GORGEOUS MEN SERIES 39: Michael Villahermosa ~.~ Tinakwil siya ng kanyang ama dahil sa biglaang pagbubuntis. Kalaunan, iniwan naman siya ng kanyang kasintahan dahil sa maling akala. Naging mapagbiro man ang tadhana, hindi 'yon naging hadlang para buhayin ni Vesper ang anak niyang si Myla. Makalipas ang walong taon, nagpasya si Vesper na ipagpatuloy ang pag-aaral niya sa kolehiyo alang-alang sa future nilang mag-ina. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay muling nagkrus ang landas nila ni Mavi Villahermosa—ang ex-boyfriend niya na ngayo'y isa nang ganap na propesor sa paaralan! Naalarma si Vesper gayong maliit na ang mundong ginagalawan nila. Isa lang ang nakatatak sa isip niya noong mga oras na 'yon. Hindi niya hahayaang makita ni Mavi ang kanilang anak! Ngunit isang araw, natunton ng lalaki ang tinitirahan niya at nasurpresa siya sa kanyang naabutan... "Bakit mo yakap-yakap ang anak ko?!" *** Started: May 25, 2022 Finished: February 18, 2023
View MoreONE YEAR LATER(VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN)NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita.Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair.Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya."Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. Malaki
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago...MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kanilang kamag-anak na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon.Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper.They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin n
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni
ONE WEEK LATER...KATATAPOS lang mananghalian ni Vesper at ngayon ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Mavi. Magmula noong tumira siya rito ay nakahiligan niya ang pagbabasa. It's not like she can go outside and enjoy her time exploring all the tourist spots in Palawan. Hangga't mainit pa ang mga mata sa kanila ng kalaban, wala silang choice kundi magtago at magtiis.Mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ni Mavi. Dito na siya natutulog simula no'ng gabi na may nangyari sa kanila. That night was so memorable for her. Ngayon lang niya naranasan ang kakaibang sensasyon na dala ni Mavi, bagay na hindi niya inaasahang ibibigay nito. 'Di siya magsasawang tikman ang katawan nito at handa niyang ibigay ang sarili kay Mavi kahit saan, kahit kailan.Habang nasisiyahan sa binabasang libro, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone malapit sa kanyang hita. Nang i-angat niya ang comforter ay saka niya nalamang telepono pala ni Mavi iyon. Nasa banyo p
TULOY-TULOY ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ni Vesper habang nasa loob ng taxi cab. Wala siyang dala nang mga oras na iyon kundi ang natitira niyang pera sa pitaka at ang anghel sa kanyang sinapupunan. This is her fate. She must face the consequences of her decision for her child's sake."Ginusto mo 'to, 'di ba? Panindigan mo," sa isip-isip niya.Vesper knew something like this would happen. She was raised alone by her strict father, who's one of the world's successful businessmen. Umiiwas ito sa eskandalo na maaaring sumira sa pangalang Dominic Navarro. Kabilin-bilinan nito na hindi siya maaaring makipagrelasyon sa isang mahirap. Ang mabuntis pa kaya?Her boyfriend Mavi is a fourth year BSEd student, while Vesper is a 20-year-old sophomore under the same program. They've been together for eight months. Itinago nila ang kanilang relasyon sa takot kay Mr. Navarro na paglayuin sila. Magkaiba man ang kanilang social class, hindi 'yon naging hadlang para mahalin nila ang isa't isa....
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments