Good morning po
Busy si Mithi sa pagsagot ng mga inquiries sa mga customers nila both local and international. Siya ang naka-assign sa pagnegotiate ng orders habang si Shamcey naman ang hands on sa logistics.Matapos niyang kausapin ang customer, pinapunta si Mithi sa office ni Dexter para kausapin ito sa paparating na food exhibit next month.Si Dexter ang head supervisor nila. Maraming mata ang nakatingin sa kaniya, at naroon ang pag-aalala sa mukha lalo’t kilala si Dexter bilang striktong boss nila.Marami na itong tatangang empleyadong napahiya sa maraming tao kaya takot ang lahat na magkamali.Pagkapasok ni Mithi sa opisina niya, agad siyang inabutan ni Dexter ng isang envelope. Naroon ang detalye sa mga gagawin niya.“May food exhibit next month dito lang sa city gaganapin. I’m planning to send you alone for that task. But before that, can you visit the MOK and rent a Kiosk for the said food exhibit?”“Sige po sir, noted po.”“And aside of that, after 3 months, may another food exhibit na naman
ISANG MAPUSOK na haIikan ang pinagsaluhan ng dalawa. Imbes na si Mithi ang hahaIik, it was Kallahan who initiated the kiss.“I can’t breathe,” ang sabi na naman ni Mithi dahil halos higupin ni Kallahan ang labi niya.Pinanggigilan ni Kallahan kagatin ang pang ibabang labi niya bago niya ito bitawan. At kahit na hindi umabot ng 30 minutes, alam ni Mithi na matagal ang haIik na piangsaluhan nila mag-asawa.But for Kal, ang konti lang no’n. Makikita sa mata niya na bitin na bitin pa siya. Mithi rested her head on his chest habang naghahabol ng hininga.Iniisip niya na kapag kasama niya ang asawa niya, dapat e sanayin niya ang sarili niya sa mga ganitong bagay.“I think you really need to do cardiovascular exercises wife para makatagal ka.”Natawa si Mithi at pasaring hinampas ang katawan niya. “Ganito ba magkiss dapat? Laging hinihingal?”“Hmm… I’m built different so kakapusin ka ng hininga pag ako na ang humaIik.”“Paano pag iba?”Sumimangot si Kallahan. “Huwag mong subukan na magpahaIik
“Kinakahiya mo ba ako Kal sa pamilya mo?” hindi mapigilan ni Mithi na itanong yun sa asawa niya. Kanina ng magising siya, napansin niya na agad ang lalaki sa labas ng sasakyan at si Kallahan na nag-uusap.Sinubukan niyang lumabas pero hinarangan siya ni Kallahan na para bang, ayaw siyang payagan na lumabas ng sasakyan.“Wife-"“I remembered, ang kasama mo lang doon sa wedding na pinakilala mo sa akin ay ang kaibigan mong si Milandro. Wala ka bang pamilya? Nasaan ang mga magulang mo? Mga kapatid kung meron?”Parang namutla si Kallahan sa kinatatayuan niya. Hindi niya alam kung anong sasabihin kay Mithi.“Alam ba nilang kinasal ka?”“Wife, they don’t matter-"“Iyong lalaki kanina, family member, right? Bakit hindi mo ‘ko pinakilala? Hindi ba sabi mo asawa mo ‘ko?”“Because it’s not necessary.”Nanlaki ang mata ni Mithi ng marinig ang not necessary mula sa asawa niya. Sandali siyang natigilan at nang may napagtanto, bilang siyang tumango siya at nagbaba ng tingin.“Maliligo na muna ako,”
Hindi akalain ni Mithi na iyon na pala ang huli nilang pagkikita ni Kallahan para sa linggong ito. Kinabukasan din kasi ng umaga, nagising siya at napansin niya itong nagbabalot ng damit.“Saan ka?”“May meeting ako sa Hawaii.”Nanlaki ang mata niya dahil hindi niya aakalain na ganoon kalayo.“Bakit ang layo?”“Iyon talaga ang trabaho ko, wife. Ilang araw akong mawawala dito o minsan ay inaabot ng buwan.”Nalungkot si Mithi pero hindi niya iyon pinakita. Tumayo siya at pumunta ng wardrobe ng asawa para kumuha ng ilang damit.“Ilang araw ka doon?”“Hmm… probably a week?”Tumango lang siya. At ng mapansin ni Kallahan ang ginagawa niya ay umupo ito sa kama at nakangiting pinagmamasdan si Mithi na nag-aasikaso ng mga damit na dadalhin niya.“I’m so lucky to have a wife like you.”Agad na namula si Mithi pero hindi na siya lumingon pa dahil ayaw niyang makita ni Kallahan ang mukha niya.Matapos niyang magligpit ng damit sa maleta, agad siyang humarap sa asawa niya na nakabathrobe at tapos n
“Sir, bakit po?” tanong ni Mithi ng makapasok siya sa office ni Dexter.May inabot ulit sa kaniyang panibagong envelope. “Here’s the details about doon sa paparating na food exhibit sa Paris. Please email them right away. Naka attach na diyan ang details na kakailanganin mo.”Tumango si Mithi at tinanggap ang envelope na inaabot sa kaniya.“Okay that’s it. Makakaalis ka na.” Tumango si Mithi at aalis na sana siya ng tawagin siya muli ni Dexter.“Is it true?”Nagtaka siya at hindi alam kung ano ang ibig sabihin ni Dexter sa kaniya. “Ang ano po sir?”“Na hindi natuloy ang kasal mo sa mga Yeon?”Tumango siya bilang pagsagot.“I see. Sige, you can go back to your table.”‘Weird,’ komento ni Mithi sa isipan niya at bumalik sa table niya. Agad naman siyang sinalubong ni Shamcey na nag-aalala sa kaniya. “Nagalit ba? Pinagalitan ka? Bakit ka raw pinatawag?”“Hindi. Nagbigay lang siya ng tungkol sa Kiosk para doon sa Paris.”Nakahinga ng maluwag si Shamcey.“Kainis talaga yang si Alicia. Alam m
Nang matapos sila maglampungan, saka pa lang naalala ni Mithi na may kaibigan pala siyang kasama. Ngumiti si Shamcey, halatang may kakaiba sa ngiti niya. Nginiting nagpapahiwatig kay Mithi na makukurot siya nito mamaya sa singit. “Ah, Kal—this is my friend, Shamcey.” Agad nakipagkamay si Kallahan kay Shamcey. “Nice to meet you, Shamcey.”“Ah eh, hello Kal.” “It’s Kallahan,” pagtatama ni Kallahan sa kaniya. He doesn't want anyone else to call him Kal other than his wife. Tumingin si Shamcey kay Mithi, sa mata nito ay may pinapahiwatig na kakaiba. Tumikhim si Mithi at humawak sa kamay ni Kallahan. Ngayon lang niya napagtanto na umiyak pala siya sa harapan ni Kallahan. Ngayon lang siya tinablan ng hiya. “Asawa ko pala, Shams.” “Oh.” Namilog ang labi ni Shamcey at ngumiti. “Si husband pala ang dahilan kung bakit wala ka sa mood no’ng mga nakaraang araw.” Tumingin si Kallahan kay Mithi na pinandidilatan ng mata ngayon si Shamcey. "Sus, ito naman. Nahiya ka pa talaga."
“Lumandi ka sa iba, huwag sa asawa ko!” Natatawang sabi ni Shamcey. Magkatawagan na sila ngayon habang nakahiga sa kama nila. Alas siete na ng gabi, si Kallahan ay nasa study room pa at may ginagawa.Mukhang windang pa rin si Shamcey hanggang ngayon na ang Mithi na kilala niya ay tumatapang na. Na hindi na ito iiyak na lang sa tabi kapag tinatapakan ng ibang tao.“Ay beshy, first time kitang makita na ginanoon mo ang impokrita mong stepsister. Super satisfying. Halos pumalakpak na lang ako doon kanina sa sinabi mo.”Natawa si Mithi dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi rin niya aakalain na magagawa niya ang bagay na yun. Sumasagot siya sa iba, pero hindi sa stepsister niya dahil ayaw niyang magalit ang papa niya sa kaniya. Pero iba kanina. Inis na inis talaga siya sa kapatid niya lalo na no’ng padosdusin nito ang daliri sa braso ni Kallahan.Hindi siya sigurado kung naiinis siya na nananadya si Analia kanina para galitin siya o sa katotohanang hinawakan nito si Kallahan.Noong sila
Monday, balik trabaho ulit si Mithi. Hinatid siya ng driver na si Alfred papuntang Si Corp.Dahil sa tindi ng lakas ng ulan, nagmamadaling lumabas si Alfred mula sa front seat para payungan siya."Naku kuya, salamat po sa paghatid," saad ni Mithi dahil nakita niyang nabasa ang balikat ni Alfred sa ulan masigurado lang siya."Walang anuman po ma'am," magalang na sabi ni Alfred dito.Pumasok na si Mithi sa loob dala ang payong at napabuntong hininga ng mamataan si Alicia na tila hinihintay siya."Iyon na ba yun?" mahahalata sa boses nito na disappointed siya. "Akala ko pa naman e mas gwapo kay Luis ang ipinalit mo. Ang chaka pala. Wala ka bang ka taste taste?"Napanganga si Mithi dahil hindi na naman niya alam kung anong problema ni Alicia sa kaniya."Kung sabagay, mukhang maraming pera. Hindi kita masisisi kung bakit pumatol ka doon. Ang cheap mo ah!"Tinalikuran siya ni Alicia matapos irapan at naglakad papasok sa loob ng opisina. Napanganga nalang si Mithi. Wala siyang masabi. Napati