--A little flashback--Bago mangyari ang lahat, matapos pagbantaan ni Kallahan sina Annaliese noong nagpunta sila sa bahay nila ni Michael, hindi na siya mapakali matapos non."Ano ba Michael. Ngayon ka pa ba mako-konsensya?""Anak ko pa rin si Mikaela, Annaliese. Anong gusto mong gawin ko?""Minsa mo ng nagawa. Bakit hindi natin ituloy? Isa pa, kaya mo bang maatim na mawala sa'yo ang kumpanya mo? Kailangan natin ang Yeon dahil hindi natin alam kung kailan tayo tatalikuran ni Mikaela. Paano kung sabihin niya sa asawa niya na ipasara ang factory? Kita mo naman kung gaano kadelikadong tao si Kallahan hindi ba?""Hindi yun gagawin ng anak ko.""Michael, gising! You cheated on her mom. Anong tingin mo? Ayos lang kay Mithi? Hindi mo ba naisip na kinamumuhian ka na ngayon ng anak mo?"Hindi makapagsalita si Michael. Noon pa lang na dinala niya si Annaliese at Analia bahay nila habang nasa hospital ang ina nito, alam na niyang lumayo na ang loob ni Mithi sa kaniya.Lumapit si Annaliese sa ka
Sa kasalukuyan, kung saan may family dinner ang pamilya ni Mithi kasama ang buong angkan ng Yeon, naging mainit ang pagitan kay Annaliese at ng chairman. Walang kaalam-alam ang chairman sa mga nangyayari. Hindi niya alam kung bakit bigla nalang nagdesisyon ang anak niya at si Luisa na ipakasal si Luis kay Analia. Alam niyang walang interes si Luis kay Analia, in fact mas nakikita pa niyang interesado ito kay Mithi. Kaya labis ang pagtataka niya kung anong dahilan ng dalawa at pinagkasundo nila si Luis sa anak ni Annaliese. "Dad, please stop." Sabi ni Edgard na takot makulong ang asawang si Luisa."Luis, gusto mo bang pakasalan si Analia?" tanong ng chairman sa apo niya.Nagbaba ng tingin si Luis. Nag-alala naman ang mata ni Analia na baka hihindi ito."Yes lo,"Napabuntong ang chairman. Wala siyang magagawa kung nagdesisyon na ang tatlo. Lihim naman iyong ikinangiti ni Annaliese.Nang makita ni Mithi na mukhang nagkakainitan na ang nasa table at magalang siyang humarap sa chairman
Habang pauwi si Kallahan, Mithi at Shamcey sa apartment, nakasalubong nila si Dexter na gulat na gulat na makita sila. "Sir!" Tawag ni Shamcey dito. Hindi niya aakalain na makikita nila si Dexter. Napatingin naman si Dexter kay Mithi at sa kamay ni Kallahan na nasa balikat nito. "Si ano po pala, Kallahan. Asawa po ni Mithi." Sabi ni Shamcey lalo't alam niyang may gusto ang boss nila kay Mithi. "Sir," magalang na pagbati ni Mithi kay Dexter. "Good evening po." Tumingin si Dexter kay Kallahan at nakita niya itong taimtim na nakatingin sa kaniya na para bang sinasabi na kaniya si Mithi at hindi ito maaagaw sa kaniya. "Good evening, Shamcey, Mikaela." Dexter managed to greet them back. "Ah sige. Nice to see you here." Sabi niya at nilagpasan sila. Tumingin si Kallahan kay Dexter, alam niya na ngayon na ang lalaking boss ni Mithi ay may gusto sa asawa niya.Dahil nakita niya kanina kung paano tignan ni Dexter si Mithi. "Ano kayang ginagawa ni sir dito?" takang tanong ni Mithi kay Sh
"Mithi, sigurado ka na ba kay Kallahan?" iyan ang naging tanong ni Shamcey kay Mithi habang papasok sila ng Si Corp. Binabagabag pa rin siya sa nakita niya kagabi. "Oo. Bakit mo naitanong?" "E kasi Mithi-" hindi natuloy ni Shamcey ang sasabihin ng biglang nagsilabasan ang mga empleyado. Nagulat sila Lalo na nang nakita nilang hawak na ng mga pulis ngayon si Alicia na umiiyak at nagmamakaawa na bitawan siya. "Teka, anong nangyari?" tanong ni Shamcey sa mga kasama nila. "Hindi rin namin alam." Kabadong sabi nila. "ANO BA! BITAWAN NIYO 'KO!" Sigaw ni Alicia pero hindi nakinig ang mga kapulisan sa kaniya. Nakagat ni Mithi ang pang ibabang labi niya dahil naaawa siya kay Alicia. Nang makalabas ang mga pulis kasama ni Alicia, saka sila pumasok sa loob ng opisina. Naabutan nila si Dexter doon na problemado. "Magsiupo na muna kayong lahat!" Sigaw niya kaya walang nagawa ang lahat kun'di ang umupo at magsibalik sa table nila. "Sir, ano pong nangyari kay Alicia? Hindi ba absen
Tulalang pumunta si Mithi sa hospital kung nasaan nilipat ang mama niya. Hindi niya mapigilan ang luha sa mga mata niya sa nalaman kanina. Naalala pa niya ang sinabi ng papa niya sa kaniya. Na ang mama niya ang unang nagloko sa relasyon nila. Ang lalaki nito ang dahilan kung bakit nito piniling umalis no'ng araw araw na yun at kung bakit siya na aksidente dahilan ng pagkacoma niya. Pagdating ni Mithi sa hospital, nadatnan niya ang ina niya na karatay sa kama at maraming apparatus ang nakakabit sa katawan. Bigla siyang umupo sa sahig. Pakiramdam niya ay pinagtaksilan siya ng taong lubos niyang pinagkakatiwalaan. Sino ba talagang sumira sa pamilya nila? Ang mama ba niya o ang papa niya? Iyon ang mga tanong ni Mithi sa mga utak niya na gusto niyang masagot. Umiyak siya sa tabi ng mama niya. "Ma, bakit? Sino?" halos manginig ang labi niya habang patuloy na lumuluha ang mga mata. "Sino ang dahilan bakit pinili mong iwan kami ni papa?" Samantala, huli na ng malaman ni Kallahan na
Tinext ni Damien si Kelleon matapos ang limang minuto. Saktong nasa tabi tabi lang ito kaya agad itong nakarating. .Hindi na ito agad nakapagsalita ng biglang e senyas ni Damien si Mithi.Nanlaki ang mata ni Kelleon ng agad niyang mapagtanto kung sino yung babaeng umiiyak sa kalsada. "Mikaela!" Sigaw ni Kelleon at nilapitan si Mithi na umiiyak pa rin. Nagulat ito ng mag-angat si Mithi ng mukha. Namilog ang mata niya ng makitang basa ang pisngi ni Mithi mula sa luha."Bakit ka umiyak? Sinong umaway sa'yo? Si Kallahan ba?" Sunod sunod na tanong ni Kelleon. Umiling si Mithi. Tumulo na naman ang luha sa mga mata niya at nagbaba ng tingin sa mga kamay niya."May nalaman kasi ako sa mama ko, Kelleon." Tumingin si Kelleon kay Damien para humingi ng paliwanag pero walang masabi si Damien sa kaniya."Si mama ko, alam mo ba..." pumiyok ang boses ni Mithi. "Si mama.. Siya pala ang unang nagkasala sa amin ni papa."Natigilan si Kelleon ng makitang umiyak na naman si Mithi."T-Tumayo ka muna d
Nagising si Mithi kinabukasan na nasa kwarto na siya nila mag-asawa. Tumayo siya para bumaba lalo't hindi niya nakita si Kallahan sa tabi niya. Ngunit sa pagbaba niya, naabutan niya si Kallahan na tumatawa kasama ni Angelica. Napatigil si Mithi at pinanood kung gaano kakomportable si Angelica sa asawa niya.Kita niyang may pahawak hawak pa ito sa braso ni Kallahan o pasimpleng hampas habang nagkakape sila.Hindi maganda ang naging gabi niya at ito pa ang tumambad sa harapan niya. Pakiramdam niya e parang may kung anong sumuntok sa sikmura niya sa nakita. Kumuyom ang kamao niya at ramdam niya ang panginginig ng katawan niya."MITHI!" Tawag ni Milandro kay Mikaela lalo na ng mapansin niya itong nakatitig kay Kallahan at Angelica.Tumingin si Mithi sa kaniya at pagkatapos at bumaba para tumabi kay Kallahan. Napatigil si Angelica, at tumikhim."Good morning wife," Kallahan tried to kiss her head pero iniwas ni Mithi ang ulo niya. Nagkatinginan tuloy si Milandro at Ismael. "Hi Mithi, my
“Kallahan, Kelleon is just asking.” Sabi ni Damien nang makita kung paano naging aggresibo si Kallahan sa harapan nila ngayon.“At kahit ako man, gusto ko rin makita kung anong kalagayan niya ngayon. We saw her last night. Kaya nag-alala kami sa kaniya.” Damied added.“Hindi niyo kailangan mag-alala sa kaniya, Dame.” Saad ni Ismael. “Mithi is fine.”Hindi na nagkomento pa si Kelleon. Sapat na sa kaniya ang narinig na ayos lang si Mithi. Hindi siya pinatulog kagabi sa mga luha nito.He can feel her pain and sorrow. Na kahit ipikit niya ang mata niya ay binabagabag pa rin siya ng konsensya niya.It took a lot of courage para puntahan niya si Kallahan knowing na galit ito sa kaniya.Pero ginawa niya dahil gusto niyang malaman ang kalagayan ni Mithi.“Then that’s good. Aalis na kami ni Kelleon,” sabi ni Damien. Tumalikod na silang dalawa, pero pinigilan sila ni Kallahan.“Mithi is my wife, Kelleon, Damien. Kasal na siya sa akin at hindi ko hahayaan na may sinumang magtangkagang agawin siya