Earlier, before everything happened. Isang waiter na siyang naglagay ng pagkain sa table ni Mithi at Kelleon, ay naglagay ng recording device sa ilalim ng mesa ng dalawa.Tahimik lang si Kallahan habang nasa loob ng study room at nakikinig sa listening device niya. Rinig na rinig niya lahat ng sinabi ni Kelleon kay Mithi.“That bastard is brainwashing my wife.” Gigil na sabi niya. Kasama niya si Milandro at Ismael ngayon na tahimik na nakikinig sa kaniya.“He wanted to make Mithi hates you.”“Alam ko.” Malamig na sabi ni Kallahan at tumingin sa marriage certificate nila ni Mithi.Registered na ang kasal nila kaya kahit pa gustuhin ni Mithi na umatras sa kasal nila e hindi na nito magagawa.“Galit sa akin si Mithi ngayon. It’s not a good thing to confront her pagkauwi niya. Mas lalo lang kaming mag-aaway.”“It svcks to have a wife,” komento ni Milandro.“No if it’s Mithi.” Mariing sabi ni Kallahan kaya agad na itinikom ni Milandro ang bibig niya.“Sabi ko nga, ikaw na masaya.” Pabalang
“Opo, Sir Dexter. Thank you po.” Sabi ni Mithi at ibinaba ang cellphone. Naabutan niya si Kallahan na nakatitig sa kaniya ng mariin.“That’s weird.” Komento nito. “Hindi ka pwedeng mag-absent sa trabaho mo basta basta. Ano bang protocol ng company niyo at pinayagan kang umabsent kahit hindi valid ang dahilan?”Ngumuso si Mithi sa turan ng asawa niya.“Bakit hindi nalang tayo magpasalamat na pinayagan niya ako?”Tinaasan siya ni Kallahan ng kilay.“May gusto ba ang boss mo sayo”Nanlaki ang mata ni Mithi at agad siyang sinapak sa braso. “Ikaw! Ang dami mong sinasabi. Wala siyang gusto sa akin. Sadyang mabait lang siyang boss.”Hindi pa rin kumbinsido si Kallahan pero hinila na siya ni Mithi para sabay silang makaligo.Aasikasuhin nila ngayon araw ang lahat ng mga legal documents niya para maging Peloramas na rin siya kaya kailangan niyang umabsent sa trabaho.Natapos na lang silang maligo at magbihis, hindi pa rin tapos si Kallahan kay Dexter.“Are you sure walang gusto ang boss mo say
"What the!" hindi matuloy ni Kallahan ang pagmumura ng biglang sumuka si Angelica. "Ito ba yung mabilis ang ganti ng karma?" bulong ni Milandro kay Ismael. "Tumahimik ka at baka ikaw ang mabugahan niya ng apoy." Agad na nilapitan ni Ismael si Angelica para kunin kay Kallahan. "Sorry Kal. Lasing na siya no'ng dumating. Magdamag yatang uminom." Napabuntong hininga si Kallahan. "Kakaayos lang namin ng asawa ko and now she's mad!" Hindi alam ni Milandro bakit pero natatawa siya sa nangyayari. Kitang kita kasi niya ang pag-alala sa mukha ni Kallahan. Mukhang mas nag-alala pa ito na galit si Mithi sa kaniya kesa sa mga past negotiations nila sa ibang bansa. Dinala na ni Ismael si Angelica sa loob at nakasalubong pa nila si Mithi na tuloy tuloy lang sa paglalakad dala ang office bag nito. "Wife -" tawag ni Kallahan pero hindi siya nito pinansin. "Kuya Alfred, pakihatid ako sa Si Corp." Napatingin si Milandro kay Ismael na may multong ngiti sa labi ngayon. NAGPUPUYOS sa galit si
"Okay sis. Anong rason bakit hindi ka matutulog sa bahay niyo?" tanong ni Shamcey habang naglalakad sila ni Mithi papuntang resto para doon magdinner.Sinabi ni Mithi kay Shamcey ang mga nakita niya kanina, iyong tungkol sa pag-uwi ni Angelica at paghaIik nit okay Kallahan. Ikwinento niya rin kung sino si Angelica sa buhay ni Kallahan at kung anong koneksyon nito kay Kelleon na nagligtas sa kaniya."Ay talaga ba? Nagkiss sila?""Oo. Kaya umalis ako. Imbes ang plano namin sana e palitan ang apelyido ko at gawin ng Peloramas ngayong araw. Nainis ako kaya si Shy na lang ang pinakilos ko."Napakamot si Shamcey sa ulo niya. "Hindi ko alam Mithi kung tama ba itong kutob ko. Kasi no'ng nakita ko si Kallahan, tinitigan ka niya na parang ikaw lang. He even corrected me ng tawagin ko siyang Kal. Para bang gusto niyang ikaw lang ang tatawag sa kaniya ng Kal."“His friends, tinatawag rin naman siyang Kal.”“Maybe yes. Baka nagpapatawag lang siya ng Kal sa malapit sa puso niya and you’re one of it
“Your daughter is really beautiful, Michael.” Sabi ni chairman Yeon nang minsan niyang sulyapan si Mithi sa kabilang table na kumakain kasama ni Shamcey.Nagkatinginan si Analia at Annaliese sa sinabi nito. Hindi sila makapagbigay ng komento dahil respetado itong tao.Kahit si Luis ay tahimik lang rin sa tabi at hindi na nagsasalita pa. Masiyadong strikto ang lolo niya at takot na takot ito dito.“Thank you chairman.”“Sayang at hindi natuloy ang kasal nila ni Luis.”“Ah oo nga po chairman. Kahit kami e nanghinayang rin. Hindi rin kasi namin aakalain na gagawin ni Mithi iyon kay Luis at sa amin.” Ang pahayag ni Annaliese na gusto ng matigil ang usapan tungkol kay Mithi.Gusto niyang ipaglandakan na si Mithi ang nagkasala.“It’s such a shame.” Komento ng chairman. “Bakit hindi mo siya imbitahan dito, Michael? Hindi ba anak mo rin siya? She should have join us.”“Chairman-" react ni Annaliese na ayaw sa planong gawin ni chairman Yeon.“Why Annaliese? May problema ba?”“Baka po kasi ay m
--A little flashback--Bago mangyari ang lahat, matapos pagbantaan ni Kallahan sina Annaliese noong nagpunta sila sa bahay nila ni Michael, hindi na siya mapakali matapos non."Ano ba Michael. Ngayon ka pa ba mako-konsensya?""Anak ko pa rin si Mikaela, Annaliese. Anong gusto mong gawin ko?""Minsa mo ng nagawa. Bakit hindi natin ituloy? Isa pa, kaya mo bang maatim na mawala sa'yo ang kumpanya mo? Kailangan natin ang Yeon dahil hindi natin alam kung kailan tayo tatalikuran ni Mikaela. Paano kung sabihin niya sa asawa niya na ipasara ang factory? Kita mo naman kung gaano kadelikadong tao si Kallahan hindi ba?""Hindi yun gagawin ng anak ko.""Michael, gising! You cheated on her mom. Anong tingin mo? Ayos lang kay Mithi? Hindi mo ba naisip na kinamumuhian ka na ngayon ng anak mo?"Hindi makapagsalita si Michael. Noon pa lang na dinala niya si Annaliese at Analia bahay nila habang nasa hospital ang ina nito, alam na niyang lumayo na ang loob ni Mithi sa kaniya.Lumapit si Annaliese sa ka
Sa kasalukuyan, kung saan may family dinner ang pamilya ni Mithi kasama ang buong angkan ng Yeon, naging mainit ang pagitan kay Annaliese at ng chairman. Walang kaalam-alam ang chairman sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang nagdesisyon ang anak niya at si Luisa na ipakasal si Luis kay Analia. Alam niyang walang interes si Luis kay Analia, in fact mas nakikita pa niyang interesado ito kay Mithi. Kaya labis ang pagtataka niya kung anong dahilan ng dalawa at pinagkasundo nila si Luis sa anak ni Annaliese. "Dad, please stop." Sabi ni Edgard na takot makulong ang asawang si Luisa."Luis, gusto mo bang pakasalan si Analia?" tanong ng chairman sa apo niya.Nagbaba ng tingin si Luis. Nag-alala naman ang mata ni Analia na baka hihindi ito."Yes lo,"Napabuntong ang chairman. Wala siyang magagawa kung nagdesisyon na ang tatlo. Lihim naman iyong ikinangiti ni Annaliese.Nang makita ni Mithi na mukhang nagkakainitan na ang nasa table at magalang siyang humarap sa chairman
Habang pauwi si Kallahan, Mithi at Shamcey sa apartment, nakasalubong nila si Dexter na gulat na gulat na makita sila. "Sir!" Tawag ni Shamcey dito. Hindi niya aakalain na makikita nila si Dexter. Napatingin naman si Dexter kay Mithi at sa kamay ni Kallahan na nasa balikat nito. "Si ano po pala, Kallahan. Asawa po ni Mithi." Sabi ni Shamcey lalo't alam niyang may gusto ang boss nila kay Mithi. "Sir," magalang na pagbati ni Mithi kay Dexter. "Good evening po." Tumingin si Dexter kay Kallahan at nakita niya itong taimtim na nakatingin sa kaniya na para bang sinasabi na kaniya si Mithi at hindi ito maaagaw sa kaniya. "Good evening, Shamcey, Mikaela." Dexter managed to greet them back. "Ah sige. Nice to see you here." Sabi niya at nilagpasan sila. Tumingin si Kallahan kay Dexter, alam niya na ngayon na ang lalaking boss ni Mithi ay may gusto sa asawa niya.Dahil nakita niya kanina kung paano tignan ni Dexter si Mithi. "Ano kayang ginagawa ni sir dito?" takang tanong ni Mithi kay Sh