Share

Chapter 241- Ang magkakapatid

Pagpasok nila sa loob ng bahay, nakita agad ni Connor si Ludwig.

Hindi siya gumalaw, at pinanood lang niya si Kallahan na magtungo dito para yumakap.

Hindi niya alam ano ang nararamdaman niya. Hindi niya maipaliwanag kung masaya ba siya o hindi.

"Connor," napatitig siya kay Ludwig ng tawagin siya nito. Nabuhay siyang walang ama na kinikilala kaya nahihiya siyang banggitin ang salitang papa.

Lumapit si Ludwig sa harapan niya. Para siyang nanigas sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam anong gagawin niya. Kung magmamano ba siya o hindi.

Tumingin siya kay Kallahan para humingi sana ng tulong.

Ngunit nagulat siya sa sunod na ginawa ni Ludwig. Bigla itong lumuhod sa harapan niya habang nakayuko ang ulo.

Nanlaki ang mga mata niya. Biglang uminit ang pakiramdam niya sa hindi maipaliwanag na dahilan.

"Patawad anak.." Iyon pa lang ang sinabi ni Ludwig, parang nabingi na siya.

"Patawad at hindi ko man lang nalaman kaagad." Humagolgol si Ludwig. "Patawad kung kahit isang beses, hindi ako nagpakaama
Omega Centauri

Sweet kuyas

| 29
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Everlasting Agustin
sana all my kuya na ganyan ka sweet at ka protective ...️...️...️
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status