Share

Chapter 21- Tattoo ni Kallahan

“Lumandi ka sa iba, huwag sa asawa ko!” Natatawang sabi ni Shamcey. Magkatawagan na sila ngayon habang nakahiga sa kama nila. Alas siete na ng gabi, si Kallahan ay nasa study room pa at may ginagawa.

Mukhang windang pa rin si Shamcey hanggang ngayon na ang Mithi na kilala niya ay tumatapang na. Na hindi na ito iiyak na lang sa tabi kapag tinatapakan ng ibang tao.

“Ay beshy, first time kitang makita na ginanoon mo ang impokrita mong stepsister. Super satisfying. Halos pumalakpak na lang ako doon kanina sa sinabi mo.”

Natawa si Mithi dahil kahit siya sa sarili niya ay hindi rin niya aakalain na magagawa niya ang bagay na yun. Sumasagot siya sa iba, pero hindi sa stepsister niya dahil ayaw niyang magalit ang papa niya sa kaniya. Pero iba kanina. Inis na inis talaga siya sa kapatid niya lalo na no’ng padosdusin nito ang daliri sa braso ni Kallahan.

Hindi siya sigurado kung naiinis siya na nananadya si Analia kanina para galitin siya o sa katotohanang hinawakan nito si Kallahan.

Noong sila
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status