Share

Chapter 29- Nagulat ang lahat ng malamang may asawa na si Kallahan

"Ano pa lang ginagawa nila dito Kal?" tanong ni Mithi ng makaalis ang dalawa.

"Nag check-in lang sila ng hotel," si Milandro ang sumagot.

"Hotel?" takang tanong niya. Tapos nang mapatingin siya sa gilid, nakita niya ang malaking hotel na pagmamay-ari ni Kallahan.

"Wow. Ikaw pala ang may-ari ng Pelo Hotel?" Hindi makapaniwalang tanong ni Mithi.

Alam niya ang Pelo Hotel pero hindi niya akalain na si Kallahan ang may-ari no’n.

"Yeah. Wanted to go inside?" tanong ni Kallahan. Excited na tumango si Mithi. Hinawakan ni Kallahan ang kamay niya para hilahin papasok sa loob ngunit biglang nagring ang phone nito. His grandma is calling him.

"I'll answer this call for a while."

Tumango si Mithi. "Pwedeng mauna na muna ako? Gusto kong magbanyo."

"Yeah sure." Kallahan replied.

Nagmamadali si Mithi na pumasok sa loob ng hotel. Ngunit isa sa nasa reception area ay namukhaan siya.

"Miss Red!" Sigaw nito.

Napatigil si Mithi at napatingin doon sa tumawag. Hindi niya ito kilala pero nakita niyang naka
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status