THE ACCIDENT gave him a lot of pain in the ass. Sa kasamaang palad, nasawi ang driver niya sa aksidente at naging usap-usapan ang nangyaring trahedya na muntik na rin niyang ikamatay. Medyo minalas-malas pa siya dahil matagal siyang tumambay sa ospital bago pinalabas. Despite the incident happened, laking pasasalamat ni Mavi na hanggang ngayon ay humihinga pa siya.
Naisip niya tuloy, ito na kaya ang karma ng ginawa niya kay Vesper at sa bata? Sinisingil na ba siya dahil sa pagiging iresponsable niya? Marahil senyales na rin ito na kailangan niyang lisanin ang Amerika at balikan ang mag-inang iniwan niya sa ere. Sa ngayon, hindi niya muna iisipin ang utang niya kay Bradford. Mas importante sa kanya ang bumawi kay Vesper at kilalanin siya bilang ama ng kanilang anak.Nang maasikaso ang mga papeles sa pag-uwi ay bumiyahe na si Mavi kasama si Luther, ang newly-hired bodyguard na isang half-Filipino. Mavi has two bodyguards, including the one who died in the accident.Ang isa naman ay si Robert Davis na may lahing Pinoy din at marunong mag-Tagalog. Naka-leave siya noong maaksidente si Mavi kaya wala ito sa tabi niya. He paid a visit to his family in the Philippines for several weeks. Sinamantala ni Mavi ang pagkakataong utusan si Robert na obserbahan ang buhay ni Vesper habang ito'y nasa Pilipinas pa. Inaasahan nito ang report na matatanggap niya kay Robert tungkol sa mag-ina. That way, mapapagplanuhan niya kung paano ia-approach ang mga ito.Isang oras pa lang mula nang lumipad ang private jet na hiniram niya kay Michael. Mavi spent his time watching the clouds from the cabin window. Mahaba-haba ang oras ng biyahe ni Mavi bago marating ang Pilipinas pero okupado na ng isip niya ang babaeng gustong-gusto nang masilayan ng kanyang mga mata.Sandali nitong inalis ang tingin sa magandang tanawin ng kalangitan at nilabas ang pitaka sa kanyang bulsa. He carefully flipped it, then he stare at the photograph of the gorgeous woman who captured his heart from day one."Vesper, I can't wait to see your face in person. Hindi na rin ako makapaghintay na makaharap ang bata. Pinapangako ko sa 'yo, babawi ako sa inyong mag-ina. Ibibigay ko ang lahat ng makakaya ko, maiparamdam ko lang sa 'yo kung gaano ko kayo kamahal. At sa pagbalik ko ng Vegas, baon ko ang litrato nating tatlo na isisilid ko sa pitakang ito," ang nasa isip ni Mavi habang pinag-aaralan ang bawat anggulo ng mukha ni Vesper sa picture.Tunay nga namang nakabibighani ang kagandahan ni Vesper. Taglay niya ang mukha na hugis puso, balingkinitang katawan at maputing kutis na pinapangarap ng kahit sinong babae. Mayroon din itong maitim at maalon-alon na buhok, matangos na ilong, mapupungay na mga mata, flat eyebrows at perpektong hugis ng labi na kaakit-akit sa paningin.Matagal na ang larawang ito ngunit hindi siya nagsasawang titigan si Vesper. Sana hindi pa huli ang lahat para sa kanila. Umaasa siyang magkakaroon uli ng puwang sa puso ni Vesper ang isang katulad niya at balang araw ay manunumbalik din ang pagmamahal na tinutulan ng panahon...__LUMAPAG ang private jet sa runway ng paliparan sa Maynila pasadong alas-tres ng madaling araw. Paglabas pa lang ni Mavi ng eroplano ay agaw-pansin na ang red carpet na nakalatag sa kanyang daraanan. Sinalubong din siya ng media na magdamag na naghintay sa pagdating ng nag-iisang 'Prince of Melody.'Pinaunlakan ni Mavi ang imbitasyon ng media na magpa-interview upang ipaalam sa lahat na handa na siyang mamuhay nang normal sa Pilipinas. Iyon ang ginamit niyang dahilan para pagtakpan ang totoong pakay niya sa pagbabalik-bansa. Hindi magiging madali ang hakbang na ito dahil sa oras na may makaalam ng ugnayan niya kay Vesper at sa bata ay tiyak magugulo ang buhay ng dalawa. Kasama sa kanyang layunin ang protektahan sila laban sa banta ng mga taong nasa paligid niya.Mabuti nga't hindi kumalat sa publiko ang breakup scene nila ni Vesper eight years ago. Salamat sa impluwensya ni Michael at nagawa nitong pigilan ang pag-leak ng kanilang sikreto bilang proteksyon at paggalang niya sa privacy ni Vesper kahit matagal na silang hiwalay.The interview lasted five minutes before he was taken to his car where Robert is waiting for him. Naunang sumakay si Mavi sa likod habang si Luther ay umupo sa harap katabi si Robert na siyang nagmamaneho ng service car. They are heading to his condo in Ermita where he will stay for some time.Samantala, hindi niya hinayaang lamunin sila ng katahimikan sa gitna ng biyahe at agad niyang hiningan ng update si Robert tungkol kay Vesper."Anong balita, Robert?" usisa ni Mavi sa tapat niyang bodyguard."Sir, maayos naman po ang kalagayan ng mag-ina. Nabalitaan ko rin na nag-enroll si Miss Vesper sa ICE," he said while his eyes were on the road.Napabulong ang lalaki sa sinabi ni Robert. "Nag-aral siya uli...""Yes, Sir," sang-ayon nito. "Isa siya sa naging scholar ni Congressman Cortez. Anong pong plano niyo?"Napahawak si Mavi sa baba at sandaling napaisip. He must come up with something to get in touch with her easily. It won't be convenient for him to knock on her door and say sorry. Siguradong ipagtutulakan lang siya nito or worst, baka mapilitan pa silang lumipat ng tirahan at ayaw niyang mangyari 'yon...After nearly sixty seconds of trying to come up with a solution, a sudden light bulb goes off in his head."Gusto kong pumasok sa ICE," walang pagdadalawang-isip na pasya ni Mavi.Dito na sumingit sa usapan ang kanina'y tahimik na si Luther. "Mag-aaral ka, boss?""Hindi. Magtuturo ako," sagot niya. Nabaling ang atensyon ni Mavi sa madilim na kalsada habang pinagmamasdan ang sariling repleksyon sa bintana. "I brought my papers and all the necessary documents needed for a teaching job just in case of emergencies. Magagawa'n niyo ba ng paraan na i-process ang pag-apply ko as soon as possible?""Of course, Sir. But as far as I'm concerned, si Sir Bradford po ay-" Hindi pa man tapos magsalita si Robert ay pinutol na ni Mavi ang kanyang sinasabi.Mavi snorted as he looked away from the window. "Si Bradford, anak lang ng may-ari 'yan pero hindi siya ang beneficial owner. Wala akong pakialam sa taong 'yon."How could he forget? Isa si Bradford sa dalawang anak ni Mr. Peter Ibarra na may-ari ng Ibarra University at ICE! Knowing na matindi ang hidwaan nila sa isa't isa, may posibilidad na hindi siya tanggapin sa paaralang iyon bilang guro. Ngunit kampante si Mavi na makukuha niya ang gusto dahil mayro'n siyang hawak na alas at 'yon ang gagamitin niya para isakatuparan ang kanyang mga plano.Tinuloy niya ang pagsasalita, "Kausapin mo 'yong tatay. Siya ang tamang tao na puwede mong lapitan. Kapag hindi nadaan sa maayos na usapan, ipaalam mo sa anak na babae.""You mean..."Mavi grabbed his bag and took one of his fan mail. He pinned it between his fingertips."Reign Alexis Ibarra. Heiress of Ibarra College of Education and Bradford's half-sister. She's one of my fans," aniya. "I know she's been dying to meet me. There's no damn way that she couldn't beg her father to let me in."Heaven knows how Mavi adores his fans as much as they love him. Labag man sa kaloobang gamitin si Reign para sa sariling kagustuhan ay wala siyang magagawa. For Vesper and their child, he will do everything to win back his family."As you wish, Mister Villahermosa," Robert responded in agreement. Tahimik nang sumandal sa backrest si Mavi at pumikit."Malapit na tayong magkita, Vee. I swear, you'll never be alone..." he thought.NAGING matagumpay ang pagpasok ni Mavi sa Ibarra College of Education (ICE) sa tulong ni Reign Ibarra. Nagmistulang intramural meet ang school sa dami ng estudyanteng sabik na makita ang kanilang idolo; subalit wala ni isa ang nagawang makalapit kay Mavi dahil napapalibutan siya ng dalawang bodyguards na sina Robert at Luther kasama ang ilan sa mga hired escort nito."MAVIII!" Tanging pagkaway, pagsulyap at pagsigaw lang ang nagawa ng mga estudyanteng humahanga sa taglay niyang galing at kaguwapuhan.Nais man niya kawayan ang mga kabataang ito, mas pinili na lang ni Mavi na pagtuunan ng pansin ang mas mahalagang bagay gaya ng pagtuturo sa eskwelahan ito. From now on, he no longer considers himself a pop icon, but a new professor on campus. He believes that one of these days, magsasawa rin sila sa pagmumukha niya at ituturing din siyang normal gaya ng iba.Isa-isang kinamayan ni Mavi ang piling faculty members at staff na sumalubong sa kanya bago siya inimbitahan ni Mr. Magdiwang, ang h
ANG SIMPLE at tahimik na buhay ni Vesper ay biglang nagulo sa pagdating ng bagong propesor ng ICE, ang lalaking kulang na lang ay hilingin niyang huwag nang magpakita pa."Vesper?" he called her.Kusang nanigas na parang yelo ang katawan ni Vesper nang maka-face-to-face niya si Mavi makalipas ang walong taon na pananatili nito sa Amerika. Ang buong akala niya pa naman, tuluyan nang magtatago ang taong 'to mula sa publiko matapos ang kinaharap na controversies.It was surprising to find out that Mavi, who is her ex-boyfriend and Myla's father arrived at the same school where she's gonna spend four miserable years as a college student—well, even more miserable than she ever thought. Ang hindi niya lubos na maintindihan, bakit dinami-rami ng lugar sa campus ay sa harap pa mismo ng Ibarra's Fountain of Love pa sila nagkita? Ito lang naman kasi ang naging saksi sa masalimuot nilang hiwalayan noon!Pinaglalaruan na naman ba siya ng tadhana?"No, hindi maaari," ani Vesper sa sarili habang na
LIGLIG at nag-uumapaw ang galit na nararamdaman ni Vesper sa mga oras na kasama niya si Mavi sa apat na sulok ng opisina nito. She felt insulted by this man who disappeared for a long time, then suddenly appeared and gave her a glass of wine after all she had been through without this jerk!This is unacceptable! Walang inumin o kahit anong materyal na bagay ang makakapagpalambot ng kanyang puso!"How dare you toy with me? Sa tingin mo madadaan mo ako sa alak?" tumawa ito nang mapakla. "Ang galing mo rin, 'no? Saan ka humuhugot ng kapal ng mukha para harapin ako matapos mo akong talikuran? Inuusig ka na ba ng konsiyensya mo, hmm?"Ipinatong muna ni Mavi ang hawak na kopita sa mesa sunod na pinunasan ang tumalsik na wine sa kanyang mukha gamit ang mahabang manggas ng suot niyang dress shirt.Naging kalmado lang si Mavi sa kabila ng uncontrollable behavior ni Vesper. "Mr. Magdiwang—the department head once told me that every room in this school is soundproof so I'm permitting you to screa
KUNG may isang bagay mang ipinagpapasalamat si Mavi, iyon ay ang niyaya niyang mag-unwind sina Robert at Luther sa bar na pinagtatrabahuhan ni Vesper. Paano na lang kung hindi siya dumating? Baka kung ano nang nangyari sa babaeng ito. Isang malaking insulto sa pagkatao niya ang hayaang magalaw si Vesper ng ibang lalaki!"Oh, Vee..." Bahagyang nagulat pa siya sa biglang pagbagsak ni Vesper. Mabuti na lang ay nasalo niya ito bago natumba sa semento.Sinenyasan niya si Luther at kaagad namang lumapit ang isa sa dalawang bodyguards nito. "Luther, talk to her boss. Pakisabing hindi na babalik si Vesper sa bar na ito," walang pagdadalawang-isip na utos ni Mavi."Sigurado ba kayo?" Luther asked, doubtful."Do you think I'm some kind of impulsive? C'mon, Luther. That's an order coming from me. Unless you wanna quit this job, then it's alright to question me. You don't wanna get fired, do you?"Tumama ang disco light sa direksyon ni Mavi at nasilayan ni Luther ang matalim na tingin sa kanya ng
ANG BUONG akala ni Vesper ay nananaginip lang siya kagabi na kasama niya si Mavi at magdamag siyang inalagaan nito, subalit animo'y sinampal siya ng katotohanan sa naabutan niyang eksena paglabas niya ng kwarto.She wasn't hallucinating, she saw with her own eyes how Mavi and her daughter finally reunited for the first time in eight years! Ang kinatatakutan niyang event ay dumating na. Tuluyan nang nanghimasok ang lalaking ito sa buhay nilang mag-ina at wala nang makakapigil pa!Vesper rushed in their direction as she pulled her daughter away from him. "Hindi kita binibigyan ng authority na hawakan mo ang anak ko. Umalis ka na," may diing sabi ni Vesper kay Mavi."Mommy, bakit niyo po pinapaalis si Mister Mavi? Wala naman po siyang ginagawang masama, ah," ani Myla nang may pagtataka.Pinili ni Vesper na huwag sagutin ang tanong ng bata. Hindi niya hahayaang magtagal pa si Mavi at magkaroon pa ng interaction sa anak niya! "Myla, maligo ka na. May pasok ka pa, 'di ba? Male-late ka na sa
AFTER two days of strict bed rest, Vesper finally gets back on her feet and she's now able to attend her classes like she used to. Wala namang nagbago sa nakalipas na ilang araw, maliban sa nangyaring kasunduan sa pagitan nila ni Mavi. Kung noon, kay Mavi niya itinatago ang bata, from this day, Myla will be hidden from the public eye for her protection. Ayaw niya ma-expose si Myla sa magulong mundo na ginagalawan ni Mavi at sa tsismis na meron siyang anak sa kanyang guro dahil sa huli, si Myla ang apektado.Ang tanging hiling lang niya, huwag na huwag itong gagawa na ikasisira sa tiwala niya—mga bagay na magdadala ng gulo sa sitwasyong kinasasadlakan nila ngayon.Kalmadong naglalakad si Vesper sa hallway ng science building, twenty minutes bago ang first period niya ngayong araw. Kaka-chat lang ni Nelma at hinihintay na siya sa classroom. Hindi na sila nagkasabay pang pumasok dahil hinatid niya pa si Myla sa school bago siya dumiretso ng ICE. Ayos lang naman 'yon, ang mahalaga'y hindi
More than eight years ago...Ibarra UniversityVESPER could barely contain her excitement as she takes a step into the College of Business and Accountancy building where her boyfriend used to attend his classes. Walang ideya si Bradford na darating siya. Nagkunwari siyang may trangkaso kaya ang alam nito ay hindi siya pumasok ngayong araw.Plano niyang i-surprise ang binata dala ang mamahaling panyo na regalo niya sa kanilang sixth monthsary. Kung dati, siya ang madalas bigyan ng presents noong mga unang buwan nila bilang magkarelasyon, oras naman para siya ang bumawi kay Bradford.Dahan-dahan ang naging lakad niya habang papalapit siya sa classroom ni Bradford. Vesper jumped out of her skin as she stared through the door window, revealing that her man is having private time with someone else!When she tried to open the door, it was locked from the inside. So, she then immediately glanced out, ran away from the scene, and asked the utility officer to get the keys for her. Nanginginig a
(Continuation of the flashback chapter from eight years ago)MAKALIPAS ang dalawang araw, gaya ng napagkasunduan ay tumulak ang magkasintahan sa tinitiraang bahay ni Mavi sa Tondo upang bisitahin ang kanyang ina't kapatid.Nakasakay sila sa tricycle ngayon at malapit na sila sa kanilang destinasyon. Hindi maipinta ang kaba at excitement ni Vesper dahil sa wakas ay makikilala na rin niya ang pamilya ng lalaking pinakamamahal niya. Ano kayang buhay meron ang mga ito? Mababait kaya sila? Matanggap kaya siya ng mga ito?"Ayos ka lang, mahal?" tanong ni Mavi nang mapansin nito ang magkahalong emosyon na nararamdaman ni Vesper."O-Oo, baby. Medyo nine-nerbyos lang," tugon ni Vesper.Mavi curled his arm around her shoulder. "Huwag kang kabahan. Mababait sila lalo na ang kakambal kong si Michael. Siguradong magugustuhan ka nila.""Talaga?""Syempre," paniniguro ni Mavi. Pumara na sila sa tabi at bumaba matapos ibigay ang kanilang bayad.Palinga-linga sa paligid si Vesper. Kakaiba ang lugar na
ONE YEAR LATER(VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN)NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita.Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair.Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya."Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. Malaki
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago...MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kanilang kamag-anak na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon.Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper.They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin n
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni
ONE WEEK LATER...KATATAPOS lang mananghalian ni Vesper at ngayon ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Mavi. Magmula noong tumira siya rito ay nakahiligan niya ang pagbabasa. It's not like she can go outside and enjoy her time exploring all the tourist spots in Palawan. Hangga't mainit pa ang mga mata sa kanila ng kalaban, wala silang choice kundi magtago at magtiis.Mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ni Mavi. Dito na siya natutulog simula no'ng gabi na may nangyari sa kanila. That night was so memorable for her. Ngayon lang niya naranasan ang kakaibang sensasyon na dala ni Mavi, bagay na hindi niya inaasahang ibibigay nito. 'Di siya magsasawang tikman ang katawan nito at handa niyang ibigay ang sarili kay Mavi kahit saan, kahit kailan.Habang nasisiyahan sa binabasang libro, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone malapit sa kanyang hita. Nang i-angat niya ang comforter ay saka niya nalamang telepono pala ni Mavi iyon. Nasa banyo p