Share

Chapter 2- Don't insult my bride for choosing me

“ANONG KAHIBANGAN ITO MITHI?” Sigaw ni Annaliese, ang stepmother niya. “Nakipaghiwalay ka kay Luis? Nababaliw ka na ba?”

“Nahuli ko siyang may ka-sex. Anong gusto niyong gawin ko? Ipagsawalang bahala ang lahat?”

“Reasons! Nagdadahilan ka lang! Bakit? May kabit ka ba?” Sigaw ni Annaliese sa kaniya.

Tumingin si Mithi sa papa niya, nagbabasakaling ipagtanggol siya pero hindi iyon ang nakita niya. Nasa plato lang ang tingin nito na tila walang pakialam sa kaniya.

Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya at pinipigilan na huwag maiyak.

“Paano na ngayon iyan? Nakapagpadala na tayo ng wedding invitations sa mga kakilala natin! Nakakahiya kung ika-cancel ang engrandeng kasal na ito.”

“M-Matutuloy po ang k-kasal,” saad ni Mithi sa stepmom niya.

Naalala niya ang sinabi no’ng lalaki kagabi. “My name is Kallahan Peloramas. Remember that name, wife.”

Kung tutuosin, kasal na sila sa mayor’s office. Pumirma na siya ng marriage contract na hindi nag-iisip ng tama.

“Give me one night.”

“Huh?” takang tanong ni Mithi.

“Give me one night and I’ll change everything. You can have your grand wedding, hindi madi-disappoint ang papa mo at hindi ka mapapahiya sa mga bisita mong dadalo bukas sa kasal.”

 “Bukas? Pero hindi ko na papakasalan si Luis bukas.” Tumulo ang luha sa mga mata niya.

“I know,” saad ni Kallahan. “Hindi siya ang magiging groom mo. Ako. Anyway, nakatali ka na sa akin. The church wedding is only to save your dignity.”

Iyon ang naalala niya kagabi matapos siyang ipahatid ni Kallahan sa driver pauwi ng bahay nila.

“Iyon ay kung mapatawad ka pa ni Luis sa ginawa mo!” Galit na sabi ni Annaliese.

Hindi si Luis ang tinutukoy niya pero hindi na niya magawang itama ang stepmom niya ng umupo na ito katabi ng papa niya.

“Pa-"

“Siguraduhin mo lang na hindi madadawit ang pangalan natin sa ginawa mong kahihiyan, Mikaela.”

Nagbaba ng tingin si Mithi at tumalikod para hindi makita ng ama niya ang luha sa mga mata niya.

“Puntahan ko lang po si mama,” sabi ni Mithi at nagmamadaling lumabas ng bahay para pumunta ng hospital.

Matagal ng comatose ang mama niya. At ang mas masakit, humanap ang papa niya ng iba kahit pa hindi pa tuluyang patay ang ina niya.

Pagdating niya ng hospital, naabutan niya si Angel, ang ina ni Mithi na wala pa ring malay. Umupo siya sa tabi nito at nagsimulang umiyak, nagsumbong sa mga sinapit niya sa buhay.

“M-Mama, si Luis po… p-para po siyang s-si papa,” tuloy-tuloy ang luha sa mga mata niya.

“Niloko niya po ako mama.” Ibinaon ni Mithi ang mukha niya sa kama at hinayaan ang sarili na umiyak hanggang sa maging maayos ang pakiramdam niya.

Matagal na siyang nasasakal sa bahay nila, at alam niyang ang mama lang niya ang tanging kakampi niya sa mundo.

Matapos ang isang oras, umuwi na rin si Mithi para maghanda sa kasal niya. Sinalubong siya ni Analia, ang stepsister niya doon sa pinto.

“Nagulat ako na mabait pa rin si kuya Luis sayo at pinadalhan ka pa niya ng mga makeup artist.”

Hindi makapagsalita si Mithi, naguguluhan rin siya. Nalilito kung si Luis ba ang nagpadala no’n o si Kallahan ang may pakana nito.

Wala siyang alam sa katauhan ni Kallahan maliban sa pangalan nito at sa pangakong binitiwan sa kaniya kagabi.

Kaya hindi siya sigurado sa nangyayari.

“Halika na po ma’am Mithi. Aayusan ka na po namin,” saad no’ng make-up artist. Umakyat na sila sa kwarto niya.

“S-Sino po nagpadala sa inyo?” mahinang tanong niya.

“Si Mr. Peloramas po ma’am.” Namilog ang mata ni Mithi, kasabay no’n ang pagring ng cellphone niya.

“Hello,”

“This is your husband, wife.”

Napatigil sandali si Mithi dahil hindi niya inaasahan na tatawagan siya ni Kallahan lalo’t hindi naman niya ibinigay ang number niya kagabi.

“P-Paano mo nakuha ang phone number ko?” malumanay na tanong niya.

“I sent you a new wedding dress. Itapon mo ang lumang wedding dress mo. Ako rin ang naghire ng makeup artist na kasama mo ngayon, not your bastard ex.”

Napatingin si Mithi sa wedding dress na nasa mannequin. Iyon ang wedding dress na una niyang napili kasama ni Luis.

“K-Kal,” halos pabulong na sabi ni Mithi.

Rinig niya ang marahang pagsinghap ni Kallahan sa kabilang linya. “Yes?”

“Kung pagsisisihan mo ito, hindi pa huli ang lahat. Pwede pa nating huwag e register ang pinirmahan natin kagabi.”

Tumikhim si Kallahan at mariing sinabi na, “hindi ko ito pagsisisihan.” Pinatayan siya kaagad ni Kallahan ng tawag.

Nagtaka siya bakit parang galit ito.

Napatingin naman si Mithi sa bagong staff na pumasok. Nakita niya ang wedding dress na hindi hamak na mas maganda kumpara sa unang napili niya.

Agad siyang binihisan at inayusan ng mga makeup artist. Saktong dumating si Annaliese at Analia.

Kitang kita sa mata ni Analia ang inggit habang nakatingin sa wedding dress na suot ni Mithi.

“Ang yaman talaga ni kuya Luis at ang bait pa. Talagang binigyan pa niya si Mithi ng bagong wedding dress kahit na nakakahiya ang ginawang pag-iskandalo niya sa hotel.”

“Hindi si Luis ang nagbigay nito.” Mariing sabi ni Mithi sa dalawa.

“Hah! At sino naman?” nakataas ang kilay na tanong ni Annaliese.

“Ang groom ko,” nakayukong sagot ni Mithi.

Biglang pumasok ang ama niya na galit na galit sa kaniya ngunit natigilan ng makitang nakaayos na si Mithi at nakasuot ng wedding dress.

“Sino itong kalaguyo mo Mikaela? Inatras ng Yeon family ang ininvest nila sa kumpanya at kahit ang dowry na binigay nila ay gusto nilang bawiin! Anong ginawa mo?”

Hindi makapagsalita si Mithi. Nasasaktan siya na pati sarili niyang ama ay tila walang pakialam sa ginawa ni Luis sa kaniya.

“At nakasuot ka pa ngayon ng wedding dress. Sinong papakasalan mo? Sa tingin mo naroon si Luis, hinihintay ka? Sa tingin mo dadalo ang pamilya niya?”

Natigilan sila ng may isang sopistikadang babae ang lumapit sa kanila.

“Excuse me,” sabay silang napalingon doon.

“Ako po ang assistant ni Mr. Kallahan. Hinihintay na po ng groom ang bride niya sa kotse.”

Natigilan silang lahat pati na ang pamilya ni Mithi.

“Kallahan?” tanong ni Annaliese. “Matanda ba itong pinalit mo kay Luis, Mithi? Bakit ang galante niya?”

“Excuse me,” sabay silang natigilan ng may nagsalita malapit sa pinto.

“I’m here to pick up my bride,” sabi ni Kallahan na ngayon ay nakakrus ang kamay at nakasandal sa pader.

Napaawang ang labi nilang lahat ng makita na ang bagong groom ni Mithi ay hindi pala matandang mayaman, kun’di isang binata na may angking taglay na kagwapuhan.

Natameme ang lahat. Nakatayo pa lang si Kallahan, sobrang lakas na ng presensyang taglay niya. Walang sinuman ang nagsalita lalo na nang lumapit ito kay Mithi at abutin ang kamay nito.

“Nagtataka ako bakit ang tagal nakababa ng bride ko. No wonder, nandito pala ang pamilya niya. Well then, I should take this chance to introduce myself. I’m Kallahan Peloramas and I came from the family who is way much better than the Yeon clan. So next time, don’t insult my bride for choosing me.”

Natigilan ang lahat ng malamig silang tinignan ni Kallan sa mga mata.

Nang bumaling si Kallahan kay Mithi, agad namula si Mithi. Sa unang pagkakataon, she feels safe sa harapan ng pamilya niya.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Mamabelle Abenojar
I'm beginning to like it
goodnovel comment avatar
Mayoneta Fajelago Maquinto
Wow nice story
goodnovel comment avatar
Ruchele Carcillar Lozada
Wow! Nice beginning.
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status