More than eight years ago...Ibarra UniversityVESPER could barely contain her excitement as she takes a step into the College of Business and Accountancy building where her boyfriend used to attend his classes. Walang ideya si Bradford na darating siya. Nagkunwari siyang may trangkaso kaya ang alam nito ay hindi siya pumasok ngayong araw.Plano niyang i-surprise ang binata dala ang mamahaling panyo na regalo niya sa kanilang sixth monthsary. Kung dati, siya ang madalas bigyan ng presents noong mga unang buwan nila bilang magkarelasyon, oras naman para siya ang bumawi kay Bradford.Dahan-dahan ang naging lakad niya habang papalapit siya sa classroom ni Bradford. Vesper jumped out of her skin as she stared through the door window, revealing that her man is having private time with someone else!When she tried to open the door, it was locked from the inside. So, she then immediately glanced out, ran away from the scene, and asked the utility officer to get the keys for her. Nanginginig a
(Continuation of the flashback chapter from eight years ago)MAKALIPAS ang dalawang araw, gaya ng napagkasunduan ay tumulak ang magkasintahan sa tinitiraang bahay ni Mavi sa Tondo upang bisitahin ang kanyang ina't kapatid.Nakasakay sila sa tricycle ngayon at malapit na sila sa kanilang destinasyon. Hindi maipinta ang kaba at excitement ni Vesper dahil sa wakas ay makikilala na rin niya ang pamilya ng lalaking pinakamamahal niya. Ano kayang buhay meron ang mga ito? Mababait kaya sila? Matanggap kaya siya ng mga ito?"Ayos ka lang, mahal?" tanong ni Mavi nang mapansin nito ang magkahalong emosyon na nararamdaman ni Vesper."O-Oo, baby. Medyo nine-nerbyos lang," tugon ni Vesper.Mavi curled his arm around her shoulder. "Huwag kang kabahan. Mababait sila lalo na ang kakambal kong si Michael. Siguradong magugustuhan ka nila.""Talaga?""Syempre," paniniguro ni Mavi. Pumara na sila sa tabi at bumaba matapos ibigay ang kanilang bayad.Palinga-linga sa paligid si Vesper. Kakaiba ang lugar na
Present time"HINDING-HINDI kita iiwan, Vesper."Nanunuot sa isipan at alaala ni Vesper ang binitawang mga salita ni Mavi walong taon ang nakakaraan. Matagal na 'yon ngunit sariwa pa rin ang sugat na natamo niya gawa ng pang-iiwan nito sa kanya noon—mahapdi, makirot.Umasa siya na hindi babaliin ni Mavi ang sinumpaan niyang pangako. However, he ended up abandoning her. Inako niya ang pagiging nanay at tatay kay Myla at mag-isa niyang ginapang ang bata mapalaki niya lang ito nang maayos.Mavi returned to their lives as her professor and offered financial support to them in exchange for losing her part-time job. Maituturing mang second chance ang binigay niya kay Mavi ay hindi nangangahulugang okay na sila. Hindi basta-bastang mabubura ng sorry niya ang sakit na dinulot nito sa kanilang mag-iina!"Miss Navarro, are you still with us?" a familiar voice startled her. It completely slipped into her mind that she was currently in his class and she was thinking about him since this morning!N
THE CAR stopped at the gate premises of Regina Moreno Elementary School. Upang maiwasan na kuyugin siya sa labas at para na rin sa safety ng bata, nakiusap si Mavi kay Robert na bumaba para sunduin si Myla.It won't be hard for Robert to search for his boss' daughter because she was already spotted behind the gate, waiting for her mom. Nakilala siya ng bata dahil noong minsang natulog si Mavi sa apartment nila Vesper ay si Robert ang sumundo sa kanyang amo.Nang maipaliwanag ang sitwasyon ay sumama naman sa kanya ang bata at isinakay ito sa service car."Hi, Mister Mavi!" tuwang-tuwang reaksyon ni Myla pagkakita niya kay Mavi sa backseat. Naupo ito sa tabi ang lalaki. The four left swiftly as Robert drove off from school."Hello, Myla. How's your day?" pangangamusta nito sa bata."Okay lang po. Sabi po pala sa 'kin ni Mister Robert, hindi raw po makakarating si Mommy. Bakit po? Ano pong nangyari sa kanya?""Your mom's stuck up in a meeting at school. She wasn't able to come so she aske
LUNES ng umaga. Nagmamadaling umalis ng apartment ang mag-ina para ihatid si Myla sa eskwelahan. Medyo may kalayuan pa naman 'yon mula sa kanilang tinitirahan at meron na lamang silang sampung minuto para humabol sa flag ceremony.Kinawayan ni Vesper ang paparating na jeep sa labas ng apartment building kung saan sila naghihintay ng masasakyan. "Manong, sasakay kami!" sigaw niya.Tumigil ang jeep sa harap nila at sumakay na sila. Habang nasa sasakyan ay nakaramdam si Vesper ng pagkabalisa. It seems like she forgot something but she can't remember what it is."'Ayos lang po kayo, Mommy?" ani Myla na nasa tabi niya.Unti-unting nanlaki ang mga mata ni Vesper nang ma-recall niya kung ano ang bagay na iyon. Nakaligtaan lang naman niyang dalhin ang 1/8 illustration board na ipapasa niya sana ngayong umaga! Nasapo niya tuloy ang noo sobrang inis at pagkadismaya."May nakalimutan ako anak pero 'di bale, babalikan na lang ni Mommy pag-uwi," sagot niya rito.Tahimik ang dalawa hanggang sa makar
GULAT, nerbyos at pagtataka ang namamayani kay Vesper dahil sa biglaang pagsulpot ni Reign sa eksena. Palaisipan sa kanya kung anong dahilan at nagawa nitong ilaglag siya sa isang patibong? Tungkol na naman ba ito sa napag-awayan nila noong araw na nagkabanggaan sila sa hallway ng science building?Reign shuts the door quickly before anyone could see them. She raised an eyebrow and grinned wickedly. "Surprised?"Mabagal ang naging paghakbang ni Reign palapit kay Vesper. Maririnig ang tunog ng kanyang stilletos na dumagdag sa tensyon at kaba ni Vesper to the point na nabitawan niya ang kanyang mga gamit pati na ang gift box na galing kay Mavi."How foolish. Naniwala ka talagang pupunta ang matandang 'yon dito para lang makipagkita sa 'yo?" she threw an insult while laughing at Vesper who starts to feel upset. "Even I, myself, couldn't stand being in this stuffy place if it wasn't for the surprising fact I discovered about you. I'm still thankful though, dahil kung hindi ko nalaman ang s
"GOOD evening po. Ano pong kailangan niyo?" bungad na tanong ni Myla sa babaeng nasa pintuan."Andiyan ba ang Mommy mo?" Agad nabosesan ni Vesper ang taong kausap ni Myla sa pinto. Lumingon siya at nakumpirma kung sino iyon.Umalis muna si Vesper sa pagkakaupo sa sahig upang harapin ang kaibigan. "Oh, Nelma. Napadaan ka. Halika, pasok ka muna."Kanyang inimbita si Nelma sa loob para makapag-usap sila nang maayos. Dito, naabutan ni Nelma ang gown na halos mapagkamalan niyang basahan dahil sa hitsura nito."Hala ka! Bakit ganito ang nangyari sa gown mo?" gulat na gulat na sambit ni Nelma hawak ang gown.Binaling niya pansamantala ang atensyon kay Myla. "Anak, pasok ka muna sa kwarto. May pag-uusapan lang kami ng Ate Nelma mo.""Okay po," sagot ni Myla sa kanyang ina. "Nice to meet you po pala, Ate." Myla bowed her head as a sign of respect. Nahihiyang ngumiti si Nelma bilang pagtugon.Nang sila na lang ang maiwan sa salas ay muling itinuloy ni Vesper ang kanilang pinag-uusapan."Tungkol
PAKIRAMDAM ni Vesper ay hinahabol siya ng sampung kabayo sa lakas ng kabog ng dibdib niya gawa ng mga matang nakapukol sa kanya. All this time, she thought that people would laugh at her but what happened is the opposite of what she expected.They were looking at her with admiration for being so attractive. Who would have thought that a mom like her would look gorgeously younger than everyone else? And what's even more surprising? Hindi lang ang mga kaklase, schoolmates at teacher niya na nasa venue ang napanganga sa kanyang ganda."Mavi..." Vesper mumbled his name when she caught him staring at her. Animo'y tumigil saglit ang oras nang magkatitigan sila.Manghang-mangha siya sa kakisigan ng lalaki. Bagay na bagay ang suot nitong leather shoes, itim na slacks at dark coat na pinailaliman ng puting polo. Also, there are diamonds attached around his collar like a tie that sparkles from its facets. He looks so expensive like a precious gemstone that she can't afford, unfortunately.Bago
ONE YEAR LATER(VILLAHERMOSA REST HOUSE IN PALAWAN)NAPUNO ng tawanan ang living room habang masayang naku-kuwentuhan ang magkakaibigang sina Vesper, Jasmen at Nelma. Dumating sila kagabi sa Palawan mula Maynila upang bisitahin si Vesper, na matagal din nilang hindi nakita.Sinamantala na ni Vesper ang pagkakataong iyon para bigyan sila ng exclusive tour sa kanyang tahanan. Sa nakalipas na isang taon, malaki ang pinagbago ng resthouse ni Michael sa Palawan. Ang noo'y malawak na lupain lamang ay dinarayo na ng mga turista dahil sa iba't ibang amusement rides at attraction na mayroon ang lugar na ito, at tinawang nila itong Wonderfair.Binuksan nila ito sa publiko noong nakaraang buwan lamang pero dagsaan na ang bumibisita rito. Katuwang niya si Michael sa pagpatakbo ng Wonderfair habang si Nathan at ang dalawang bodyguards na sina Robert at Luther ay binigyan nila ng magandang posisyon sa kumpanya."Ate Vesper, maraming salamat sa binigay niyong second chance kay Kuya Nathan, ha. Malaki
LIMANG araw matapos pumutok ang balita sa pagpanaw ni Mavi Villahermosa, nagtipon-tipon ang mga tao sa Starview Memorial Park upang idaos ang memorial service para kay Mavi bago ito ihatid sa kanyang huling hantungan. The service starts at 1:00 PM. Even though Vesper couldn't come because of her gunshot wound, she was able to catch up via video call from Michael's cellphone. She was left alone in her private room but Michael assured that she will be safe while he's not around. He hired extra security to protect her privacy just like what he always did to Mavi before.She has a vision of his silver casket from the video footage as the tribute song played. Parang pinipira-piraso ang puso niya dahil isa 'yon sa mga kanta ni Mavi na kasalukuyang inaawit ng kapwa singer nito. Mas sumidhi ang kanyang emosyon nang marinig niya mula sa video call ang paghikbi ng kanyang anak na nakaupo sa tabi ni Michael."Mamimiss ko po siya kahit saglit ko lang po siya nakitang buhay," malungkot na pahayag
PARANG isang pelikula ang nangyaring pamamaslang kay Dominic sa harap mismo ni Vesper. Masama man ang loob niya sa kanyang ama, naniniwala siyang maraming paraan upang mapagbayaran ni Dominic ang naging kasalanan nito sa kanya at hindi sa paraang ito.Malakas na hagulgol ang pinakawalan ni Vesper habang nanlalaki ang mga matang nakatingin sa malamig na bangkay ni Dominic na ngayon ay naliligo sa sarili nitong dugo. Who on earth could have done this?Well, katabi niya si Michael na kahit may tama ng bala sa kaliwang binti ay nakayanan pa ring manutok ng baril kay Dominic kanina. Ngunit sigurado siyang hindi si Michael ang bumaril dahil malayo ang distansya ng tunog mula sa kanyang posisyon. Idagdag pa ang bala na nanggaling sa likurang ulo ni Dominic na siya namang tumagos sa noo ng matanda. Talagang napaka-imposible.If Michael didn't do it, then there is only one person who could have pulled it off.Huli na nang mapansin niya ang isang lalaki na nakapwesto—ilang hakbang ang layo mula
NATARANTA si Vesper sa nakakabinging tunog na nagmumula sa labas ng bahay at sa lakas n'on ay tila nagpapahayag ito ng kanilang nalalapit na katapusan."Michael, anong nangyayari?!" natatakot na tanong ni Vesper hawak ang magkabilang tainga."Boss, we're screwed up! Natunton tayo ng mga kalaban!" anunsyo ni Robert kay Michael."Well, shit," he cursed out.From his standpoint, Michael quickly took his weapons from the cabinet. "Anong plano mong gawin?" tanong ni Vesper."Ano pa ba? Eh 'di, tatapusin namin sila," Mike answered fearlessly."What? How?"Michael didn't buy time to respond to her questions. He loaded his two pistols with enough bullets and keep some of them as a spare just in case he ran out of shots. Ikinasa niya ang dalawang baril at walang takot na humakbang palabas."Vee, go upstairs. Bantayan mo si Myla," bilin pa nito sa kanya. "Robert, let's take the front. Luther, stay at the backdoor. Siguraduhin mong walang makakapasok na kalaban," utos naman ni Michael sa dalawang
More than eight years ago...MICHAEL woke up in his bed after he underwent another cycle of his chemotherapy this morning. Mas maayos ang pakiramdam niya ngayon kumpara kanina pagkagaling nila ng ospital. 'Yon nga lang, nabanggit ng ina niyang si Miranda na luluwas ito ng Pampanga para pumunta sa burol ng kanilang kamag-anak na namatay, pero ang kagandahan nito ay tinawagan siya ni Mavi kanina para ipaalam sa kanya na bibista ito sa bahay para bantayan siya. Binilin pa nitong huwag sabihin sa kanilang ina ang balak niyang pagbisita dahil surpresa raw iyon.Hay. Miss na miss na niya ang kapatid niyang iyon. Dahil sa Maynila ito nag-aaral ay minsan na lang sila magkita, gayumpmanan, madalas naman silang nag-uusap sa telepono. Ang madalas nilang pag-usapan? Stressful projects and exams at syempre, ang girlfriend nitong si Vesper.They used to talk about her very often. Nagmistula siyang diary ni Mavi dahil lahat ng ginagawa nila ni Vesper ay nababanggit niya kay Michael kaya para na rin n
PINILIT ni Vesper na lapitan si Mavi kahit pa ibig-ibig nang bumigay ng mga tuhod niya. This is not the 'Mavi' she was expecting to see. Gusto niyang humagulgol dahil sa kaawa-awang kalagayan nito.Hindi siya sanay na makita ang taong mahal niya na nahihirapan ng ganito. Panay tusok ng karayom ang magkabilang kamay, at butas ang leeg dahil sa tubong nakakonekta sa ventilator na siyang tumutulong sa kanyang paghinga.Bago pa mawalan ng lakas ang kanyang mga paa, mariing kumapit si Vesper sa side rail ng kama. She took his hand as tears began blocking her vision."Hindi ko inakalang sa ganitong klase ng sitwasyon tayo magkikita, Mavi. Walong taon akong nagtiis nang wala ka. Sa awa ng Diyos, nakabangon ako at napalaki ko nang maayos ang anak natin," she said in pain.Pinalapit niya ang kanyang anak kay Mavi at ipinakilala ito sa pasyente. "This is Myla, siya ang bunga ng pagmamahal natin noon. Siya ang dahilan kung bakit naging matatag ako. Ang dami niyang namana sa 'yo. Kamukhang-kamukha
NATAGPUAN ni Vesper ang sarili na naliligo sa sarili niyang luha dahil sa mga pasabog na binulgar ni Michael sa kanya. Nanggigigil na piniga niya ang hawak na telepono at itinapon sa sahig. "So kung hindi ko pa hinalungkat ang cellphone mo at nahanap ang mga litratong 'yan, hindi ko pa malalaman ang totoong nangyari kay Mavi? Patuloy mo pa rin kaming lolokohin ni Myla, gano'n ba?" she screamed in frustration and disappointment."No, Vee. It's not what it is. Hindi ako umamin sa 'yo dahil umaaasa pa rin ako na isang araw, magigising ang kakambal ko. As soon as he wakes up, he will be able to continue what I've started," Michael replied, denying her accusations."Pero hindi mo maaalis ang katotohanan na niloko mo kami ng anak ko! 'Di mo ba alam kung gaano kasakit sa 'min 'yon? Paano ko ipapaliwanag kay Myla na 'yong totoong daddy niya ay naghihingalo sa ospital at ang lalaking inakala niyang daddy niya ay uncle niya pala! Have you ever thought about that, Michael? Sobrang masasaktan si
MISTULANG matigas na yelo ang lalaking kaharap ni Vesper at hindi makakibo nang isampal niya sa pagmumukha nito ang mga ebidensyang nakalap niya sa cellphone nito. Maski siya'y muntik na ring ma-estatwa kanina. Sino ba namang hindi kikilabutan gayong may posibilidad na ang lalaking katabi niya kanina sa kama ay hindi si Mavi?"Uulitin ko ang tanong ko. Ikaw ba si Mavi?" mariin niyang tanong. Nang wala siyang makuhang sagot ay naitulak niya nang bahagya ang lalaki. "Ano? Bakit hindi ka makasagot? Magsalita ka!""I'm sorry, Vesper—" Naging maagap ang reaksyon ni Vesper dahil sa mga salitang 'yon at isang malakas na sampal ang iginawad niya sa kaliwang pisngi ng lalaki."So inaamin mong hindi ikaw? Kung gano'n, sino ka?!" pasigaw na tanong ni Vesper.Dahan-dahang nag-angat ng tingin ang lalaki at nagpakilala. "I'm Mavi's twin brother and body double. My name is Michael Villahermosa."Nagulantang ang sistema ni Vesper sa narinig niyang rebelasyon. Sinong mag-aakala na ang lalaking plano ni
ONE WEEK LATER...KATATAPOS lang mananghalian ni Vesper at ngayon ay kasalukuyan siyang nakahiga sa kama habang nagbabasa ng libro na hiniram niya kay Mavi. Magmula noong tumira siya rito ay nakahiligan niya ang pagbabasa. It's not like she can go outside and enjoy her time exploring all the tourist spots in Palawan. Hangga't mainit pa ang mga mata sa kanila ng kalaban, wala silang choice kundi magtago at magtiis.Mag-isa lang siya sa loob ng kwarto ni Mavi. Dito na siya natutulog simula no'ng gabi na may nangyari sa kanila. That night was so memorable for her. Ngayon lang niya naranasan ang kakaibang sensasyon na dala ni Mavi, bagay na hindi niya inaasahang ibibigay nito. 'Di siya magsasawang tikman ang katawan nito at handa niyang ibigay ang sarili kay Mavi kahit saan, kahit kailan.Habang nasisiyahan sa binabasang libro, naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone malapit sa kanyang hita. Nang i-angat niya ang comforter ay saka niya nalamang telepono pala ni Mavi iyon. Nasa banyo p