Hawak ni Kallahan ang kamay ni Mithi habang paalis sila sa bahay ni Michael. Hindi matigil ang luha sa mata ni Mikaela lalo’t, hindi man lang nagsalita ang ama niya kanina para pigilan ang stepmom niya.Galit na galit si Kallahan sa tabi. Ayaw niyang nakikitang umiiyak ang asawa niya.Pagsakay nila ng sasakyan, agad na binawi ni Mithi ang kamay niya para itago ang mukha niya sa likod ng mga palad niya.Palagi na lang siyang umiiyak sa harapan ng asawa niya. Mula doon sa hotel, sa reception at ngayon. “Bakit mo ginawa yun?”Kumunot ang noo ni Kallahan at bumaling sa kaniya. “You were crying at ayokong makita na umiiyak ka.”“Kahit na Kal. Naglabas ka na ng pera para lang matubos ako sa kahihiyan kahit na hindi mo naman dapat ginawa. Nagbigay ka pa ng dowry, doble sa binigay ng mga Yeon tapos ngayon, magbibigay ka ulit ng 20 Milyon sa pamilya ko?”Mithi wanted to know why Kallahan would do such thing para lang sa kaniya. Ano lang ba siya? Habang tumatagal, tumataas ang utang na loob niy
"Huwag mo ng pansinin yan, Sham." Saad niya dahil ayaw na niyang makausap pa ang ex niya. "Ay girl, no. Gulat ako sa nangyayari. Bakit parang nagloloko na ang asawa mo e kakakasal niyo lang?" "Hindi kasi ganoon yun-" hindi na nakinig si Shamcey. Agad niyang tinignan si Luis at sinigawan."Luis!"Napapikit si Mithi. Ayaw na sana niya ng gulo pero mukhang magkakagulo pa dahil sa ginawa ng kaibigan niya.Tumingin si Luis sa kanila, noong una ay nagulat pa ito pero kalaunan ay nginisihan siya. Tipong ngisi na para bang siya pa ang nagkasala sa kanila. Ngayon lang napagtanto ni Mithi kung gaano kakapal ang mukha ng ex niya. "Wow Luis, wala pa kayong isang linggo na kasal ni Mithi pero may kalampungan ka na agad?"Napanganga si Luis, pero klaro sa reaction niya na natatawa siya kaya nabu-bwesit na si Shamcey."At may gana ka pa talagang tumawa? Wow. Ang kapal ng mukha mo. Alam kong red flag ka e pero hindi ko aakalain na ganito ka grabe ang ugali mo.""Bakit Shamcey, hindi mo ba alam
Dahan-dahang tumango si Mithi kahit na ang puso niya ay naghuhurumentado na sa lakas ng kabog.Titig pa lang ng asawa niya e nalulusaw na siya. Paano pa kaya kung labi na nila ang mag-uusap?“Come here,” paos na sabi ni Kal na tila siya ay hindi na rin makapaghintay pa.Hinawakan niya ang necktie niya para lang e adjust ito at makahinga siya ng maayos. Kinakapos siya ng hiniga just by the sight of Mithi, looking drunk, while staring at his lips.“Lumabas ka muna Alfred,” utos ni Kallahan sa driver.“Opo sir,”Nang makalabas si Alfred, doon pinamulahan ng pisngi si Mithi dahil nahihiya siya na naging ganoon sila kanina ng asawa niya sa harapan ng driver.“Open your mouth,” utos ni Kal.Sinunod ni Mithi ang sabi niya. Binuksan niya ang labi niya, tama lang ang awang para maipasok ni Kallahan ang dila niya sa loob ng bibig niya.Nanlaki ang mata ni Mithi lalo na nang simulan na siyang haIikan ng mapusok ng asawa niya.Napakapit siya sa batok ni Kallahan at sinubukang gumanti sa mga haIik
Hinatid siya ni Kallahan pauwi ng bahay nila. Giniigiit ni Mithi na sa apartment na muna siya uuwi pero ayaw ni Kallahan.“Ang liit ng bahay na yun. Do want me to live in that house?”Sumimangot si Mithi. “Bakit kailangan mo pang laitin ang apartment namin? Saka sinong nagsabi na doon ka rin uuwi?”“That is not lait! I’m just describing that house. And besides, saan ba dapat ako uuwi?”“Sa bahay mo.”Nag-iwas ng tingin si Kallahan kaya pinagsingkitan siya ni Mithi ng mata.“Ayokong matulog sa kamang wala ang asawa ko.”Natigilan si Mithi at bahagyang nahiya. Tumikhim siya and just like that, hindi na siya nakipagtalo pa. Paano, ang lakas na naman ng tibok ng puso niya.Pakiramdam tuloy niya e alam na alam ni Kallahan kung paano kunin ang loob niya.Pagkahatid niya sa bahay, hindi na bumaba si Kallahan ng sasakyan at dumiretso na ito papuntang opisina niya.Si Mithi naman ay sinalubong ng ibang katulong para tulungan sa pagliligo.Matapos niyang maligo at kumain, pumunta na siya sa mast
Busy si Mithi sa pagsagot ng mga inquiries sa mga customers nila both local and international. Siya ang naka-assign sa pagnegotiate ng orders habang si Shamcey naman ang hands on sa logistics.Matapos niyang kausapin ang customer, pinapunta si Mithi sa office ni Dexter para kausapin ito sa paparating na food exhibit next month.Si Dexter ang head supervisor nila. Maraming mata ang nakatingin sa kaniya, at naroon ang pag-aalala sa mukha lalo’t kilala si Dexter bilang striktong boss nila.Marami na itong tatangang empleyadong napahiya sa maraming tao kaya takot ang lahat na magkamali.Pagkapasok ni Mithi sa opisina niya, agad siyang inabutan ni Dexter ng isang envelope. Naroon ang detalye sa mga gagawin niya.“May food exhibit next month dito lang sa city gaganapin. I’m planning to send you alone for that task. But before that, can you visit the MOK and rent a Kiosk for the said food exhibit?”“Sige po sir, noted po.”“And aside of that, after 3 months, may another food exhibit na naman
ISANG MAPUSOK na haIikan ang pinagsaluhan ng dalawa. Imbes na si Mithi ang hahaIik, it was Kallahan who initiated the kiss.“I can’t breathe,” ang sabi na naman ni Mithi dahil halos higupin ni Kallahan ang labi niya.Pinanggigilan ni Kallahan kagatin ang pang ibabang labi niya bago niya ito bitawan. At kahit na hindi umabot ng 30 minutes, alam ni Mithi na matagal ang haIik na piangsaluhan nila mag-asawa.But for Kal, ang konti lang no’n. Makikita sa mata niya na bitin na bitin pa siya. Mithi rested her head on his chest habang naghahabol ng hininga.Iniisip niya na kapag kasama niya ang asawa niya, dapat e sanayin niya ang sarili niya sa mga ganitong bagay.“I think you really need to do cardiovascular exercises wife para makatagal ka.”Natawa si Mithi at pasaring hinampas ang katawan niya. “Ganito ba magkiss dapat? Laging hinihingal?”“Hmm… I’m built different so kakapusin ka ng hininga pag ako na ang humaIik.”“Paano pag iba?”Sumimangot si Kallahan. “Huwag mong subukan na magpahaIik
“Kinakahiya mo ba ako Kal sa pamilya mo?” hindi mapigilan ni Mithi na itanong yun sa asawa niya. Kanina ng magising siya, napansin niya na agad ang lalaki sa labas ng sasakyan at si Kallahan na nag-uusap.Sinubukan niyang lumabas pero hinarangan siya ni Kallahan na para bang, ayaw siyang payagan na lumabas ng sasakyan.“Wife-"“I remembered, ang kasama mo lang doon sa wedding na pinakilala mo sa akin ay ang kaibigan mong si Milandro. Wala ka bang pamilya? Nasaan ang mga magulang mo? Mga kapatid kung meron?”Parang namutla si Kallahan sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin kay Mithi.“Alam ba nilang kinasal ka?”“Wife, they don’t matter-"“Iyong lalaki kanina, family member, right? Bakit hindi mo ‘ko pinakilala? Hindi ba sabi mo asawa mo ‘ko?”“Because it’s not necessary.”Nanlaki ang mata ni Mithi ng marinig ang not necessary mula sa asawa niya. Sandali siyang natigilan at nang may napagtanto, bilang siyang tumango siya at nagbaba ng tingin.“Maliligo na muna ako,”
Hindi akalain ni Mithi na iyon na pala ang huli nilang pagkikita ni Kallahan para sa linggong ito. Kinabukasan din kasi ng umaga, nagising siya at napansin niya itong nagbabalot ng damit.“Saan ka?”“May meeting ako sa Hawaii.”Nanlaki ang mata niya dahil hindi niya aakalain na ganoon kalayo.“Bakit ang layo?”“Iyon talaga ang trabaho ko, wife. Ilang araw akong mawawala dito o minsan ay inaabot ng buwan.”Nalungkot si Mithi pero hindi niya iyon pinakita. Tumayo siya at pumunta ng wardrobe ng asawa para kumuha ng ilang damit.“Ilang araw ka doon?”“Hmm… probably a week?”Tumango lang siya. At ng mapansin ni Kallahan ang ginagawa niya ay umupo ito sa kama at nakangiting pinagmamasdan si Mithi na nag-aasikaso ng mga damit na dadalhin niya.“I’m so lucky to have a wife like you.”Agad na namula si Mithi pero hindi na siya lumingon pa dahil ayaw niyang makita ni Kallahan ang mukha niya.Matapos niyang magligpit ng damit sa maleta, agad siyang humarap sa asawa niya na nakabathrobe at tapos n