TULOY-TULOY ang pagragasa ng luha mula sa mga mata ni Vesper habang nasa loob ng taxi cab. Wala siyang dala nang mga oras na iyon kundi ang natitira niyang pera sa pitaka at ang anghel sa kanyang sinapupunan. This is her fate. She must face the consequences of her decision for her child's sake.
"Ginusto mo 'to, 'di ba? Panindigan mo," sa isip-isip niya.Vesper knew something like this would happen. She was raised alone by her strict father, who's one of the world's successful businessmen. Umiiwas ito sa eskandalo na maaaring sumira sa pangalang Dominic Navarro. Kabilin-bilinan nito na hindi siya maaaring makipagrelasyon sa isang mahirap. Ang mabuntis pa kaya?Her boyfriend Mavi is a fourth year BSEd student, while Vesper is a 20-year-old sophomore under the same program. They've been together for eight months. Itinago nila ang kanilang relasyon sa takot kay Mr. Navarro na paglayuin sila. Magkaiba man ang kanilang social class, hindi 'yon naging hadlang para mahalin nila ang isa't isa.Sa labis na pagmamahal niya sa binata, binigay ni Vesper lahat ultimo ang pagkababae niya. One night, she shamelessly lay in Mavi's bed, naked. Soon after, she finds out that she's already eight weeks pregnant.She's not only afraid to experience her father's wrath but also aware of what people would say. Marriage is the best way to save her family from controversies. However, Mr. Navarro is extremely self-conceited. Alam ni Vesper na hindi matatanggap ng kanyang ama si Mavi sa pamilya nila dahil sa estado ng pamumuhay nito.Mr. Navarro wants her baby out of the picture since he doesn't want a child carrying Mavi's blood—ang dugo ng hampaslupa na sumira sa mga plano niya para kay Vesper—so, he threatened his daughter to abort her child in exchange for keeping her luxury life. But Vesper didn't like the idea of abortion so she had no choice but to leave everything behind.Now, she's only counting on Mavi. Hindi pa niya nasasabi kay Mavi ang tungkol sa bata, but knowing him for being responsible guy, natitiyak niyang tatanggapin nito ang naging bunga ng kanilang kapusukan.Vesper gently wiped off her tears as she heaved a deep sigh. Ramdam ni Vesper ang pagkabog ng dibdib niya habang papalapit ang taxi sa gate ng Ibarra University campus. Saan nanggagaling ang kaba na ito? Sumilip siya sa bintana. Makikita ang mga estudyanteng naglalakad sa gilid ng kalsada suot ang itim na toga. Bakas sa mga ngiti nila ang tuwa hawak ang kani-kanilang mga diploma.Today is Mavi's graduation. Nangako si Vesper na pupunta siya sa pinakaespesyal na araw ni Mavi pero dahil sa naging pagtatalo nila ni Mr. Navarro ay hindi siya nakarating sa tinakdang oras."I hope he doesn't get mad," she thought worriedly about Mavi's reaction.Huminga ito nang malalim upang mabawasan ang nerbyos na patuloy na naglalaro sa sistema niya. "Manong, diyan lang po sa Ibarra," paalala niya sa driver saka itinuro ang mataas na gusali ng paaralan.Huminto ang taxi sa harap ng campus. Bastang humugot ng pera si Vesper sa wallet at ibinigay sa driver. Nagpasalamat siya bago bumaba ng taxi at hindi na hinintay pa ang sukli nito.A large number of people welcomed her as she takes a step inside. Iyon ay ang naglalabas-masok na estudyante't mga magulang na galing sa gymnasium kung saan ginanap ang graduation ceremony.Hindi na niya pinuntahan pa ang gym dahil alam niyang wala na siyang maaabutan doon. Sa halip, nagtungo siya sa 'Ibarra's Fountain of Love,' ang attraction na matatagpuan sa pinaka-sentro ng buong campus.This is the place where it all started. Ang lugar na nagsisilbi nilang tagpuan. Nagbabaka-sakali siya na masisilayan niya ang mukha ng lalaking handa niyang samahan sa hirap at ginhawa.Hindi naman siya nabigo dahil natanaw niya si Mavi sa harap ng fountain. He was standing there as if he's been waiting for someone else."Mavi!" tawag niya sa binata. The guy recognized her just by hearing her voice. Napatingin ito sa direksyon ni Vesper.Nagmamadaling naglakad ang dalaga palapit kay Mavi. "Vesper," he called back.The expression written on his face is quite different from what she was expecting. Tiim-bagang itong nakatingin kay Vesper. His eyes burned with hatred as the rage flowed through him like lava. Halos magsalubong na ang mga kilay nito sa sobrang pangungunot ng kanyang noo.Is he upset for coming late? Gayunpaman, hindi niya muna pinaglaanan ng pansin ang kilos ni Mavi. May kailangan pa siyang ipagtapat sa binata bago pa mahuli ang lahat."Sorry kung hindi ako nakarating agad. I left my house kasi hindi ako pumayag sa gusto ni Dad. Mavi-" he cuts her off before she finished her statement."Hindi mo man lang ako sinabihang nag-hotel ka pala noong March 20," he said coldly.Gumapang ang kaba sa dibdib niya nang tanungin siya ni Mavi tungkol do'n."W-What do you mean?" Iyon lang ang mga salitang lumabas sa bibig ni Vesper.Galit na tumingin si Mavi sa dalaga habang may hinuhugot ito sa bulsa ng kanyang pantalon. Basta niyang inihagis kay Vesper ang bagay na 'yon. She checked it on herself.Those are the photos taken in a hotel room. Makikita sa litrato na may katabi siyang estranghero habang magkayakap sila sa kama at ang mas kinagulat niya ay kapwa silang walang saplot sa katawan."Nakalimutan mo na 'ata ang panloloko mo kaya ayan, pinaalala ko," puno ng galit na wika ni Mavi.She tried to defend herself. "Mavi, w-wala akong alam tungkol dito-""Naku naman, Vesper! Ngayon mo pa ba bibilugin ang ulo ko? Ayan na nga ang proof id-deny mo pa? Huwag mong sabihing edited 'yan. Sa hitsura palang ng katawan mo sa litrato alam kong ikaw 'yan!"Umiiling-iling siyang nakatingin kay Vesper. "Ayos ka rin, 'no. Habang ako, halos mabaliw sa paghahabol ng requirements sa graduation, ikaw kumakandong sa hita ng ibang lalaki!"Labis na nadurog ang puso ni Vesper sa mga binatong akusasyon sa kanya ni Mavi na kung tutuusin, hindi niya alam kung paano nangyari. Vesper felt pressure in her studies and Mavi isn't there to help her relieve the stress. That's when she was invited to attend her classmate's birthday in a hotel owned by their parents.It's just a small celebration, though. Admittedly, she got drunked and lost control of herself. Vesper woke up alone the next morning like nothing happened kaya naman laking gulat niya sa mga pictures na pinresinta ni Mavi.Mariing hinawakan ni Vesper ang mga kamay ng binata. "Please, Mavi. Believe me! I have no memory of all these shits! I was fully clothed when I woke up and I didn't feel anything strange down my privates! Ni hindi ko nga kilala ang nasa picture na 'yan! " giit niya pa.Pagak na natawa ang nobyo. "Yeah? But the proof is stronger than your words. Malinaw na nagloko ka."Nag-uunahan nang bumaba ang mga luha ni Vesper. "Kilala mo ako, Mavi! Hindi ko magagawa 'yang binibintang mo! It's clearly fabricated!"Mavi just shook his head in disbelief. "Scholar lang ako sa paaralang ito pero hindi ako tanga. Alam ko ang totoo sa hindi. Ang tao kayang magsinungaling pero hindi ang ebidensya. Salamat na lang sa lahat at sana maging masaya kayo ng lalaki mo. Goodbye."As Mavi takes a step away from her, Vesper managed to grab his arm. "Come on baby, you can't leave me like this! Kailangan kita—kami ng magiging anak mo!"He turned back at her and asked, "Anong pinagsasabi mo?""I'm pregnant and it's yours. Umalis ako sa poder ni Daddy dahil gusto niyang ipalaglag ko ang bata pero hindi ako pumayag dahil gusto kong lumaki siya kasama ka, tayong dalawa! Mavi, ikaw na lang ang mayro'n ako! Huwag mo naman akong ganituhin! Nang dahil lang sa mga pekeng litratong 'yan, iiwan mo ako sa ere? Maawa ka naman sa 'kin!" pagsusumamo ni Vesper ngunit hindi 'yon tumalab kay Mavi."Buntis ka at ako ang ama? Huwag mo akong patawanin! Tignan mo ang date sa picture. March 20 nang makipag-siping ka sa iba. Iyon ay dalawang araw bago may nangyari sa atin! Sa tingin mo, maniniwala ako na akin 'yang bata? Gumagawa-gawa ka na lang ng kwento para hindi kita iwan."Buo na ang desisyon ko, Vesper. Inalok ako ng music career sa Amerika at nakatakda na akong umalis anumang araw mula ngayon. Iiwan ko na ang Pilipinas at kasama ka sa mga taong ibabaon ko sa limot. Mas gugustuhin ko pang mabuhay sa pera't kasikatan kaysa maniwala sa isang taksil na kagaya mo!""Unbelievable! Basta mo kaming ipagpapalit ng anak mo para sa music career mo just because you believe that I cheated on you? How could you do this to me? Hindi na ikaw 'yan!" Nanunuot ang hapdi sa puso ni Vesper nang sabihin niya 'yon pero balewala lang kay Mavi."Tigilan mo nga 'ko sa kadramahan mo at puwede ba, huwag mong matawag-tawag ang batang 'yan na akin? Hindi ko 'yan anak!"Pwersahang kumalas si Mavi kay Vesper at sa sobrang galit nito'y hindi niya sinasadyang maitulak ang dalaga sa fountain. Maswerteng nakakapit si Vesper at nasuportahan niya ang sarili sa muntikang pagkahulog sa tubig.Samantala, bahagyang nabigla si Mavi pero agad ding binura sa isip niya ang awa para sa kasintahan. Tumalikod na siya at dire-diretsong naglakad palabas ng school na parang walang nangyari.Lumikha ng kaunting komusyon ang ginawang 'yon ni Mavi. Lumapit ang isang babae kay Vesper at tinanong kung ayos lang siya. Nagpasalamat siya sa babae. Hindi na niya nagawa pang habulin si Mavi dahil sa kawalan ng pag-asang mahihilot pa ang kanilang relasyon.She cried in despair like the whole world is on her shoulders. Walang katumbas ang sakit na unti-unting dumudurog sa kanyang puso. Hindi niya inakala na bigla siyang iiwan sa ere ng taong mahal na mahal niya. Ngayon, wala nang makakapigil pa sa pagbagsak niya dahil wala na si Mavi para saluhin siya.Vesper lost everything in a glimpse of an eye because of one mistake—iyon ay ang mahulog siya sa lalaking magbibigay sa kanya ng sakit ng ulo at matinding sama ng loob.The fate of her child is now in her hands. Hindi man magiging madali kay Vesper na buhayin mag-isa ang anak niya, pipilitin niyang magpakatatag at lumaban upang maiparamdam niya sa bata ang pagmamahal na hindi kayang ibigay ni Mavi."Kung ayaw mong magpakaama sa bata, hindi na kita pipilitin pa pero huwag kang umasa na isang araw, makikita mo pa siya. Magmula sa araw na ito, wala ka nang kikilalaning anak, Mavi Villahermosa.""HANDA na ang hapunan, anak. Halika na," Vesper called the attention of her seven-year-old daughter who's been sitting on the old sofa while happily drawing on a piece of paper."Okay po!" the girl answered cheerfully as she dropped her crayons and walked closer to their small dining table where the food has been served."Wow, chicken adobo!" tuwang-tuwang sabi ng batang babae. Sabik itong naupo sa bakanteng monoblock chair katabi ang kanyang ina na katatapos lang magluto.Taimtim na nagdasal ang bata bago sumandok si Vesper ng kanin at ulam at dahan-dahang nilagyan ang kanilang mga plato."Pasensya na baby, ha. Ngayon lang nagluto si Mommy ng masarap na ulam. Kagabi ko lang kasi nakuha ang sahod ko, e. Hayaan mo sa susunod mas masarap pa sa adobo ang iluluto ko," ang pangako ni Vesper sa bata."Ayos lang po, Mommy. Hindi naman po ako maarte sa food. Basta po ikaw ang nagluto happy na po ako!" the little girl replied as she plastered a sweet smile on her face.Vesper was flattered by h
Las Vegas, NevadaWHEN people heard his name, the first thing that comes to their mind is the word 'marvelous.' Dubbed the 'Prince of Melody', Mavi Villahermosa is known as one of the most successful Filipino musicians today. Ang malambing at mala-anghel na boses ni Mavi ang talaga namang tumatak sa puso ng kanyang mga tagahanga. Mavi has a good heart for his fans, something people also liked about him.Nadiskubre siya ng Starfield Productions, ang record label na pagmamay-ari ng isang sikat na mang-aawit sa Amerika. Hindi nagkamali ng desisyon si Mavi na iwan ang Pilipinas dahil dito tuluyang nagbago ang buhay niya. Napagamot niya ang kanyang kapatid na may lymphoma at naitawid niya sa hirap ang kanyang ina na mag-isang bumubuhay sa kanilang magkapatid.Naging matagumpay ang mga unang taon ni Mavi at unti-unti rin siyang nakilala sa buong mundo. He was showered with fame and money. Nakabili siya ng maraming properties, mga mamahaling sasakyan at ito rin ang sumagot sa mga luho niya. H
THE ACCIDENT gave him a lot of pain in the ass. Sa kasamaang palad, nasawi ang driver niya sa aksidente at naging usap-usapan ang nangyaring trahedya na muntik na rin niyang ikamatay. Medyo minalas-malas pa siya dahil matagal siyang tumambay sa ospital bago pinalabas. Despite the incident happened, laking pasasalamat ni Mavi na hanggang ngayon ay humihinga pa siya.Naisip niya tuloy, ito na kaya ang karma ng ginawa niya kay Vesper at sa bata? Sinisingil na ba siya dahil sa pagiging iresponsable niya? Marahil senyales na rin ito na kailangan niyang lisanin ang Amerika at balikan ang mag-inang iniwan niya sa ere. Sa ngayon, hindi niya muna iisipin ang utang niya kay Bradford. Mas importante sa kanya ang bumawi kay Vesper at kilalanin siya bilang ama ng kanilang anak.Nang maasikaso ang mga papeles sa pag-uwi ay bumiyahe na si Mavi kasama si Luther, ang newly-hired bodyguard na isang half-Filipino. Mavi has two bodyguards, including the one who died in the accident. Ang isa naman ay si R
NAGING matagumpay ang pagpasok ni Mavi sa Ibarra College of Education (ICE) sa tulong ni Reign Ibarra. Nagmistulang intramural meet ang school sa dami ng estudyanteng sabik na makita ang kanilang idolo; subalit wala ni isa ang nagawang makalapit kay Mavi dahil napapalibutan siya ng dalawang bodyguards na sina Robert at Luther kasama ang ilan sa mga hired escort nito."MAVIII!" Tanging pagkaway, pagsulyap at pagsigaw lang ang nagawa ng mga estudyanteng humahanga sa taglay niyang galing at kaguwapuhan.Nais man niya kawayan ang mga kabataang ito, mas pinili na lang ni Mavi na pagtuunan ng pansin ang mas mahalagang bagay gaya ng pagtuturo sa eskwelahan ito. From now on, he no longer considers himself a pop icon, but a new professor on campus. He believes that one of these days, magsasawa rin sila sa pagmumukha niya at ituturing din siyang normal gaya ng iba.Isa-isang kinamayan ni Mavi ang piling faculty members at staff na sumalubong sa kanya bago siya inimbitahan ni Mr. Magdiwang, ang h
ANG SIMPLE at tahimik na buhay ni Vesper ay biglang nagulo sa pagdating ng bagong propesor ng ICE, ang lalaking kulang na lang ay hilingin niyang huwag nang magpakita pa."Vesper?" he called her.Kusang nanigas na parang yelo ang katawan ni Vesper nang maka-face-to-face niya si Mavi makalipas ang walong taon na pananatili nito sa Amerika. Ang buong akala niya pa naman, tuluyan nang magtatago ang taong 'to mula sa publiko matapos ang kinaharap na controversies.It was surprising to find out that Mavi, who is her ex-boyfriend and Myla's father arrived at the same school where she's gonna spend four miserable years as a college student—well, even more miserable than she ever thought. Ang hindi niya lubos na maintindihan, bakit dinami-rami ng lugar sa campus ay sa harap pa mismo ng Ibarra's Fountain of Love pa sila nagkita? Ito lang naman kasi ang naging saksi sa masalimuot nilang hiwalayan noon!Pinaglalaruan na naman ba siya ng tadhana?"No, hindi maaari," ani Vesper sa sarili habang na
LIGLIG at nag-uumapaw ang galit na nararamdaman ni Vesper sa mga oras na kasama niya si Mavi sa apat na sulok ng opisina nito. She felt insulted by this man who disappeared for a long time, then suddenly appeared and gave her a glass of wine after all she had been through without this jerk!This is unacceptable! Walang inumin o kahit anong materyal na bagay ang makakapagpalambot ng kanyang puso!"How dare you toy with me? Sa tingin mo madadaan mo ako sa alak?" tumawa ito nang mapakla. "Ang galing mo rin, 'no? Saan ka humuhugot ng kapal ng mukha para harapin ako matapos mo akong talikuran? Inuusig ka na ba ng konsiyensya mo, hmm?"Ipinatong muna ni Mavi ang hawak na kopita sa mesa sunod na pinunasan ang tumalsik na wine sa kanyang mukha gamit ang mahabang manggas ng suot niyang dress shirt.Naging kalmado lang si Mavi sa kabila ng uncontrollable behavior ni Vesper. "Mr. Magdiwang—the department head once told me that every room in this school is soundproof so I'm permitting you to screa
KUNG may isang bagay mang ipinagpapasalamat si Mavi, iyon ay ang niyaya niyang mag-unwind sina Robert at Luther sa bar na pinagtatrabahuhan ni Vesper. Paano na lang kung hindi siya dumating? Baka kung ano nang nangyari sa babaeng ito. Isang malaking insulto sa pagkatao niya ang hayaang magalaw si Vesper ng ibang lalaki!"Oh, Vee..." Bahagyang nagulat pa siya sa biglang pagbagsak ni Vesper. Mabuti na lang ay nasalo niya ito bago natumba sa semento.Sinenyasan niya si Luther at kaagad namang lumapit ang isa sa dalawang bodyguards nito. "Luther, talk to her boss. Pakisabing hindi na babalik si Vesper sa bar na ito," walang pagdadalawang-isip na utos ni Mavi."Sigurado ba kayo?" Luther asked, doubtful."Do you think I'm some kind of impulsive? C'mon, Luther. That's an order coming from me. Unless you wanna quit this job, then it's alright to question me. You don't wanna get fired, do you?"Tumama ang disco light sa direksyon ni Mavi at nasilayan ni Luther ang matalim na tingin sa kanya ng
ANG BUONG akala ni Vesper ay nananaginip lang siya kagabi na kasama niya si Mavi at magdamag siyang inalagaan nito, subalit animo'y sinampal siya ng katotohanan sa naabutan niyang eksena paglabas niya ng kwarto.She wasn't hallucinating, she saw with her own eyes how Mavi and her daughter finally reunited for the first time in eight years! Ang kinatatakutan niyang event ay dumating na. Tuluyan nang nanghimasok ang lalaking ito sa buhay nilang mag-ina at wala nang makakapigil pa!Vesper rushed in their direction as she pulled her daughter away from him. "Hindi kita binibigyan ng authority na hawakan mo ang anak ko. Umalis ka na," may diing sabi ni Vesper kay Mavi."Mommy, bakit niyo po pinapaalis si Mister Mavi? Wala naman po siyang ginagawang masama, ah," ani Myla nang may pagtataka.Pinili ni Vesper na huwag sagutin ang tanong ng bata. Hindi niya hahayaang magtagal pa si Mavi at magkaroon pa ng interaction sa anak niya! "Myla, maligo ka na. May pasok ka pa, 'di ba? Male-late ka na sa
ONE YEAR LATER(VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN)NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita.Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair.Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya."Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. Malaki
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago...MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kanilang kamag-anak na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon.Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper.They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin n
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni
ONE WEEK LATER...KATATAPOS lang mananghalian ni Vesper at ngayon ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Mavi. Magmula noong tumira siya rito ay nakahiligan niya ang pagbabasa. It's not like she can go outside and enjoy her time exploring all the tourist spots in Palawan. Hangga't mainit pa ang mga mata sa kanila ng kalaban, wala silang choice kundi magtago at magtiis.Mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ni Mavi. Dito na siya natutulog simula no'ng gabi na may nangyari sa kanila. That night was so memorable for her. Ngayon lang niya naranasan ang kakaibang sensasyon na dala ni Mavi, bagay na hindi niya inaasahang ibibigay nito. 'Di siya magsasawang tikman ang katawan nito at handa niyang ibigay ang sarili kay Mavi kahit saan, kahit kailan.Habang nasisiyahan sa binabasang libro, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone malapit sa kanyang hita. Nang i-angat niya ang comforter ay saka niya nalamang telepono pala ni Mavi iyon. Nasa banyo p