Mag iwan po ulit ng komento kung ayos lang po. Hehe. Salamat po agad.
Tinext ni Damien si Kelleon matapos ang limang minuto. Saktong nasa tabi tabi lang ito kaya agad itong nakarating. .Hindi na ito agad nakapagsalita ng biglang e senyas ni Damien si Mithi.Nanlaki ang mata ni Kelleon ng agad niyang mapagtanto kung sino yung babaeng umiiyak sa kalsada. "Mikaela!" Sigaw ni Kelleon at nilapitan si Mithi na umiiyak pa rin. Nagulat ito ng mag-angat si Mithi ng mukha. Namilog ang mata niya ng makitang basa ang pisngi ni Mithi mula sa luha."Bakit ka umiyak? Sinong umaway sa'yo? Si Kallahan ba?" Sunod sunod na tanong ni Kelleon. Umiling si Mithi. Tumulo na naman ang luha sa mga mata niya at nagbaba ng tingin sa mga kamay niya."May nalaman kasi ako sa mama ko, Kelleon." Tumingin si Kelleon kay Damien para humingi ng paliwanag pero walang masabi si Damien sa kaniya."Si mama ko, alam mo ba..." pumiyok ang boses ni Mithi. "Si mama.. Siya pala ang unang nagkasala sa amin ni papa."Natigilan si Kelleon ng makitang umiyak na naman si Mithi."T-Tumayo ka muna d
Nagising si Mithi kinabukasan na nasa kwarto na siya nila mag-asawa. Tumayo siya para bumaba lalo't hindi niya nakita si Kallahan sa tabi niya. Ngunit sa pagbaba niya, naabutan niya si Kallahan na tumatawa kasama ni Angelica. Napatigil si Mithi at pinanood kung gaano kakomportable si Angelica sa asawa niya.Kita niyang may pahawak hawak pa ito sa braso ni Kallahan o pasimpleng hampas habang nagkakape sila.Hindi maganda ang naging gabi niya at ito pa ang tumambad sa harapan niya. Pakiramdam niya e parang may kung anong sumuntok sa sikmura niya sa nakita. Kumuyom ang kamao niya at ramdam niya ang panginginig ng katawan niya."MITHI!" Tawag ni Milandro kay Mikaela lalo na ng mapansin niya itong nakatitig kay Kallahan at Angelica.Tumingin si Mithi sa kaniya at pagkatapos at bumaba para tumabi kay Kallahan. Napatigil si Angelica, at tumikhim."Good morning wife," Kallahan tried to kiss her head pero iniwas ni Mithi ang ulo niya. Nagkatinginan tuloy si Milandro at Ismael. "Hi Mithi, my
“Kallahan, Kelleon is just asking.” Sabi ni Damien nang makita kung paano naging aggresibo si Kallahan sa harapan nila ngayon.“At kahit ako man, gusto ko rin makita kung anong kalagayan niya ngayon. We saw her last night. Kaya nag-alala kami sa kaniya.” Damied added.“Hindi niyo kailangan mag-alala sa kaniya, Dame.” Saad ni Ismael. “Mithi is fine.”Hindi na nagkomento pa si Kelleon. Sapat na sa kaniya ang narinig na ayos lang si Mithi. Hindi siya pinatulog kagabi sa mga luha nito.He can feel her pain and sorrow. Na kahit ipikit niya ang mata niya ay binabagabag pa rin siya ng konsensya niya.It took a lot of courage para puntahan niya si Kallahan knowing na galit ito sa kaniya.Pero ginawa niya dahil gusto niyang malaman ang kalagayan ni Mithi.“Then that’s good. Aalis na kami ni Kelleon,” sabi ni Damien. Tumalikod na silang dalawa, pero pinigilan sila ni Kallahan.“Mithi is my wife, Kelleon, Damien. Kasal na siya sa akin at hindi ko hahayaan na may sinumang magtangkagang agawin siya
Kinagabihan, planong pumunta ng grocery store si Mithi kasama ni Shamcey. Kanina pa sana sila pero dahil napasarap ang panonood nila ng palabas at hindi na nila namalayan ang oras. "Mithi, sa tingin ko e kailangan nating magpagpag bago umalis." "Bakit?" "Kasi sa napapansin ko, noong mga nakaraang umalis tayo para kumain sa labas, lagi nating nakakasalubong ang maligno mong ex." Natawa si Mithi sa sinabi nito. "Ano ka ba. Hindi na yun manggugulo sa atin. Kita mo naman hindi ba na ikakasal na siya kay Analia?" Napabuntong hininga si Shamcey. "Alam mo Mithi, nagtataka ako. Bakit parang gusto pa rin ng Yeon ang pamilya mo? Don't get me wrong ah, pero kasi hindi ko makuha ang logic bakit sila lumalapit sa inyo. Hindi hamak naman na mas tanyag sila at kayo pabankrupt na." "Ang sabi ni papa, may utang na loob si tita Luisa kay mama. Matalik yata na magkaibigan sila noon." "Huh? May nakwento ang mama mo sa'yo tungkol kay Luisa Yeon? Parang ang weird na saka lang siya lumitaw na comatose
“Salamat sa paghatid Kelleon,” sabi ni Shamcey.Ngumiti si Kelleon sa kanila at pasimpleng tumango. “You’re welcome.” Aniya.“Ah, sige… Mauna na kami.” Shamcey said softly, at hinila si Mithi pero agad nagsalita si Kelleon para humingi ng permiso kung pwede ba siyang sumama.“Iyon ay kung ayos lang sa inyong dalawa,” sabi ni Kelleon sa kanila.Nagkatinginan si Mithi at Shamcey. Walang sinasabi ang bibig nila, pero kapwa nila mga mata ay nag-uusap. “Sige. I think, we owe you a meal dahil niligtas mo kami kanina.”Kelleon smiled at sumama papasok ng grocery store. Siya ang tagabitbit ng cart no’ng dalawa at tahimik lang siya sa likod habang nakatingin kay Mithi.Although, ramdam niyang hindi siya kinikibo nito. Hindi tuloy alam kung may nagawa ba siyang masama. “Close na ba kayo ni Kelleon?” tanong ni Shamcey sabay siko sa kaibigan.“No pero tinulungan niya na naman ako kahapon.” Sagot ni Mithi at nahiya ng maalala kung paano siya yakapin ni Kelleon kahapon para lang damayan sa pag-iya
"Ano ba Kallahan! Nasisiraan ka na ba ng bait?" takot na takot ang ibang katulong na lumapit dahil iyon ang bumungad sa kanila pagkapasok pa lang ng dalawa sa pinto."Why are you with him? Hindi pa nga tayo nag-iisang buwan, niloloko mo na ako? Gagayahin mo siya na iiwan rin ako?" Natigilan si Mithi sa sinabi ni Kallahan. "Gayahin sino?" nanlalaki ang mata niya habang tinatanong iyon.Natigilan si Kallahan. Nabigla rin siya na nasabi niya iyon bigla. "Sinong ginagaya ko Kallahan?" ulit niya pero si Kallahan ay mukhang natauhan na at hindi na makapagsalita. Nag-iwas ito ng tingin habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.Galit na galit siya dahil bumalik sa isipan niya na baka si Mikaela ay pareho lang sa dating babae na ginusto niya. Na baka iiwan rin siya nito sa huli. "Kallahan sino?" pag-uulit ni Mithi. Sobra siyang nagulat sa sinabi nito at hindi siya mapakali hangga't hindi niya malaman kung sino ang ibig nitong sabihin kanina.May iba pa ba maliban sa akin?Hindi ba ako ang
Hindi na napigilan ni Mithi si Angelica na umalis ng bahay. Naiwan siya kasama ni Shy at bigla siyang napaisip kung sinong ex ni Kallahan na nagbigay ng trauma dito.Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit ganoon ang reaction ni Kallahan kagabi. ‘Ano bang ginawa ng ex niya sa kaniya para maisip niya na gagawin ko rin yun sa kaniya?’Tumingin siya kay Shy. “Shy, pwede mo ba akong samahan mag-almusal?”“Kung iyon po ang gusto niyo Miss Mithi,” magalang na saad ni Shy sa kaniya.“Ahm.. Shy, matagal ka na bang nagtatrabaho kay Kallahan?”“Hindi pa po Miss Mithi.”Tumingin si Mithi sa plato niya. “Kilala mo ba ang ex niya?”“Hindi po Miss Mithi. Wala po akong alam sa nakaraan ni sir.”Tumahimik siya. ‘Nagsasabi kaya siya ng totoo?’ tanong niya sa isipan niya.“Sa tingin mo Shy, mabait na tao si Kallahan?”“Opo ma’am. Wala pa po akong nakikila na kasingbait ni sir.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Shy sa kaniya. Tumango siya at tumayo. Ni hindi niya nakain ang nasa mesa. “Pakilagay l
Lumipas ang isang gabi na hindi nakikita ni Mithi ang asawa. Medyo mabigat ang puso niya dahil gusto na niya itong kausapin pero hindi niya ito matawagan.Nakapatay ang phone ni Kallahan at iniisip nalang niya na busy ito sa trabaho kahit kalahati ng utak niya ay sinasabi na ayaw siya nitong kausapin.Itinuon na lang niya ang attention niya sa trabaho niya lalo’t paparating na ang food exhibit na dadaluhan niya. Pero bago lahat, pansin ng mga empleyado ang hindi pagpansin ni Dexter kay Mithi.Lalo na no’ng lumabas ito para pagsabihan si Mithi na namali siya sa pagrecord ng isang order from their customer.Kaya no’ng lunchtime, agad siyang napatanong kay Shamcey kung may nagawa ba siyang mali para ganoon siya pag initan ng ulo ng boss nilang si Dexter.“Shams, bakit parang galit si sir Dex sa akin?”Napabuntong hininga si Shamcey. May ideya na siya kung bakit, pero paano naman niya sasabihin sa kaibigan na dahil iyon nakita siya ni Dexter habang kasama nito si Kallahan.“Kumain ka nala