Share

Chapter 12- Why are you staring at my lips?

"Huwag mo ng pansinin yan, Sham." Saad niya dahil ayaw na niyang makausap pa ang ex niya.

"Ay girl, no. Gulat ako sa nangyayari. Bakit parang nagloloko na ang asawa mo e kakakasal niyo lang?"

"Hindi kasi ganoon yun-" hindi na nakinig si Shamcey. Agad niyang tinignan si Luis at sinigawan.

"Luis!"

Napapikit si Mithi. Ayaw na sana niya ng gulo pero mukhang magkakagulo pa dahil sa ginawa ng kaibigan niya.

Tumingin si Luis sa kanila, noong una ay nagulat pa ito pero kalaunan ay nginisihan siya. Tipong ngisi na para bang siya pa ang nagkasala sa kanila.

Ngayon lang napagtanto ni Mithi kung gaano kakapal ang mukha ng ex niya.

"Wow Luis, wala pa kayong isang linggo na kasal ni Mithi pero may kalampungan ka na agad?"

Napanganga si Luis, pero klaro sa reaction niya na natatawa siya kaya nabu-bwesit na si Shamcey.

"At may gana ka pa talagang tumawa? Wow. Ang kapal ng mukha mo. Alam kong red flag ka e pero hindi ko aakalain na ganito ka grabe ang ugali mo."

"Bakit Shamcey, hindi mo ba alam
Omega Centauri

Sinong papakagat kay Kallahan? haha

| Like
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status