Hindi ako naka UD kahapon. Yung puson ko, halos ayaw ako patayuin. haha.. Sa isang story lang ako naka UD at hindi na dito.
Pagpasok nila sa loob, nakaupo na ang Donya Merita sa kanilang living area. Ang unang napansin ni Mithi ay ang kaniyang tea na nagmula pa sa ibang bansa.Napangiti siya dahil alam niyang magiging maayos na talaga ang lahat.“Rizallie,” pagtawag niya sa kapatid ni Shy. “Sumama ka muna sa akin. Sa kusina tayong tatlo ni Alab.”Tumingin si Rizallie sa ate niya. Medyo kinakabahan siya na iwan niya ito pero nang makitang tumango si Shy at ngumiti, saka pa siya humawak sa kamay ni Mithi.“Ano pong gagawin nila kay ate, ate Mithi?” tanong niya nang maglakad na sila paalis.“Huwag kang mag-alala. Papainumin lang siya ni Donya Merita ng tea.”“May lason po ba ang tea?”Natawa si Mithi at umiling. “Wala. Pero maniwala ka, good sign ang tea na iyon.”Nang makaalis si Mithi, Rizallie at Alab, agad na hinarap ni Shy ang mag-asawang Siao. Hawak ni Connor ang kamay niya, tila gusto nitong iparating sa kaniya na hindi niya kailangan matakot dahil narito lang siya.Nang sumulyap siya kay Kallahan, naka
Binilad ni Don Anton si Connor sa labas ng bahay kahit na sobrang init. Pinagpush-up niya doon ng limangdaan kaya tagaktak ang pawis nito ng matapos.Lumapit si Connor sa pinsan niya at kinuha ang tubig na hawak ni Kallahan.“Tapos na lo.”Tumango ang Don. Ngayon niya sasabihin kay Connor ang tungkol sa ama niya. Naghahanap lang siya ng tamang pagkakataon."May problema ba lo?" tanong ni Kallahan nang mapansin na parang hindi ito mapakali."May tanong ako kay Connor. Gusto mo bang makilala ang ama mo, hijo?"Natigilan si Connor sa pag-inom ng tubig at tumingin sa lolo niya."Kilala niyo sino ang ama niya, lo?" tanong ni Kallahan.Uminom si Connor ulit ng tubig bago siya umapo sa sahig at humiga. “Hindi na po kailangan lo. Ayos naman na ako na wala siya.”“Pero hinanap ka niya. Pumunta siya dito at hinanap ka niya.”Walang expression ang mukha ni Connor. Nakatingin lang siya sa kisame.Kumunot ang noo ni Don Anton sa nakikita niyang expression. “Bakit hindi ka man lang nagulat? Alam mo
“Magkapatid sila,” sabi ni Mithi kay Shy nang magkita sila sa kusina. Napasinghap si Shy dahil hindi niya yun inaasahan. Ilang taon na siyang naninilbihan kay Kallahan pero hindi niya kailanman nalaman na magkapatid ang dalawa. Bigla siyang naawa kay Connor. Kinakabahan siya na baka e malungkot ito. “B-Balikan ko si Connor,” sabi niya pero hinawakan siya ni Mithi sa kamay at itinuro ang pinto. Pumasok doon ang dalawa na nagtatawanan na para bang wala lang. “Bakit ayaw mong tawagin kitang kuya?” Connor “Try me and I’ll fvcking kill you.” Kallahan “What kind of brother are you? Ilang taon mo na nga akong inabandona.” Connor “Argh! You’re so annoying!!” Kallahan Nawala ang kaba na nararamdaman ni Shy nang makita ang dalawa na nag-aasaran. Akala niya ay magiging malungkot si Connor. "See? Wala kang dapat na ipag-alala. They are fine." Bulong ni Mithi sa kaniya. Lumapit naman si Don Anton kay Donya Merita. "He knew, hon. But he pretended na walang alam." Napatingin silang dalawa n
Pagpasok nila sa loob ng bahay, nakita agad ni Connor si Ludwig.Hindi siya gumalaw, at pinanood lang niya si Kallahan na magtungo dito para yumakap.Hindi niya alam ano ang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag kung masaya ba siya o hindi."Connor," napatitig siya kay Ludwig ng tawagin siya nito. Nabuhay siyang walang ama na kinikilala kaya nahihiya siyang banggitin ang salitang papa.Lumapit si Ludwig sa harapan niya. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam anong gagawin niya. Kung magmamano ba siya o hindi.Tumingin siya kay Kallahan para humingi sana ng tulong.Ngunit nagulat siya sa sunod na ginawa ni Ludwig. Bigla itong lumuhod sa harapan niya habang nakayuko ang ulo.Nanlaki ang mga mata niya. Biglang uminit ang pakiramdam niya sa hindi maipaliwanag na dahilan."Patawad anak.." Iyon pa lang ang sinabi ni Ludwig, parang nabingi na siya."Patawad at hindi ko man lang nalaman kaagad." Humagolgol si Ludwig. "Patawad kung kahit isang beses, hindi ako nagpakaama
“Guys, pictureeee!” Sabi ni Shaira at agad na pumunta sa unahan para makapicture sila lahat. Agad naman na ngumiti si Kallahan at Connor kasama ng ama nila.“One more time,” sabi ni Kallahan at agad na nagpose silang dalawa ni Connor.‘Ay ang mga gwapo,’ sabi ni Shaira habang nakatingin sa mga kapatid niya. Hindi maikakaila na magkakapatid sila. Kahit na maputi si Shaira dahil sa mama niya, ang mata at hugis ng mukha niya ay kagaya ng sa kuya Kallahan at kuya Connor niya.Tumingin siya sa dalawa na humiga na sa beach lounge chair, napapagitnaan ang kanilang ama. Hindi man lang nagsi-cellphone ang dalawa niyang kuya.Napangiti siya nang maisip na sobrang maunawain ang ate Mithi at ate Shy niya. Kung iba siguro yun, baka maya-maya ay tinatawagan na ang mga kuya niya.“Come here… Naka bikini ka pa naman.” Sabi ni Connor sa kaniya. Ngumuso si Shaira at agad na tumakbo palapit sa kanilang dalawa.Humiga si Shy sa beach lounge chair niya habang nagpo-post ng pictures nila. Namula siya nang
Their 3 days and 2 night trip went well. Mas nasulit at nakilala nilang tatlo ang isa’t-isa kasama ng papa nila. Pag-uwi nila sa bahay nila, hindi naabutan ni Kallahan si Mithi dahil nasa school ito ng mga bata. Kaya umalis rin siya agad para puntahan ito.Si Connor naman ay agad na yumakap kay Shy nang magkita sila. “I missed you baby…” Nakangiting sabi ni Connor.“Hello. You missed me that much?” nakangiting tanong ni Shy. Gumagawa siya ng sushi, nang bigla siyang yakapin sa bewang.“Yeah. I super missed you.”“Gutom ka na ba? Hindi ko pa kasi tapos gawin itong sushi e.”“Mamaya na ako kakain kapag tapos na. I’m still full, misis ko.”Ngumiti si Shy at hinaIikan ang pisngi ni Connor. Nasasanay na siya sa misis ko kahit na naki-cringyhan siya noong una. Dumating naman si Rizallie dala-dala ang ilang libro niya. Sa likod niya ay naroon ang bodyguards.“Hi kuya.. Welcome back!” Sabi ni Rizallie na kakagaling lang rin sa skwelahan. Naka complete uniform pa ito.“Kamusta ang klase? May na
(Few years after) Bagsak ang katawan ni Connor sa tabi ni Shy matapos nilang magsalpukan ng laman. Kahit na ilang taon na ang nakalipas, hindi pa rin siya nagsasawa si Connor kay Shy. Papikit na siya nang biglang umiyak si Coby, ang anak nila na naroon pa sa crib. Babangon na sana si Shy nang pigilan siya ni Connor. "Ako na." Sabi niya at nagsuot ng bathrobe na nasa sofa, hinagis niya kanina. Bumukas ang isang mata ni Shy at pinanood niya kung paano buhatin ni Connor ang 11 months old nila na anak. Napatingin siya sa orasan at nakitang umaga na pala. "Hindi ba may pasok ka mamaya?" "Yeah but it's okay, pwede naman akong ma late. Or I'll message my secretary na hindi muna ako papasok." Ngumuso si Shy dahil sobrang cool si Connor sa paningin niya habang sinasabi iyon. "You looked so cool, mister." "Of course naman. Hindi mo pa ba alam misis ko?" Mahinang natawa si Shy at pumikit. Pagod na pagod ang katawan niya. Gusto niya ng matulog nang biglang may kumatok sa kwarto nila. Nap
Rinig na rinig ang bawat patak ng ulan na tumatama sa payong na dala ni Mithi habang naglalakad siya papasok ng Luxe hotel na pag-aari ng fiancé niya.Sa bawat pagtapak niya sa semento, gumagawa iyon ng ibayong ingay mula sa kaniyang stiletto.Maraming staff ang nakatingin sa kaniya at binabati siya ng may ibayong paggalang. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mithi sa kanila.10th floor. Iyon ang pinindot niya nang makapasok siya ng elevator. Namumukadkad ang natural niyang ganda at kulay sa cocktail red dress na suot niya. Kasama ng red stiletto, mapula rin ang labi ni Mithi, kung kaya tawag ng lahat sa kaniya ay Ms. Red.“Good evening, Ms. Red,” ang pagbati ng empleyado sa kaniya matapos magbukas ng elevator.Ngumiti si Mithi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kulang na lang e mabali ang leeg ng mga taong nadadaanan niya.Pumunta siya sa hotel room, kung saan doon gaganapin ang unang gabi na magniniig sila ni Luis, ang fiancé niyang papakasalan niya bukas.Kailangan niyang tignan kun