Share

Chapter 5- Mas hamak na gwapo ba ang pader kesa sa akin?

Agad naglaway si Mithi nang pagbaba niya ay nakakita siya ng maraming pagkain sa mesa.

“Miss Mithi-" hindi na niya pinakinggan ang sasabihin ng mga katulong. Nagmamadali na siyang pumunta ng mesa para kumain. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya habang naliligo siya.

“Miss Mithi, nandito na po ang mga damit na pinibili ni sir para sayo.”

Namilog ang mata ni Mithi dahil hindi pa nga niya nagagamit ang ibang damit na nasa dressing room, may ipapadagdag na naman si Kallahan na bago.

Tapos halos pa lahat ng binili ay mga luxury items, nahihiya siyang suotin yun at nasasayangan rin siya sa pera.

“Ahm—" napatigil siya ng mapagtanto na hindi pa pala niya kilala ang assistant ni Kallahan.

“Shy po ang pangalan ko Miss Mithi.”

“Shy, ano…pakisabi kay Kal na huwag na siyang bumili pa ng bagong damit dahil hindi ko pa naman lahat nasusuot yung naroon sa dressing room.”

“Masusunod po Miss Mithi.”

Ngumiti siya at kumain na. Naparami na nga ang kain niya to the point na muntik na siyang mabulunan. Hindi pa siya kailanman nagutom maliban ngayon.

“Nasa trabaho ba si Kal?” tanong niya kay Shy na nasa tabi lang niya at tahimik na nakatayo.

“Wala po Miss. Nasa study room lang niya.”

Biglang napatigil sa pagkain si Mithi.

“Nasa bahay lang siya?”

Mariing tumango si Shy.

Bakit hindi niya ako ginising? Mga katanungan niya sa isipan niya. Tinapos nalang niya ang pagkain niya sa plato at pagkatapos ay pumunta sa study room ni Kal kasama ni Shy.

“Pumasok lang po kayo Miss Mithi,” puno ng paggalang na sabi ni Shy.

Kumatok pa rin siya sa pinto kahit na sinabihan na siya na pwede na siyang pumasok sa loob.

“Bukas yan,”

Nang marinig ang boses ni Kallahan, inipon muna ni Mithi ang lahat ng lakas ng loob niya bago siya pumasok sa loob.

Nang makita niya ang gwapong mukha ni Kallahan na nakasalamin habang nakatingin sa libro, biglang pumasok sa isipan niya ang mga namumungay nitong mata kagabi.

Napapikit siya ng kasunod no’n e ang mga nangyaring haIikan at mainit na tagpuan ng kanilang mga laman.

Namula ang pisngi niya at nagtaka kung bakit mainit ang pakiramdam niya gayong may aircon naman.

“Wife,”

Bigla siyang napatingin sa pader ng marinig muli ang boses ni Kallahan. Gustuhin man niyang tignan ito, hindi niya magawa dahil nahihiya siyang salubungin ang mata ni Kallan at baka kung ano na naman ang pumasok sa isipan niya.

Tumaas ang sulok ng labi ni Kallan sa nakita.

“Mas hamak na gwapo ba ang pader kesa sa akin?”

Biglang napatayo ng tuwid si Mithi nang marinig ang boses ng asawa niya. Nahihiya talaga siyang tumingin at baka kung magtagpo ang paningin nila ay baka malusaw na siya.

Hindi niya binigay ang pagkababae niya kay Luis kahit na matagal na silang may relasyon. Pero kay Kallahan, nagpaubaya siya bigla.

Malinis lang ang konsensya niya dahil kampante na ang loob niya na hindi pala fake marriage ang naganap sa kanila.

Kampante siyang binigay niya ang sarili niya sa asawa niya.

“P-Pwede b-bang huwag mo ‘kong tignan sa mata?” pakiusap niya.

Mahinang natawa si Kallahan. Tumayo ito sa kinauupuan nito at nakapamulsang lumapit sa kaniya.

Agad niyang hinawakan ang kamay ni Mithi at binulungan. “Are you still sore…down there?”

Napalunok si Mithi at pinagkrus ang binti.

Natawa muli si Kal at hinila si Mithi palapit sa mesa. Umupo siya doon habang nakatayo lang si Mithi sa harapan niya.

Hawak ni Kallahan ang kamay ni Mithi, pinaglalaruan ang mga daliri nito.

“Bakit mo ‘ko hinahanap?” malumanay ang boses ni Kal. Puno yun ng ibayong lambing.

“Pwede ba akong magpatuloy sa trabaho ko?” tumaas ang sulok sa labi ni Kallan at pinaharap si Mithi sa kaniya.

“Wife, look at me…”

Dahan-dahang tumingin si Mithi sa kaniya.

“Pwede mong gawin ang kahit na anong gusto mo. Walang pipigil sayo. It doesn’t mean na kasal ka sa akin e natalian ka na sa leeg. No, hindi ganoon yun. Kasal ka sa akin, at may kalayaan ka pa rin.”

Biglang nanlaki ang mata ni Mithi.

“T-Talaga? Payag ka?”

“Oo naman,”

Labis na tuwa ang naramdaman niya.

“Salamat Kal. I promise, hindi ko ipagsasabi na kasal tayo.”

Kumunot ang noo ni Kallahan, hindi agad na proseso ang ibig sabihin ng asawa niya.

“Bakit?” maririnig ang irita sa boses nito.

“Kasi ‘di ba, sabi mo nagkita tayo sa kumpanya? So empleyado ka rin doon sa Si Corp?”

Napaawang ang labi ni Kallahan sa conclusion na naglalaro sa isipan ni Mithi.

“Bawal ang co-workers na magkarelasyon e. Hindi mo ba alam ang rules?”

Nandilim ang mukha ni Kal. Paanong hindi niya malalaman ang patakaran na yun?

“So gusto mo ako gawing dirty secret mo?”

Nang makita ang galit sa mukha ni Kal, biglang kinabahan si Mithi.

“K-Kal, gusto kong makabawi sa’yo sa kahit na anong paraan. Ayokong mawalan ka ng trabaho dahil sa akin. Ayokong mapahiya ka rin… Kung dumating nga ang araw na ayaw mo na sa akin at sawa ka na sa akin, don’t worry, anytime ay pipirma ako ng annulment para sa’yo.”

Pagak na natawa si Kallahan. Igting na ang panga nito at hindi na natutuwa sa mga nangyayari.

“Paano mo naisip kaagad ang annulment kung kakakasal lang natin kahapon?”

Biglang kinabahan si Mithi sa tono ng pananalita ni Kallahan. Natauhan naman si Kal nang makita na bahagyang natakot si Mithi sa kaniya.

“Go back to your room,” sabi na lang niya at tumalikod na para bumalik sa upuan niya.

Walang nagawa si Mithi kun’di ang umalis na lang. Hindi niya mabatid kung bakit biglang nagbago ang mood ni Kal kung gayong, gusto lang naman niyang pasayahin ito.

Sino naman kasing magta-tyaga sa kaniya? Impossible namang si Kallahan na kakakilala lang nila wala pang isang linggo ang lumipas.

Paglabas ni Mithi ng study room, bigla siyang sinalubong ni Shy.

“Miss Mithi, nandito po si Francheska.”

“Sinong Francheska?” takang tanong niya.

“Me!”

Bigla silang napatingin sa bagong dating. Kumunot ang noo ni Mithi nang mamukhaan ang babae sa harapan niya pero hindi niya matandaan kung saan niya iyon nakita.

“Hindi mo na ba ako maalala ngayon na balot na ako ng damit?”

Biglang nanlaki ang mata niya na ang Francheska na nasa harapan niya ay ang babaeng girlfriend ni Kallahan at ang babaeng nadatnan niyang kasex ni Luis sa hotel room.

Comments (2)
goodnovel comment avatar
Equipado S Renz
same lng e2 sa story ng the stranger groom billionaire
goodnovel comment avatar
Erica Manolis Daen
exciting...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status