Rinig na rinig ang bawat patak ng ulan na tumatama sa payong na dala ni Mithi habang naglalakad siya papasok ng Luxe hotel na pag-aari ng fiancé niya.
Sa bawat pagtapak niya sa semento, gumagawa iyon ng ibayong ingay mula sa kaniyang stiletto.
Maraming staff ang nakatingin sa kaniya at binabati siya ng may ibayong paggalang. Tipid na ngiti lang ang isinagot ni Mithi sa kanila.
10th floor. Iyon ang pinindot niya nang makapasok siya ng elevator. Namumukadkad ang natural niyang ganda at kulay sa cocktail red dress na suot niya. Kasama ng red stiletto, mapula rin ang labi ni Mithi, kung kaya tawag ng lahat sa kaniya ay Ms. Red.
“Good evening, Ms. Red,” ang pagbati ng empleyado sa kaniya matapos magbukas ng elevator.
Ngumiti si Mithi at nagtuloy-tuloy sa paglalakad. Kulang na lang e mabali ang leeg ng mga taong nadadaanan niya.
Pumunta siya sa hotel room, kung saan doon gaganapin ang unang gabi na magniniig sila ni Luis, ang fiancé niyang papakasalan niya bukas.
Kailangan niyang tignan kung maayos na ba ang lahat. Inutusan niya kanina ang organizer na lagyan ng rose petals ang sahig, kama, at lagyan ng mga kandila kasama ng ceiling lights ang paligid.
Excited na siyang makaisang dibdib si Luis na siyang naging una at natatanging boyfriend niya. Ngunit natigilan siya ng makita ang personal assistant ni Luis sa labas ng hotel room.
“Jelay,” malapad siyang ngumiti ng makasalubong niya ito.
Nanlalaki naman ang mata ni Jelay sa gulat ng makita siya. Tila ba, hindi nito inaasahan na makikita niya si Mithi sa harapan niya ngayong gabi.
“A-Anong ginagawa mo dito sa labas ng hotel room namin ni Luis?” tanong pa niya.
Hindi na nakasagot pa si Jelay ng biglang may nahulog sa loob ng hotel room. Bukas ito kaya napatingin agad sa loob si Mithi. Nagtaka siya kaya papasok na sana siya ng siyang hawakan ni Jelay sa kamay.
“Ms. Mithi, ano… po…”
Alam na ni Mithi na parang pinipigilan na siya ni Jelay na pumasok sa loob. Bigla siyang kinabahan sa hindi niya malaman na dahilan.
Tinanggal niya ang kamay ni Jelay na nakahawak sa kamay niya.
“Pakisabi sa driver ko Jelay na umalis na siya at may gagawin pa ako matapos nito.”
Dahil sa lamig ng boses niya, wala ng nagawa si Jelay kun’di ang ang sundin ang utos ni Mithi. Nang maiwan nalang si Mithi sa labas ng hotel room, ramdam na niya na naghuhurumentado ang puso niya sa kaba.
Natigilan siya ng marinig ang paipit na tawa ng isang babae na nagmumula sa loob.
“Ano ba Luis, nakikiliti ako…”
“Huwag ka ng pakipot pa. Hindi na ako makapahintay e.”
Tumawa ulit ang babae. “Ang naughty mo talaga.”
Naikuyom ni Mithi ang kamay niya sa labis na galit na nararamdaman niya nang marinig ang boses ng fiancé niya na papakasalan na sana niya bukas kasama ang boses ng isang babae.
Halos dumiin ang ngipin niya sa pang ibabang labi niya sa tindi ng panginginig at pagkasuklam na nararamdaman niya ngayon.
Ang hotel room kung saan ay hinanda niya para sa unang gabi nila bukas, ay nagmistulang kwarto pa para sa pagtataksil ni Luis sa kaniya.
Pumasok siya at naabutan niya si Luis na nakikipagtaIik sa isang hindi niya kilalang babae.
Napasinghap si Mithi at agad na nanubig ang mata habang nakatingin sa dalawa na walang kamalay-malay sa presensya niya.
“That’s my girlfriend,” napatalon si Mithi sa gulat ng marinig ang isang boses mula sa likuran. Nang lingunin niya ito, nakita niya ang isang lalaki na walang buhay na nakatingin sa kaniya.
Medyo may kahabaan ang buhok, tan, at matipuno ang pangangatawan. Tall, dark, and handsome kung ika nga ang mailalarawan sa lalaking ito.
“Ang kaniig niya ngayon ay ang girlfriend ko.” Tumingin sa mga mata niya ang lalaki at parang nagtayuan ang balahibo ni Mithi sa katawan sa lamig ng expression nito kaya napaatras siya.
Dahil sa ginawa niyang pag-atras, gumawa ng tunog ang stiletto niya sa sahig dahilan kung bakit napatingin si Luis sa gawi nila.
“Mithi?”
Agad natulak ni Luis ang kasama niya sa kama, matapos ay tumayo at agad na ipinulupot ang kumot sa katawan niya.
“M-Mithi, let me explain.” Kinakabahang sabi ni Luis. Hinawakan niya ang kamay ni Mithi pero agad na itinabig ni Mithi ang kamay niya palayo.
Agad niyang sinampal si Luis at kasabay no’n ang pagtulo ng luha sa mga mata niya.
“Explain? Sige nga… Paano mo maipapaliwanag ang lahat ng ito?”
“W-Wala lang naman ito e. She’s just an employee and-“ nangangapa si Luis ng pwede pa niyang ipalusot. “Natumba lang ako sa kama-" sinampal ulit siya ni Mithi.
Matatanggap pa sana niya kung sabihin niyang, drinoga lang siya no’ng babae.
“Sa tingin mo ba maniniwala ako sa lintek mong palusot?”
Agad na nalukot ang mukha ni Luis at hinablot ang kamay ni Mithi. “Ano naman ngayon kung oo? Kasalanan mo rin naman dahil nagpaka-feeling santa ka. Ikakasal ka na sa akin pero ayaw mong haIikan kita o ayaw mong pumayag makipagsex sa akin. Mithi, lalaki ako at may pangangailangan rin ako.”
Nagulat si Mithi sa narinig. Hindi niya aakalaing siya pa ngayong ang nabaliktad.
“Kasalanan ko na nangaliwa ka?”
“OO!” Malakas na loob na sabi ni Luis. Hindi lubos maisip ni Mithi kung saan hinuhugot ni Luis ang kakapalan ng mukha nito.
“Kasalanan mo kasi kung pumayag ka lang na makipagsex sa akin, hindi na sana ako titingin ng iba.”
Hindi na nakasagot si Mithi. Napayuko nalang siya at umiyak sa harapan ng taksil niyang fiancé. Nablanko na ang utak niya at nalilito na sa gagawin.
Nang makita ni Luis na umiiyak na lang si Mithi, naging malumanay ang boses nito.
“Babe, kasal na natin bukas. Can we just forget this? Kung paiiralin mo ang pride mo at ika-cancel mo ang kasal bukas, madi-disappoint ang papa mo sayo. Hindi ba ayaw mong mangyari yun?”
“A-Alam ko,” sabi ni Mithi. “H-Hindi dapat madisappoint si p-papa sa akin k-kaya dapat m-matuloy ang kasal bukas.”
Ngumisi si Luis, iniisip na ang dali talagang utuin ni Mithi.
“Papakasalan kita,” sabi no’ng lalaking nakatayo lang kanina sa likuran ni Mithi.
Sabay na nagulat si Mithi at Luis at sabay ring napatingin dito. “If you can’t cancel the wedding then papakasalan kita. I’ll be your groom.”
“A-Ano?” gulat na sabi ni Luis habang nanlalaki ang matang nakatingin sa lalaking na kay Mithi lang ang tingin.
Humakbang ang lalaki at hinawakan ang kamay ni Mithi. Hindi niya pinansin si Luis.
“Payag ka ba?” malumanay na tanong niya kay Mithi.
“Teka nga!” Galit na sabi ni Luis at pinilit ipaghiwalayin ang kamay no’ng lalaking nakahawak sa kamay ni Mithi ngayon.
Pero mas malakas ang lalaki sa kaniya. Ni hindi nito binitawan ang kamay ni Mithi.
“Babe, anong pinagsasabi ng lalaking iyan?” Saad ni Luis.
Dahil sa labis na sakit na dinulot ni Luis, pumayag si Mithi sa sinabi no’ng lalaki. “P-Payag akong magpakasal s-sayo.”
Ngumisi ang lalaki at matapos ay tinapunan ng malamig na tingin ang babaeng nasa kama at nakatingin sa kanila bago niya hilahin si Mithi palabas ng Luxe Hotel.
“S-Saan tayo pupunta?” tanong ni Mithi ng ipasok siya no’ng lalaki sa sasakyan na dala niya.
“To the mayor’s office. Let’s get married!”
“ANONG KAHIBANGAN ITO MITHI?” Sigaw ni Annaliese, ang stepmother niya. “Nakipaghiwalay ka kay Luis? Nababaliw ka na ba?”“Nahuli ko siyang may ka-sex. Anong gusto niyong gawin ko? Ipagsawalang bahala ang lahat?”“Reasons! Nagdadahilan ka lang! Bakit? May kabit ka ba?” Sigaw ni Annaliese sa kaniya.Tumingin si Mithi sa papa niya, nagbabasakaling ipagtanggol siya pero hindi iyon ang nakita niya. Nasa plato lang ang tingin nito na tila walang pakialam sa kaniya.Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya at pinipigilan na huwag maiyak.“Paano na ngayon iyan? Nakapagpadala na tayo ng wedding invitations sa mga kakilala natin! Nakakahiya kung ika-cancel ang engrandeng kasal na ito.”“M-Matutuloy po ang k-kasal,” saad ni Mithi sa stepmom niya.Naalala niya ang sinabi no’ng lalaki kagabi. “My name is Kallahan Peloramas. Remember that name, wife.”Kung tutuosin, kasal na sila sa mayor’s office. Pumirma na siya ng marriage contract na hindi nag-iisip ng tama.“Give me one night.”“Huh?” takan
Hindi nga dumalo ang Yeon family kasama ni Luis. Maraming nagtaka dahil mabilis na kumalat ang balita na inatras ng pamilya ni Luis ang wedding kaya nagtataka sila bakit tumuloy pa rin ang bride kasama ng panibagong groom.“This is disgusting Antonio. Ano itong nangyayari? Bakit iba ang kasama ni Mikaela?” tanong ng kapatid ni Antonio sa pagdating nina Mithi at Kallan sa simbahan kanina.“I have taken everything kasama ng mga binayaran ng mga Yeon. I’ll wire my dowry for Mithi’s hand to her father’s account, so bakit disgusting ang kasal namin ni Mithi sa inyo?” Seryosong sabi ni Kallahan dahilan kung bakit natahimik ang tita ni Mithi.Wala na ring naglakas ng loob na salungatin ang seremonyas kanina ng pari. Natapos ang kasal na walang naging problema.Iyon ang natatandaan ni Mithi sa nangyari kanina sa simbahan habang nakatingin sa mga bisita niya sa loob ng reception hall..Kahit ang venue ay nag-iba. Lumipat sila sa mas malaking reception hall kumpara sa napili niya para sa kanila
“Welcome to our room, wife.” Sabi ni Kallahan kay Mithi.Nilibot ni Mithi ang tingin niya sa loob ng kwarto, simple ang design ngunit may mangilan-ngilan siyang furniture na nakikita.Malaki rin ang kama at sobrang lawak ng espasyo. Kung tutuusin, pwede pa silang magtayo ng sink sa kwarto nila.“That’s our bathroom and your dressing room.” Tinuro ni Kallahan ang isang dressing room na nasa left side corner.“What do you think? Do you like it?”“Yeah.”Kumunot ang noo ni Kallahan, hindi satisfy sa sagot ni Mithi. “Gusto mo bang maligo una? Or Ako muna? Or…” sinadya niyang putulin ang sasabihin at dahan-dahang lumapit kay Mithi. “Sabay tayo?” medyo paos ang boses na aniya.Biglang pinamulahan si Mithi ng pisngi. Agad siyang napaatras habang ang puso ay naghuhurumentado sa kaba.Hindi niya inaasahan na sasabihin ni Kallahan yun sa kaniya.Nang makita ang reaction niya, napangisi si Kallahan. “Hindi ba sumagi sa isipan mo ito? Alam mo ang isa sa gawain ng mag-asawa.”Namilog ang mata ni M
Agad naglaway si Mithi nang pagbaba niya ay nakakita siya ng maraming pagkain sa mesa.“Miss Mithi-" hindi na niya pinakinggan ang sasabihin ng mga katulong. Nagmamadali na siyang pumunta ng mesa para kumain. Kanina pa kumakalam ang sikmura niya habang naliligo siya.“Miss Mithi, nandito na po ang mga damit na pinibili ni sir para sayo.”Namilog ang mata ni Mithi dahil hindi pa nga niya nagagamit ang ibang damit na nasa dressing room, may ipapadagdag na naman si Kallahan na bago.Tapos halos pa lahat ng binili ay mga luxury items, nahihiya siyang suotin yun at nasasayangan rin siya sa pera.“Ahm—" napatigil siya ng mapagtanto na hindi pa pala niya kilala ang assistant ni Kallahan.“Shy po ang pangalan ko Miss Mithi.”“Shy, ano…pakisabi kay Kal na huwag na siyang bumili pa ng bagong damit dahil hindi ko pa naman lahat nasusuot yung naroon sa dressing room.”“Masusunod po Miss Mithi.”Ngumiti siya at kumain na. Naparami na nga ang kain niya to the point na muntik na siyang mabulunan. Hi
Agad nalukot ang mukha ni Mithi. Nanggagalaiti siya ng makita niya ito sa harapan niya.“Anong ginagawa mo dito?”Ngumisi si Francheska sa kaniya. “Si Kallahan ang ipinunta ko dito.”Agad hinarangan ni Mithi ang hagdan. “Ang kapal naman ng mukha mo para pumunta dito. Anong gusto mong mangyari? Balikan si Kal? Kasal na siya sa akin ngayon!”Natawa si Francheska. Tawang tila ba nang iinis.“Hindi ba dapat magpasalamat ka sa akin? Dahil nagloko ako, kaya ka niya naging asawa ngayon?”Napaawang ang labi ni Mithi. Hindi niya lubos maisip kung bakit nasabi yun ni Francheska sa kaniya.“Grabe ang kakapalan ng mukha mo. Wala akong masabi.”Ngumisi si Francheska. “Tabi. Pupuntahan ko si Kal.”Hinarangan siya ng todo ni Mithi. “Hindi ka pupunta sa kaniya.”“Francheska!” Sabay na napatingin sina Mithi kay Kal na nakadungaw sa kanila. “Come here.” Sabi pa nito.Parang napahiya si Mithi sa nangyari. Nasaktan siya lalo na nang makita kung paano siya ngisihan ni Francheska habang naglalakad papunta s
“You are so gorgeous, wife. And amazing. Mabuti pala inagaw kita.”Hindi alam ni Mithi ang sasabihin. Nahihiya sila sa position ni Kal lalo’t ramdam niya na parang may tumutusok. Idagdag pa ang mga nakakalusaw nitong mga titig sa kaniya.“Talaga bang hindi mo ‘ko papaalisin?”“And why would I do that? What kind of husband am I kung papaalisin ko ang asawa ko?”Namumula na talaga si Mithi lalo’t nakabathrobe lang siya at wala siyang panty na suot. Tapos pakiramdam niya e lumalaki ang tumutusok sa pwet niya. Tumingin siya kay Kal at nakita niyang nakangiti ito sa kaniya.“Still sore?”Nakagat niya ang pang ibabang labi niya at mahinang tumango kahit na nag-iinit na rin siya. Totoong masakit pa ang kaniya.Sa laki ba naman ang pumasok.“Fvck!” Mura ni Kal at ibinaon ang mukha sa leeg niya.“I guess, I’ll use my hand tonight.”Natawa si Mithi. Akala niya ay hindi na siya muli pang sasaya but who would have thought that the man who stole her from her supposed to be groom was the man who mad
“Kal, pwede bang ibang damit ang isuot ko?”“Why? Hindi mo ba nagustuhan ang brand? Marami ka pa namang pagpipilian.”Napatingin si Mithi sa dressing room niya, maraming damit ang naroon, sa sobrang dami at lahat pa ay branded ay hindi niya alam anong susuotin. Gusto lang niya iyong simple sana. Iyong plain t-shirt, pero ang pinili ni Shy ay iyong dress na nagkakahalaga ng $2000. Iyon na raw ang pinakamura at simpleng damit na nakuha nito. Hindi na nga rin niya alam kung ano ang mura para kay Kallahan.Tapos ng tignan niya ang mga katulong, lahat may pinapakita sa kaniyang mga alahas. Nagkikinangan at naglalakihan. Pumili nalang si Mithi ng alahas na hindi malaki. "Ayos na pala itong damit. Saka itong alahas na lang susuotin ko." Sabi niya sa asawa niya na nakasandal sa pader at pinapanood siyang inaayusan.Nang ilapit sa kaniya ng katulong ang alahas na napili niya, parang umatras ang kaluluwa ni Mithi ng makiya ang presyo. "$10,000?" Hindi makapanilawang sabi niya."Ayaw mo sa $
"Paano kayo nagkakilala ni Mithi?" iyon ang unang tanong na bumungad kay Mithi at Kallahan mula kay Michael."So all this time, niloloko mo lang si Luis, ate?" kunwari gulat na tanong ni Analia. Sumabat na siya kahit hindi pa sila nakakasagot. Sa sasakyan pa lang, alam na ni Mithi na tatanungin siya ng ganito ng ama niya. Tumingin siya kay Kallahan bago niya sagutin ang ama."Kal and I were in relationship before I met Luis.""Really?" may panunuya sa boses ni Annaliese tila hindi naniniwala sa sinasabi ni Mithi."Yes but we broke up. He went to US para mag-aral and I stayed here."Hindi alam ni Mithi kung anong iniisip ni Kallahan ngayon, pinagpasalamat nalang niya na hindi ito nagri-reklamo. Na hinahayaan lang siyang magkwento. Lahat pa naman ng palusot niya ay impromptu even though she anticipated already the questions."So may relasyon kayong dalawa dati. But still, how did you end up marrying him kung lahat ng preparation ng kasal ay si Luis ang groom?" tanong ni Annaliese. Inii