E 'di ba nga ay ilang taon mo na siyang hinahanap? Hanggang ngayon ba wala ka pa ring ideya kung saan siya hahagilapin?" Dagdag pa nito. That is a
Mahigpit na ipinulupot ni Almirah ang kumot sa kaniyang hubad na katawan. Katatapos lang nilang gawin iyon kaya naman ngayon ay kailangan na niyang maghanda para makaalis na sa hotel kung saan siya dinala ni Lazarus. "S-Sobra iyong binigay mo para ngayong gabi… dapat twenty thousand lang pero bakit fifty t-thousand 'to?" "Sinobrahan ko dahil isang linggo akong mawawala. I have to travel for a business trip," anito habang mataman siyang tinititigan. "Okay… magbibihis lang ako kung gan'on. Aalis na rin ako," si Mirah bago ito tumayo para isa-isang damputin ang kaniyang mga damit na nagkalat sa sahig. Nang nakuha na ang mga damit ay isa-isa na rin niyang isinuot ang mga. Lazarus is still watching her closely. Hindi na lang niya ito pinansin dahil halos sanay na rin naman siya. Hindi naman iyon ang unang beses na ginawa nila iyon. Ang mahalaga para sa kaniya ngayon ay mayroon na siyang ipambabayad sa tatlong buwang upa ng kanilang bahay sa probinsiya at maibabalik na rin ang liny
Isang linggo na ang lumipas ngunit hindi pa rin maalis ni Almirah sa kaniyang isip ang mga sinabi ni Lazarus. Sa bawat araw na daraan ay mas nangingibabaw ang takot at pangamba niya. Ayaw niyang mas malayo pa sa mga taong mahal niya pero kailangan niyang gawin ang gusto ni Lazarus para maisakatuparan niya ang kaniyang plano. Sa nagdaang mga araw ay hindi na rin gan'on kadalas kung tumawag ang lalaki. Inisip na lamang ni Mirah na baka naging abala na ito sa trabaho kaya madalang na lang kung tumawag. Mas gusto niya pa nga iyon dahil wala rin naman itong nasasabing maganda sa tuwing tinatawag ito sa kaniya. Puro sama ng loob lang din naman ang ibinibigay sa kaniya. Tapos na ang isang linggo kaya kung walang delay sa trabaho ay pauwi o nakauwi na rin ito mula sa ibang bansa. Ibig sabihin ay balik na naman si Almirah sa kaniyang trabaho. She's just now waiting for his call and it was as if the heavens heard her thoughts when her phone rang and it revealed Lazarus' name on the screen.