Hi po. Maglalambing po ng comment and rate hehe
"Ano ba Kallahan! Nasisiraan ka na ba ng bait?" takot na takot ang ibang katulong na lumapit dahil iyon ang bumungad sa kanila pagkapasok pa lang ng dalawa sa pinto."Why are you with him? Hindi pa nga tayo nag-iisang buwan, niloloko mo na ako? Gagayahin mo siya na iiwan rin ako?" Natigilan si Mithi sa sinabi ni Kallahan. "Gayahin sino?" nanlalaki ang mata niya habang tinatanong iyon.Natigilan si Kallahan. Nabigla rin siya na nasabi niya iyon bigla. "Sinong ginagaya ko Kallahan?" ulit niya pero si Kallahan ay mukhang natauhan na at hindi na makapagsalita. Nag-iwas ito ng tingin habang sinusubukang pakalmahin ang sarili.Galit na galit siya dahil bumalik sa isipan niya na baka si Mikaela ay pareho lang sa dating babae na ginusto niya. Na baka iiwan rin siya nito sa huli. "Kallahan sino?" pag-uulit ni Mithi. Sobra siyang nagulat sa sinabi nito at hindi siya mapakali hangga't hindi niya malaman kung sino ang ibig nitong sabihin kanina.May iba pa ba maliban sa akin?Hindi ba ako ang
Hindi na napigilan ni Mithi si Angelica na umalis ng bahay. Naiwan siya kasama ni Shy at bigla siyang napaisip kung sinong ex ni Kallahan na nagbigay ng trauma dito.Hindi niya maiwasang mapaisip kung bakit ganoon ang reaction ni Kallahan kagabi. ‘Ano bang ginawa ng ex niya sa kaniya para maisip niya na gagawin ko rin yun sa kaniya?’Tumingin siya kay Shy. “Shy, pwede mo ba akong samahan mag-almusal?”“Kung iyon po ang gusto niyo Miss Mithi,” magalang na saad ni Shy sa kaniya.“Ahm.. Shy, matagal ka na bang nagtatrabaho kay Kallahan?”“Hindi pa po Miss Mithi.”Tumingin si Mithi sa plato niya. “Kilala mo ba ang ex niya?”“Hindi po Miss Mithi. Wala po akong alam sa nakaraan ni sir.”Tumahimik siya. ‘Nagsasabi kaya siya ng totoo?’ tanong niya sa isipan niya.“Sa tingin mo Shy, mabait na tao si Kallahan?”“Opo ma’am. Wala pa po akong nakikila na kasingbait ni sir.” Walang pagdadalawang isip na sagot ni Shy sa kaniya. Tumango siya at tumayo. Ni hindi niya nakain ang nasa mesa. “Pakilagay l
Lumipas ang isang gabi na hindi nakikita ni Mithi ang asawa. Medyo mabigat ang puso niya dahil gusto na niya itong kausapin pero hindi niya ito matawagan.Nakapatay ang phone ni Kallahan at iniisip nalang niya na busy ito sa trabaho kahit kalahati ng utak niya ay sinasabi na ayaw siya nitong kausapin.Itinuon na lang niya ang attention niya sa trabaho niya lalo’t paparating na ang food exhibit na dadaluhan niya. Pero bago lahat, pansin ng mga empleyado ang hindi pagpansin ni Dexter kay Mithi.Lalo na no’ng lumabas ito para pagsabihan si Mithi na namali siya sa pagrecord ng isang order from their customer.Kaya no’ng lunchtime, agad siyang napatanong kay Shamcey kung may nagawa ba siyang mali para ganoon siya pag initan ng ulo ng boss nilang si Dexter.“Shams, bakit parang galit si sir Dex sa akin?”Napabuntong hininga si Shamcey. May ideya na siya kung bakit, pero paano naman niya sasabihin sa kaibigan na dahil iyon nakita siya ni Dexter habang kasama nito si Kallahan.“Kumain ka nala
Pag-uwi ni Mithi sa bahay, agad siyang sinabihan ni Shy na nakauwi na si Kallahan. Excited siyang umakyat sa kwarto nito at naabutan nga niya si Kallahan na nagpapalit ng damit. Nagkatinginan sila at bigla siyang nahiya. Hindi niya alam kung hihintayin ba niya itong lumapit sa kaniya o siya ang lalapit dito. “Nakauwi ka na,” mahinang sabi niya. Just to stir some heavy air between them. Tumango lang si Kallahan at malamig na sinabing, “study room lang ako.” Umalis ito sa harapan ni Mithi na nagpabigla ng husto sa kaniya. Hindi niya aakalaing ganoon pa rin silang dalawa. She expected na kapag uuwi siya ay magiging maayos na sila. Masama ang loob niya no’ng kumain siya dahil hindi bumaba si Kallahan para sabayan siya at kahit no’ng pagtulog niya ay hindi ito tumabi sa kaniya. There’s a pain on her chest na pinilit niyang balewalain. Nakatulog na lang siya at nagising nang mapansin na parang may humahaIik sa ulo niya. Hindi niya minulat ang mata niya sa takot na aalis si Kallahan. Al
Weekends, paggising pa lang ni Mithi e agad na niyang kinausap si Shy na may gusto siyang ipabago sa design sa loob ng bahay.Wala naman siyang gagawin kaya pag-aaksayahan niya ng oras ang bahay nila ni Kallahan.It’s her dream too na kapag housewife na siya e gusto niya lahat ng mangyayari sa bahay ng asawa niya e siya ang nag-ayos.Kaya umaga pa lang e busy na ang mga katulong sa paglilinis sa buong bahay at kahit sa garden. Shy is also showing her about sa mga new furniture and chandelier na bibilhin niya.“Hindi kaya magagalit si Kallahan dito, Shy?” concern na tanong niya.“Hindi po Miss Mithi. Mas matutuwa pa po sir sa ginagawa ninyo.”Ngumiti siya at namili ng mga ipapadeliver niya sa bahay nila.“May pera ako sa bank account ko Shy. Magkano ang gagastusin lahat sa-"“Lahat po ng expenses Miss Mithi e covered po ni sir. May budget po siyang iniwan para sa inyo. Hangga’t wala po siya, binibigyan niya po kayo ng authority na gamitin ang lahat ng meron siya including his wealth an
“La! That was impulsive. You almost hurt Mikaela-"“Mikaela?” takang tanong ng lola niya. Hindi pa rin humuhupa ang galit nito.“Kallahan’s wife. She’s Mikaela.”Kumunot ang noo ng lola niya. “Paano siya naging si Mikaela? Nagpalit ba siya ng pangalan para maging malinis sa paningin natin? Kahit pa ilang pangalan ang ipalit niya, hindi ko siya matatanggap para kay Kallahan.”“That’s the point la! Kasi she’s not that girl you’re talking to. Ibang tao siya.”Napatigil si Donya Merita matapos niyang marinig ang sinabi ni Connor.“Paanong naging iba?”“Her name is Mikaela Thilany. At wala siyang kaalam-alam tungkol sa nakaraan ni Kallahan. Wala siyang kaidi-ideya sa sinasabi mo kanina. Hindi mo ba nakita ang reaction niya?”“Paano nangyaring magkaibang tao sila? That’s ridiculous Connor! They looked the same!”“It’s a long story, la. But let’s not indulge ourselves sa buhay ni Kallahan. Just be glad na hindi siya natuloy sa babaeng iyon. Sa babaeng kinaiinisan mo.”Hindi nagbago ang expre
Malakas na napabuntong hininga si Mithi nang maubos na niya lahat ng nasa box e wala pa ring bagay na nagpaalala sa kaniya kay Kallahan.Pagod na pagod na siya kaya humiga siya sa kama niya."Wala akong makita. Kung ganoon, hindi pa nga kami nagkita noon ni Kallahan." Aniya sa sarili niya.Bumukas ang pinto ng kwarto niya at nakita niyang sumilip ang papa niya. Nakita ni Michael na nagkalat ang mga gamit sa sahig, na tila ay dinaanan ng bagyo."Pa!" Napaupo si Mithi ng mapansin niya ito. “Pasensya na po kayo sa kwarto ko. Magulo.”"Pwede bang pumasok?""Opo." Aniya at umayos ng upo sa kama."Ano pa lang hinahanap mo? Baka e makatulong ako na makita yun."Umiling si Mithi sabay sabing, “hindi ko rin po alam anong hinahanap ko.” Nagtaka si Michael. “I see,” sabi niya kalaunan.Lumapit si Michael sa kaniya at kinuha ang litrato na nasa ibabaw ng mesa ni Mithi. Picture nilang tatlo ni Mithi kasama ng ina nito.“Gusto kong humingi ng tawad, Mikaela sa mga ginawa ko.” Saad niya sa anak. “I
Umuwi si Mithi mula sa kanila na parang may nawalang pader na nakadagan sa puso niya. Wala man siyang nakuhang clue na baka magkakilala sila ni Kallahan noon, e nawala naman ang tampo niya sa ama.Naiilang man, e alam niyang sa susunod na pagkikita nila ng papa niya, magaan ang loob niyang haharapin ito.After a week, gaganapin na ang food exhibit kaya busy na si Mithi sa paghahanda.Ilang beses na niya itong ginawa that’s why, it will be a piece of cake for her.“I’ll come with you, Mikaela.” Sabi ni Dexter na nagpahinto sa kaniya at kay Shamcey.“Oh. Okay po sir,” sabi niya kahit na nagulat dahil hindi naman sumasama ang boss nila kapag may ganitong event although nakamonitor ito sa kanila."We'll use our car." Sabi pa ni Dexter at kinuha ang mga sample na dadalhin ni Mithi sa mall.Nauna itong umalis kaya nagmamadali siyang kunin ang mga gamit niya sa mesa."Good luck," sabi ni Shamcey."Salamat, Shams." Sagot niya at nagmamadaling sumunod kay Dexter na palabas ng Si Corp."Sa hara